Napakaganda ng sikat ng araw. Perpekto para magpicnic sa park, pumunta sa beach at magtampisaw at makipaglaro sa mga alon. Magbike sa loob ng subdivision, magbasketball at magjoyride kasama ang barkada. Maririnig mo ang mga ibon na kumakanta sa mga puno kasabay ng preskong hangin sa magara at mamahaling Atlantica Subdivision kung saan nakatira ang pamilya ni Bogs. Nakahanda na ang lahat. Backpack, DSLR, laptop, Ipad, food, at iba pang kakailanganin ng binata sa kanyang byahe papunta sa outing ng kanyang barkada sa isang malayong probinsya sa Luzon.
Daddy ni Bogs: Bakit ka naman kasi hindi na lang sumabay sa mga barkada mo. Ayan tuloy mag-isa kang babyahe.
Wika ng daddy ni Bogs sa kanya habang kumakain ng breakfast.
Daddy ni Bogs: Buti naman at pinayagan ka ng mommy mo.
Mommy ni Bogs: Hay naku, hindi nga dapat eh. Eh kaya lang, 'tong anak mong napakagwapo alam ang kahinaan ko.
Sagot naman ng mommy ni Bogs habang unti-unting nilalagay ang mga pagkain sa mesa.
Bogs: Mom, dad malaki na po ako okay. I'm fine I can take care of myself.
Depensa naman ng binata sa mga magulang habang tinatapos ang pag-iimpake ng mga gamit niya.
Daddy ni Bogs: Have you heard about your two classmates?
Napatigil bigla ang binata sa kanyang ginagawa.
Bogs: Yes dad.
At muli niyang tinapos ang kanyang paglalagay ng mga gamit sa napakalaki niyang travelling bag.
Mommy ni Bogs: Yah, that's terrible.
Daddy ni Bogs: What can you say about it? Magsasaya kayo ng mga kaibigan mo kahit na may nangyaring masama sa dalawang kaklase niyo?
Bogs: Oh, come on dad. We also have our own lives. Of course, we are sad about what happened, but it doesn't mean we have to stop ourselves in having fun. Right? Dad can we just talk about this once I'm back. Okay? Love you.
Binigyan ng binata ng tig-iisang halik ang mga magulang sa noo.
Bogs: Bye.
Mommy ni Bogs: Mag-ingat ka. Dahan-dahan lang sa pagmamaneho. Ah yaya, pakitulungan naman si Bogs oh. We're still eating pa kasi ng sir mo. Thank you.
Lumabas na ng bahay si Bogs at dumiretso na sa labas ng kanilang bakuran kung saan naghihintay ang sasakyan na gagamitin niya papuntang outing.
Bogs: Manang pakilagay na lang ng bag ko sa likod ha. I'll just start the car. Thanks
Agad na pumasok ang binata sa driver's seat at inumpisahang paandarin ang sasakyan. Ayaw magstart ng sasakyan. Ilang ulit na sinubukan ng binata na paganahin ang makina ng sasakyan pero wala talaga... ng biglang....
Yaya ni Bogs: Sir!
Biglang sumulpot na lang sa bintana ang yaya ni Bogs.
Bogs: Woow! Yaya naman, please don't do that again.
Yaya: Sorry sir. Ahm sir, kailangan niyo po ba talagang umalis?
Bogs: Of course. Why?
Yaya: Next time na lang kaya sir.
Nanginginig ang mga kamay ng kasambahay sa hindi pa nalalamang dahilan. Lumabas si Bogs sa sasakyan para tingnan ang makina ng sasakyan.
Bogs: I have to, okay. I'm fine yaya, no worries.
Hindi pa rin tinitigilan ng kasambahay ang kanyang amo. Hanggang sa bumalik itong muli sa driver's seat para subukang muling paandarin ang sasakyan.
Yaya ni Bogs: Eh kasi sir, hindi kasi maganda ang kutob ko sa lakad niyong 'to eh.
Bogs: Ayan ka na naman yaya ha. Umaandar na naman yang pagkaprobinsyana mo.
At gumana nga ang sasakyan. Nang biglang....
Yaya ni Bogs: Sir!
Biglang hinawakan ng kasambahay ang braso ng kanyang amo. Laking gulat naman ng binata sa ginawa ng yaya niya.
Yaya ni Bogs: Sorry po sir. Sige po, ingat na lang po kayo sa byahe. Patnubayan nawa kayo ng Panginoong makapangyarihan sa lahat.
Bogs: Sige, po. Tuloy na po ako.
At tuluyan na ngang umalis si Bogs papuntang outing. Habang papalayo ang binata sa bahay nila ay tingin siya nang tingin sa side mirror ng kanyang sasakyan. Nakatayo pa rin ang kasambahay nila sa may daan, pinagmamasdan ang pag-alis niya na para bang hindi na siya babalik. Samantala hindi naman maipinta ang mukha ng kawawang kasambahay habang tinitingnan ang sasakyan ng kanyang amo papalayo sa kanyang kinatatayuan. Hindi mapakali ang mga kamay ng matanda, walang tigil ang kakapisil niya sa bitbit niyang pamunas. Unti-unting may namumuong mga luha sa kanyang mga mata. Dahil sa nakita ng hubad niyang mga mata at nakabukas niyang diwa sa likuran ng sasakyan ng kanyang amo, habang papalayo ito. Tanaw niya kahit sa malayo, sa makintab na salamin ng sasakyan.
Isang babae, nakaputi, nakaupo....