Chereads / REINCARNATED LOVE (TAGALOG) / Chapter 37 - CHAPTER 36: GENDER IDENTITY

Chapter 37 - CHAPTER 36: GENDER IDENTITY

ADELA's POV

Sabi ng marami, kapag gusto maraming paraan...

Kaya ngayong Lunes..a week before the fashion show...gagawin ko ang lahat para mapasaakin si Sir.

Kakapalan ko na ang mukha ko!

Hindi ko hahayaang mapunta si sir Luke kay Chelsey. May naipundar na akong pag-ibig kay sir. At sya ang kauna unahang lalaking minahal ko at naka****** sa akin.

Dapat nga panagutan nya ako eh. Panu kung mabuntis ako?

Sana nga... pero hindi. Kakacheck ko lang kagabi. Pasekreto pa akong bumili ng pregnancy kit sa botika. At sa malayo pa ako bumili ha...mahirap na, maraming chismosa sa barangay namin...Baka may makakita at machismis pa kay nanay. So lagot ako! Sinuko ko ang bataan sa isang taong di ko bf...

Kakahiya diba?

Pagpasok ko sa elevator ay si sir Luke agad ang bumungad sa akin.

Tadhana ites! My only Sir Luke! My Bernardo in my past life.

Kikiligin ka talaga noh kung malaman mo na ang taong pantasya mo at pangarap mo ay nakatadhana pala talagang mahalin mo..or maging forever mo! Pak na pak diba?

Medyo dumikit ako kay sir. Di man lang nya napansin na sumakay ako? Gaano ba kalalim ang iniisip nya at tila wala sya sa sarili?

"Pssssst....pssssst." Mahinang mahina lang iyon pero I am sure naman na maririnig ni sir.

Pero waley! Ang lalim ng iniisip nya! Di ko mareach!

Ang sabi ni Aling Carmela...pwedeng mangyari ulit ang nangyari sa pastlife ko...kakalurkey diba? Di na uso yun ngayon...Hello! 2019 na kaya.

Pero wala namang masama kung maniwala eh. Walang mawawala.

Basta naniniwala akong si Sir Luke na ang forever ko! Sya kaya ang laging laman ng panaginip ko!

"Ehem...ehem..." kunwari naglinis ako ng aking lalamunan. Nilakasan ko narin ng very light.

Pero waley! Wala padin epek.

Okay lang kaya si sir? May problema ba sya?

Di na ako nakatiis. Pasimple kong nilapit ang aking kamay sa kamay nya. Dumikit ang aming skin.

Gosh! Electricity shock is real! Chos!

Wala padin sya reaction. Kaloka! Anu to one sided love lang? Ako lang nakaramdam ng electricity tapos sya wala?

Mangid ka sir! Manhid! Asar!

Last resort ko na ang pasimpleng kalabitin ang kanyang kamay.

Gosh! Hayaan na magmukhang malandi! Minsan lang naman! Kelangan eh!

Mukhang natauhan naman si sir. Napatingin ito sa kamay nya na kinalabit ko. Napakunot noo.

Shocks! Baka magalit sya at bigwasan ako bigla! Patay na ang beauty ko!

Maya maya at tumingin ito sa akin.

Suddenly..chos!

Yung mukha nya ay biglang nagbago ng emosyon. From pagkainis into pagka-inlove! Charot lang!

Nabigla lang naman sya.

How i wish inlove sya sakin! Hays!

"Hi Sir Luke. Good morning po.Ang pogi pogi nyo po ngayon." Chance na para magpapansin! Kapalan nalang mukha ko!

Kakahiya! Sa sinabi ko, nagmukha akong malandi! Pero okay na yun, need kong makuha atensyon nya eh.

Nabigla ako sa nakita.

Wait? OMG! Nagblush ba sya? Ahahah. Nagblush talaga sya!

Bigla itong nag iwas ng paningin sa akin.

Inilibot niya ang paningin sa loob ng elevator. Sinuri siguro kung kami lang ang sakay. Kaloka! Malalim nga iniisip nya.

Tapos maya maya ay nagsalita.

"Good morning Adela....you look happy today?"

Kung pwede lang sabihin na super happy talaga ako na makita sya.. ang forever ng pastlife ko at future.

Ay di nga pala kami forever sa pastlife ko. Natigok ako eh.

"Yes sir! I am happy because I see you!" Di ko napag isipan ang sagot na iyon. Tila puso ko na yung nagdikta sa aking bibig. Kaloka noh? Nakakapagsalita narin pala ang puso.

Seryoso syang nakatingin sa akin.

Di ko mabasa ang emosyon ng mga mata nya.

Asar! Wala man lang ningning sa mata nya!

Hindi na sya nagsalita.

Gosh! Parang ayaw nya ako kausap. Isip isip Adela! Mag isip ka ng topic para may mapag usapan kayo!

"Sir ...araw kaba?"

Juskolord! Sa dami ng naisip ko, ang korni pa na pick up line na ito!

Kakalurkey!

Napatingin sya sa akin na nakakunot noo. Di ko alam if tatawa ako sa hiya.

"Araw?hmmm...oh! Like sun?Why?"

Shocks!

Dapat ko pa bang ituloy ang kahihiyang ito. No choice! Nasimulan na eh!

"Kasi sir...kapag andyan ka...natutunaw ako eh..ang hot nyo po eh."

Ahahah. Nakakahiya!

Walang reaction si sir. Seryoso ang mukha. Di na tumingin sa akin.

Slow naman tong si sir... kakainis!

Pick up line? Failed!

Walang epek kay sir!

Maybe? Dapat mas magandang pick up line?

Makapagresearch nga!

Mamya ka sa akin sir Luke! Kikiligin ka sa akin!

Una akong lumabas ng elevator nang bumukas ang pinto.

Nahihiya na nga ako lumingon eh. Pagswipe ko ng id sa scanner napatingin ako kung nasa likod ko pa si sir..

Wala na sya!

Nakita ko syang papunta sa ibang department.

Sad! Akala ko makakaisa pa ako.

Pagdating ko sa aking table. Agad kong binuksan ang cp para magresearch ng panibagong pick up line.

Scroll ako ng scroll pero wala ako mahanap.

Wala parin si sir. Antagal nya naman!

Naghanap ako ang todo hanggang may nagustuhan ako.

Kunwari dadapa daw ako tapos sasabihin ko...kapag nagtanong si Sir kung okay lang ako..."okay lang sir mafall basta sayo ang bagsak ko."

Gandah!

I like it!

Ilang beses ko ata yun pinagpraktisan habang wala si sir.

Maya maya nakita ko na si sir na naglalakad papunta sa office.

Ayan na sya! Sya lang ata yung nag iisang lalaki na sobrang hot kapag nagkalakad!

Gosh!

Bigla kong naisip..may alam kaya uto sa pastlife namin? Sana man lang may idea sya na ako si Esmeralda nya..para naman di ako mahirapan na magpapansin pa sa kanya.

Mukhang wala!! Kasi kung meron, i am sure...sya na mismo ang lalapit sa akin...tapos papakasalan nya ako agad. Chos!

Pagdaan ni sir sa harap ko, bago ito pumasok ng office, ay binigyan ko sya ng pagkatamis tamis na ngiti.

Yung feeling ko, ngiting nakakainlove!

Wish ko lang mainlove sya!

Pero wala syang reaction. Nagsmirk lang sya.

Tipid ngiti ha.

Asar!

Nagkunwari akong busy sa paperworks pero ang totoo, inip na inip na akong tawagin nya ako. Kalurkey! Antagal!

Natapos na ang breaktime; ilang chika na ang napag-usapan namin ng dalawang chismosa na sina Trina at Isabel pero wala man lang paramdamb si sir.

Nakabalik na ako from breaktime. Sinisipat sipat ko sya sa office nya pero

Wala man lang syang pagsulyap sa labas.

Hays! Pasukin ko nalang sya kaya? Pwro bakit naman? Nakakahiya!

Naghintay pa ako. At ilang minuto ang nakalipas. Tinawag ako nito via intercom. Pumasok daw ako.

Gosh! Ready naba ako sa pang Oscar na drama ko? Kalurkey!

Kabado akong pumasok.

Kelangan kong iexecute na parang totoo ang pagkadapa ko!

Seryoso ako sa pag iisip ng way kung paano madapa nang di halata.

Sir ! Tumingin ka!

Tila narinig ni sir ang sigaw ng aking isipan. Sumulyap sya sa akin.

Kaya naman, dali dali akong nagkunwaring nadapa.

Pero mukhang nagkatotoo...sumabit talaga ang aking heels sa carpet..di ko alam kung bakit.

Kalurkey. Ayun..nafall talaga ako.

Juskolord! Sa ngalan ng pag ibig, buwis buhay!

Buti nalang agad na lumapit sa akin si sir.

"Are you okay? You fell! Be careful." Tanong nya tapos hinawakan ako sa braso para alalayang tumayo.

Gosh!

Ayan na naman ang electricity! Ang lakas!

"Yes sir..nafall ako...nafall sayo..." pero iba ang nasabi ko. Kaloka!

Mukhang garapalan na masyado ang sinabi ko.

Nahiya ako bigla kaya bilang pagbawi ,agad akong nagsalita... "charot!"

Di pa ako nakakarecover sa pagkadapa ko nang may nagsalitang intramitida.

Ang haliparot na Chelsey!

"Hi guys! What a scene ha. Some slut here trying to snatch my boyfie."

Panira ng moment!

Eh di sayo na!

Pero di na ako sumagot. Hinayaan ko nalang.

Iiwas nalang ako.

Dati sabik akong makita ang babaeng ito dahil sa idol ko sya,pero ngayon...wag na uy!

Nagpaalam ako kay sir na lalabas na para ibili ito ng kape.

Alam ko naman na uutusan nya lang ako na bumili ng kape kanina kasi halatang inaantok na sya at hawak hawak na nito ang card na pambayad.

Palabas na ako ng pinto nang nagsalita ang hitad na maputlang palaka.

Ibili ko daw ng frappe! Tapos wag ko daw maseduce seduce si sir. Tinawag pa akong SLUTTY!

Pero pinigilan ko nalang ang akong sarili. May respeto pa naman ako kahit papano.

Walang tingin tingin na umalis na ako.

Bumaba ng ground floor at ibinili sila ng kape.

Pagpasok ko sa cafe ay nakita ko si Sir Allen..

Hala! Bakit nandito si sir? At gosh! May kadate syang lalaki!

Nakatalikod sa akin ang lalaki kaya di ko ito namukhaan.

Umorder na ako agad sa barista. Sumulyap sulyap ako sa kinauupuan nina Sir Allen.

Marahil naramdaman nya ang akibg magandang presensya!

Nakita nya ako at tinawag. Pinapalapit nya ako sa kanila ng lalaki nya.

Baklang toh! Ang harot harot! Di man lang sinabi sa akin na pupunta dito at makikipagdate!

Lumapit ako sa kanila. Since close na kami ni Allen, nakipagbeso ako sa kanya. Bff trademark. Charot!

Nakatungo ang lalaki kaya di ko makita ang mukha. Pero parang familiar sya sa akin.

" Friendship, meet my date...Peter. And Peter, meet my pretty bff, Adela." Pagpapakilala ni sir. At tumingin sa akin ang lalaki.

Pareho kaming nanlaki ang mga mata.

Nabigla ako!

"Peter! Oh my gosh!" Wika ko. Nakatakip ang mga palad sa bibig.

"Oh...shit. Adela!" Bigla din wika ni Peter.

Hahahah! Bakla pala sya! Ang crush ko nung college! Ay isang beki!

Namula si Peter. Di nito akalain na magkikita kami sa ganitong situation.

Nagtaka si Allen kung bakit kami magkakilala.

At nagkwentuhan kami. Lahat lahat about sa aming dalawa.

Tawang tawa si Allen. Tawang tawa ako. Nahihiya naman si Peter.

Pero bago ko sila iniwan, sinabi ko na...

"I am happy for both of you..sana forever yan!"

Kaya pala.

Kaya pala kahit maraming may crush kay Peter dati..wala akong nabalitaang naging gf nito.

Kaya pala di man lang nya napansin ang ganda ko!

Pagbalik ko sa office ni sir ay agad kong iniwan sa table nya ang mga pinabili nila.

Di ako tumingin kay ingratang Chelsey!

Kumukulo dugo ko eh.

Nagtagal sa office ni air ang babae ng halos isang oras pa bago umalis.

Ako naman pasulyap sulyap nalang kay sir.

Nawala na nga ako sa mood eh.

Nagseselos ako.

Biglang nagring ang telepono.

"Thank you for calling Mendez Marketing Firm and Agency, this is Adela, how can I help you?"

Sagot ko.

"Hey Adela! This is Dane. The designer..remember? Please come tomorrow at the 9th floor..we will have fittings, and rehearsals as well for the ulcoming show."

"Ah...ooo...okay po sir..ah Ma'am."

Sagot ko.

Shocks! Totoo pala talagang kasali ako sa show! Nakakahiya!

Sana makalakad ako ng maayos sa event!

Excited pero kabado ako? Wala pa man, need ko magpraktis ng bonggang bongga!

Napatingin ako kay sir na busy sa ginagawa.

Hays! Makita ko lang sya.. napapanatag na ako. Sana mapasaya ko sya sa show.

At wag sana ako magkalat!