Chereads / Matakot Ka! / Chapter 27 - "Estranghero"

Chapter 27 - "Estranghero"

At sinimulang na nga nila ang plano....

Janitor: Makinig ka. Hindi lang paglilinis ang ginagawa ko. Meron pa akong ibang trabaho maliban sa pagiging janitor.

Mang Ben: Ano?

Janitor: Ako din ang naglilibing ng mga patay na preso. Ako ang naghuhukay, ako rin ang naglalagay ng lupa sa ibabaw ng kanilang mga kabaong. Libre 'yun, alangan naman pababayarin mo pa ang namatay, hindi ba?

Ang sinabing 'yon ng janitor ay nagbigay ng konting tawa sa dalawa.

Janitor: Dito na nililibing ang mga presong walang kamag-anak na naghihintay sa labas. Hindi gaanong malayo mula dito sa bilangguan ang bakanteng lupain na pinaglilibingan ng mga patay.

Mang Ben: Bakit mo ba ito sinasabi lahat sa akin? Ano ba ang koneksyo nito sa plano nating pagtakas ko.

Janitor: Ito ang sagot sa mga problema mo Ben. Kamatayan ang siyang magpapalaya sa'yo.

Mang Ben: Hindi ko pa rin maintindihan.

Janitor: Puwes makinig kang mabuti at isang beses ko lang 'to sasabihin sa iyo.

Inabot ni Mang Ben ang isang susi kay Mang Ben.

Janitor: Ito ang master key. Kaya nitong buksan ang kahit na anong selda o pintuan sa gusaling ito. Kapag tumunog ang kampana ng bilangguan anim na beses pag patak ng alas tres ng hapon, ibig sabihin niyan may namatay na preso at handa na itong ilibing kinaumagahan, pagpatak na pagpatak ng alas sais. Kaya sa parehong araw na marinig mo ang kampana na tumunog ng anim na beses pagsapit ng hating gabi ay lumabas ka mula sa selda niyo at dumiretso kang main gate.

Mang Ben: Paano ang mga nagbabantay?

Janitor: Huwag kang mag-alala sa mga nagbabantay kasi tuwing malalim na ang gabi kung hindi tulog ang mga 'yan eh nagsusugal ang mga 'yan sa isang kwarto na malayo sa main gate. Kaya huwag kang matakot. Pagkatapos mong makalabas sa main gate na ligtas ay pumunta ka kaagad sa morge. Doon tinitembre ang kabaong ng patay habang naghihintay ng umaga. Parating nakasara 'yon. Buksan mo at pumasok ka sa loob. Maglalagay na rin ako ng flashlight sa loob para magamit mo sa kadiliman habang naghihintay kang ilabas kita. Ano, kaya? Kung hindi mo kaya, ngayon pa lang ay sabihin mo na.

Biglang napangiti si Mang Ben sa hamon ng kanyang tagapagligtas.

Mang Ben: Huwag mo akong maliitin kaibigan.