ADELA's POV
Natulog akong yakap yakap ko sir. Magkadikit ang hubad naming katawan. Nakadantay ang aking hita sa kanyang katawan samantalang ginawa ko namang unan ang kanyang braso.
Sa ganoong posisyon ay rinig na rinig ko ang bawat pagtibok ng kanyang puso. Pusong sana'y lubusan nang maging akin. Buong buo!
Hinila ng kawalan ang aking diwa na may ngiti sa mga labi ko..
Itong taong katabi ko at yakap yakap ay ang taong pinakamamahal ko.
Tok! Tok! Tok!
"Adela? Adela! Gising na girl!" Narinig kong ingay kaya napamulat ako.
Medyo mabigat pa ang aking mga talukap at nanakit ang aking katawan.
Iginapang ko ang aking kamay sa bahagi ng kama kung saan nakapwesto si sir.
Pero kumot at unan lang ang aking nasagi.
Wala si sir Luke!
Napalingon ako sa tabi ko. Tanging bakas nalang ng kanyang katawan ang makikita sa bahaging iyon.
Nasaan na si sir?
Hubot hubad pa ako kaya kinuha ko ang kumot para ibalot ito sa katawan.
Alam kong may tumatawag sa akin pero wala pa ako sa tamang huwisyo. Medyo napapapikit pa ang aking mga mata. Sa maliit na siwang ng aking mga talukap ay nakikita kong mataas na ang sikat ng araw. Nasisilaw ako.
Kinusot ko ang aking mga mata at umupo sa kama. Nag inat inat.
Nahulog muli ang kumot kaya lumitaw ang aking hubad na dibdib.
Kinuha ko muli ang kumot at itinapis ito ng mahigpit sa katawan ko.
Napatingin ako sa bahagi ng kama kung saan humiga si sir kagabi.
Saan kaya sya pumunta?
'Baka maaga lang nagising' naisip ko.
Wala sa isip ko na ibinukas ko ang pinto para silipin kung sino ang tumatawag sa akin.
Inilabas ko ang aking ulo para makita kung sinuman ang maingay na iyon.
Laking gulat ko nang makita ko sina Isabel at Trina na kasalukuyang nasa harap ng pinto ng aking room.
Muntik na akong makita! Mabuti nalang at kaagad akong nakapasok ulit. Di nila ako nakita.
Gosh! Muntik na!
"Girl! Anu na? Maya maya after breakfast aalis na tayo. Sumunod kanalang sa baba ha." Narinig kong wika ni Isabel. Napangiwi ako.
Kaloka ka Adela! Di ka nag iingat! Muntik ka nang mabuking! Patay ka talaga sa dalawang yan..mga reyna pa naman sila ng mga chismosa.
Naririnig ko na ang mga mahinang yabag ng mga ito sa hallway. Kasalukuyang akong nasa likod ng pinto at pinapakiramdaman sila.
"Nasaan kaya ang babaeng yon. Parang wala sya sa kwarto eh." Narinig kong wika ni Isabel.
"Baka naliligo na girl. Narinig nun tayo. Susunod din yon." Sagot ni Trina.
At pahina ng pahina ang ingat na naririnig ko mula sa kanilang pag uusap.
Nakahinga ako ng maayos.
Muntik na ako dun! Agad akong nagbihis at lumipat sa aking kwarto. Hinanap ko ang akong cp para makita kung may messages si sir sa akin.
Hmmp! Di man lang sya nagpaalam. After nya matikman ang langit sa akin! Chos!
Actually, conservative po ako. Naniniwala po ako na isinusuko lang ang bataan kapag kasal kana sa lalaki. Pero ngayon ko napatunayan na ang prinsipyo mo ay kaagad na natutunaw kapag pag ibig na ang umiral.
Kaagad din akong naligo at iniligpit ang mga gamit pagkatapos.
Para naman di na ako mag aayos nito after breakfast.
Pagbaba ko, nakita ko na ang lahat sa restaurant. Kumakain na ito ng almusal.
Nilinga linga ko ang buong lugar dahil sa hinahanap ko si sir.
Wala sya dito. San kaya sya?
Well, di ko alam. The more na nakakasama mo sya, mas lalo ko syang namimiss eh. Kaya saglit lang na mawala sya sa paningin ko feeling ko months na agad ang nakalipas!
Lumapit ako sa dalawa na laglag ang balikat. Nalulungkot akong di makita ang aking sir Luke.
"Oh girl. Pinuntahan ka namin kanina sa room mo. Di ka nasagot." Bungad na tanong ni Trina.
"Narinig ko. Sa cr ako. Nagseseremonyas girl. Alam mo na bawal maistorbo kapag nagbabawas ng load." Palusot ko. Maya maya ay pasulyap sulyap ako sa gawing kanan,kaliwa at likuran ko.
Waring nahalata ako ni Trina na hinahanap si sir. Kaloka talaga ang dalawang ito, alam na alam ang aking galawan.
Sinimangutan ko sila. Naghalakhakan naman ang mga ito.
Maya maya ay dumating naman ang aking pagkain. Sinangag na kanin plus daing, kamatis at itlog. Sarap!
Kasalukuyan akong sumusubo nang magsalita si Isabel.
"Naunang umuwi si sir. Emergency lang daw sa company." Wika nito.
Nalungkot ako nang marinig iyon. Meaning di ko sya kasabay mamya pag uwi.
Ibinaling ko nalang ang atensyon sa pagkain. Busog na busog ako after.
Inopen ko ang aking cp para icheck ang messages. Wala man lang text si sir sa akin.
Tila nanamlay ako. Pumangit din ang mood ko.
Ewan ko...naiinis ako sa kanya. Ni text na "hi" o "hello" wala!
Napasimangot ako ng tuluyan.
Napansin ito ng dalawa kaya inusisa nito ang dahilan.
Mga tsismosa talaga!
**************************
Hapon na nang makarating ako sa bahay. Kahit papano ay napawi ang aking lungkot nang makita ko si nanay.
Miss na miss ko sya.
Niyakap ko sya ng mahigpit.
Actually, nagiguilty ako kasi kapag nalaman nitong naisuko ko na ang bataan...i am sure magagalit ito. Lalo na at sa taong di ko pa bf.
Nagkakwentuhan kami saglit at umidlip ulit ako after.
Kapagod din talaga ang byahe kahit nakaupo ka lang noh?
Late na ng gabi nang muli akong magising. Kaagad kong binuksan ang cp ko para macheck if nagtext si sir..pero wala!
Wala talaga!
Bigla kong naisip....
May emergency nga palang inasikaso si sir..baka super busy sya kaya di nakaalalang magtext sa akin.
'Masanay kana ngayon palang Adela. Businessman ang future bf mo eh.'
Actually, nung nagpaalam syang liligawan nya ako...muntik ko na syang sinagot ng "oo,tayo na" pero naisip isip ko...pakababaeng Pilipina naman ako ng very light. Patagalin ko naman ng less than a week! Charot!
Kinilig ako. Abot tenga ang pagkakangiti.
Mukha na naman akong engot.
*******************************
Kinaumagahan.....
Lunes. 5 am.
Maaga akong gumising.
Well, alam nyo na.. excited na naman akong masilayan ang pogi kong boss.
Parang akong timang na pangiti ngiting nagbibihis sa harap ng salamin.
Kakatapos ko lang maligo. Nagmamadali kasi ako...sabik na ako makita ulit si future boyfie!! Chos!
Kinarir ko ang paglalagay ng make up. Kelangan maganda ako ngayon. Dapat fresh na fresh later!
Panu ko ba sya babatiin later pagpasok?
Nagmodulate ako ng aking boses at humarap sa salamin.
Nagpacute sabay sabing...
'Hi sir. Kamusta po...ehehehe i mis yah..' sabay kiss kay sir.
Luh! Parang masyadong malandi naman yun.
'Kunwari nalang kaya di ko alam na nakita sya. Tapos bubungguin ko sya at mapapayakap ako sa kanya. Tapos matutumba ako at sasaluhin nya naman ako. Tapos ikikiss nya ako!'
Juskolord! Adelaida Kapinpin! Aga agang kamanyakan na naman iyon!
Hay naku..bahala na later! Basta excited ako makita sya!
Wala pang alas syete ng umaga ay nasa harap na ako ng building.
Ang alam ko, kapag Monday ay super maaga si sir. Wala pang alas otso ay nasa office na ito.
Napangiti ako. Nakaisip ako ng plano kung pano magpacute sa kanya.
Bibilhan ko sya ng kape...
Tapos tatanungin ko sya...
'Sir...coffee, tea or...me?' Tapos magpopose pose ako na mala-FHM covergirl! Charot!
Ang halay! Kaloka ka Adelaida. Kalokohan mo eh.
Papasok na sana ako ng coffee shop...ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay may tila sumulpot na matandang babae na pasalungat sa aking direksyon.
Nagkasagian kami kung kaya nahulog ang dala dala nitong shoulder bag. Tinulungan ko syang pulutin ito at agad ko namang iniabot sa kanya.
"Sorry po lola. Di ko po sinasadya." Wika ko. Napatingin ako sa kanyang mukha. Kahit matanda na ito ay tila mababakas parin na makinis at maaliwalas ang mukha.
'Teka..parang familiar sya?' Bulong ko sa sarili. Parang nakita ko na sya actually pero di ko matandaan.
"Salamat iha..basta lagi ka mag iingat ha. Bago ka sasaya sa pag-ibig...dadaan ka muna sa hirap. Kaya pagtibayin mo ang loob mo." Wika nyang titig na titig sa akin.
Natigilan ako. Halos di ako nakagalaw. Di ko inaasahan ang sinabi nya.
Di ko na namalayang nakaalis na sa harap ko ang matanda. Lumingon lingon ako para hanapin ngunit sa di ko mawaring dahilan... bigla syang nawala.
Kinilabutan ako!
Maligno ba sya?
Napangiwi ako.
Kaagad akong pumasok sa shop at ibinili si sir ng fave nyang kape.
Hays...I miss him so much na.
His hugs...kisses...ang se....
Gosh! Namula ako sa aking naisip.
'Anu na nangyayari sayo Adela? Nagiging mahalay kana!'
Minsan naisip ko na ganto na siguro kapag nakatikim kana? Kapag di kana virgin?
True ba?
Excited akong umakyat ng building na bitbit bitbit ang isang cup ng kape.
Gosh! Di ko pa alam kung pano sya iaaproach!
Nahihiya ako!
Pagbukas ng elevator sa 8th floor ay agad kong nakita si Jasmine sa front desk.
Aha! Lagot sa akin ang babaeng ito. Namimigay ng number ko na walang pahintulot ko.
Buti nalang di sumama ito sa team building dahil kung hindi...nakatikim ito ng araw araw na kurot sa akin.
"Hi sis! Ganda ah. Nakakablooming pala sa Isla Luisa?" Wika nitong ngiting ngiti.
"Tseh! Ikaw ha! May kasalanan ka sakin." Uundayan ko na sana ito ng kurot pero lumayo ito sa akin. Waring alam agad ang aking gagawin.
"Bakit sis anu yon?" Tanong nito na tawang tawa.
"Yung number ko..kung kani kanino mo binibigay!" Sagot ko sabay swipe ng id sa scanner para mag time in.
"Ay..akala ko close kayo eh. Saka super pogi ni Sir Allen kaya. Chusi paba?" Panunudyo pa nitong sabi.
"Tseh!" Sabi ko sabay irap. Humahakbang na ako papasok sa loob nang magsalita siya ulit.
"Girl...andyan na si boss mo. Pero may bisita sya. Super ganda at sexy. Familiar nga eh. Di ko matandaan. Alam ko sikat sya." Wika nito. Actually, si Jasmine ang klase ng girl na walang kamuwang muwang sa showbiz. Di daw ito mahilig sa mga celebrity. Ang kinahihiligan lang nito ay ang pagbabasa ng pocketbooks. Halos lahat nga ng sahod nito ay doon napupunta. Collector sya ng mga ito.
Kinabahan ako sa narinig. Biglang lumakas ang tibok ng aking puso. Di ko alam pero tila hirap na hirap akong humakbang.
Nagpaalam na ako kay Jasmine at mabagal na tinunton ang aking desk na nasa tabi lamang ng pinto ng office ni Sir Luke.
Si Chelsey kaya ang bisita ni sir? Tama! Uuwi sya ngayong month. Pero bakit nandito sya?
Break na sila ni sir diba?
Huminga ako ng malalim.
Kahit idol ko si Chelsey..nawala na ang pagnanasa ko na makita ito at makapag pa autograph. Mas gumugulo sa isip ko ay kung bakit naririto ito sa office ni sir?
Bumigay ang aking pakiramdam.
Nung una ko palang malaman na ex ni sir si Chelsey..ay insecurities agad ang aking naramdaman. Dahil milya milya ang layo ng kagandahan nito kumpara sa akin.
Narating ko din ang harap ng pinto ng office ni sir.
Saglit kong inilapag ang bag ko sa table ko.
Nag ipon muna akong lakas ng loob bago pumasok sa office ni sir.
Napansin kong nakasara ang blinds kaya di ko makita kung ano ang nangyayari sa loob.
'Marahil nag uusap lang naman.' Pangungumbinsi ko sa sarili.
Maya maya ay ipinihit ko ang knob ng pinto para buksan iyon at pumasok. Dahan dahan lamang para di gumawa ng ingay.
Pagkapasok ko ay nagulantang ako sa aking nakita....
Si Chelsey...
Nakaupo sa table ni sir...
Hawak hawak ng dalawang kamay nito ang mukha ni sir....
Magkalapat ang kanilang mga labi.
Tila pinagsakluban ako ng langit...
Agad akong lumabas ng office ni sir.
Puno ng luha ang aking mga mata.
Mabigat ang aking dibdib.
Tila tinutusok ang aking puso.
Di ko namalayang nabitawan ko ang coffee na bitbit ko. Tumilapon ito sa sahig.
Pero wala na akong pakialam. Mabilis kong tinungo ang cr sa pantry para doon humikbi at magmukmok.
Masakit! Napakasakit!
Bakit nya kahalikan si Chelsey?
Nagkabalikan naba sila?
Niloko lang ba ako ni sir para makuha nya ang gusto nya mula sa akin?
Gusto nya lang ba ako at mahal nya si....Chelsey?
Naghanap ako ng isang cubicle at inilock iyon.
Humikbi ako ng humikbi.
Nalalasahan ko na ang pinaghalong sipon at luha..
Maalat pala talaga ang luha lalo na kapag dahil ito sa kalungkutan...
Di ako magkamayaw sa pagpilas ng tissue para punasan ang basang basa kong mukha.
Akala ko masaya na...
Akala ko seryoso sya sa akin...
Sinabi nya gusto nya ako eh...
Sinabi nya yun eh!
Pero bakit nya ako niluko!
Humagulhol na ako ng iyak.
Ang sakit sakit.
Ang sakit sakit malamang....pinaglaruan ka lang ng taong mahal na mahal mo.
Ganito pala kasakit ang first heartbreak!