Chereads / REINCARNATED LOVE (TAGALOG) / Chapter 32 - CHAPTER 31: THE PAINFUL KISS

Chapter 32 - CHAPTER 31: THE PAINFUL KISS

ADELA's POV

Gosh!

Ang hirap pala magalit kay Sir ng face to face! Nanghihina ang tuhod ko!

Paano ba naman kasi, yung titig nya na parang hinuhubaran ka ay sapat na para maihi ka sa kilig, manghina ang tuhod at manginig ang laman.

Kalurkey!

Compose yourself! Breathe in! Breathe out!

Tila may rayumang umupo ako sa chair ko.

Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili.

Juskolord! Sana makaya ko ang lahat!

Nakakaloka, tingin pa lang ni Sir ay parang gusto ko na sya agad patawarin...hindi pa nagsosorry ha!

Feeling ko namawis ako kanina. Kung anu ano ang tinatakbo ng isip ko kaya pati imaginations ko ay nakakaloka nadin. Gising pa pero nananaginip na.

" ....wala na kaming relasyon ni Chelsey...please believe me!..."

Hays! Sana nga di nalang imaginations ang lahat. Sana sinabi nalang talaga ni sir na walang SILA!

Muli akong nakaramdam ng lungkot.

Nakakalungkot na ganito na ang nagyayari sa amin ni sir..

Parang masaya yung simula...yung di pa nya alam na mahal ko sya..yung kilig kilig lang lagi.

Hays!

Napabuntunghininga ako.

Maya maya ay tiningnan ko ang schedules ni sir.

Next

week ay mukhang magiging napakabusy nya. May big event ang Mendez Corporation.

Nakakamangha talaga business venture ng Mendez Group of Companies. Halos lahat na ng field kung saan sila pwedeng kumita ay pinasok na...from marketing, banking, building construction, airlines at mall chains at kung anu ano pa.

Napakasipag talaga ng ama ni Sir Luke. Kaya naman lalo itong binibiyayaan ng swerte.

Speaking ng big event, maglalaunch nga pala ng sariling brand ng clothing line ang mall na pag aari ng Mendez Corp. at ang marketing agency namin ang napiling magmarket ng campaign at promotions.

Busy ako sa pagnonotes sa meetings calendar ni Sir Luke nang di ko namalayang nasa harap ko na pala sya.

"Adela...." narinig kong wika ni sir.

Kaya pala....bumango bigla ang paligid!

Pasimple akong suminghot at napapikit.

Gosh! Gosh! Wala na ngang cash, wala pang bigash! Gash gash pa ang puy*sh!

Di ko mapigilang mapangiti nang maalala ang motto ng isa naming kapitbahay. Ganun lagi ang sinasabi nito kapag walang perang uwi ang asawang nagwowork sa construction. Maririnig nalang namin minsan ni nanay na nag iingayan ang halos isang dosenang anak ng mga ito.

Ganun talaga siguro kapag walang pera at mahirap na mahirap. Wala silang tv o radyo o kahit anumang pwede paglibangan kaya gawa nalang sila ng gawa ng babies. Kaloka diba!

Eh si nanay, malambot ang puso, kapag may tirang ulam, lagi nyang binibigyan ang mga ito.

Di ko namalayang nakangiti na pala ako. Nawala sa isip ko na nasa harap ko pala si sir.

"Adela...." muling pagtawag sa akin ni sir.

Bigla akong napatayo nang bumalik ako sa aking huwisyo.

"Yes sir? What do you want?" Seryoso kong tanong. Kunwari maldita ako.

Pero sana sabihin nyang....IKAW! Ikaw ang gusto ko Adela! I want you more...more than Chelsey!

In my dreams!

"Come with me Adela. Today is the GO-See of the models for next week's fashion show,to launch CW clothing line." Wika ni sir.

Oo nga pala! Nakalimutan ko na. Kaloka. Masyado na pala akong naging concentrated sa paghihiganti ko kay sir at nakalimutan kong gawin ang aking trabaho. Si sir pa tuloy ang nagpa alala sa akin.

Sinabi sabi ko pa kasing LET'S BE PROFESSIONAL kanina. Di ko naman pala kayang panindigan!

"Ah oo nga po. Cge po." Agad kong sagot.

Muling pumasok si sir sa office nito may kukunin lang daw.

Ngayon ang GO-SEE ng mga models para sa fashion show. Ang alam ko may isang famous na model na magiging main model at face ng clothing brand na ilalaunch.

Natigilan ako. Napaisip.

CW?

Chelsey Wilson! Oh...now I know kung bakit ito bumalik sa Pinas..hindi lamang para balikan ang bf kundi may trabaho ding gagawin.

Kaya pala...

Di ko alam. Pero tila nalungkot ako.

Maya maya ay nasa harap ko na ulit si sir. Nakatingin sa akin.

Ramdam ko ang aking pamumula.

Adela! Namumula ka na naman. Umayos ka!

Pinilit kong maging normal sa harap ni sir.

"Let's go." Seryosong wika naman nito at nagsimula nang maglakad.

San kami pupunta?

Sa 9th floor. Naroroon ang studios namin para sa mga shoot ng ads, pictorials at iba pa. At ngayon dun din gagawin ang Go-See.

Excited ako kahit papaano. Gusto ko rin makakita ng mga models.

Minsan ko naring pinangarap na maging model dati eh.

Wala akong imik na sumunod kay sir.

Kahit sa elevator ay tahimik lang ako.

Minsan may pasimpleng sulyap si sir sa akin. Pero binabawi kapag titingnan ko sya.

Awkward!

Well, manigas ka! Kasalanan mo ang lahat! I hate you!

Sigaw ng utak ko.

Pero I HATE YOU nga ba talaga?

Ewan! Ewan! Galit ako!

Sinadya kong sumimangot para makita ni sir. Pero umiiwas na ito ng paningin.

Nahahalata ko din na parang gusto magsalita nito pero di nito magawa. Puro lunok lang ng laway...

Pagdating namin sa studio kung saan gagawin ang go-see ay nakita ko ang mga naggagandahan at hindi masyado na mga models.

Kaloka! Mas maganda pa ako sa ibang mga models na narito.

Gumana na naman ang pagkalaitera ko.

Marami pala ang nasa panel ng mga pipili ng mga models para sa show.

Bukod kay sir, nandoon din ang stylist, photographer, head consultant ng clothing line, President ng mall chains, dalawang resident fashion designers.

Tarush!

Biglang lumapit sa amin ang isang baklang designer nang makita kaming paparating.

"Oh my...Luke! I miss you. It's been awhile huh." Sabay beso nito kay sir.

Mukhang kaclose ng baklita si Sir.

Maya maya ay napansin kong nakatingin sya sa akin.

Kaloka ha! Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa.

Bigla akong nahiya sa mga tingin nito. Pagkatapos ba naman ako tingnan ay napataas kilay nito at nagpout ang lips.

Tapos baling kay sir...

"Who's this girl behind you? A model?" Napagkamalan pala akong model. Kaloka!

Napangiwi ako. Napatungo ako.

"Nope, Dane, she's my secretary." Sagot ni sir sa bakla.

Napatango tango ito at muling sumulyap sa akin.

"Infairness, you have a taste. I thought she's one of the models for the go-see. She is fit for the show though.." wika nito tumalikod na para pumunta sa upuan sa harap ng runway stage.

Di ko nasilayan ang reaction ni sir sa sinabi nito since nakatalikod si sir.

Maya maya pa ay pumunta na kami sa mga upuan.

In a bit, magsisimula na ang audition.

30 Models ang isa isang pumasok at naglakad sa harap namin.

May mga short interviews din na nangyari.

At 15 lamang sa mga ito ang kukunin.

At...30 minutes nalang ay uwian na.

Makapagpahinga na rin. Mukhang napagod ako kahit nanood lang ako.

Sinulyapan ko si sir. Busy ito sa pakikipag usap sa mga baklang designer.

Siguro nag uusap ang mga ito kung sino ang nakapasa sa callback.

Naglakad lakad ako sa area. Lumapit ako sa board kung saan nakapin ang mga pictures ng models.

Tiningnan ko ang mga beauty shot nila.

Infairness, may mga iilang lutang na lutang talaga.

Hays..someday magiging model din ako. Mas sikat pa sa Chelsey na yan. Chos!

Pangarap lang naman pero wala talaga ako plano. Alam ko namang di ko madadaig si Chelsey.

Sa puso pa nga lang ni sir ay talo na ako.

Kalungkot diba? Yung feeling mo na di kapa lumalaban pero talo kana!

Napatingin ulit ako sa pwesto ni sir. Busy parin ito sa pakikipag usap sa mga designer.

Ngunit napansin kong biglang tumingin sa akin ang dalawang designers.

Tapos sumunod narin si Sir.

Hala! Patay na! Bakit sila nakatingin sa akin.

Binawi ko na ang tingin sa mga ito. Nahihiya ako sa mga tingin nila.

" Hi Adela. I am Dane." Tapos iniabot sa akin ang kamay ng baklang bumeso kay sir kanina.

Ngumiti ako.

"Hello po.."medyo naiilang kong sagot.

Naweweirduhan ako sa paglapit nito.

"Do you have any experiences in modeling? Are you interested to audition?" Bigla nitong wika. Nanlaki ang aking mga mata,laglag ang aking panga sa narinig.

Lumapit narin sina sir Luke at ang isa pang beki.

Gosh! Ako? Magmomodel!

"Ay hindi po sir..ay ma'am. Wala po ako alam sa ganyan." Nakangiwi kong sagot.

Bumilis narin ang tibok ng aking puso.

Napatingin ako kay sir. Nakatitig sa akin. Di ko mabasa ang kanyang emosyon.

"You know what girl...just give it a try. Umakyat ka nga sa stage and then lumakad ka from there going here." Wika nito.

Gosh! Wala na ako nagawa.

Wala rin akong narinig kay sir na anuman.

Sinunod ko na lang si Dane.

Naglakad ako ayon sa pagkakasabi nito.

Ginaya ko ang lakad ni Chelsey sa mga fashion show nya dati na napanood ko.

Nakatitig lang si sir sa akin. Medyo nakauwang ang mga bibig.

Oh di ba sir? Kaya ko din ang ginagawa ng Chelsey mo!

Paglapit sa kanila ay umikot ako na may pafierce look habang nakatingin kay sir.

Nakita kong biglang nag apir ang dalawang beki.

Mukhang tuwang tuwa sa nakita.

Pagbalik ko sa kanila...

"I like her Luke. Let me borrow her for the show okay? "Wika nito kay sir na tuwang tuwa at muling bumaling sa akin.

"Be ready ha? Pag aralan mo lang lagyan ng kunting pilantik ang lakad mo at perfect kana!" Wika nito.

"Di ba Luke?"

Tumango lang si sir. Di man lang nagsalita.

At tila magkahalong emosyon ang aking naramdaman.

Excited na natatakot!

Ako? Magiging runway model?

My gosh! I can't!

*******************************

"Hey Adela, nandito na ako sa entrance ng building." Wika ni sir nang sagutin ko ang tawag nito.

"Ay okay po sir..wait me nalang po. Pababa na ako." Wika ko at kinuha ang bag.

Nakita kong lumabas narin si sir Luke. Uuwi na rin siguro ang playboy na kumag.

Tamang tama! Makikita nya na sinundo ako ni sir Allen!

Pinauna ko syang maglakad. Ilang metro lang ang layo ko sa kanya habang nakasunod.

Dalawa lang din kami sa elevator nang pumasok kami.

Awkward!

Maya maya ay bumukas ang elevator . Ground floor na.

Pinauna ko ulit si sir lumabas.

Hays! Ang kumag na ito, kahit likod, pogi padin. Asar!

Nasa lobby na kami palabas nang makita ko si Sir Allen. Nasa labasan ito at naghihintay.

Gosh! Ampogi pala talaga! At batang bata. Tisoy na tisoy ha!

Chance ko na ito para gumawa ng eksena para asarin si Sir Luke!

Nag ipon muna ako ng lakas ng loob at kumaway kay sir Allen.

Naglakad ako ng mabilis para lampasan si Sir Luke.

Dapat makita nya ang pagsundo sa akin ni Sir Allen!

Tamang tama, may pabouquet ng flowers si Sir Allen.

Napangiti ako.

Perfect!

Ilang dipa nalang ang layo ko sa kanya ng napalingon ako sa nagkakagulong tao sa may entrance. May mga hawak hawak ang mga ito na cp at pinagkakaguluhang picturan ang isang babae.

Maya maya ay hinawi ito ng mga guards ng building.

Si Chelsey!

Narinig kong tinawag nito si sir na palabas narin.

"Hi babe!" Ngiting ngiti nitong tawag. At paglapit nito kay sir

ay kiniss ito sa lips!

Tila sumakit ang aking mga mata sa nakita. Bumigat ang aking dibdib.

Napalingon si sir luke sa akin after ng kiss. Agad kong binawi ang paningin.

Sakit pala ng harap harapan!

Paglapit ko kay Sir Allen ay iniabot nito sa akin ang bulaklak.

Pero wala akong naramdamang saya.

Masama ang aking pakiramdam. Gusto kong sumabog at umiyak!

Ang sakit sakit!

"Adela..are you okay?" Tanong ni Sir Allen.

Tumango lang ako at bigla ko syang niyakap.

I know, nabigla si Sir Allen, pero naramdaman ko ding gumanti ito ng yakap sa akin.

Ewan ko! Bigla ko lang naisip gawin. Parang I need energy. Gusto ko ng may makapitan at masandigan dahil sa nasaksihang kiss na yon.

Pasimple akong tumingin ulit kay sir...

Nakatingin ito sa akin....sa amin!

Waring nagbabaga ang mga mata. Nanlilisik!

Makulimlim ang mukha.

Napangiti ako.

Pero agad ding nawala ang aking ngiti..nang makita ko si Chelsey na niyakap ang braso ni sir at inihilig ang ulo nito sa balikat.

Kumawala na ako sa yakap kay Sir Allen nang makita kong naglakad na palayo papunta sa parking ang dalawa.

Marahil papunta ang mga ito kung saan naroroon ang kotse ni sir.

Napatiim bagang ako.

Maya maya ay inassist na ako ni Sir Allen para pumasok sa kotse nyang mamahalin.

Nagiguilty man pero I need to do this.

Kahit masakit...

Sana mapatawad ako ni Sir Allen in case malaman nya na ginagamit ko lang sya.

Wala akong imik nang tinutunton na namin ang way papuntang restaurant kung saan kami magdidinner.

Hindi ako excited.

Hindi ako masaya.

Nagagalit ako.

Nagseselos!

Kung pwede lang umuwi nalang sana ay ginawa ko.

Pero nakakahiya naman kay Sir Allen.

Dapat ko na bang kalimutan si Sir Luke?

Dapat bang ibaling ko nalang ang pagmamahal ko kay Allen?

Pero deep inside ay alam ko ang sagot.

Wala akong ibang gusto...

Wala akong ibang mahal...

Kundi sya lang.

Sya lang...

Si Sir Luke lang!