Chereads / REINCARNATED LOVE (TAGALOG) / Chapter 2 - CHAPTER 1 : FIRST JOB

Chapter 2 - CHAPTER 1 : FIRST JOB

ADELA's POV:

Pak!

"Araaayyy!" Nasambit ko.Bigla kong naimulat ang aking mga mata.Nasa harap ko si Nanay.

"Nanay naman eh, ansakit nun ah. Anlakas lakas" sabay paghipo ko sa siguradong namumulang pisngi.

"Eh kasi naman anak, akala ko napano kana.Sumegaw ka ng pagkalakas lakas! Ayun sinampal kita kasi baka binabangongot kana" sabi ni nanay.Nakangiti sya pero halatang may halong pag aalala.

"Anu ba napanaginipan mo at parang takot na takot ka ha?" Dagdag nyang tanong.

Napatingin ako kay nanay. Muli kong binalikan ang aking panaginip. Di ko alam ngunit parang totoo ang lahat ng iyon.

'Sino ang lalaking yun?'

Napabuntunghininga ako.

"Wala po nay.Kakapanood ko po siguro ito ng horror movies. Anung oras napo ba nay?" Tanong ko kay nanay. Kasalukuyan itong naghihiwa ng mga rekado para sa mga putaheng iluluto nya para sa munti naming karinderya sa harap ng bahay.

"Alas syiti na anak. Ngayon ang unang araw mo sa work deba?anung oras ba yoon?" Sagot ni nanay. Bisaya kasi si nanay kaya minsan may matigas at malambot sa mga sinasabi niya.

"Oh my! Nay naman bakit ngayon mo lang ako sinampal? Este ginising?! Alas otso ako pinapareport sa office!" Pagkabigla kong sagot kay nanay.

Agad akong tumayo. Muntik pa akong madulas nang isuot ko ang aking mga tsinelas. Shet! Need ko na magmadali at baka maputukan ako nito. Ke bago bago late na agad sa unang araw. Napangiwi ako sa iniisip kong posibleng mangyari sakin kapag nalate.

Agad kong kinuha ang tuwalya na nakasabit sa likod ng pintuan namin at agad na tumungo sa banyo.

"Nak, may senangag dyaan at daing. Kumain kana muna bago umalis ha.Lalabas muna ako at babalik sa palengke. May nakalimutan akong bilhin" narinig kong sigaw ni nanay sa labas. Maya maya pa ay nabigla ako nang sumulpot sya sa aking harap. Kurtina lang kasi ang nagsisilbing pintuan ng banyo namin kaya easy access sa sinumang gustong pumasok. Well, iskwater girl lang po ako at di kami mayaman. Wala namang lalaki sa bahay since bata pa ako nung mamatay si tatay. In short, kami lang ni nanay magkatuwang sa buhay.

"Nay naman eh,hubot hubad na ako eh." Sabi ko na kasulukuyang nagsasabon ng katawan.Tumalikod ako. Nakakahiya parin kay nanay. Alam ko pareho kaming babae pero simula't sapul na nagkabuhok yung anu ko ay naging mahiyain na ako kay nanay.

"Sus anak. Nakita ko na yaan lahat. Mahihiya kapa sa akin eh ako nga dati ang nagsasabon ng pechay mo. Ahahahah. Pakiabot nga nak yaang nakasampay na bra dyaan. Wala pala akong bra na suot." Sabi ni nanay na pangiti ngiti.

"Kahit na nay noh. Dalaga na ako. Kakahiya ka nay. Ahahaha tseh!" Pagsagot ko kasabay ng pag abot ng bra. Sobra kaming close ni nanay. Bilang kami nalang magkasama. Alam na alam ko ang mga hirap nya na maituguyod at mapagtapos ako sa pag aaral mula nung mamatay si tatay sa sakit na cancer sa baga. Mabisyo kasi ito nung kabataan sa sigarilyo. Tumino lang nung nakilala si nanay.

"Oh syah, anak ilock mo nalang ang pento ha. May dala akong dupelcate ng susi. Ingat ka." Ani nanay. Umalis na ito. Nagmadali naman akong nagshampoo ng buhok at nagbanlaw. Kinuha ang tuwalya at nagtapis.

"Dulplicate nay hindi dupelcate. Kaloka ka po. Ahahah!" Patawa kong pagwawasto sa sinabi nya.

"Yaan mo na,pareho lang yoon." Sagot nya. At maya maya pay narinig ko ang pagsara nito ng pinto.

Anniversary pala ng kamatayan ni tatay ngaun. Nakalimutan ni nanay siguro. Sa edad na 45, napapansin kong medyo nagiging makakalimutin na din si nanay. Kapag maaga ako ako nakalabas sa work, dadaan nalang ako sa puntod ni tatay.

Mabilisan akong nagbihis. Wala pang naissue na uniform sa akin kaya blouse at skirt nalang isinuot ko. Pinaresan ko ng isang itim na sapatos. Sapatos ko pa ito sa college. Tipid tipid lang muna.

Isang secretary sa isang malaking marketing firm sa bayan ang work ko. Fresh graduate ako sa kursong BS Business Administration major in Marketing sa isang university dito sa bayan namin. May katalinuhan ako kaya naging iskolar ako. Isang malaking kabawasan din sa gastos ni nanay.

Humarap ako sa salamin. Nagpahid ako ng kunting blush on at lip tint. Well, may kagandahan din po ako kahit papano. Sabi nga ni nanay, pinaglihi nya ako sa singkamas kaya may kaputian ako.

Napangiti ako.

"Hmmm ganda mo teh."sabi ko sa sariling reflection sa salamin. Syempre sarili ko ito. Ako dapat magtataas ng moral ko at confidence. Ahahahah.

Umalis na ako ng bahay at sumakay ng tricycle papuntang bayan. 10 minutes away lang naman mula sa amin ang bayan. Kaya medyo di mahirap para sakin ang bago kong trabaho.

First day! Kinakabahan man. Pilit kong kinalma ang aking sarili. Pagkababa ko ng tricycle ,ilang hakbang pa ay nasa harap na ako ng isang building. Nasa ika walong floor ang company na pagtatrabahuan ko.

"This is it ! May 15 minutes pa ako." Sabi ko sa sarili. Pagpasok ko sa hallway ng building, agad kong hinanap ang elevator. Tamang tama. Ako lang mag isa. Wala ako kasabay.

Pinindot ko ang 8 button at hinintay na magsara ang doors ng elevator. Ngunit bago pa man ito magsara at may biglang pumagitnang mga daliri.

Bumukas muli ang elevator. At pumasok ang isang lalaki. Napatingin ako sa shoes nito. Wow. Mukhang mamahalin. Mula sa sapatos ay itinaas ko ang aking mga mata patungong bandang dibdib. Nakalong sleeves ito. Well, infairness sa dibdib ng mokong ito. Halatang matigas at mamuscles. Napagawi ako sa mga braso nya. Ayy! Fitted ang sleeves kaya kitang kita ang maskuladong arms nya. Napangiti ako. At nung akma na akong tumingin sa mukha nya ay bigla itong nagsalita.

"Miss. Nasa gitna ka ng elevator. Can u?" May panguso itong senyas. Sinasabing tumabi ako at bigyan sya ng space.

" Ay sori po!" Bigla akong tumabi. Napangiwi ako. Bigla akong tinamaan ng hiya. Lalaking lalaki ang boses nito. Napasulyap ako muli sa mukha nito.

Shet! Ang gwapo! Jusko si Chris Evans ba to? Tisoy na tisoy at matangos ang ilong. Hazel brown ang eyes. Namumula ang kissable lips. Napakagat ako sa lips.

"Miss, pasado ba?" Biglang tanong nito sakin. Nakaismid ito sakin.

Shocks! Nakatitig na pala ako sa kanya. Namula ako. Kaloka! Di na ako nahiya. Bigla kong kinuha ang phone ko. Di ko sya sinagot at kunwaring may tinetext.

Susmaryosep! Nababaliw naba ako. Anu kaya ang iniisip ng lalaking to sakin?

Weirdo girl? Cheap girl? O kaya easy girl?!! Shet!

Baka iniisip nito malandi ako!

Napasinghap ako. Kakahiya talaga!

Di na ako muling sumulyap sa direksyon nya at ginawang busy ang sarili sa pagkalikot ng cp ko.

Maya maya pa ay tumunog na ang elevator. 8th floor na. Ibinalik ko na ang cp sa bulsa ng blouse ko at agad agad na lumabas. Ayan! Nakatakas na ako sa kahihiyan ko. Napalingon ako sa likod kung saan naroroon ang elevator. Ngunit di ko inaasahan ang aking nakita!

Lumabas din ang lalaki! Pareho kami ng company na pagtatrabahuan!

'Patay ka Adelaida!' Nasambit ko sa aking sarili.

For u to know, Adelaida Kapinpin ang aking pangalan. Ambaho noh? Ewan ko ba kay nanay kung bakit sa dami dami yun pa ang napili.

Adela for short nalang. 20 years of age, 5 feet and 5 inches tall. Maputi, maganda!Charot!

Lumapit ako sa babaeng nasa front office. Tinanong ko kung saan ang HR for my orientation.

Napansin kong tuloy tuloy na naglakad ang lalaking nakasabay ko papunta sa loob. Baka matagal na siguro nagwowork dito ang lalaki. Wish ko lang hindi ko sya maging ka department. Kung hindi? Patay na!