Pagkatapos nilang kumain ay lumipat silang sala at doon nagpatuloy sa pag-uusap.
Mang Ben: Saan ba ang punta mo binata?
Bogs: Papunta po ako sa outing namin. Nahuli po kasi ako, kaya heto humahabol. Masyadong malayo po kasi.
Mang Ben: Kabataan nga naman.
Bogs: Mang Ben may itatanong lang po sana ako, kung okay lang po sa inyo.
Mang Ben: Ah, parang mahaba-haba ata ang pag-uusapan natin. Teka lang, magtitimpla muna ako ng tsokolate. Diyan ka lang.
Tumayo si Mang Ben sa kanyang kinauupuan at pumuntang kusina. Kumuha siya ng dalawang tasa, tsokolate, asukal at gatas. Hinalo niya ang mga ito sa mainit na tubig at nilagay ito sa platito. Habang hinahanda ng matanda ang inumin nilang dalawa ni Bogs ay tumingin tingin naman ang binata sa paligid. Mula sa desenyo ng bahay, sa mga kasangkapan na gawa sa purong kahoy at picture frames. Pero may napansin siya sa mga larawan na nagbigay ng konting kaba at panghihinala sa kanyang dibdib. Lahat ng mga larawan na nasa mga picture frames ay may gupit. Na para bang sinadyang ginupit ang isa sa mga tao sa larawan. Hinawakan niya ang isa sa mga picture frames, binuhat ito at tiningnan. Nang biglang....
Mang Ben: Bogs?
Nagulat ang binata at nabitawan niya ang frame at dahil sa napakalakas ng pagkalaglag nito ay nabasag ito sa sahig.
Bogs: Naku pasensya na po....
Unti-unting pinulot ng binata ang mga bubog sa sahig. Nilapag ni Mang Ben ang dalawang tasa na nakapatong sa platito sa ibabaw ng mesa at nilapitan ang binata.
Mang Ben: Okay lang 'yan. Ako na.
Sabay hawak sa balikat ni Bogs....
Tumayo naman ang binatilyo at bumalik sa kinauupuan niya kanina habang nililigpit ng matanda ang kanyang kalat. Pagkatapos magligpit ni Mang Ben ay sinaluhan niyang muli si Bogs sa sala. Sa sobrang takot, gulat at hiya ay hindi na naitanong ni Bogs kay Mang Ben ang tungkol sa mga gupit na mga larawan.
Mang Ben: O, ano na 'yong itatanong mo sa akin?
Bogs: Ah, mag-isa lang po ba talaga kayo dito? Hindi po ba kayo nalulungkot?
Mang Ben: Dati hindi, ngayon oo mag-isa na lang ako. Malungkot oo, dati, pero ngayon nasanay na rin ako.
Bogs: Ano po bang nangyari kung hindi niyo mamasamain?
Mang Ben: Maagang namatay ang asawa ko. Pagkasilang na pagkasilang niya sa nag-iisang anak namin ay binawian siya ng buhay.
Bogs: Eh saan na po ang anak niyo?
Mang Ben: Wala na rin siya. Kinuha rin siya sa akin.
Bogs: Paano po? Ano pong nangyari sa kanya?
Sasagot na sana ang matanda ng biglang kumulog at kumidlat.
Mang Ben: Uulan ata. Kukunin ko muna ang mga sinampay ko sa likod, sandali lang.
Iniwan ng matanda ang binatilyo sa sala. Dahil sa sobrang pagod sa mahabang byahe ay unti-unti na namang nakaramdam ng antok si Bogs. Unti-unting pumipikit ang kanyang mga mata. Nanlalabo na rin ang kanyang paningin at nang tuluyan na nga siyang napapikit ay nagpakita na namang muli ang babaeng nakaputi. Nakaupo, nakaharap sa kanya. Nasa upuan kung saan nakaupo si Mang Ben kanina. Pawis na pawis si Bogs, hindi siya mapakali, may gumugulo sa kanyang isipan. Alam niyang hindi siya mag-isa sa kwartong 'yon. Alam niyang may nakatingin sa kanya. Pilit niyang ginigising ang sarili pero hindi bumubukas ang kanyang mga mata na para bang may pumipigil rito. Galaw nang galaw si Bogs para makagising lang siya pero walang nangyayari. Alam niyang gising siya sa isip pero hindi sa mata.
Bogs: Uh, ah, ahh, uuhh....
Nang biglang....
Mang Ben: Bogs!
Bogs: Aaaahhhhhhhh....!!!!
Biglang dumating si Mang Ben at ginising si Bogs.
Mang Ben: Binabangungot ka. Sige na, pagod na pagod ka na. Kailangan mo nang matulog. Sa ikalawang palapag, lumiko ka sa kanan, unang kwarto, diyan ka magpapahinga.
Bogs: Opo, salamat.
Tumayo naman ang binata kahit na medyo tulala pa rin siya sa nangyari. Binuhat niya ang kanyang mga gamit at pumanhik sa ikalawang palapag.