Chereads / Matakot Ka! / Chapter 25 - "Estranghero"

Chapter 25 - "Estranghero"

Nang malalim na ang gabi ay hindi pa rin makatulog si Mang Ben. Nakaupo lamang siya sa higaan natatitig sa sahig. Kinalaunan ay inangat niyang muli ang kanyang ulo at binaling ang paningin sa labas ng selda. Sa kanyang surpresa ay nakita niya ang janitor nakatayo sa may pintuan nila, nakatingin sa kanya.

Janitor: Hindi ka makatulog?

Tanong ng bagong kaibigan ng matanda na may bahid ng bulong, tulog na kasi ang lahat maliban sa kanilang dalawa.

Mang Ben: Anong ginagawa mo diyan? Gabing gabi na ah.

Umalis ang janitor sa kanyang kinatatayuan at nagsimulang magmap.

Janitor: Ganito ang ginagawa ko palagi, naglilinis sa gabi para walang disturbo. Ikaw bakit hindi ka makatulog? May bumabagabag ba sa iyo?

Mang Ben: Kailangan kong makatakas rito.

Janitor: Paano?

Mang Ben: Hindi ko pa nga alam kung paano eh. Sandali lang paano ka nakapasok dito sa loob. Eh diba nakalock yung main gate papuntang mga selda.

Janitor: Baka nakakalimutan mo, janitor ako. Malamang binuksan ko gamit ang susi, may susi ako sa lahat ng gate para makapaglinis ako kahit saan.

Mang Ben: Kahit sa mga selda namin?

Janitor: Oo naman.

Ang sagot na 'yon ng janitor ay nagbigay ngiti sa mga labi ni Mang Ben. Napaisip siya bigla. At hindi nagtagal lumapit siya sa may pintuan.

Mang Ben: Hoi, kaibigan.

Janitor: O bakit?

Mang Ben: Halika. Lumapit ka.

Lumapit naman ang janitor sa kanya.

Janitor: Bakit ba?

Mang Ben: Gusto mong yumaman? Ha? Ano?

Janitor: Ano bang klaseng tanong 'yan? Sino ba ang tao sa mundong 'to ang hindi gustong yumaman?

Mang Ben: Puwes makinig ka....

Habang nag-uusap ang dalawa ay nagkukunwari naman na natutulog si Tolits at sekretong sumilip at tiningnan si Mang Ben at nakinig.

Mang Ben: Tutulungan kitang yumaman. Basta tutulungan mo rin akong makatakas rito.

Janitor: Paano mo ako matutulungan, bakit mayaman ka ba?

Mang Ben: Ganito lang ako pero may tinatago rin akong yaman. May mga ginto at alahas akong nakatago sa basement ng bahay ko galing pa sa mga ninuno at mga mgulang ko. May vault din ako sa loob ng kwarto ko na may lamang pera na nagkakahalaga ng mahigit kumulang na limang milyong piso.

Janitor: Eh paano ako nakakasiguro na totoo ang mga sinasabi mo.

Mang Ben: Puwes samahan mo ako sa bahay ko at ako mismo ang mag-aabot ng mga ito sa kamay mo. Ano?

Napaisip ang janitor sa alok ng matanda.

Janitor: Pag-iisipan ko.

Nagpatuloy sa paglilinis ang janitor sabay sipol. Napaatras naman si Mang Ben at bumalik sa kanyang higaan at tuluyang natulog. Habang si Tolits ay punong puno na ng pawis dilat ang mata sa buong magdamag.