Chereads / REINCARNATED LOVE (TAGALOG) / Chapter 39 - CHAPTER 38: THE FATE

Chapter 39 - CHAPTER 38: THE FATE

ADELA's POV

"Adela!"

Sa kabila ng ingay ng mga dumadaang sasakyan, narinig ko ang pagtawag sa aking pangalan.

Pamilyar ang boses na iyon. Kilala ko kung kanino nanggagaling.

Basang basa na ang aking kasuotan,maging ang aking mga undies.

Wala na ako pakialam.

Ganun naman talaga siguro kapag may dinaramdam ka. Nagiging manhid ka sa ibang bagay...ang nais mo lang ay mailabas ang sama ng loob.

Dahil kapag mas naipon, baka lalong di mo na kayanin.

Gamit ang aking braso, pinunasan ko ang aking mga mata na nagiging matubig dahil sa mga naipong tubig ulan sa aking mga pilikmata.

"Adela!"

Muli ko pang narinig ang pagtawag sa akin ni Sir Luke. Ngunit patuloy padin ako sa paglalakad.

Ayaw ko syang makita. Ayaw ko syang makausap. Ayaw ko na! Di ko na kaya!

Lalo pang lumakas ang ulan. Nagtatangis din ata ang langit. Halos di ko na nga makita ang daan. At pati mga sasakyan ay di na maaninag. Tanging ilaw nalang ng mga ito ang makikita.

Wala na akong nakikitang naglalakad. Sino ba naman ang maglalakad sa ganitong kalakas na ulan?

Wala! Ako lang...ako lang!

"Adela! Makinig ka naman sa akin." Napalingon na ako.

Nasa likuran ko na si sir Luke. Basang basa narin ng ulan. Humihingal pa ito, marahil sa kakatakbo para habulin ako.

Masakit makita na ang taong ito...na minamahal ko ng sobra ay pagmamay-ari na ng iba.

I have to let him go. Baka makakayanan ko naman.

Nakatingin lang ako sa kanya. Patuloy padin sa pagluha ang aking mga mata pero di na ako humihikbi.

Wala na akong lakas. Wala na.

Humakbang palapit sa akin si sir. Dalawang metro nalang ang layo namin sa isa't isa.

"Please Adela, wag kang maniwala sa sinabi ni Chelsey. Di totoo iyon."

Natigilan ako sa kanyang sinabi.

Is it another palusot nya?

"Okay lang sir. Di mo naman kailangan iexplain sa akin." Sagot ko.

Ewan ko ba..sa tuwing titigan ko sya...agad agad na lumalambot ang aking puso, pati na tuhod.

Ramdam ko na ang panghihina ko. Umupo ako sa isang bench na isang metro lamang ang layo sa akin.

Nakatungo ako habang nakatukod naman ang aking mga kamay at nakakapit sa aking mga tuhod.

"Adela...I have to...you need my explanations...because.." nakita kong lumunok muna ng laway si sir. Sinuklay din muna nito ang buhok na tumatabon na sa kanyang mga mata.

Ngayon ay nakatingin na ako sa kanyang mukha. Naghihintay na tapusin nya ang sinasabi.

Makikinig lang ako.

Wala na ata akong boses.

Tila namamaos na ako.

"Because? Anu sir? Bakit kailangan?"

"Damn Adela! Manhid kaba? Hahabulin ba kita dahil wala lang? Magpapabasa ba ako sa ulan dahil trip ko lang?" Sabi nyang parang nagmamaktol. Nakasabunot na sa mga buhok nito ang dalawang palad.

Di naman ako manghuhula para hulaan ang reason nya diba? Magpapaliwanag daw pero minumura nya naman ako.

Nakatitig lang ako sa kanya.

"I am doing this dahil...dahil.. sh*t! I love you Adela! I really do." Tila nahihiya pa syang sabihin yun.

Di ko alam ang mararamdaman. Parang huli na kasi para sabihan nya pa sa akin.

"Sir..tama na po. Ikakasal na kayo. Mali ito." Sabi ko. Mangid na ata ang aking puso. Nailuha ko na eh.

Ngayon, tinatablan na ako ng lamig.

Paulan pamore! Lagnat sigurado to after ng madramang moment ko na to.

"No Adela. Sinabi nya lang iyon para saktan ka."

Luh? Saktan? Di ko gets!

Nakatingin ako sa kanya na nakakunot noo. Di ko maintindihan. Nakakabobo kaya ang mabasa ng ulan ang bunbunan.

"Dahil alam nyang ikaw mahal ko..mahal na mahal kita Adela. At hindi nya matanggap yun."pagpapaliwanag nito. Parang totoo naman kasi nakikita ko ang sincerity sa mga mata ni sir.

Pero gusto kong hindi magpadala. Madami akong doubts.

"Mahal? Mahal moko? Eh iniwan mo nga ako sa isla! Ni walang Hi o Hello, aalis na ako! Anu yun sir? KKK lang?"

Shocks! Bakit ko pa nasabi ang KKK? Nakakahiya!

(Sa mga nakakaalam, be quiet nalang.)

Napakunot si sir sa sinabi ko. Need ko ibahin ang words ko.

"Totoo naman sir diba. Pagkatapos mo akong ikama,, biglang bigla mo nalang akong iiwan." Wala na ako pride. Need ko na ilabas lahat ng sama ng loob.

"Dahil I have to leave you. Di ko gusto pero kailangan."sagot nya. Sinusuklay suklay na nito ang buhok.

Tila humihina na rin ang ulan.

"Ah, you left me dahil need mo sunduin si Chelsey. Di ba? So mas mahal mo sya. Sinundo mo eh. Ako kasama mo sa kama, aalis kapa. Anu yun?"

Sorry na! Di pala ako magaling sa sumbatan. Mga gusto kong isumbat sa kanya na nasa isip ko, iba na kapag lumabas ng bunganga ko!

Natigilan sya. Well, siguro di nya alam na alam ko.

Tumingin si sir sa akin.

Eyes to eyes.

Ako ang bumawi ng tingin. Umiwas ako.

Yung tingin nya talaga, wala pa syang sinasabi ...gusto ko na sya agad patawarin.

"She blackmailed me. Before she came here, she hired a spy to investigate me. And she learned that we have something. She has our pictures doing something. And She said...she will post it online to ruin your life.. and i can't let that happen."

Laglag panga ako sa narinig.

Tila nanuyo ang aking lalamunan.

Ganun naba kabaliw si Chelsey para gawin yun?

At talagang mga pictures pa namin na umaano...

Shocks! Bigla akong naginig. Kahihiyan talaga kapag pinost nya yun. At malalaman ni nanay!

"So that's the only way para mapigilan sya Adela. Ang layuan kita. Ang iwasan ka." Malungkot nyang sinabi.

"Kaya ba, kahit nilalandi na kita, wala ka man lang reaction? Kahit pinapatawa kita, nakasimangot ka padin? Kahit pick up line, di ka kinilig?"tanong ko.

"Of course I did. Pero pinigilan ko kasi , kapag pinakita ko ang aking totoong nararamdaman, baka di na tayo makapagpigil...at magawa na ni Chelsey ang balak nya na surain tayo."si sir Luke.

"Pero sir,,,ikakasal na kayo eh." Nalilito na ako.

Parang gusto ko na sya yakapin ng mahigpit.

"Bakit naman ako papakasal sa kanya? Eh ikaw ang mahal ko? Ikaw lang Adela at walang iba. Kaya ikaw ang papakasalan ko, hindi sya."

Shocks! Tulo sipon ko sa narinig.

Ganun pala ang kilig kapag sa kanya mo na mismo maririnig.

Namula ako ng sobra sobra.

"Pero..."

Ewan ko. Parang gusto ko pa mag inarte para humaba ang eksena.

"Anung pero Adela. Ayaw mo ba?  Di mo ba ako mahal?" Parang nakAkaawa na si sir. Nagsusumamo ang mga mata nitong nakatitig sa akin.

"Uhmm..mahal sir..mahal na mahal kaya kita. Kaya nga binigay ko sayo ang virginity ko diba?"

Shocks! Ang matabil kong dila. Wala man lang delikadesa!

Sunod sunod akong napalunok ng laway.

Napakamot sa ulo si sir. Halatang nahiya din sa sinabi ko.

Sorry na!

Di talaga ako madramang tao eh!

Nakatungo ako. Nahihiya ako kay sir tumingin.

"Sir...pano na po si Chelsey? Baka magalit po iyon ng todo. Baka ipost nya pa ang pictures natin." Nag-aalala ako.

Syempre noh! Ayaw ko kaya magkascandal!

"Don't worry Adela. Nagawan ko na ng paraan. Habang busy sya sa show kanina..pasimple kong kinuha ang phone nya backstage. At dinelete ko ang mga pictures natin."

Ay sayang! Gusto ko pa naman makita kong magaganda ang mga kuha! Chos!

"Adela..look at me." Ginagap ni sir ang aking kamay at pinatayo. 

Tumayo naman ako. At napatumba pa ako sa katawan nya.

Dumikit ang aming mga basa pero nag iinit na katawan.

Juskolord! May resulta naman pala ang aking pagdrama kanina!

Nagkatitigan kami.

Kilig!

"Adela..."

"Sir?"

"Can I kiss you?" Sabi ni sir na nakatingin na sa akin.

Shocks! Tumulo ulit sipon ko sa narinig.

Agad kog pinunasan ang nagtutubig kong ilong..

At tumango...

Sa isang iglap...

Inaangkin na ni sir ang aking mga labi.

Lumaban ako. Halos kinagat kagat ko pa ang kanyang lowerlip.

Ganun din ang ginawa ni sir. Maya maya ay ipinasok ang dila sa akong bibig.

Ang sarap!

Pagkatapos ng halikan ay kapwa kami naghahabulan ng hininga.

"So Adela...are we now...officially...bf and gf?"

"O-opo sir..." kinikilig kong sagot. Napakagat labi pa ako.

Napangiti si sir pero maya maya ay nagpout ang lips at sumimangot.

"Bf mo na ako pero sir pa din ang tawag mo sa akin?"

Oo nga pala! Nasanay lang!

"Ay sori po."

Napakunot noo ulit si sir.

"I know I am older..but isn't it awkward if you'll say "opo" to me? It hurts my ears, you know?" Sabi ni sir na kunwari nakasimangot pero todo pagapapacute.

Napangiti ako.

Jusko! Parang gusto ko na umihi sa panty sa sobrang kilig!

Boyfriend ko na sya. Pwede ko na syang landiin ng sobra.

Ipinatong ko ang aking dalawang braso sa shoulders ni sir...este Luke.

At ngumiti ako ng pasweet.

Tinitigan ko rin sya. Lumaban din sya ng titigan.

"Luke...uhmm...aaaayyy...I love you."

Nakita ko ang pagingning ng mga mata ni sir. Ganun pala sya kiligin. Sa mata makikita.

"I love you too Adela.."

At muli kaming nagkiss.

Mas matagal.mas mainit. Mas makaputol hininga.

Biglang lumakas ulit ang ulan.

Naramdaman na namin ang ginawa.

Kaya hawak kamay kaming naglakad para pumunta sa pedestrian lane at tumawid.

Ito na ata ang pinakanakakakilig na scene ng buhay ko na umuulan.

Sana forever na kaming masaya.

Ngunit hindi pa pala ito ang ending...

Nakayakap si Luke sa aking bewang habang patawid kami ng pedestrian lane.

Nakatingin lang ako sa kanya.

Sa kanyang lovely eyes, pointed nose at kissable lips.

Ang pogi ng asawa ko! Bf palang pala! Pero soonest ...ganun rin naman ang aming tuloy!

Nasa kalagitnaan na kami ng kalsada nang makita ko si Luke na biglang nanlaki ang mata. Nakatingin sa gawing kanan.

Niyakap nya ako at nagpalit kami ng posisyon.

Nagtaka ako pero saka ko lang narealize nang...

Boooogggg!

Nabangga kami ng isang sasakyan.

Tumilapon kami ni Luke. Ramdam ko ang pagtulo ng dugo galing sa aking ulo.

Ibinaling ko ang aking paningin kay Luke. Isang dipa ang layo ng pagkakatilapon nya sa akin.

Wala na syang malay!

Napaiyak ako. Namamanhid na din ang aking katawan.

Di ko maigalaw ang aking mga paa. Tanging mga kamay nalang ang mAy lakas gumalaw sa akin.

Iniabot ko ang kamay ni Luke.

Nasilip ko din na may gumutulong dugo sa kanyang ulo.

Shocks! Ganito ba kami mamamatay ulit?  Wag naman po! Please po! Ako nalang! Wag po si Luke! Ang mahal ko!

"Luke! Luke...." wika ko nang maabot ko ang kamay nya. Pinisil ko ito.  Nakita ko na may lumapit na babae sa kanya...

At bago dumilim ang lahat sa akin...nakita ko kung sino sya..

Sya si Lolita!

Si Chelsey ay si LOLITA!