Chereads / REINCARNATED LOVE (TAGALOG) / Chapter 31 - CHAPTER 30: IMAGINATIONS

Chapter 31 - CHAPTER 30: IMAGINATIONS

ADELA's POV

Breaktime.

Nasa pantry ako, kumakain. Kasabay ko sina Trina at Isabel. Amazed na amazed ang dalawa sa bago kong itsura. Bagay na bagay daw sa akin ang aking make up at ang suot kong damit na pasexy.

Actually sinadya kong di magsuot ng blazer, para ipakita kay sir Luke ang aking kaseksihan. Medyo mababa ang neckline ng aking dress kung kaya kitang kita ang aking dalawang matambok na dibdib.

"Girl, anu nakain mo ngayon at nag iba ka ng pananamit at itsura? Tingnan mo oh, pak na pak! Artistahin ang kagandahan at kaseksihan mo! Naiinggit ako!" Wika ni Trina habang sumusubo ng fried chicken. Actually wala akong baon ngayon, napagkasunduan naming tatlo na umorder nalang sa fastfood. Tinamad na kami bumaba kaya nagpadeliver nalang kami at sa pantry kumain.

"Tseh! Tigilan mo ako girl. Sinubukan ko lang naman magbago ng image...for a change ba." Wika ko. Nakatungo ako. Alam kong magaling manghuli ang dalawa kaya mas minabuti kong iiwas ang aking mga mata para di nila malaman ang tunay kong emosyon.

"Pak na pak ang changes girl! Kanina, napansin mo yung mga lalaki sa ibang department.? Halos laglag panga kung makatingin sa yo." Sabad naman ni Isabel habang nilalasap ang mga daliring nabahiran ng gravy.

"Actually, mamaya may dinner date ako. Pero wag kayo maingay ha?" Pag amin ko sa dalawa.

Agad namang naging seryoso ang dalawa. Basta chika, nagpapanting agad ang tenga. Mga chismosa talaga! Ahahah

Hmm? Aaminin ko naba? Ah! Bahala na. Mas mabuti naring malaman ni sir.

"Sino girl ang kadate mo!" Di makapaghintay na pangungulit ng dalawa.

Napalunok muna ako ng ilang beses bago nagsalita.

"Si Sir.....Allen." Nahihiya kong sabi. Sabay kuha ng piraso ng manok at kumagat. Nakatingin lang sa dalawa.

So ayun, nabigla ang dalawa.

"Omg! Si Sir Allen na super pogi ang kadate mo?" Tumango ako bilang pagkumpirma.

Nag apir ang dalawa na tuwang tuwa. Alam nilang may gusto sa akin si Sir Allen dahil hinahanap ako nung nagpresent ng proposal.

Ang di nila akalain ay may balak pa talaga itong ligawan ako.

Pero bigla ding natigilan ang dalawa at tumahimik na parang asong nabahag ang buntot.

Bog!

"Fuck this vendo! Argh! Shit!"

Narinig kong ingay sa aking likuran. Dahil sa pagkagulat ay agad akong napalingon.

Nasa gawing likuran ko kasi ang pangsosyalin na vendo machine ng mga coffee para sa mga staff na tinatamad magtimpla.

Si Sir Luke!

Anung ginagawa nya?

Bakit pinupokpok nito ang machine?

Magcocoffee ba sya?

Bakit sa vendo?

Maya maya ay nilapitan na ito ng isang maintenance at tinulungan.

Kalurkey! Di marunong si sir!

Akala nya siguro pipindot ka lang at may lalabas nang kape. Ahahah.

Actually, may scanner din ng id ang machine bago ka makakapili ng coffe flavor. At mga employees lang ng Mendez Corp ang pwede kumuha.

So! Alam ko na! Huli ka balbon! Ahahahah!

Pumunta ka ng pantry hindi dahil magkakape ka kundi para sundan ako! Alam ko kayang maselan ka sa kape mo sir Luke.

Tawang tawa ako deep inside.

Nakasimangot na lumabas si sir ng pantry. Sumulyap pa ito saglit sa akin. Matalim ang tinging iyon pero kibit balikat lang ako.

Wala akong pake!

Pagbalik ko ng desk ay nasilip ko na wala si sir sa loob ng office nya. Marahil bumaba siya para bumili ng mamahalin nyang kape.

Muli kong sinilip ang sarili sa salamin. Baka kasi nalusaw na ang make up ko. Dapat fresh fresh lang lagi!

Okay pa naman. Need lang ng kunting powder.

Nagreretouch ako ng make up nang marinig kong tumunog ang aking cp.

Agad ko itong kinuha sa bag at sinagot ang tawag.

Si Sir Allen.

" See you later Adela! I am excited for our dinner." Tuwang tuwa na wika ni Sir Allen sa kabilang line.

Sasagot na sana ako nang makita ko si Sir Luke na paparating.

" Okay po Sir Allen. San po ba tayo magdidinner date?"sinadya kong lakasan ang aking boses para marinig ni sir.

At narinig nga nya! Biglang kumulimlim ang mukha nito at matalim ang titig sa akin habang papalapit ito.

"I reserved some seats in Harbor View resto. I'll pick you up later..okay?" Sagot ni Sir Allen.

"Oh. Harbor View Resto. Okay Sir Allen. Thank you. Bye!" Malakas kong sagot. Sinadya ko pang mas lakasan para rinig na rinig ni sir. Papasok na ito ng office nya.

At pagkarinig nito, napatingin ito sa akin..walang emosyon.

Lihim akong napangiti.

Pero tila nalulungkot din ako.

Gosh! Bakit parang nalulungkot sya?

Bakit parang lumalambot puso ko?

No! No! Adela. Wag ka papadaig sa nararamdaman mo.

Nilayo ko ang aking paningin kay sir. Di na ako muling sumulyap dito.

Gosh! Ang hirap!

*******************************

Maya maya ay nagring ang telepono. Si Sir Luke ang nasa line.

"Adela, come inside." Tipid na sabi ni sir sabay baba agad ng phone. Parang badtrip na badtrip ito.

Pumasok ako agad ng office nya.

"I am looking for the portfolios of all the models from Icon Model Management, have you seen it?" Sabi ni sir habang shinishake ang ballpen nitong hawak hawak.

" I think nailagay ko yun sa cabinet mo sir. Hahanapin ko po." At agad akong pumunta sa cabinet ni sir. Papasok pa ito malapit sa mini kitchen.

Nakita ko ding bigla itong tumayo. Pinindot ang remote kung kaya't nagsara ang automatic blinds.

Tinunton ang pinto at nilock ito.

Bigla akong kinabahan nang makita iyon.

Gosh! Anu ginagawa nya?

Bigla na naman akong naghyperventilate! Kung anu ano na agad ang aking iiniisip.

Pinilit kong maging relaks. Di ako nagpahalata kay sir na naapektuhan ako sa presence nya.

Hinalungkat ko ang laman nito.

"Adela...." kinilabutan ako nang makita ko si sir na nasa likuran ko na.

Juskolord! Relaks Adela! Breathe in! Breathe out!

Tumingin ako kay sir. Nakatitig ito sa akin. Waring nagsusumamo ang mga mata.

"Adela, are you mad at me? Is it because i left you last sunday? I am sorry. I just need to fix something!" Wika nito. Ilang dipa lamang ang layo nito sa akin.

Muli itong humakbang palapit sa akin. Kaya napaisod ako. Napasandal sa pinto ng cabinet.

Gosh! Nagrarattle ako! Pero relaks lang! Relaks! Wag kang papadala sa pang aakit nya Adela!

"Si..s-sir?" Sagot ko. Nakakunot ang noo. Nakatingin ako sa lips nya. Di kasi ako makatingin directly into his eyes.

I can't!

Lumunok ako ng laway bago nagsalita.

"Sir, I said kalimutan napo natin kung anung mayroon tayo sa Isla." Muntik na akong mautal pero I composed myself.

Gosh! Ang hirap!

"Kaya ba makikipagdate ka ngayon kay Allen? Bakit? Ayaw mo na ba sa akin? Akala ko ba exclusively dating na tayo?" Tila naggagalaiti na si sir. Nakakuyom na ang palad nya at nagtatagis ang bagang.

Ngayon ko lang sya nakita ng ganto.

Sa mga mata nya ay makikita ang halo halong emosyon. Galit, pagsusumamo at waring nasasaktan.

"Sir, i told you, kalimutan na natin ang anumang pinag usapan natin sa isla." Nakatungo na ako. Ayaw kong makita ang mukha ni sir. Unti unti akong nanlalambot.

" You are unfair Adela. I thought you like me! And I was so fucking insane to believe that! ....why? What happened? Why are you choosing Allen over me? Is it because he's younger? Or because of wealth? I can give you money as much as you want! Just tell me!" Medyo pasigaw na sabi ni sir. Di ko namalayang tumulo ang aking mga luha.

Pak!!!!

Nasampal ko sya.

Sinalo nito ang mukhang nasaktan habang nakatingin sa akin.

"So ganun pala tingin mo sa akin sir? Mukhang pera? Kaya ba pinaglaruan mo ako? Kaya ba, inilihim mo sa akin kung bakit ka umalis! Na sinundo mo ang ex mo? Hindi nga pala ex...hindi nga pala kayo nagbreak." Nakahikbi kong sagot. Di ko na napigilan ang aking emosyon.

"Niloko moko sir..niloko mo ko! Ngayon, isa na ako sa mga babaeng pinaasa mo lang. ginamit tapos kapag nagsawa ay itatapon nalang!...wala akong paki sa yaman mo. Kahit gaano ka man kayaman....akala ko iba ka. Isa karin palang matapobre na ang tingin sa aming mahihirap ay gold digger!" Sunod sunod na tumulo ang aking mga luha. Nagbreakdown na ako.Magwowalk out na sana ako nang hinawakan nya ang aking braso.

Nagpumiglas ako pero lubhang mas malakas si sir.

Di ko namalayang hinalikan nya ako.

Wala na akong nagawa.

Madiin ang halik at mapusok. Pero maya maya ay naging gentle na ito.

Wala akong emosyon. Nakatulala na ako. Di ko alam ang dapat na maramdaman. Nalilito ako.

"Wala na kaming relasyon ni Chelsey. Please believe me....Please Adela...be mine. Please promise me that you won't entertain others bukod sa akin. Please." Nagmamakaawang pagsumamo ni sir.

Pero naging matibay ako. Mas pinili kong maging matibay.

"I'm sorry...." at tinanggal ko ang kamay nya sa aking braso. Inayos ang nagulong damit.

Nasa pinto na ako para lumabas ng office nang muli akong magsalita...

"Kalimutan na natin na may namagitan sa atin. Let's be friends nalang." Wika ko. Sabay pagtulo ng luha at humakbang na ako para lumabas ng pinto.

"Adela....?" Si Sir Luke.

Paanong nasa harap ko sya? Ilang dipa lang ang layo?

Gosh! Nanaginip ako ng gising!

"Are you okay? Nakita mo na ba ang portfolio?" Nakakunot ang noo ni sir.

Agad kong iniabot ang porfolios kay sir at lumayo.

Kaloka! Akala ko totoo na!

Imaginations lang pala!