Chereads / REINCARNATED LOVE (TAGALOG) / Chapter 34 - CHAPTER 33: REVELATION

Chapter 34 - CHAPTER 33: REVELATION

ADELA's POV

"Sir Allen..." wika ko habang nakatitig ako sa maliit nyang mukha.

Napatingin sya sa akin.

Napabuntung hininga ako ng malalim. Naguguilty ako. Hindi ko dapat gamitin ang isang taong walang kasalanan sa akin.

Napakunot noo itong nakatingin sa akin at biglang ngumiti.

"Yes? Anything you want to say? What is it? Don't be afraid. Try me."

Omg! Ang pogi ni Sir Allen. Pero kahit gaano man ito kapogi.

Di ko sya deserve.

Di sya dapat maging rebound lang. karapat dapat syang mahalin ng isang babae. At hindi ako yun.

Hindi ako...kasi kahit gaano man sya kapogi...alam kong never ko syang mamahalin.

Never kasi...

I don't know! Feel ko lang. Feel ko, wala na akong ibang mamahalin after ni Sir Luke.

Napatungo ako saglit at muling tumingin sa kanya.

" Sir. I have to tell you this..." wika ko. Di ko alam kung paano sasabihin. Kasi parang nahihiya ako na parang ...

Ewan ko!

Di ko kaya ang mambasted! Juskolord!

"I am sorry sir but I think ...friends lang ang kaya ko maibigay sayo. I am sorry." Nalungkot ako nang finally ay nasabi ko din sa kanya. Tila lumuwag ang mga daluyan ng hangin sa aking katawan. Nakahinga na ako ng maluwag.

Ngunit namangha ako sa aking nakitang reaction.

Nakangiti at nag-spark pa ang mga mata ni Sir Allen.

Hala! Baliw ba sya? Binasted na, nakatawa pa?

"Sir...okay ka lang po ba?" Nakangiwi kong tanong sa kanya.

"Ahahaha. Gosh Adela! I can't help it! You are so funny!" Tawang tawa na wika nito.

Napakunot ako ng noo.

Anu daw? Anu pinagsasabi nya? Di ko gets!

"Are you thinking that I am courting you?" Sabi nya na saglit sumeryoso at nakatitig na sa akin, eyes to eyes.

Hala! Hindi ba? O assuming lang ako? Nakakahiya!

"Heheh. Hindi po ba sir? Kasi ...uhm nagpapadala at nagbibigay ka ng flowers sa akin. Gusto mo akong makita at makipagdate. Eto...di po ba dinner date ito?" Naguguluhan na talaga ako! Hindi ko magets ang nais nyang sabihin.

Nanlaki ang mga mata nito. At muking tumawa.

Tawang halos rinig na hanggang sa sa kabilang ibayo.

Maya maya ay napakapit ito sa tyan. Nanakit na siguro kakatawa.

Sige tawa pa! Kapag may masamang amoy mamya...sigurado sa kanya galing iyon.

"Gosh! I am sorry Adela. I didn't mean to confuse you. But...I just want to make it clear. I am not courting you...like duh..I am gay." Nabigla ako sa sinabi nito.

Shocks! Bakla sya? Hindi ko naamoy! Hindi ko alam. Wala syang bahid!

"I am a discreet gay. Paminta in tagalog. I maybe a man outside, but I am a woman inside." Nakangiti nitong wika. Kumindat pa.

Shocks! Revelation talaga! Di ko expexted!

Di ko magets bakit may paflowers flowers pa sya?! Anu yun?

"Oh..maybe iniisip mo na nililigawan kita kasi gusto kitang makita? Nagpapadala ako ng flowers? I am sorry for that. The reason na ginawa ko yun is..because I am interested in you!" Sabi nito. Nakanganga lang akong nakikinig.

" Interested ako na maging friend ka. That night when you squeezed my cheeks.. I was amazed! I feel like you are so jolly, friendly and makulit. I like your personality....And you caught my attention. I want to be your friend."

Napakunot noo ako.

Ako? Maging friend? Hala! Nakakahiya! Nag assume na ako tapos ngayon nag effort pa sya para lang gawin akong friend?! Kalurkey!

Wala ako masabi. Natameme ako.

"I am sorry Adela. Maybe you didn't expect that. But to tell you...I am like this..kinda choosy but when I like someone..I am pursuing him or her. So sana..you can give me a chance?" Nakita ko sa mga mata nito ang katapatan sa sinasabi nito.

Gosh! Nakakagulat! Infairness hindi ko sya naamoy ha! Lalaking lalaki talaga!

"I hope...being a gay wont affect your decision. I like you to be my friend Adela. Even mom told me that she likes you."

Laglag panga ako sa narinig. Di ko alam ang sasabihin. Naoverwhelmed ata ako.

"So Adela...ayaw mo ba ako maging friend? Silence means no..". Nakita kong nalungkot ito. Mukhang seryoso ito sa sinasabi.

In my entire life. Ngayon lang ako nakaranas ng gantong eksena. Yung liligawan ka para maging isang kaibigan!

"Why not Sir Allen? Sorry po...shookt lang po ako. Grabe! As in grabe sir. Niligawan mo pa ako para lang maging friend. Nakaka-overwhelmed po ..sobra!" Actually nabunutan ako ng tinik. Hindi ko na sya kailangang ibasted..at magiging friends ko pa sya.

"Saka sir. Di ko po talaga naamoy na bakla ka. As in mukha ka pong lalaki eh. Nacrushan nga po kita eh.." nahihiya kong pag amin.

"Ahahha. Im sorry. I am gay at heart but in fashion...I am not. I still want to look like a man. It is a trend now." Nakangiti nitong kwento. "So, we are friends now?"

"Oo naman po! Super duper happy po ako maging friend ka." Sagot ko. Nakatawa na ako.

Maya maya ay nagbeso kami.

"Actually, I know something about you Adela. You and Luke love each other. Tama diba? Ahahah" Natigilan ako sa sinabi nya.

Hala! Paano nya nalaman?

"Paano nyo po nalaman?" Nakangiwi na ako. Nakakahiya!

"That night in the party. The way you two stared at each other.. full of emotions...spark! So kilig!"

Napatawa ako sa sinabi nya. Di ko akalain na magiging masaya ang dinner date namin. Nagkaroon ako ng bagong kaibigan. At sa pagkakaibigan namin, meron akong magiging accomplice sa aking binabalak.

Mission 2: Magpanggap kaming magjowa para pagselosin si Sir Luke!

Ansaya saya ko!

Pag uwi ko sa bahay ay pailing iling pa ako. Grabe ang revelation ni Sir Allen ha. Nakakaloka!

Atleast! Wala na akong problema.

******************************

Day off ko.

Tanghali na ako nang magising.

Pagcheck ko ng oras ay alas nuebe na pala!

Late narin kasi ako nakatulog kagabi. Andami naming napag usapan kagabi ni Allen.

Yeah! Allen nalang daw itawag ko sa kanya since bff na kami.

Nakakatuwa sya. Ang kulit!

Nagmumog ako at sumilip sa karinderya para makita si nanay. Ngunit paglabas ko ng pinto ay nasa gilid lang pala nito si nanay.

Nagpapapedicure sya.

"Anak, buti naman gising kana. Pagtapos ko ikaw sunod ha. Magpalinis ka nadin,magaling tong si Ate Carmela." Wika ni nanay. Patapos na ito.

Napatingin ako sa nagpepedicure kay nanay. Napatingin din ito sa akin.

Natigilan ako.

Shocks! Bakit parang familiar sya? Parang nakita ko na sya eh.

Ngumiti sa akin ang babae. Makinis ito kahit matanda na. Taray.

Pagtapos ni nanay ay ako naman ang sumunod.

Pumasok naman si nanay sa karinderya dahil dumami ang nagsisidatingan para bumili ng ulam. Mga teachers ng public elementary school na malapit lang sa amin. Mga suki ni nanay.

Niyaya ko ang babae sa loob ng bahay para doon ako linisan ng kuko.

Sa sala naming maliit. Nakakahiya naman kasi magdisplay sa labas habang nagpapapedicure.

Nagsisimula na ito nang magsalita ako.

"Nay, parang familiar po kayo sa akin. Nagkita na po ba tayo?" Pagtanong ko sa kanya. Kasi feeling ko talaga ay nakita ko na sya somewhere.

Tumingin ito sa akin ng makahulugan.

"Buti naman natatandaan mo ako." Ngumiti ito sa akin.

"Ako yung babae sa flowershop at ako din yung nakabanggaan mo sa harap ng Mendez Plaza."

Kinabahan ako sa narinig.

Gosh! Stalker ko ba ito?

Naramdaman kong nagsitayuan ang aking mga balahibo.

Maligno ba sya? Juskolord! Sisigaw na ba ako?

Ilang beses akong napalunok ng laway.

Marahil naramdaman ng babae ang aking biglang pagkatense.

Tensyonado na talaga ako. Di ko kasi alam kung bakit. Pero natatakot ako sa babae.

"Wag kang matakot sa akin. Di ako aswang o maligno tulad ng iniisip mo Adela." Nakangiti nitong sabi sa akin.

"Nandito ako para balaan ka. Mag iingat ka. Sa pagbabalik mo, muli kang magmamahal sa taong minahal mo sa panahong matagal nang nakalipas. Ngunit bago mo makakamit ang ligaya..may panganib kang susuungin. At may magbubuwis ng buhay. Kung sino man yun ay di ko alam. Pero isa lang ang masasabi ko, maaaring ikaw o yung lalaking mahal mo. "

Di ko sya maintindihan. Nakakunot noo lang ako. Di ko alam ang sasabihin. Di ko alam ang sinasabi nya.

Ginagap nito ang palad ko. Pinisil pisil nito iyon.

"Palayain mo ang iyong isipan Adela. Hayaan mong balutin ka ng kawalan. At hayaan matunghayan mo ang iyong past life."

At tila inantok ako pagkatapos nya iyong sabihin.

Nakatulog ako.

Binalot ng kadiliman ang aking isipan.