Chereads / REINCARNATED LOVE (TAGALOG) / Chapter 33 - CHAPTER 32: SACRIFICE

Chapter 33 - CHAPTER 32: SACRIFICE

LUKE's POV

"Why did you do that Chelsey!" Pagalit kong puna kay Chelsey.

"Why did you kiss me infront of so many people? Without even asking if I am okay with it!"

Nagagalaiti ako. Di ko inaasahan na hahalikan ako ni Chelsey kanina nang palabas na ako sa building.

Kasalukuyan na kaming nasa loob ng sasakyan ko para komprontahin sya.

"What's the big deal with? You are my bf and I am your girl..it is normal." Pagpapaliwanag nito na nakangiti pa. Wala man lang ito pakialam sa reaksyon ko.

"We were..but not anymore. We broke up many years ago since you left me." Mahinahon ko nang sagot sa kanya. Napatiimbagang padin ako. Nakakuyom ang mga kamao na nakapatong sa manibela.

"Of course not Luke. That's why I am here honey. I want you back. I want to continue what we have before." Hinahaplos haplos na nito ang aking braso habang nagpapacute.

"Com'on Chelsey. I already moved on. I forgot everything about you, about us. Let's stop this." Pagsusumamo ko sa kanya.

"You can't Luke. I love you! And i know...you still love me honey. Let us start a new life again,together." Nagsusumamo nitong wika.

"I am sorry. But I don't love you anymore. I have someone already in my heart. So please, stop it. Let's be friends nalang. That's all I can offer." Seryoso kong tugon sa kanya.

Mula nang dumating ito ay muli na namang nagulo ang buhay ko.

Nais nitong makapagbalikan sa akin. Pero umayaw ako.

Ayaw ko na ,kasi alam kong may mahal na akong iba. At naconfirmed ko lang ito ng tuluyan nung linggo sa isla.

Mahal ko na si Adela.

Mahal na mahal!

Pero ngayon, di ko ito magawang sabihin sa kanya.

Mahirap dahil kapag ginawa ko, masisira ang buhay nya.

[FLASHBACK]

Isla Luisa. Sunday. Early Morning.

Nagising ako sa tunog ng aking cp.

Dahan dahan akong gumalaw para hindi magising si Adela. Nakayakap ito sa akin.

Pagtingin ko sa screen ng phone ay nakita kong tumatawag si Chelsey.

I pressed the end call button at pumikit ulit. Ngunit nagkamali ako, ilang beses ko mang paulit ulit na gawin iyon, paulit ulit lang na tatawag sa akin ito.

And I received a text message from her.

From: Chelsey

Answer my call or you'll see yourself in the internet with your new girl. She is your secretary right? Do you want me to let the world know who's on you r bed right now, do you?

If you wont come here in airport and pick me up, I will post all these captured photos from an agent I hired to spy you.

At nagsend ito ng picture namin ni Adela sa dalampasigan....kung saan may namagitan sa amin.

Fuck! Fuck! Damn you Chelsey.

Muling nagring ang aking cp.

Agad akong lumabas para kausapin ito.

"Damn Chelsey! What do you want from me?" Galit kong sagot na medyo pabulong. Madaling araw palang at baka may makarinig pa sa akin.

"You! Luke. I want you back!" Madiin ding sagot ni Chelsey.

"Chelsey, we are done! We were...several years ago. Set me free!" Sagot ko sa kanya. Nangigigil na ako.

"No Luke. I know you still love me. You are just confused right now." Pamimilit nito.

"Stop it Chelsey. I don't want you back in my life anymore. Let go of me!" Parang hopeless na ako.

Bago ito umuwi few weeks ago ay ilang beses nitong tinry na makipagbalikan. Tawag ng tawag. Text ng text pero di ko sinasagot.

Marahil nakalimutan ko na sya kung gaano ko sya minahal dati. Marahil dahil sa tulong ni Adela..mas kilala ko na ang aking puso at ang nilalaman nito.

Pero nagkamali ako...iba na pala ang tinatakbo ng utak ni Chelsey ngayon. Hopeless na itong maging kami ulit. Di ko alam, pero parang may iba na sa ugali nya ngayon. Ibang iba!

At ngayon, naghired pa talaga ng isang tao para lang masundan ako. Malaman ang ginagawa at kung sino ang taong minamahal ko ngayon.

And I will do everything just to protect my girl. Si Adela...I love her. Alam kong sa mga unang araw ay nalilito ako sa feelings ko sa kanya. Pero ngayon, alam ko na.

Kung kelan handa na ako magmahal muli...at magpakaseryoso ay saka naman nagbabalik sa buhay ko ang babaeng ito.

Kung kelan handa na akong panindigan si Adela ay saka naman nagkaroon ng balakid.

"So ayaw mo na ba talaga? Okay. Tomorrow, expect the unexpected. Your secretary will be a star of intrigues...a simple poor lady is now a living Cinderella. And the big deal is...she stole my prince." Wika nitong tumatawa pa. At in-end din nito agad ang call.

Damn!

Mukhang nababaliw na ang babaing ito!

I can't let her ruin Adela's life.

I don't want Adela to suffer.

Alam kong malakas sa tao si Chelsey. Millions ang mga baliw na baliw nitong fans. At sa isang simpleng post lang nito sa social media ay manganganib si Adela.

And I will do everything to keep her safe.

Naibato ko ang phone sa galit.

Fuck!

At nang pinulot ko ito ay sirang sira na at hindi na mapakinabangan.

To keep Adela safe... I need her to push away from me.

Di ako nagparamdam kaya siguro ito nagalit.

Sinundo ko si Chelsey nang araw na iyon ng linggo. Nagpahatid ako sa Manila gamit ang private plane.

Di narin ako nagpaalam pa kay Adela that time. I don't know kung ano ang sasabihin.

I am sorry Adela. Just wait for me until I settled everything. I love you.

[PRESENT]

At kanina, sinabi nitong maging friends na lang kami.

Labis labis akong nasaktan. Pero kelngan kong magpanggap na hindi. Baka kasi kapag nalaman nito ang totoo ay ito na mismo ang maglapit ng sarili nito kay Chelsey.

And I don't want that to happen.

Kaya....

Kahit masakit...kahit mahirap...I have to.....let her go...

Kelangan ko muna syang layuan kahit ilang metro lang.

At para ito na mismo ang maglayo ng sarili..I did not explain anything.

Hays. Maaaring galit na galit ito ngayon sa akin. And I am very sorry to give her pain.

"Really Luke? Dahil ba andun ang babaeng iyon kanina? That flirt girl na after mong ikama ay may iba na namang lalaking kalantari. At mayaman din. That gold digger slut. Sya ba ang ipinagmamalaki mo sa akin? Tell me!" Nag aapoy na ang nga mata nito.

"You don't know her. Please stop this Chelsey. Please." Hinawakan ko ang kanang kamay nito at hinaplos haplos, baka sakaling mahimasmasan ito at hayaan na ako.

"I am sorry honey. Pero kung di ka mapapasakin. Mas mabuting pareho kaming mawala sa buhay mo ng babaeng yan."

Natigilan ako sa narinig. Ganito naba ito kabaliw at tila kayang gumawa ng mga bagay na maaaring ikapahamak ng sinuman maging sarili nito.

I composed myself. Saglit na nag isip.

"Okay Chelsey. I'll drive you home. Give me time to think about it. And don't do anything...just give me time." Wala na ako choice kundi sabihin yon. Just to pamper her emotions.

Alam kong masyado na itong emotional. Dapat ko muna syang ipagrelaks. Baka sakaling magbago pa ang isip.

Pagkahatid ko sa kanya sa condo nito ay may huli pa itong sinabi.

"Think wisely honey. You don't know what I can do just to have you back." Sabay kiss nito sa aking pisngi.

Pagbalik ko sa kotse ay halos di ko alam ang gagawin.

Mahal ko si Adela. Pero I should let her go. Para di ito mapahamak.

Kanina narinig kong sa Harbor View sila magdidinner ni Allen.

Napagpasyahan kong silipin sila doon.

Pero mali ako.

Lalo lang akong nasaktan sa nakita.

Ang taong mahal ko ay di ko kaya man lang lapitan at sabihin mahal ko sya. Kaya ngayon, maaaring maagaw pa sya ng iba.

Umalis din ako agad sa lugar na iyon. Labis akong nasasaktan sa aking mga nakikita.

If it is for Adela's sake...I can sacrifice my happiness...even though it is so painful.