Chereads / REINCARNATED LOVE (TAGALOG) / Chapter 38 - CHAPTER 37: THE FASHION SHOW

Chapter 38 - CHAPTER 37: THE FASHION SHOW

ADELA's POV

Sunday:

>Launching of CW Clothing

>Fashion Show day.

Halos ambilis lumipas ng mga araw. Ngayon na pala ang show!

Gosh! Ready naba ako? Kanina lang ang final rehearsal namin.

Halos everyday narin ako nagpraktis ng tamang lakad. Pinapanood ko pa ang mga models maglakad sa youtube. Tinry ko gayahin sina Tyra Banks at Naomi Campbell.

Kapag nakikita ko ang video ni Chelsey? Pass! Skip agad. Ayaw ko nga gayahin lakad nya!

Mas magaling naman sina Tyra at Naomi sa kanya.

Actually, namimiss ko narin si sir eh. Dahil sa ang agency namin ang punong abala sa show, busy na busy naman si sir sa pagmeeting sa kung sino sino.

Mula sa events planner hanggang sa sounds and lights.

Gustong gusto kasi ng daddy ni Sir Luke na perfect ang event. Kaya mga sikat na tao ang kinuha namin for the event.

From a famous photographer to the best fashion events director.

Gosh! I cannot! Di ko akalain na ganito kalaki ang event!

At sa Mendez Convention Center pa pala gaganapin. Ang laki ng venue.

Kanina habang nagpa-final rehearsal, nakita ko ang listings ng mga invited na guests!

Mula sa mga sikat na designers, mga famous celebrities, bloggers, rich people at pati ang president!

Gosh! Sana talaga hindi ako magkalat!

Kasalukuyan akong nasa backstage at nasa harapan na ako ng salamin. Nakaupo lang ako. Waiting na ako sa make up artist na mag aayos sa akin.

"Com'on Chelsey? You are the main face of this event? Where are you? You should not be late!" Narinig kong wika ni Dane. Sya ang head designer. Katabi nito ang director ng event. Napapakamot sa ulo ito habang kausap si Chelsey.

Jusko! Sikat lang ang hitad , paimportante talaga ang gusto. Pa-diva ang lokaloka! Asar.

Sa totoo lang, sa ilang beses na nagrehearsal, di man lang umattend ang babaeng yun. Hindi ko nga alam kung alam nya na kasali ako.

Kaloka sya!

30 minutes nalang ay magsisimula na ang event nang dumating si Chelsey.

Tama nga ako. Hindi nya alam na kasali ako.

Kung hindi ba naman sya professional, eh di sana umaattend sya ng rehearsal para alam nya. Di porket sanay na sanay na sya sa pagmomodel eh...

Tapos na akong make upan. At maya maya ay isusuot ko na ang gown ko.

Dalawa ang isusuot ko. Isang pink na gown na punong puno ng crystals tapos isang medyo revealing na ball gown na golden .

Di pa man nagsisimula pero grabe na ang kaba ko. Naghahyperventilate na ako!

* If you don't know, ang CW Clothing kasi ay magcacater sa mga customers mula sa simpleng tshirt o dress hanggang sa mamahalin at bonggang bongga na mga gowns.

May lumapit sa akin na staff at ipinakita ang dalawang gowns na isusuot ko.

My gosh! Ang ganda ganda!

Pinakita din sa akin ang line up ng mga models. Syempre last model to walk si Chelsey. Pero nabigla ako nang makita ko na second to the last ako na maglalakad.

Hala! Kaloka! Lord help me!

Napasign of the cruz ako agad. Pilit na nirerelaks ang sarili.

San kaya si sir? Namimiss ko sya. Sana makita ko sya para naman lumakas loob ko.

Tila dininig nman agad ang aking hiling. Nakikita ko na kausap ng director si sir. Ang pogi nito sa suot na black americana.

Ang Luke ko..ampogi pogi!

Biglang sumulpot ang dalawa kong chismosang besties....si Trina at Isabel.

Kumaway ako at lumapit naman agad sila.

"My God! Ang bff namin sobrang ganda! Talong talo mo sa ganda ang iba jan.." mahinang sabi ni Isabel. Iniwasang marinig kami ng katabing model ko na inaayusan na rin.

"Galingan mo girl mamya ha. Magchecheer kami sayo." Wika ni Trina.

"Girl kakahiya ka. Wag kayong mag ingay..di ito pageant na may points ang crowd favorite." Saway ko sa dalawa.

Maya maya ay umalis nadin ang dalawa.

Muli akong sumulyap kay Sir Luke.

Nakatingin na rin ito sa akin.

And nahalata ko..manghang mangha sya!

Ganda ko sir noh? Titig mo, nakakatunaw eh.

Bulong ko sa sarili.

Few minutes left bago magstart, pumunta na sa harapan sina sir at ang dalawa.

Gosh kabado na ako!

Sinusuot ko na ang unang gown nang lumapit si Chelsey sa akin.

Tiningnan ang sunod kong susuutin na gown para sa finale.

Nakatingin lang ako. Pero nanlilisik ang mga mata nito sa akin.

"Dane! Dane!"sigaw nya. Lahat ata ng mga tao sa backstage ay napatingin sa kanya. Naghuhurementado na kasi ito.

Lumapit sa amin si Dane.

"Please explain everything. I thought I am the main model here and the last walk? Why is her gown better than me? Look at mine! It is so simple!"galit na galit nitong wika.

Kalurkey! Di ko naman kasalanan. Di ako ang namili ng gowns na isusuot.

Lumapit ang isang staff na bitbit ang gown ni Chelsey.

Plain white ito na maraming crystals sa dibdib...at puno ng embroideries sa baba. Kung titingnan sa malayo, mukha nga itong simple.

Kaya pala nag-iinarte. Mas maganda nga naman ang gown ko! Pero di ko kasalanan ha.

"Look Chelsey. You may thought that it is so simple but there is a sur...."di naituloy ni Dane ang sasabihin kasi biglang nagsalita si Chelsey.

"I want hers ...Exchange it! Now!" Tapos nagdabog ito pabalik sa pwesto kung saan apat na mga make up artists ata ang nag aayos sa kanya.

Arte! Arte!

Nagsorry sa akin si Dane. Pero tumango lang ako. Okay lang naman sa akin kahit anu ang suutin. Wag lang masyadong revealing. At basta matapos na ito...

Kabadong kabado na kaya ako.

Muli akong napasilip sa salamin. Satisfied ako sa itsura ko. Ang ganda!

At nasimula na ang show....

Paglabas ko ng backstage...andaming tao!

Gosh!

Pilit akong nagrelaks at naglakad mala-Naomi. Medyo mataas ang slit ng una kong gown. Katulad lang ito ng sinuot kong gown sa party before kaya medyo comfortable na ako.

Nakita ko si sir na nakaupo sa harap. Katabi nya ang dad nya!

First time ko makita ang tatay ni sir...at talagang kamukhang kamukha nya! Kahit matanda na ito, i think nasa 70s sya pero ang pogi din! Parang older version lang ni sir Luke.

Nakita ko ang reaction ng mga tao...syempre gandang ganda sila sa akin...i mean sa gown.

Sina Trina at Isabel..walang tigil sa pagpalakpak.

Nakakahiya ang dalawa! Sila lang ang bukod tanging maingay!

Tumigil ako sa harap ni sir Luke. Titig na titig ito sa akin. Kumikislap ang mga mata.

Gosh! Si sir...mukhang inlababo na sa akin.

Lihim akong napangiti.

Nasulyapan ko din ng malapitan ang ama ni sir Luke. Titig na titig din sa akin. Nakanganga pa nga.

Napangiti ulit ako ng palihim.

Sir, I am Adela...you future daughter in law. Chos!

At lumakad na ako pabalik ng backstage.

Hays! Success! Isa nalang!

Tuwang tuwa akong sinalubong ni Dane. Naamazed daw sya sa una kong performance.

Happy ako sa sinabi nya. Kaya naging relaks na ako.

Agad na binago ang aking hairstyle para bumagay sa suot kong gown.

Pagkatapos...isinuot ko na ang finale ko na gown.

Ball gown din ito.

Gosh! Ang bigat!

"Ah ma'am...bakit po super bigat?" Tanong ko kay Dane.

Kaloka! Parusa sa bigat!

Ito kasing si Chelsey! Dapat sa kanya ito eh.

"Wala tayong magagawa. Ayaw ni Chelsey yan eh. So we have no choice...kundi magpalit kayo...actually mabigat yan kasi may special feature yan as a final gown. Just remember..when the lights out, press this button here."

At itinuro ang nakatagong button sa bandang pwetan.

Ganun pala.

Hayaan na nga!

Lumabas narin si Chelsey after maglakad sa runway.

Pagdaan nito sa harap ko...inirapan pa ako.

Kaloka!

After few minutes ulit....

Isa isa na ulit naglakad ang mga models.

Maya maya ako na naman.

Since mabigat ang gown. Medyo hirap ako gumalaw.

Dahan dahan akong naglakad sa runway. Nasa kalagitnaan na ako nito nang biglang pumatay ang ilaw. Pinindot ko ang button na sinasabi ni Dane...

At....

Gosh! Ang ganda! Ibat ibang kulay ang lumitaw sa gown ko! Super ganda!

Napawow din ang mga manonood. Lahat sila nakatingin sa akin.

Medyo tinamaan ako ng hiya nang maramdaman ang mga titig nila na may paghanga.

Dahan dahan akong naglakad paikot sa runway.

As usual, titig na titig si sir sa akin!

Nakipagtitigan ako ng saglit.

Ahahaha! Si sir...makatitig parang huhubaran ako.

Namula ako sa naisip.

Gosh!

Buti nalang may make up. Hindi mahahalata ang pamumula ko.

Pagbalik ko ng backstage ay nasa bukana lang si Chelsey. Naghihintay ng turn nya.

Umuusok sa galit ang ilong nya!Chos!

Katabi nya si Dane at minumura mura nya.

"Why did't you tell me that there will be something special with that gown?!!!Damn you bitchy faggot!" Atungal nito kay Dane.

Naaawa narin ako kay Dane. Sinasalo nito ang galit ni Chelsey.

Lihim akong natawa.

Ayan girl! Kung di ka nag inarte..eh di sana ikaw may suot nitong gown.

Padabog itong lumabas ng stage..at naglakad sa runway.

Plastic ang hitad!

Pagkatapos nya maglakad ay sunod sunod na kaming lumabas at nagstay sa stage.

Napapansin kong mas maraming tumitingin sa akin kesa kay Chelsey.

Ganda ba naman ng gown ko! May pailaw effect.

Ipinakilala ang mga designers. Ang mga ito ang magiging resident designers ng CW Clothing.

Maya maya ay ibinigay ng host ang mic kay Chelsey.

Nagpasalamat ito sa lahat ng pumunta...

"Thank you everyone for coming. And of course...before i forgot...there is an important thing I want you to know..."

Narinig kong sabi nito.

Ang plastic nya. Kanina lang galit na galit sya.

Tapos ngayon, parang masayang masaya.

"Because guys...I am getting married!"masaya nitong sabi.

Kasal! Kanino?

Kinakabahan ako.

Ayaw ko isiping si Sir Luke. Kundi masasaktan ako ng sobra.

Nagpalakpakan ang mga tao at nagtanong kung sino ang maswerteng lalaki.

Maswerte nga ba talaga?

Parang kinikiliti naman ang malanding babae sa pagtanong ng mga tao.

"Of course...my husband to be is no other than...my handsome Luke Mendez!" Pagsigaw nito.

Nawindang ako sa narinig. Kasabay ng pagsabog ng confetti ay napatakbo ako pabalik ng backstage.

Agad agad na nagbihis ng damit at tumakbo palabas ng building.

Lakad lang ako ng lakad at walang paki sa mga taong tumitingin sa akin.

Ang sakit sakit sa dibdib.

Tulo naman ng tulo ang aking mga luha.

Wala na! Wala nang chance na maagaw ko si sir! Sya mismo ang pumili kay Chelsey!

Iyak ako ng iyak. Di ko na nga alam kung nasaan ako..at saan ako patungo.

Nagtataka narin ang mga taong nakakasalubong ko.

Wala na ako paki sa iisipin nila.

Gusto ko lang mailabas ang emosyon ko! Yun lang!

At makalayo ako sa lugar na ito.

Makalayo at kalimutan si Sir Luke!

Dahil mahal parin pala nito si Chelsey at ngayon ay papakasalan pa!

Ginamit nya lang ako.

Tinikman lang.

Pinaasa!

At walang humpay na tumulo ang aking mga luha.

At tila nakisama pa ang ulan sa aking pagdurusa.

Bumuhos ito.

Okay narin na umulan.

Para di halatang lumuluha ako.

Para di halatang nasasaktan ako!

Naglakad ako ng naglakad. Basang basa na ako sa ulan.

Di ko ramdam ang lamig dahil mas ramdam ko ang sakit.

Sakit ng sugatang puso!

"Bakit sir Luke? Ginawa ko naman ang lahat? Bakit ginanito moko? Ang sakit sakit?"

Ang sakit sakit umasang maging kami. Umasang maging kami uli.

Ang umasang sa pangalawang pagkakataon ay maisakatuparan ang pagmamahalan nina Esmeralda at Bernardo.

Tama nga si Aling Carmela. Maraming pwedeng mangyari. Kasi iba na ngayon. Lahat ng mangyayari ay naaayon sa aming choices ngayon.

And Sir Luke already made his choice. He chose Chelsey...over me...

Akala ko kami na ang forever. Gagawan ko naman ng paraan eh. Pero.....

Wala na! Huli na ang lahat!

Tumigil ako sa paglalakad. Tumingala ako sa langit.

Buti pa ang langit...marunong makidalamhati.

Dinadama ko ang bawat patak ng butil ng ulan nang may marinig akong sigaw. Sigaw galing sa kabilang gilid ng kalsada.

"Adela!"