Chereads / REINCARNATED LOVE (TAGALOG) / Chapter 6 - CHAPTER 5: THE COFFEE

Chapter 6 - CHAPTER 5: THE COFFEE

ADELA's POV

6 am

Maaga ako nagising. Mahirap na lalo na ito ang first day ko as a legit executive assistant.

Nagprito nalang ako ng itlog at hotdog. Mukhang nasa palengke na si nanay. May paluto order daw sa kanya ang isang kapitbahay na may birthday.

Sinagag ko na din ang tirang kanin namin kagabi. Kelangan ko kumain ng marami ngayon. Baka mapasabak ako sa dibdibang trabaho later. Need ko pa ang mag adjust sa work.

'Go!Go!Go! Adelaida!' Pagcheer up ko sa sarili.

Kinuha ko ang phone.Habang kumakain ay sumilip ako ng mga kaganapan sa social media. Mahilig kasi ako sa mga balitang showbiz at kung anu ano pang trending topic. Mahilig lang ako magbasa o makiusyuso pero hindi ako mahilig makisali. Bahala na sila magkagulo. Minsan kahit umiinit ulo ko sa mga bashers ng paborito kong artista. Tinitiis ko nalang na wag pumatol. Sabi nga nila kung di mo sila kayang talunin, deadma nalang para mamatay sila sa highblood. Ahahah!

Nag-scroll ako ng aking wall sa Facebook. Nakita kong may bagong post ang classmate ko dati sa highschool. Infairness ang ganda na nya. Tanda ko kasi ang itim nito at madaming pimples. Wow na wow na sya ngayon. Makinis, maputi pero ba't ganun? Halos mabura na ang kanyang ilong. Chos!

Napailing nalang ako. Filter is life talaga. Well, sabi ko nga...medyo laitera ako deep inside. Pero kunting kunti lang naman. Di rin kasi ako mahilig magpost ng pictures ko sa social media. Feeling ko kasi parang di safe sa mundo ng internet. Introvert kumbaga.

Nag-scroll ulit ako. May nakita din akong post ng kabatchmate ko sa college. 'Feeling blessed' ang nasa caption. Photos ng isang mamahaling bag at sapatos...at sa tabi naman nito ay isang slice na cake at frappe from a famous cafe.

Sosyal talaga tong babaeng to. May nakilala sigurong bf na mayaman. Red lips at boobs lang naman ang lamang nito sakin. Inilipag ko sa mesa ang phone. Minsan nakakairita ang buhay. Masasabi mong life is unfair. Pero nasa atin padin kung paano natin ito gagawing maganda at walang napeperwisyong tao.

'Soon, mararanasan din namin ni nanay ang marangyang buhay. Sipag at tyaga pa Adela.' Bulong ko sa sarili.

Minsan lang ako magbukas ng aking mga social media accounts. Actually nag iisa lang app na ganito na nasa phone ko. Kung magpost man ako ay iyong mga magagandang quotes lang at inspiring videos.

Tinapos ko nalang ang pagkain at kaagad ding naligo. Kelangan kong mauna sa office. Kailangan ko ding magpakitang gilas syempre sa aking supladong poging boss.

'Ano kaya ang susuutin ko?' Tanong ko sa sarili pagkatapos maligo. Hinalungkat ko ang cabinet. Tumambad sa akin ang isang peach na pencil dress. Regalo ito ng aking ninang nung maggraduate ako. Mukhang ito ang tamang oras para masuot ito lalo na at medyo may pagkafashionista ang aking amo.

Sinuot ko ito. Sakto lang pala ang lapat nito sa aking katawan. Medyo mababa ang neckline nito kaya lumabas ang aking collarbone. Humapit din sa aking likuran kaya lumabas ang malapad kong balakang at matambok na pwet.

Napangiti ako. Ganda ko pala! Chos!

Sinilip ko ang orasan. Malapit na palang mag alas syite. At tulad ng kinagawian ko. Naglagay nalang ako ng liptint at kunting pahid ng blush on. Maya maya pa ay umalis narin para pumasok sa work.

Few meters away sa workplace ko ay nasiraan ang tricycle. Mukhang naflat ang gulong kaya napagdesisyunan kong lakarin nalang ang natitirang distance.

Naglalakad na ako ng may marinig akong tumawag sakin mula sa likuran.

"Adela?"

Napalingon ako. Si Peter pala. Kabatchmate ko sa college. Hindi kami pareho ng course dahil Marine Engineering kinuha nito. Naging classmate lang kami sa mga iilang minor subjects dati.

"Peter! Ikaw pala yan! Kamusta ?" Sagot ko sa kanya. Hinintay ko nalang sya makalapit sakin. Infairness ang pogi parin nito. Bumagay talaga sa kanya ang suot nyang uniporme na pang-Marino.

"Well, not bad. Nagtetraining ako malapit here. So ikaw? Are you working here?" Tanong nito kasabay ng pagngiti. As usual, na-amazed na naman ako sa ngiti nyang nakakatunaw.

"Yes! Dyan lang sa Mendez Plaza." Sagot ko sa kanya.

At habang naglalakad madami kaming napagkwentuhan about sa college life. I enjoyed it. Charot! Ganun siguro kapag crush mo dati ang kausap mo, kahit walang kwenta ang kwento ay nalilibang ako.

Magkatabi lang pala ang building namin at ang training center kung saan naman sya papasok. Mahirap pala maging marino, bukod sa pinag aralan mo ay may kung anu ano pang requirments bago makasakay sa barko.

Sa tapat na ng Mendez Plaza kami naghiwalay at napagkasunduan na minsan ay magkita. Kinilig ako.

Magkita?

Date kaya yun?

Napangiti nalang ako sa aking naisip.

'Adela, mukhang magkakabf ka soon!'

Pumasok nako sa building. Sumakay ng elevator. Wala akong nakasabay. Mabuti naman. Makakarelax ako kahit papano. Kinuha ko ang powder at nagretouch. Kelangan fresh para maganda ang takbo ng araw ko.

Maya maya pa ay nasa office na ako. Tuwang tuwa ako kasi mukhang wala pa si Sir Luke.

Inayos ko ang aking table. Dinisplay ko ang picture frame na may litrato namin ni nanay.

'Ito ang simula ng pag-ahon natin sa hirap nay.' Bulong ko sa sarili habang nakatitig sa litrato. Pagkatapos ko mag ayos ng aking table ay pumasok na ako sa office ni boss.

Nagpunas, nagvacuum at nagligpit ako ng mga kalat. Inayos ko din ang mga papel na kumalat sa table nya. Binuksan ko ang blinds upang makapasok kahit papano ang liwanag ng araw.

"Ehem."

Napalingon ako kung sino pero sa di ko inaasahang pagkakataon.

Si Sir Luke!

Mukhang nakasimangot.

Kinalma ko ang sarili at binati sya.

"Good morning sir!" Bati ko. Infairness ampogi nito sa black longsleeves at navy blue coat.

Nagumiti lang ito saglit at bumalik din sa pagkakasimangot. Tumungo sa table at hinubad ang coat. Isinampay ito sa cabinet.

'Oh my! Ang hot ni sir'

Matipuno ang katawan at malapad ang tila matitigas na balikat.

"Adela?"

Bumalik ako sa katinuan.And to my surprise.... nasa harap ko na sya. Nakatungo at nakaharap sakin. Isang metro nalang ata ang layo ng mukha nya sakin. Amoy na amoy ko pa ang mabango nyang hininga. Fresh! Nakakaadik na scent.

Ramdam kong namula ako.

Inayos ko ang posture at naiilang na tumingin sa kanya.

Eyes to eyes!

"Sir, bakit po?" Nanginginig ang lips ko habang sinabi yun. Agad ko ding iniwas ang aking paningin sa kanya. Ang titig nya kasi ay super makatunaw! Feeling ko maiihi ako.

Maya maya ay bumalik ito sa upuan.

"I want coffee." Saad nito.

"Ok Sir!"

Agad agad akong lumabas ng kwarto. Feeling ko masusuffocate ako. Super kabog ang aking dibdib.

'Adelaida! Umayos ka nga! First day mo ito!' Bulong ko.

Pumunta ako ng pantry. Kumuha ng isang sachet na coffee at itinimpla.

Kasalukuyang may ginagawa sya sa laptop nang pumasok ako. Inilapag ko ang coffee.

"Your coffee sir." Saad ko at tumalikod agad para lumabas ng kwartong yun.

"It's too sweet Adela."

"Ay sorry sir." Agad akong bumalik sa table at kinuha ang cup para palitan. Marahil masyadong matamis ang brand na itinimpla ko. Hays! Mukhang sa coffee palang ay sasablay na ako. Patungo na ako ng pantry ulit nang makasalubong ko si Ate Rosa. Ate Rosa nalang daw itawag ko sa kanya since nakasanayan na nya iyon.

Tinanong ko sya about sa gustong timpla ni Sir Luke. Baka my tip sya na maibibigay.

"Coffee?" May pagtatakang pagtanong nito. Napatingin sa akin at napangiti. "Ganun ba? Meron tayong coffee maker sa pantry. Try mo."

Nagpasalamat ako at agad ding nagtimpla. Ngunit sa kasawiang palad ay di pumasa ang timpla ko.

"It is bitter." Sinabi nya nung kunting creamer lang nilagay ko.

"Bland." Nung binawasan ko ang coffee beans.

Asar na ako actually. Di ko na lang pinahalata. Isang ulit pang timpla ang ginawa ko. Pero mukhang sasabog na ako sa inis. Ramdam kong nag iinit na ang aking mga tenga. Sinasadya nya ata ang inisin ako.

Pumasok ako sa office nya ulit. Inilagay sa table ang kape.

"Sir, ito napo ulit. I tried my best napo para maging maayos ang timpla. Sana magustuhan nyo napo ako." May pagkainis kong saad.

"Ako?" Tanong nya. Nakakunot ang noo.

"I mean yung kape po sir!" Pagtatama ko. Sa inis ko di ko na pala napansing mali binitawan kong salita.

Tinikman nya ang kape. Pero iniluwa din ito ulit sa cup. Lalong tumindi ang inis ko. Feeling ko pinaglalaruan nya ako.

'Relax lang Adelaida.'

"It seems like you have to practice more in making coffee to get the right taste. Anyways, bilhan mo nalang ako sa cafe sa baba. I want cafe Americano." Litanya nito. Saglit lang itong tumingin sakin at agad ding ibinalik ang atensyon sa ginagawa.

Uminit na ulo ko. Ilang beses pa akong pinatimpla , yun naman pala ay ang kape na gawa ng mga barista ang gusto. Di ko na napigilang sumagot.

"Sorry sir. Hindi po kasi itinuro sa amin sa college ang pagtimpla ng kape." Tumalikod na ako. Lumabas ng kwartong iyon na kumukulo ang dugo.

Demonyo ata tong boss ko! Kung gaano kapogi ganun naman kapangit ang ugali. Bumuntung hininga nalang ako para mabawasan kahit papano ang bigat ng dibdib ko.

Bumaba ako ng building at bumili ng inutos sakin. Nakakapagod pala ang pagtimpla ng kape ng limang beses. 'Jusko day Adelaida! Tiis tiis, wag sumuko.' Naibulong ko nalang sa aking sarili.

Dala dala ko ang kape ni boss nang pumasok ako sa office nya. Kasalukuyan itong may kausap sa phone. Inilapag ko nalang ito sa table nya ulit at agad ding lumabas.

Umupo ako sa chair ko. Napagod ako. Inaayos ko muna ang composure ko at kinuha ang notebooks kung saan naroon ang mga notes ni Ate Rosa. Mga listahan ng araw araw nyang ginagawa.

Ilang sandali pa ay nagring ang telepono na nasa table ko. Si Sir Luke!

"Yes sir?"

"Adela come inside. Get these papers in my table and sort it. And also, sayo nalang ang coffee nato. I have a meeting to attend to....kapag may tumawag pakisabi I am on a board meeting." Mahabang nitong litanya sa phone.

Actually pwede naman nyang sabihin sakin sa personal. Nasa labas lang ako ng office nya.

Mga mayayaman talaga!

Pagkapasok ko sa office nya ay lumbas nadin si Sir Luke. Hindi man lang ito tumingin sa akin.

Hmmp! Bahala sya! Suplado!

Itinuon ko nalang ang aking atensyon sa pinagawa sa akin ng demonyo kong boss. At ilang minuto nalang to end my shift ay natapos ko nadin.

Napansin kong di pa pala bumabalik mula kanina ang boss ko.

Salamat naman at natapos din ang first day ko. Hassle man, pero napagtagumpayan ko. Habang nakaupo ay napaisip ako.

"Pano ko kaya mapapaamo ang suplado ngunit pogi kong devil boss?"