LUKE's POV
Wednesday Morning.
In my several years of working sa Mendez Advertising Agency, never pa ako naexcite na pumasok tulad ngayon.
I don't know. Maybe I just want to see my new secretary?
'No! Definitely not!' Pagtatama ko sa sarili. Bakit ko nga ba ako maeexcite makita ang babaeng yon?
Wala namang kakaiba sa kanya or something na nagstand-out compare sa mga exes ko.
Yeah. I have 4 ex girlfriends. Two of them are a fashion model and the rest are celebrities.
Hmmm. Napabuntunghininga ako. I can't explain. Even kagabi, in my bed...napapasmile ako habang iniisip sya.
She has a pair of hazel brown eyes which is very common but....Well, those eyes are so adorable. Parang nagungusap,kumikislap at nang-aakit?
Damn!Stop it Luke.
Her lips...ugh! Those lips are so kissable. I can see the softness and innocence of those lips. Naiimagine ko ulit ang pagkagat ng lips nya.
Sh*t!
Bigla akong napapreno nang makita kong may nag overtake. Kasalukuyan nga pala akong nagdadrive. Mababangga pa ata ako nito if iisipin ko ang babaeng yun.
'What's happening to me? Napangiwi ako. Nawawala ako sa aking concentration sa kakaisip ng babaeng iyon. Hindi ako ganito.
I am Luke Mendez. Isa sa mga hinahangaang bachelors sa business world ng Pilipinas. Kahit nga mga male celebrities dito sa Pinas ay maiinsecure sa aking kagwapohan. Hindi sa nagyayabang ako, but..realtalk lang. And now what?... Nababaliw lang sa isang babae na hindi famous, celebrity? Or anything special.
Hindi ako mabilis mainlove! Mga babae ang naghahabol sakin.
Minabuti ko nalang ifocus ang isip ko sa daan. Matraffic ang araw na ito. Sinilip ko ang aking wristwatch. Marami pa pala akong oras. Pwede pa akong magcoffee.
In a few meters away from Mendez Plaza is a famous 24/7 Cafe. I decided na magstay nalang muna doon to spend my spare time.
Mabuti nalang at wala pa masyadong tao sa cafe when I entered the premises. I ordered and pinili ko ang pwesto kung saan makikita ko ang mga dumadaan.
Naiilang ako sa lugar na ito. Kung makatingin sakin ang ibang mga customers na babae dito ay parang nakakita ng celebrity. Yeah, i know I am famous but I am still not used to it. I hate attentions especially from girls. I hate flirting.
Binalewala ko nalang sila. Ibinaling ko ang aking atensyon sa mga dumadaan. Maunlad na nga ang lugar na ito at kasabay naman nito ang pagdami ng populasyon. Crowded na ngang masasabi ang City na ito.
Habang nagkakape, napunta ang aking atensyon sa malaking billboard sa harap. Kinilala ko ang babaeng nasa picture. She looks familiar to me.
Napaisip ako. Ugh! Si Chelsey! May first girlfriend. Look at her now! Woah!
Ang alam ko, nung naging kami, isa palang itong freelance model. Walang contract. Paraket raket lang. At alam kong that time na first love nito ang pagmomodeling. And the reason why we broke up? She chose to study in Italy to pursue modeling. She got an offer there. And before she left me, sinabi nitong hindi kaya nito ang LDR. Kaya sino ako para makipaglaban sa pangarap nya. I set her free.
She was my first love.
Pinakiramdaman ko ang aking sarili. May feelings pa ba ako? May sakit paba sa aking puso?
None.
Wala na akong maramdaman. 8 years na ang nakalipas. Nagkaroon na rin ako ng tatlong gf after her.
Ibinalik ko nalang ulit ang aking paningin sa labas,sa mga dumadaan.
And.... parang tumigil ang mundo ko.
In a slow motion, nakita kong naglalakad ang isang babae in a peach pencil dress.
Beautiful girl. Bumagay ang damit sa kanya at lalong lumutang ang innocent beauty nya. Di ko namalayang napanganga ako.
She has the astonishing beauty. That eyes...her lips...
Napalunok ako. Anu tong nararamdaman ko? Alam kong malamig ang kinaroroonan ko pero parang biglang uminit. Parang may kung anong apoy ang nasa kalooban ko.
Malakas ang kabog ng aking dibdib.
Titig na titig ako sa kanya but in a sudden...
May isang lalaking sumulpot sa tabi nya. Sino sya? Boyfriend nya?
No!
But wait... bakit ba ako nagagalit?
Damn Luke! Nahuhulog kana sa babaeng nakita mo palang ng tatlong beses? You are not that easy!
Ibinaling ko ang aking paningin sa kape. Pero sa di ko maisip na kadahilanan, di ko mapigilang sumulyap.
Tuwang tuwa at parang kilig na kilig si Adela sa lalaki. Hindi naman gwapo ang lalaki. Wala pa ito sa kalingkingan ko.
Napailing ako. Di ako ganito.
'Am I comparing myself to that guy?' Tanong ko sa sarili. Nagpupuyos ang aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit pero ang tanawing nakita ko ay sobrang masakit sa mata.
Hinintay kong mawala sila sa paningin ko bago lumabas ng cafe.
She is a slut! Lahat nalang ba nang titingnan nya ay parang pagnanasaan nya? Akala ko ako lang. Sakin lang sya kikiligin.
'Wait! Am I jealous?' Bulong ko sa sarili. Hell no!
Kaagad akong pumasok sa car at ibinalibag ang pinto. Naaasar nako sa nangyayari sakin.
Pagdating sa building. Nakita ko nalang na patungo na sa elevator si Adela. I chose na hindi sumabay sa kanya. Wala ako sa mood makita sya ng malapitan. There is something inside me na nasasaktan.
Nasasaktan? Am I insane?
Grrr... nagagalit ako sa mga naiisip ko.
That girl!....Kasalanan nya ito. Babawian kita mamaya.
Napangiti ako sa ideyang iyon. Babawian? But why? Tsk...Luke Mendez...Nababaliw kana talaga.
Di ako agad tumuloy sa office ko. Kinausap ko saglit ang mga nasa Art at Media department. Sila ang utak ng mga magagandang ad campaigns ng mga clients namin.
I must say, sila ang inaalagaan kong tao. At nang mapansin kong ilang minuto na ang nakalipas, tumungo na ako sa aking office.
Nasa loob ng kwarto si Adela. Kasalukuyang binubuksan ang mga blinds ng window panel.
Pagpasok ko, agad ako nitong nakita.
"Goodmorning sir!" Bati nito sa akin ng nakangiti. Muli kong naalala ang aking nakita kanina. Napasimangot ako. Hindi ko sya pinansin. Agad kong tinungo ang aking table at hinubad ang coat. Isinampay ko ito sa cabinet.
Nang ibaling ko muli ang aking paningin sa kanya. Mukhang titig na titig ito sa akin with those sparkling eyes.
Damn! She's lovely.
Lalong nagpupuyos ang aking inis.
She is definitely a whore! Lahat nalang ba ng lalaking makikita nya at ganto nya titigan?
Nilapitan ko sya. Few distance lang ang mayroon ang aming mga mukha.
Ugh! Mas malapit, mas lalo syang gumaganda.
Pinigilan ko ang aking sarili. Baka kung ano pa ang aking magawa.
"Adela." Pagsambit ko sa name nya. Napansin kong parang natauhan sya. Namula ang mukha.
Hmmm. Gotcha! Kung laro ang gusto mo, game! Di mo ako maaakit nang ganun ganun nalang.
"Sir bakit po?" Sagot nito sakin.
Umiwas na ito ng tingin sakin.
Bumalik ako sa aking table at umupo sa aking chair. Pansin kong palabas na siya ng office ko.
Sinagot ko sya. "I want coffee."
Coffee? Kakacoffee ko lang kanina. Napailing ako. Well, tutal nasabi ko na. Ituloy ko nalang.
'Susubukin ko ngayong araw ang pasensya mo Adela. Let's see if matatagalan mo.' Napangiti ako.
"Ok sir!" Sagot nito sakin at agad ding lumabas.
Two minutes passed. Hindi ko alam pero parang agad akong nabored. What took her long?
Binuksan ko nalang ang aking laptop at nireview ang aking report para sa board meeting mamaya.
Maya maya pa ay dala dala na nito ang kape. Frankly speaking, wala akong balak magkape ulit. Gusto ko lang inisin ang babaeng ito. Nakatungo ito nang ilapag sa table ko ang kape kaya naamoy ko ang buhok nito.
I want that smell. Amoy na parang bagong ligo. Fresh! Masarap sa ilong.
'Ugh!Stop it Luke!
Tinikman ko ang kape. Well, wala na ako pakialam sa lasa pero napansin ko na mukhang instant coffee mix iyon.
Pinapalitan ko sa kanya ang kape. Sinabi kong masyado itong matamis para sakin.
Agad din itong sumunod.
Napangiti ako. Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa mawala sya saking paningin. Nagiguilty man pero I think she deserved this kind of treatment. I hate flirt girls.
Maya maya pa ay may dala na itong kape ulit. I said "bitter" sa pangalawa at "bland" sa pangatlo nyang timpla.
Natutuwa ako sa aking nakikita. Napansin kong pinipigilan nitong sumimangot.
She is cute. Napailing ako. Bumalik ulit ito sa pantry para magtimpla ng kape. At sa ilang sandali ay may dala dala na ito ulit.
"Sir, ito napo ulit. I tried my best napo para maging maayos ang timpla. Sana magustuhan nyo napo ako." Saad nito.
I choked.
"Ako?" Tanong ko. Tama ba narinig ko? Sana magustuhan ko daw sya? Tumingin ako sa kanya. Namula ito bigla. Lihim akong napangiti. 'Adela, you are so adorable.'
Adorable?No!
"I mean sir yung kape po."sagot nito. Kitang kita ang pagkapahiya. Di ko nalang pinansin.
Tinikman ko nalang ang kape para pigilan ang sarili sa kung anu anong kaisipan. In a sudden, iniluwa ko din ang kape.
With my acting prowess, I said to her in a dismayed tone, "It seems like you have to practice more in making coffee to get the right taste. Anyways, bilhan mo nalang ako sa cafe sa baba. I want cafe Americano."
Napansin kong napasimangot na ito. Mukhang nasaktan ito. Lihim akong nagbunyi. I did it! Nakaganti ako sayo!
Ganti? Ano ba kasalanan nya? Baliw na ako!
"Sorry sir. Hindi po kasi itinuro sa amin sa college ang pagtimpla ng kape." Inis nitong sagot at kaagad din lumabas. I was surprised sa sagot nya. I did not expect.Kakaiba sya.
Napangiti ako.
Hmmm. She is really different.
Dala dala na nito ang kape pagkabalik. Wala na itong sinabi at agad din itong lumabas sa office ko at umupo sa table nito.
Mabuti nalang at di nakasara ang blinds kung kaya nakikita ko sya kung ano ang kanyang ginagawa. Mukhang pinag aaralan nya ang mga files na iniwan ni Ate Rosa.
Lumipas ang ilang oras. Pasulyap sulyap nalang ako sa kanya. Parang may kung anong tumutulak sakin na puntahano kausapin sya.
'Maya maya na pala ang board meeting.' Bulong ko sa sarili. Tumingin ako sa kanya. Busy pa rin ito sa ginagawa.
I have to sort these things in my table kaya I decided na tawagan nalang si Adela sa phone.
'Wait. Anu sasabihin ko sa kanya?' Napailing kong sabi. Hindi ko alam pero parang awkward sa pakiramdam. I chuckled. Baliw na ba ako?
Napagdesisyunan ko nalang na sabihin sa kanya lahat ng utos thru phone. Iiwas muna ako sa pagspend ng time with her. Hindi ko na nagugustuhan ang aking nararamdaman towards her.
Pagpasok nya ay agad din akong lumabas. Sinadya kong hindi na sya tingnan.
Agad akong tumungo sa board meeting para sa monthly report.
Few hours passed.
Natapos nadin ang meeting. 30 minutes nalang pala ay uwian na ng mga staffs.
Sa di kalayuan sa office ko, I decided na magstop over muna sa Accounting department. Overlooking dito ang aking office kaya kitang kita ko si Adela. Napatitig ako sa kinaroronan nya from a distance.
'Hindi ko alam kung ano ang mayroon sayo Adela. I don't know what have you done to me pero napapasaya mo ang araw ko. Hell, Adela! Anuman ito ay di ko alam kung hanggang kelan ko mapipigilan. Single ka kaya?'
Napailing ako aking naisip. Lumalala na ata pagkabaliw ko.
I need drinks later!ugh!
Niyaya ko nalang si Ruel na Department head ng accounting na pumunta sa bar after work. Ito ang pinakaclose ko since long time friend ko na rin ito. Sya narin ang nakakaalam ng aking mga problems at sikreto.
This is my way para kalimutan mga kahibangan ko! Ang kahibangan ko ....to my new secretary named Adela!