Chereads / REINCARNATED LOVE (TAGALOG) / Chapter 27 - CHAPTER 26: CONFESSION

Chapter 27 - CHAPTER 26: CONFESSION

ADELA's POV

Di ko namalayang dinala ako ng aking mga paa sa dalampasigan. Madilim na at ang tanging maririnig ay ang huni ng mga ibon, insekto at hampas ng alon. Nasa dulo ako ng baybayin na malapit sa batuhan kung saan matatagpuan ang mga villas.

Tanging ilaw lamang ng buwan ang nagpapaliwanag sa pwesto ko ngayon.

Hinubad ko ang akong suot na sarong. Isinapin ko ito sa buhangin at umupo ako dito.Dinama ko buhaghag na buhanginan at nilaro laro ito. Ramdam ko ang init nito...at tila nakakarelaks ang texture nito. Ibinaon ko sa buhangin ang aking dalawang kamay.

Napabuntunghininga ako. Ang daming gumugulo sa aking isip. Nalilito ako.

Masyadong mabilis ang pangyayari. Masaya ako na may namagitan sa amin ni sir ngunit tila may bumabagabag sa aking kalooban.

Hindi pala natatandaan ni sir ang pangyayari. Kanina, parang gusto kong di nya ito matandaan pero nung naconfirm ko na hindi nga...nalungkot ako. Parang sinasabi ng aking puso na dapat alam nya... at malaman ko kung ano ako sa kanya. May puwang ba ako sa puso nya o isa lamang sa nga flings nya.

Dapat bang malaman ni sir? O ibabaon ko nalang sa limot?

Biglang may tumulong luha sa aking mga mata. Parang ang bigat ng aking pakiramdam. Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko ito.

Nawala ang aking pagkabirhen sa isang taong di ko alam if mahal ako. Sa taong di ko karelasyon.

Naging mapusok ba akong masyado? Masyado ko bang minahal si sir na handa kong iaalay ang lahat pati pagkabirhen ko para lang sya sumaya?

Ang hirap pala ng ganitong pakiramdam. Mahal mo ang isang tao pero kailangan mong itago. Kasi, di ka naman nya kayang mahalin.

'Di ka nya magugustuhan Adela. Kaya wag ka nang umasa. Sino kaba? Isa ka lang secretary. Wala kang maipagmamalaki. At sya ay galing sa mayamang pamilya. Lupa at langit ang sitwasyon nyo. ' sigaw ng aking utak.

Muli kong naramdaman ang sunod sunod na pagpatak ng aking mga luha.

Dapat ko nga sigurong ibaon nalang sa limot ang lahat at umaktong walang nangyari.

'Kasalanan mo rin Adela. Ginusto mo ang lahat. Kaya ikaw ang magsuffer mag isa. Nagpadala ka sa tukso. Wag kang umasa nang kapalit.'

Tumayo ako. Umikot ikot sa aking pwesto..naghahanap ako ng maliliit na bato.

Dinampot ko ang isang maliit na batong aking naapakan at inihagis ito sa dagat.

Ilang beses ko itong ginawa. Tila sa bawat pagtama at paglubog ng bato sa tubig ay nawawala ang bigat ng aking kalooban. Nagiginhawaan ako.

Muli akong umupo. Idinantay ko ang aking baba sa aking mga tuhod at niyakap naman ng aking mga braso ang aking mga binti.

Nagmuni muni ako habang nakatitig sa reflection ng buwan sa dagat.

Sa di kalayuan ay makikita ang mga mumunting ilaw mula sa mga bahay sa main land. Napansin ko din ang mga ilaw sa naglalayag na yate. Marahil may mga turistang parating na sakay nito.

"Ehem...can I sit beside you?" Bigla kong narinig sa aking likuran. Sa boses palang nya, alam ko na kung sino. Walang iba kundi si Sir Luke!

Juskolord! Tila naghahyperventilate ako. Tila sumikip ang aking dibdib at hindi ako masyado makahinga.

Tumingala ako sa kanya. Lumunok muna ako ng laway bago nagsalita.

"Ah okay lang po sir." Nahihiya kong tugon. Umayos ako ng upo sa buhanginan. Tila bigla akong nanlamig kaya sinuot kong muli ang sarong na isinapin ko kanina.

Iniwasan kong tumingin kay sir at ibinaling na lang ang paningin dagat.

"Adela...are you okay?" Tanong ni sir. Sa gilid ng aking mata ay nakikita kong nakatitig ito sa akin.

"O..okay lang po sir." Tila may bumara pa sa aking lalamunan ng sinabi ko iyon.

'Sir..hindi ako okay. Hindi ako okay kasi mahal kita. Hindi ako okay kasi di mo ako mahal. Hindi ako okay kasi alam kong mamahalin nalang kita forever ng palihim. Hindi ako okay kasi alam kong never kang magiging akin.' Sigaw ng aking utak.

Di ko namalayang may tumulong luha sa aking kaliwang mata. Mabuti nalang medyo madilim kaya di mapapansin ni sir ang pagluha ko.

Ngunit ang di ko napigilan ay ang pagsinghot ko. Nanunubig na kasi ang aking ilong kaya di ko na ito matiis.

Napalingon muli si sir sa akin.

"Adela...I am sorry for last night." Wika nito. Sa toni ng boses nito ay malalaman mong bukal sa loob nito ang paghingi ng sorry.

"Sir..okay lang po. Naghingi na po kayo ng sorry kanina diba. Saka po, secretary nyo ako. Part po yun ng job ko." Wika ko kay sir. Di ako sumulyap sa kanya. Ayokong makita nya ang aking mga mata.. baka di ko maitago ang aking emosyon.

"Isa lang ba akong trabaho sayo Adela?" Di ko inaasahang marinig iyon.

Napatingin ako sa kanya na nakakunot ang noo.

Tumingin di si sir sa akin. Nagkatitigan kami.

Gosh! Nakakatunaw ang mga titig nya!

Ako ang sumuko sa titigan namin. Yumuko ako.

"Anu po ibig sabihin nyo sir?" Tanong ko sa kanya kasi di ko maintindihan ang sinasabi nya. Ayoko kong mag isip.

"Have you ever look at me differently, not as your boss but as someone..." ramdam ko ang titig nya. Titig na tila lalong nagpapabilis ng pagtibok ng aking puso.

"Special.." huli nyang sambit.

Bigla akong napatingin sa kanya. Nagtatanong ang aking mga mata.

Gosh! Alam ba nya ang feelings ko about him?

Nataranta ako. Di ko alam kung ano ang isasagot. Tila umurong ang aking dila. Nanuyo ang aking lalamunan.

"Adela...Alam kong may nangyari sa atin last night. I am sorry kasi inabuso kita. I am sorry kasi lasing ako at di ko agad naalala." Wika ni sir. Nagsusumamo ang mata nito. Ramdam ko ang malalim na emosyon ni sir.

Lalo akong nashocked. Di ko inaasahang alam nya pala.

My gosh! Anu sasabihin ko?

Think Adela! Think! Think!

"Sir...lasing ka.Nakainom din po ako. Marahil, dala lang po yun ng espiritu ng alak. Kalimutan nalang po natin yun." Sabi ko sa kanya. Pero di talaga iyon ang nais kong sabihin.

Hays! Ang hirap! Nauutal ako. Di ko na makontrol ang aking utak. Tila sasabog ako.

Magcollapse kaya ako kunwari sa harap ni sir. Himatay kunwari para maiwasan ko ang pag uusap naming ito?

"Maybe we were drunk..pero di ko magagawa yun sa kung sino sino lang..lalo na if she is not someone as special as you to me."

Nabigla ako. Natigilan ako. Napatitig ako kay sir. Nakakunot ang noo.

Gosh! Di ko sya magets!

Pero yung puso ko ay mas doble pa ang pagkabog.

"Special? What do you mean?" Nanginginig kong wika kay sir.

"Manhid kaba Adela?" Tanong ni sir. Lumunok muna ito ng laway at muling nagsalita.

"The first time i saw you, iba na ang epekto mo sa akin. Ginugulo mo ang utak ko. Everytime I see you na may kasamang ibang lalaki, nagagalit ako. Nagseselos ako! Gusto ko ako lang ang kinakausap mong lalaki. Sakin kalang ngingiti. Sa akin ka lang ..dahil... I lo..I lo...I like you." Mahaang litanya ni sir. Sunod sunod ang pagsinghap ko. Tila nauubusan ako ng hangin.

Hangin please! I need air! Gosh!

Natulala ako sa sinabi nya.

"Pero mali sir. Secretary mo ako, boss kita. Anu nang ang sasabihin ng ibang tao?"wika ko. Itinusok ko ang hintuturo sa buhangin at gumuhit guhit.

"Adela, kapag gusto mo ang isang tao..walang requirments doon. Kasi kusa mo nalang mararamdaman yun.maybe last time, I was confused kaya sinusungitan kita. Pero ngayon, alam ko na....I like you Adela." Sabi ni sir.

Gosh! Tila lumundag ang puso ko sa sinabi ni sir.

Pero...I like you? Sapat naba iyon para matuwa ako?

Gusto nya ako. Malaki ang difference ng gusto sa mahal.

Sa gusto, maaring marami kayo.. pero sa love ...iisa lang..ikaw lang.

Mahal ko sir. Sya lang at wala nang iba..

Di ko alam ang dapat maramdaman. Pero sa pagkakatabong ito...sinabi ni sir na gusto nya ako. Masaya na ako.

Tama na siguro yun sa ngayon. Kasi yung gusto pwedeng lumago ng lumago hanggang sa ibigin nya ako.

Maya maya ay naramdaman kong kinuha ni sir ang kaliwa kong kamay. Kinapitan ito at pinisil pisil ng kanyang dalawang kamay.

Sa bawat pagpisil na iyon ay tila may kuryenteng dumadaloy sa akin. Unti unting nagigising ang buo kong pagkatao.

Umiinit ang aking pakiramdam.

"Adela...i like you...i like you so much..do you like me?"wika ni sir.. napalunok akong muli sa tanong nya..

"Yes sir...i like you.." sagot ko. Nahihiya pa ako sa pag aming iyon.

"Pwede ba kitang ligawan Adela?" Nabigla ako sa tanong ni sir. Pero sa totoo lang. Kinilig ako ng sobra!

Meaning! Gusto nya akong maging gf? Oh my gosh! Oh my gosh!

Pero sa kabaliwan ko at pagkatabil...di ako nakapag isip bago nagsalita..

"Liligawan nyo pa po ako pero nakuha nyo na ang virginity ko."

Oh my gosh! Adela! Bakit mo sinabi yun! Kakahiya!

Nakita kong namula si sir...di sya makatingin sa akin.

Namula naman ako ng bongga!

Nanginig ata ang buo kong katawan sa kahihiyan kong sinabi..

"Yeah I know Adela...di ko alam...i am...so.." wika ni sir na nauutal at hiyang hiya.

Awkward!

Napangiti ako. Gusto ko sanang sabihin na okay lang.. okay lang kasi gusto ko naman. At kung magiging birhen man ako ulit ay paulit ulit ko itong iaalay kay sir.. sa kanya lang..

Di ko alam kung anu ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob pero tila nag uumapaw ang aking sayang nararamdaman.

Isipin nyo?...ang taong pinapangarap ko ay gusto ako!

Ibubuka pa sana ni sir ang kanyang bibig pero di nya na naituloy kasi hinalikan ko na sya..

Nabigla sya dahil sa di nya inaasahang ginawa ko..

Siniil ko sya ng halik na madiin.

Di bale nang maubusan ng hininga basta maangkin ko ang masarap nyang labi.

At naulit ang pagtatalik namin....right there sa buhanginan!

Mas maalab,nagbabaga, at puno ng emosyon..

Sinabi ko man na gusto ko sya sa halip na "mahal" ay ipinaramdam ko naman kay sir na lubos lubos ang aking pagmamahal sa kanya.

Sa pangalawang pagkakataon ay mas naging masarap ang ginagawa namin. Di na masakit kundi ibayong langit ang aking naramdaman sa bawat pag ulos nya sa aking kaloob looban.

Mabuti nalang madilim ang aming kinaroroonan at wala nang turistang dumadaan roon.

Masaya ako..dahil masaya si sir..

At umaasa ako na sa pagkakataong ito, mas nagiging maliwanag ang pag asang mahalin nya ako.

Saglit kaming naghiwalay ni sir. Nauna akong bumalik sa aking kwarto. Paraan narin ito para di makahalata ang mga kasama namin.

Oo! Masaya ako! Masayang masaya.

Kinikilig pa ako habang naliligo.

Sa gabing iyon....natulog ako ng payapa at puno ng pagmamahal.

**************************************

Nakalipas pa ang isang araw.

Actually, sa tuwing magkikita kami ni sir ay palihim kaming nagtitinginan...

Yung tila kahit di kami nag uusap,nagkakaintindihan kami.

Mas minabuti naming iwasan ang isat isa kapag may mga matang nakatingin para iwas issue pero pasimple kaming tatakas at mag uusap magdamagan.

Minsan nga nagtataka na ang dalawa kong chismosang kaibigan, lagi daw akong nawawala sa gabi...

Sabi ko nalang....maaga akong natutulog. Chos!

Marahil nagtatanong kayo kung ano meron sa amin ni sir, ang masasabi ko lang we are now exclusively dating!

Pak!

Huling gabi namin ngayon. Bukas ay balik Manila na kami. At sa susunod ay work work na ulit.

Dali dali akong bumaba sa ground floor ng hotel

Sabay sabay nga pala ulit kaming kakain sa restaurant sa baba.

Birthday ni Ruel na bff ni sir kaya ipinaghanda sya ni Sir Luke ng maraming pagkain.

After kainan ay pumunta kami sa sariling bar ng hotel at doon nagsaya.

Marami rin inumin. Kaya nag kainuman na naman ang lahat.

Pero napansin kong di masyado umiinom si sir. Marahil ayaw nito magpakalasing ngayon.

Ako naman ay minabuting mag juice lang kahit ilang beses akong pinilit ng dalawa ng alak.

Titigan lang ang tanging paraan namin para mag usap.

Ngunit nang muli akong sumulyap sa pwesto ni sir ay nawala ito. Hinanap sya ng aking paningin pero di ko sya makita.

Maya maya ay narinig kong tumunog ang cp ko.

May nagtext. Agad ko itong binasa.

'Adela...i am here in my room. Can u go here? I am dying to be with u alone here.'

Kinilig ako.

Pasimple akong tumakas at sa isang iglap ay magkasama na kami sa room ni sir.

Hindi ako liberated pero dahil sa mahal ko si sir...gusto ko...masaya lang sya.

At muli pa kaming nagpadala sa tawag ng makamundong pagnanasa.

Dahil alam ko, sa pagkakataong ito..aking akin lang sir. Wala ako kaagaw.

Sana wala na itong katapusan...

Sana forever na akong masaya with him.

At sana matutunan nya na akong mahalin.

Sana nga....umaaasa ako.

Ngunit...

Kinabukasan...

Nagising akong mag isa sa kama nya.

At waala na sya....