Chereads / Matakot Ka! / Chapter 26 - "Estranghero"

Chapter 26 - "Estranghero"

Kinaumagahan ay biglang bumalik ang lakas at sigla ni Mang Ben. Nakikipag-usap na siya sa mga kasamahan at ngumingiti na rin siya. Hindi alam ng lahat kung bakit siya biglang naging mapagkaibigan maliban kay Tolits. Kung tama ang kanyang hinala, dahil 'yun sa nangyari kagabi kaya biglang nagbago si Mang Ben.

Pinalabas ang mga preso mula sa kanilang mga selda para makapag-ehersisyo at para makapagpahangin na rin. Sa isang open court sila'y nagtipon-tipon.

Preso 1: Ano kayang nangyari kay Mang Ben at biglang nagbago.

Preso 2: Baka may himalang nangyari!

At nagtawanan ang mga bata ni Tolits na nagkukumpulan sa isang sulok ng lugar, nang biglang....

Tolits: Hindi. Hindi himala. Kundi kababalaghan. May kababalaghan na nangyayari dito.

Wika ng sigang si Tolits habang hindi mabasa ang kanyang mukha, napakaseryoso ng larawan niya at nanlilisik ang mga mata habang tinititigan si Mang Ben na masayang nakikipag-usap sa mga kapwa preso.

Habang kanya-kanyang naglilibang ang mga preso, may iba naglilinis, ang iba nagtatawanan, merong nag-eersisyo at may iba palakadlakad lang, nang bigla namang nawala si Mang Ben sa grupo. Umalis siya at pumuntang banyo. Doon nakita niya ang bagong kaibigang janitor.

Mang Ben: Kaibigan.

Unang bati niya....

Mang Ben: Kumusta? Kay ganda ng umaga, hind ba?

Janitor: Parang ang ganda ata ng gising mo ah. Anong atin?

Mang Ben: Hindi na kasi ako makapaghintay sa isasagot mo sa alok ko sa iyo kagabi. Ano na?

Janitor: Paano ka nakakasiguro na papayag ako sa alok mo?

Mang Ben: Kaibigan, alam ko na ang takbo ng isip ng mga tao ngayon. Kayang baguhin ng pera ang utak ng kahit na kaninong tao. Pera ang nagpapatakbo ng mundo maging ng tao.

Napatawa ni Mang Ben ang janitor sa sinabi niyang 'yon.

Janitor: Kung gayon, sige tutulungan kita. Sa isang kundisyon.

Biglang nagbago ang ihip ng hangin. Biglang kumunot ang noo ni Mang Ben.

Mang Ben: Kundisyon? Anong kundisyon?

Janitor: Simple lang naman ang kundisyon ko. Gusto ko sundin mo lahat na ipag-uutos ko at gusto ko wala akong marinig na kahit na anong reklamo mula sa iyo. Maliwanag?

Mang Ben: 'Yun lang pala. Makakaasa ka kaibigan.

At sila'y nagkamay at nagkasundong magtutulungan para makalaya si Mang Ben at para yumaman ang bagong kilalang janitor.