Chereads / Matakot Ka! / Chapter 9 - "Bisita"

Chapter 9 - "Bisita"

Palala na nang palala ang mga nangyayari. Nakalabas na nang tuluyan si Miriam ng kanilang subdivision. Wala pa ring tigil ang ulan sa kakabagsak. Na para bang sumasabay ang pangit na panahon sa mga kababalaghan at bangungot na nangyayari kay Miriam. Habang naglalakad siyang tulala ay bumalik sa kanyang ala-ala ang mga masasayang panahon na pinagsaluhan nila ni Regina.

Balik-tanaw:

Sabay kung kumain sina Regina at Miriam kapag break time na.

Regina: O bakit ngayon ka lang?

Miriam: Sorry. Umihi pa kasi ako.

Parati silang nagkukulitan kapag silang dalawa lang sa kwarto ni Miriam para mag-aral. Nagkwekwentuhan sila ng kahit ano. Mula sa mga crushes nila sa school....

Miriam: Nakita ko na naman siya kanina.

Regina: Sino?

Miriam: Sino pa eh 'di si Jason.

Regina: Hhhhmmm, ang landi nito.

Miriam: Wow ha. Nagsalita ang malinis. Bakit wala ka talagang natitipuhan sa school maliban sa Bogs mo?

Regina: Wala.

Miriam: Weh? Hindi nga? Wala naman dito si Bogs. Sige na.

Regina: Si Carl.

Miriam: Aaaahhhhh.....eeeeehhhhhhh.....

....hanggang sa mga most embarrassing moment na nangyari sa buong buhay nila.

Regina: Hindi ko talaga makakalimutan 'yung moment noong napaihi ako sa harap ng klase natin noong high school sa sobrang takot ko sa professor natin. Tinawag niya kasi ako tapos wala akong naisagot tapos nandun pa ang crush ko.

Miriam: Ah oo, naalala ko 'yon. Eh ano na lang ako. Nagshopping ako nang bonggang bongga tapos pagdating kong counter ang cash ko kulang, credit card ko naiwan ko sa bahay. Tapos ang daming tao pa noong nangyari 'yon.

Regina: Ah, hahahaha.

Miriam: Hay naku. Grabe.

Sabay silang gumagawa ng assignment sa library.

Regina: Ano nakita mo ba ang book?

Miriam: Oo, eto na.

Sabay silang tumili at sumigaw noong pareho nilang nakita ang result na nakapasa sila sa exam nila. Pumunta sila ng bundok na sila lang dalawa gamit ang sasakyan ni Miriam at nag-inuman nang konti para ipagdiwang ang unang exam nila sa kolehiyo na naipasa nila pareho habang tanaw nila ang buong Maynila mula sa itaas.

Regina: This is just the beginning friend.

Miriam: Tama. Basta ha kahit saan tayo dalhin ng ating mga kapalaran, friends forever pa rin. Walang iwanan.

Regina: Walang iwanan.

Balik sa kasalukuyan:

Patuloy pa rin ang paglalakad ni Miriam at dahil nga nakalipad ang kanyang isip hindi niya namalayan na nakarating na pala siya sa entrance gate ng kanilang paaralan.