Chereads / Matakot Ka! / Chapter 30 - "Estranghero"

Chapter 30 - "Estranghero"

Isang buwan na naman ang lumipas at wala pa ring kampanang tumutunog. Nawawalan na ng pag-asa ang matanda pero hindi na lang siya kumibo. Nang dumating ang araw na kanyang pinakahihintay, pagkatapos ng tatlong buwan na pagtitiis ay tumunog ang kampana ng bilangguan tatlong beses eksaktong alas tres ng hapon. Nagising ang lahat at nag-usap. Alam kasi nila na may pumanaw na naman sa mga kasamahan nila, pero hindi nila alam kung sino. Napatayo ang nakahigang si Mang Ben mula sa kanyang kama at pumuntang pintuan ng kanilang selda. Napahawak siya sa malamig na rehas ng kanilang selda at napangiti... oras na.

Kaya naman kinagabihan, limang minuto na lang at maghahating-gabi na. Tiningnan niya ang orasan na dala niya nang pumasok siyang bilangguan. Tulog na ang lahat, habang ang mga pulis ay nagkukumpulan sa isang kwarto, nagsusugal maging ang nagbabantay sa main gate ng mga selda. Si Mang Ben naman ay kunwaring natutulog sa kanyang sariling higaan nang sumapit ang oras na kanyang pinakahihintay niya... alas dose na.

Dahan-dahang tumayo si Mang Ben mula sa kanyang hinihigaan at nilagay niya ang kanyang unan sa ilalim ng kanyang kumot para magmukhang taong natutulog lang ito. Pumunta siyang pintuan ng kanilang selda at ipinasok ang susi sa butas at inikot. Bumukas ang pinto. Tuluyan niya itong binuksan at tuluyang lumabas mula sa kanilang selda. Sinara niya itong muli at nilock. Naglakad siya papuntang main gate. Mahaba-haba rin ang nilakad niya at ilang selda rin ang nadaanan niya bago niya narating ang kanyang destinasyon. Nang nakaabot na siya sa dulo ay muli niyang pinasok ang master key sa loob ng butas at inikot. Nakumpirma niya na hindi nga siya niloloko ng janitor dahil bumukas ito. Nagpatuloy si Mang Ben sa paglalakad, talagang sinunod niya ang utos ng bagong kaibigan. Dumiretso siyang morge at pumasok. Sa loob, sa ibabaw ng isang higaan na gawa sa metal kung saan pinapahiga ang mga patay ay nakahimlay ang kabaong ng bangkay. Nagbuntong hininga si Mang Ben bago tuluyang lumapit sa ataol, pilit na pinapakalma ang sarili. Kahit na medyo nanginginig sa takot si Mang Ben ay nagpatuloy pa rin siya sa ngalan ng kalayaan. Binuksan niya ang lagayan ng patay at sumilip, hindi nga nagbibiro ang janitor may bangkay nga na hindi niya kilala at flashlight sa loob nito. Tiningnan niya ang paligid ng loob ng morge at wala doon ang kaibigan na magliligtas sa kanya. Kaya umakyat na lang siya sa higaan at pumasok ng tuluyan sa loob. Sinara niya itong muli gamit ang takip na kinuha niya kanina. Binuksan niya ang flashlight at nagulat siya konti ng makita niya ang mukha ng bangkay na kaharap niya kaya nagdesisyon siyang tumalikod na lamang. At doon siyay naghintay....

Pagsapit ng umaga, saktong alas sais ay nagising bigla si Mang Ben dahil sa biglang gumalaw ang ataol na pinaglalagyan niya. Dahil hindi niya namamalayan sa loob kung umaga na dahil nga sa sobrang dilim ay hinulaan na lang niya na may araw na at binubuhat na ngayon ang kabaong palabas ng bilangguan papuntang sementeryo. At hindi nga siya nagkamali, dahil rinig niya mismo mula sa loob ang dalawang lalaki na nag-uusap na sa tingin niya ay mga pulis.

Pulis 1: Ang bigat naman nito? Parang dalawang tao ang binubuhat natin. Gaano ba kasi kalaki ang nasa loob nito? Buksan nga natin.

Nanlaki ang mata ni Mang Ben sa narinig niya at biglang kinabahan.

Pulis 2: Huwag, ano ka ba? Alam mo bang malas 'yan, hanggang sa labas lang naman 'to ng prisinto. Pagdating natin sa labas ay isasakay din naman 'to sa pick up. Kaya halika na.

Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Mang Ben nang sinimulan nang buhatin ng tuluyan ng dalawang pulis ang kabaong palabas ng gusali.

Sa loob ay ramdam ni Mang Ben na binubuhat na sila hanggang sa ibaba sila sa likod ng pick up para ihatid na sa huling hantungan.

Pagdating sa lugar na paglilibingan ay binaba muli ng mga pulis ang kabaong malapit sa isang hukay. At mula sa loob ay naririnig pa rin ni Mang Ben ang pinag-uusapan nila.

Pulis 1: O ano manong. Ilibing niyo yan nang mabuti ha, diyan lang po kami sa may puno magbabantay sa inyo, medyo mainit po kasi rito, ha. Sige po.

At umalis na nga nang tuluyan ang dalawang pulis mula sa paglilibingan at pumuntang puno na hindi kalayuan para hindi matamaan ng sikat ng araw.

Ramdam ni Mang Ben ang pagbaba ng pinagsisidlan niya at ang pagtapak nito sa lupa. Nakakarinig na siya ng mga tunog sa itaas ng takip. Lupa, lupa ang naririnig niya. Sinisimulan na ang paglilibing sa kanya. Hindi mawala sa dibdib ni Mang Ben ang kaba pero konting tiis lang at makakalaya na rin siya. Unti-unting nawawala ang mga kalabog ng lupa sa ibabaw ng ataol dahil na rin ay tuluyan na itong binabalutan ng lupa. Malapit na at tuluyan nang matatapos ang paglilibing. Halos mag-iisang oras din bago matapos ang paglalagay ng lupa. Nakikimatyag si Mang Ben sa mga nangyari, masyado nang tahimik. Napakatahimik, tanging ang paghinga lamang ni Mang Ben ang maririnig sa loob ng kabaong na tuluyan nang nailibing. Habang sa itaas....

Nilapitan muli ng mga pulis ang naglibing, at inabutan ng bayad.

Pulis 1: Salamat manong ha. Pasensya na po talaga kung naabala pa po namin kayo. Kung buhay lang pa po sana ang janitor namin na dating naglilibing ng mga patay. Sige po, tuloy na po kami.

At tuluyan na ngang umalis ang mga pulis maging ang naglibing mula sa sementeryo. At sa lupang pinaglibingan ng ataol na pinaglalagyan ni Mang Ben sa harap nito ay nakahimlay ang matagal nang patay na janitor ng bilangguan na si Ben Prutacio San Miguel.

Samantala, abang walang kamalay-malay ang kawawang matanda sa katotohanan, ay napansin niya na masyado na siyang matagal sa loob. Naliligo na siya sa sarili niyang pawis, nang biglang may narinig siyang nagsalita mula sa likod niya sa loob ng napakadilim na kabaong na iyon, wika nito: "Bilib talaga ako sa iyo kaibigan. Matapang ka tulad ko, kaya nga ikaw ang napili ko na makasama rito."

Nanlaki ang mga mata ni Mang Ben, pamilyar sa kanyang tenga ang boses na kanyang narinig. Napalunok siya bigla, ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib, mas lalong dumami ang pawis sa kanyang katawan. Binuksan niya ang flashlight na hawak niya para magbigay liwanag sa kanya at dahan-dahan niyang hinarap ang boses na nanggagaling mismo sa likuran niya. At pagkaharap na pagkaharap niya rito, ang ilaw ng dala niyang flashlight ang nagbulgar ng katotohanan na nagpatalon sa puso ni Mang Ben.

Ang janitor na naging kaibigan niya sa selda ay kaharap niya, nakangiti sa kanya.

Janitor: Kumusta kaibigan?

Mang Ben: Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag