Chereads / REINCARNATED LOVE (TAGALOG) / Chapter 29 - CHAPTER 28: REVENGE

Chapter 29 - CHAPTER 28: REVENGE

ADELA's POV

Di ko alam kung paano ako nakauwi ng bahay. Ang alam ko lang, patakbo akong lumabas ng building, sumakay ng jeep at pedikab na lumuluha.

At ngayon, nasa kwarto na ako. Nagmumukmok at patuloy pading umiiyak.

Buti nalang wala si nanay nang dumating ako. Dinalaw nya ang puntod ni tatay ayon kay Ate Berta na matalik nyang kapitbahay. Ito narin ang katulong nya sa pagtitinda sa karinderya.

Ramdam kong tila namamaga na ang aking mga mata. Wala narin halos lumalabas na luha.

Teka...bakit nga ba ako umiiyak? Bakit?

Walang "kami" eh.

Di ko sya bf. Di nya ako gf.

'Wala kang karapatan sa kanya Adela! Kaya wag kang umaktong daig mo pa ang asawang nalaman na may mistress ang asawa!' Bulong ng isip ko.

Sa totoo lang, lumaki ako matibay at matatag. Mula kasi nang mamatay si tatay ay kami nalang ni nanay ang naging magkatuwang sa buhay. Dahil sa cancer sa baga ni tatay, halos mabaon kami sa utang. Mabuti nalang at nakakuha kami ng tulong sa gobyerno para kahit papano ay mabawasan ang bayarin namin sa ospital.

Pagkalibing ni tatay, halos walang wala kami. Tumanggap ng labada si nanay sa mga kapitbahay namin. Hayskul palang ako nun kaya kapag naabutan ko si nanay na naglalaba ay tinutulungan ko sya. Awang awa ako kay nanay that time. Kaya itinatak ko sa isip ko na iaahon ko sya sa hirap.

Nag aral akong mabuti. Hinabol ko ang scholarship na maaari kong makuha kapag mataas ang grades ko.

Sabi ko di ako magbbf hanggat di pa ako nakakagraduate.

Nagtapos ako ng hayskul with honors at naging scholar sa college.

Si nanay naman ay nangutang sa bombay ng puhunan para sa balak nitong itatayong karinderya sa harap ng bahay. Sa awa ng Panginoon, tinangkilik ng mga kapitbahay namin ang mga luto nya. Masarap naman kasi talaga magluto si nanay. Nakabawi si nanay at unti unti naming nabayaran ang mga utang. Ngayon ay masasabi kong di kami mayaman pero sapat na ang meron kami ngayon para mabuhay ng maayos at may dignidad.

Huminga ako ng malalim at kasabay ng pagbuga ko ng hangin...isinabay ko narin ang sakit na aking nararamdaman.

Dapat akong maging matibay.

Lumaki akong palaban!

Di ako nagpapatalo.

Bakit ako iiyak? Hindi deserve ni sir ang aking mga luha.

Bumuntung hininga ako ulit.

Kaya ko ito. Ako ang taong lumaki sa madaming hirap at pagsubok..at isa lang to sa mga pagsubok ko...

May biglang tumulong luha sa aking kanang mata.

Agad ko itong pinunasan at ipinangako sa sariling ito ang magiging huling luha na lalabas sa aking mga mata dahil kay sir Luke.

Binuksan ko ang pinto ng cubicle at tumayo mula sa pagkakaupo sa bowl.

I composed myself. Humarap ako sa salamin. Inayos ang nagulong buhok at pinunasan ng maayos ang mukha. Mabuti nalang nadala ko ang aking shoulder bag na maliit at hindi ito naiwan sa office.

Kinuha ko ang aking mumunting make up kit at muling nag make up.

Sa pamamagitan nito ay di na mapapansin ang bakas ng aking pagluha.

Tiningnan ko ang aking sarili. Ginaya ko ang smokey eyes tutorial sa youtube na lagi kong pinapanood. Nahilig kasi akong manood ng tutorial kung paano magmake up.

Ngayon, i have to be stronger, fearless and bolder..

Sir Luke?....di nya ako deserve. Naloko nya ako ng minsan..at buti nalang maaga akong nagising. Mabuti at maaga kong nalaman. Ipaparanas ko sa kanya ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Biglang may sumagi sa aking isipan...

"I like you Adela." Wika ni sir..tila may echo pa itong unti unting nawala sa aking pandinig.

Parang muling lumambot ang aking puso nang maalala ang pangyayaring iyon.

Pumikit ako at pilit nirelaks ang isipan. I have to forget Sir Luke. I have to forget what happened in Isla Luisa.

Hanggang doon nalang lahat. Ibabaon ko sa limot ang pangyayaring iyon. Kelangan ko naring pag aralan kung paano sya maaalis sa aking puso.

Hindi nya deserve ang pagmamahal ko.

Humiga ako sa aking kama. Nakatihaya. Nakatingin sa bubong ng aming bahay. Pinilit kong ngumiti.

'Ganyan Adela. Ganyan! Umakto kang wala lang. Dahil hindi naman naging kayo! Wala kayong label! Sex sex lang ang lahat!' Bulong ng aking isip.

Napakuyom ako ng aking kamao. Yung sakit ay tila napapalitan ng galit.

Galit nga ba?

Ewan ko..pero ang alam ko lang...nais kong gumanti kay sir..nais kong maramdaman nya ang mainlove ng todo at masaktan.

Pero anu gagawin mo Adela?

Anu nga ba?

Natigilan ako. Nag isip.

Bakit kaya hindi mo sya bihagin ng todo. Dapat mainlove sya ng todong todo sayo. Pagkatapos, kapag alam mong inlove na sya...durugin mo ang puso nya. Kailangang lumuha din sya. Lumuha ng sobra sobra. Kailangang maghabol sya sayo.

Bumuntunghininga ako. Sana nga magawa ko. Sana..sana kayo kong mawala ang pagmamahal ko kay sir.

Sana kaya kong maitago ang feelings ko at emotions kapag nasa harap ko sya. Sana...

Tumunog ang phone. May tumatawag pala. Si Trina.

"Hello." Tila namamaos kong sagot sa phone. Pinilit kong maging maayos ang aking boses.

"Hoy girl! Kaloka ka! Okay kalang ba? Nandito ka daw kanina eh..pero bigla kang umalis. Sabi nagmamadali ka. Okay kalang ba? Nag alala kami sayo ni Isabel." Mahabang litanya nito. Sa tono ng boses nito ay halata ngang alalang alala ito sa akin.

Swerte ko sa dalawang ito dahil kahit chismosa sila ay mapagkakatiwalaan naman silang kaibigan. Sila ang unang tumanggap sa akin nang bago pa lang ako sa company.

"May emergency lang sa bahay girl. Pasensya na di ako nakapagpaalam. Pakisabi kay si...sir.. Bukas nalang ako papasok." Wika ko. Hindi ko pinahalatamg malungkot ako nang mabanggit si sir.

"Actually sya nga ang nagsabi sa akin na tawagan ka. Bakit wala ka pa daw..eh nung nagkita kami ni Jasmine sinabi nya na pumasok ka naman daw...umuwi kalang ulit. Anu ba nangyari?" Nagtatakang tanong nya sa akin.

"Ah wala wala girl. Okay na. Bukas nalang ha. Bye na." Sagot ko. Di pa ako ready na iopen ang lahat lahat dito.

Inilapag ko ang cp sa kama at muking humiga.

Maya maya ay tumunog ulit ito. Message alert.

Kinuha ko ulit ang cp at binuksan ito. Dalawang messages nareived ko. Galing kay sir Allen at kay Sir Luke.

Tila may utak ang aking daliri na binuksan ang message galing kay sir Luke.

SIR LUKE: I am sorry for yesterday. Some important thing happened that I need to fix. Are you not coming today? I miss you a lot.

Miss miss mo ang mukha mo.

Pero parang tila kiniliti ang aking puso..

No! No Adela! Wag kang papadala. Isa kalang sa mga flings ni Luke. Sex lang ang habol nya...at kapag nakuha na ay iiwan ka.

Maya maya ay tumatawag na si sir. Hinayaan ko lang ito.

Nakatatlong ulit itong tumawag sa akin.

Tapos nagtext ulit.

Sir Luke: Adela? Are u ok? Isabel told me about what happened to u. I am worrying here. U r not even answering me tru txt or call?

May dumating ulit na isang message nito.

Sir Luke. Com'on Adela. Please talk to me. R u mad at me? πŸ˜”

'Oo galit ako! Galit na galit kasi niloko moko! Pinaasa moko yun pala ay paglalaruan mo lang ako.' Sigaw ng aking isip.

Dinelete ko ang mga messages ni sir. The more na nakikita ko ang mga ito ay lalo akong natetempt na sagutin eto.

Hays! Kaloka!

Inopen ko ang message ni Sir Allen.

Sir Allen: Hey Adela..can I invite u for a dinner tom night? I hope u wont say no. Please!

Di ko maitatangging sweet si sir Allen. Umeeffort sya sa akin ng todo. May paflower pa at dinner samantalang yung isa....naibigay mo na ang lahat...niloko kapa.

Tila sumikip na naman ang aking dibdib.

Bakit kaya di mo bigyan si Sir Allen ng chance? Ipakita mo kay Sir Luke na di sya kawalan sayo. At mapapalitan mo sya ng mas pogi at bata.

Pogi? Last time inamin ko na mas pogi si sir luke eh.

Kaloka!

Bwisit na pusong to...ang hirap turuan!

Sinagot ko si Sir Allen.

ME: Okay po sir. Pwede po ako bukas after work. Pwede nyo po ba ako sunduin sa office?

Message sent.

Napangiti ako. Let's see kung ano ang iisipin at gagawin mo sir Luke bukas kapag nakita mo na kasama ko si Sir Allen.

May nareceive agad akong sagot ni Sir Allen.

Sir Allen:Wow. Thank u! So excited to see u tom.😍😍😍.

Napangiti ako. May papuso pa talagang emoticons.

Pero maya maya ay napakagat labi ako.Naguilty ata ako bigla.

Tama bang gamitin ko si Sir Allen para pagselosin o gantihan si Sir Luke?

Huminga ako ng malalim.

Bahala na!