Ilang kilometro lamang ang layo ng himlayan ni tatay mula sa pagtatrabahuan ko kaya sumakay nalang ako sa jeep. Maghahanap nalang ako ng flowershop malapit sa sementeryo.
Pagbaba ko ng jeep, saktong sa kabilang kanto ay may makikitang maliit na flowershop. Tumawid ako at agad na tinumpok ang shop. Maaliwalas ang shop. Magaganda ang flowers na nasa paso. Nakadisplay ang mga ito sa labas.
Kumuha ng atensyon ko ang pink na roses. Ang gaganda! Parang biglang nawala lahat ng pagod ko pagkakita sa mga bulaklak. I dont know but parang may kung anu sa pink roses na nakakapagpabago ng aking emosyon. Bata palang ganto na ako.
Pumasok ako sa loob. May nakita akong matandang babae. Nasa 60's na ang edad nito pero maaliwalas tingnan ang mukha. Mapapansing masiyahin.
"Magandang hapon po!" Bati ko sa matanda. " Kayo po ba ang may ari ng flowershop?"
Napatingin ito sa akin. At nabigla ako sa naging reaction nito. May pagkagulat itong tumingin sa akin. Maya maya pa ay lumapit sa akin. Akmang hahawakan ang aking mukha. Titig na titig sa akin. Na-awkward ako bigla.
"Bakit po lola?" Tanong ko na may pagtataka.
" Esmeralda?" Nakatitig lang ito sakin na parang tuwang tuwa na makita ako.
" Ay hindi po lola. Baka kamukha ko lang po. Ako po si Adela. Bibili po sana ako ng bulaklak." Lumayo ako ng kunti kay lola. Nahihiwagaan ako sa kanya. Inisip ko nalang baka may kakilala itong kamukha ko.
Napansin kong tila may kislap ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Inililagay nito sa display ang katatapos lang nitong flower arrangement. At kapagkay nagtanong. " Pink roses ba gusto mo?"
Nagtaka ako. Pano nito nalaman ang favorite flower ko? Ah siguro nakita nya ako kanina nung lapitan at amuyin ko ang mga pink roses sa labas.
"Ah opo lola. Isang dosena po." Sagot ko nalang. Nag ikot ikot pa ako para makita ang mga naggagandahang mga bulaklak. Pangarap ko din ang makapunta sa Amsterdam, balita ko madaming taniman ng mga bulaklak doon. Hays. Wish ko lang! Pero soon!
"Iha ito na." Narinig kong wika ni lola. Tumingin ako. Tinanong ko kung magkano at iniabot ko din agad ang bayad.
Maya maya ay iniabot nya sa akin ang sukli. Ramdam ko ang pagsayad ng aming mga daliri. Sa pagkakataong iyon ay tila may kuryenteng dumaloy sa akin.
May mga larawang biglang nagflash sa aking isipan!
Isang hardin ng mga pink na rosas.
Isang matandang babae na nagdidilig ng mga bulaklak.
Kamay ng lalaking may hawak na singsing.
Isang burol na kung saan makikita ang kabundukan at karagatan.
Mga bisig na nakayakap sa akin!
Nahilo ako. Di ko alam ang nangyari. Anu ang mga iyon? Nagugulumihanan ako. Napaupo ako bigla sa upuang nasa tagiliran ko.
"Carme...Adela... iha okay kalang?" Tanong sakin ni lola na may pag aalala.
" Ah opo. Okay lang po. Nahilo lang po saglit." Inayos ko ang aking sarili . Parang pamilyar sakin lahat ng mga nakita ko. Anu ang mga yon?
Well, di ko alam ang sagot sa ngayon.
Sa totoo lang nahihiwagaan ako sa matandang ito. Di ko alam kung anung meron sa kanya at nangyari sakin iyon.
"Iha, mag iingat ka palagi. Sa pagpapatuloy ng naudlot na pagmamahalan, madami kang pagsubok na kakaharapin. Pananalig lamang sa Diyos at ang busilak na pagmamahalan ang makakatulong sayo para makamit mo ang ninanais ng iyong puso." Mahabang litanya ng matanda. Di ko sya maintindihan. Nakangiti ito. Anu ang pinagsasabi nya? Pawang napakalalim.
Pag ibig?
Pagsubok?
Anu ang ibig nyang sabihin?
Nagugulumihanan ako sa sinabi nya.
Muli kong naisip ang mga kakatwang bagay na nakita ko o naalala.
May pagtatakang tumingin ako sa matanda. May kung anung kislap ang mga mata nito.
Natakot ako. Baka isa syang mambabarang! Mga mambabarang tulad ng mga napapanood ko sa mga documentary sa tv about sa kababalaghan. Ramdam kong tumindig ang aking mga balahibo sa braso.
Agad agad kong kinuha ang mga bulaklak at lumabas ng shop na yon. Balak ko pa sanang lingunin pero natakot ako.
' Baliwag ka Adelaida. Kung anu ano na naman ang iniisip mo!' Bulong ko sa sarili. Mabilis akong naglalakad. Gusto ko nang makauwi. Baka pagod lang ako kaya nangyari sakin ang bagay na yon.
Nakarating ako sa puntod ni tatay. Mabuti nalang at may iilan akong nakasabay. Di ako masyadong natakot. Nag alay ako ng maikling dasal at kaagad din nagpaalam.
Kaagad din akong nakarating ng bahay. Kasalukuyang nagsasara na si nanay ng aming karinderya. Binati ko sya at nagmano.
"Oh anak bakit ang aga mo ata ngayon?Di pa oras ng uwian mo ah?" May pagtatakang tanong ni nanay.
"Maaga po ako pinauwi nay. May meeting ang boss ko. Bale po bukas magsisimula ang totoong laban." Sagot ko. Kaagad kong hinubad ang aking mga sapatos at humiga sa sofa na gawa sa kawayan.
Sumagi muli sa aking isipan ang nangyari kanina.
Kakaloka si lola. Kng anu anong sinasabi. Napabuntunghininga ako. Parang may something yung sinasabi nya sakin. Muli akong nagugulumihanan.
Pinikit ko ang aking mga mata. Muli kong inalala ang mga larawang aking nakita.
Hardin.
Singsing?
Burol?
Lalaki?
Bigla akong napamulat. Naalala ko ang panaginip ko kaninang umaga. May lalaki akong kasama sa isang sasakyan. Gosh! May kaugnayan ba ang lahat sa isat isa?
Anu ang ibig sabihin ng mga iyon?
"Anak!...ADELAIDA!" Narinig kong sigaw ni nanay.
"Po?" Sagot ko. Sumulyap ako sa kanya. Kasalukuyan itong nagbibilang ng kita nya sa karinderya.
"Kanina pa kita tenatawag anak, abay parang napakalalim ng eniisip mo?" Nagtatakang tanong ni nanay.
"Wala po nay. Pagod lang po ako. Dinalaw ko din po kasi si tatay." Sagot ko. Bumangon ako at umupo.
"Ayy. Jusme! Anibersaryo nga pala ng kamatayan ngayon ng tatay mo!Bakit di mo pinaalala anak?Magtatampo yun sa aken eh." Nabigla at may pag aalalang sabi ni nanay. Alam kong makakalimutin na si nanay. Pero alam kong di nito sinasadyang makalimutan yun.
Mahal na mahal nito si tatay. Kahit na mabisyo si tatay ning nagkakilala sila. Di nya ito sinukuan. Kaya naman napagbago nito si tatay. Yun nga lamang ay huli na ang lahat. Siningil din ng katawan ni tatay ang kanyang kalusugan.
Naisip isip ko. Kelan ko kaya makikilala ang lalaking forever ko.
"Bukas mo nalang sya dalawin nay. Inihingi na kita ng tawad kay tatay. " sagot ko. Tumingin ako sa kanya. Nakatalikod ito sa akin. Tahimik at nakatungo.
Tumayo ako at lumapit sa kanyang kinauupuan.
Napansin kong hawak ni nanay ang litrato nila ni tatay. Nakangiti sila dito. Makikitang punong puno sila ng pagmamahal sa isat isa.
"Nay?Umiiyak kaba?" Hinimas ko ang likod nya. Narinig ko syang suminghot.
Ayun na nga. Nagdadrama na naman si nanay. Ganito talaga sya tuwing anibersaryo ng kamatayan ni tatay. Sampung taon nang patay si tatay.
"Nay ha...baka matalo mo nya si Nora o si Tita V?" Biro ko sa kanya. Niyakap ko sya. Nauunawaan ko si nanay. Ang hirap nga namang mawalan ng katuwang sa buhay.
"Naalala ko lang si Carding. Sure ako anak...proud na proud sya ngayon sayo. Sayang lamang at di nya makikita kung gaano na kaganda ang dalaga namin." May paghikbing sabi ni nanay. Niyakap nya ako ng mahigpit.
"Magal na mahal ko kayo nanay. Kayo ni tatay. Kaya tama na tong drama ha." Nakangiti kong sagot. Alam ko kasing lalo pang magdadrama si nanay kapag Sinuportahan ko ang pagdadrama nya. Isa din akong dramatic actress eh. Baka umiyak din ako. Chos!