"Are you Miss Adelaida Kapinpin?" Tanong sakin ng babaeng lumapit. Kasalukuyan akong nakaupo sa bench sa may tapat ng front office para hintayin ang HR personnel.
"Yes, Ma'am! I am!" Tugon ko. Bigla akong tumayo. Eto na siguro ang hr personnel na magdadala sakin sa space ko sa opisinang ito. Excited na kinakabahan ako. First day ko sa first job ko.Yay! Sana di ako magkalat.
'Help me Lord God'. Bulong ko.
"By the way Miss Adelai..." bigla kong pinutol ang sanay sasabihin nito. Sakit sa tenga marinig ang buo kong pangalan. 'I can't take it!' Gosh!
"Ah ma'am! Adela nalang po. Hehehe." Tumungo ako. Nahihiya din ako. Alam kong kahit sya ay mababahuan sa pangalan ko. Tunog luma kasi ang pangalan ko. 70's pa ata eto nung nauso. Tumingin ako sa kanya at napangiti na may pagkailang. Well, nakatingin lang sya sakin. Walang bahid ng anumang ngiti sa labi. Mas kinabahan ako.
"Oh. Okay. Thanks. Miss Adela....I am Katarina Velasco. Ako ang HR Manager here. So kindly follow me for you to know where is your office and to formally introduce to you... your boss. He is the Marketing Director. You will be his assistant. Okay?" Kaagad din itong tumalikod at naglakad. Hindi na nito hinintay na sumagot man lang ako ng 'Okay po' o 'Salamat po'.
Maldita ang babaeng ito. Di naman kagandahan. Napatingin ako sa bandang pwet nito. Maiksi ang suot nitong skirt. Jusko! Parang kunting galaw lang ay lalabas na ang kaluluwa nito. Per infairness ha, malaki ang mga pwet nito. Kaya parang pato kung maglakad at parang hirap na hirap maglakad sa 6 inches heels nito.
Napangiti ako sa kapilyahan ko. Laitera din ako kahit papano. Hahahhaah.
Tahimik akong sumunod sa kanya. Ilang cubicles ang aming nalampasan. Infairness ha. Maganda ang ambience ng office. Sosyal tingnan. Gosh!
In a few meters away, sa dulo ng kwartong iyon ay may makikitang isa pang kwarto. Glass ang walls ito kaya makikita ang nasa loob. Ito siguro ang opisina ng marketing director. Hmmm... lakas makapangmayaman ang interior design nito.
May naaninag akong lalaki sa loob nito. Nakatalikod at parang may kausap sa phone. Mukhang bata pa. Naeexcite ako. Sa tindig nito, mukhang malakas ang appeal. Bumagay dito ang americana suit nito.
Maya maya pa ay kumatok saglit si ateng Hr manager. Di lumingon ang lalaki sa loob pero sumenyas ang mga daliri nito na nagsasabing pumasok na kami. Kinabahan ako bigla. This is it! This is really is it!
"Allright Mr. Collins. ...See you in a bit,, ....okay? Thank you." Narinig ko mula sa lalaking nakatalikod. Sounds familiar ang boses nya. Pero i cant remember when and where ko sya narinig. Interesting?!
Lovely ang masculine voice nya. Yung tipong sa boses palang kikiligin kana. If not mistaken, mukha syang 30's sa porma nya at dating. Well, nakatalikod palang sya, umaalingasaw na ang appeal nya. Jusko! Naeexcite ako!
"Sir Luke, nandito na po sya. Your new asaistant" sambit ni ateng Katarina sabay tingin sakin. In her eyes sinasabing magsalita ako.
"Uhm.. hi sir. My name is Adelaida Kapinpin. Your new assistant. Im happy to serve you!" Malakas kong sabi sabay tungo bilang paggalang. Kalurkey! Nasa fastfood ba ako para sabihin yon.
Humarap sya. Tumingin ako sa mukha nya. At napasigaw ako.
"You!???"
Kapag sinusundan ka nga naman ng kamalasan. Ang lalaking nakasabay ko sa elevator kanina at ang boss ko ay iisa! Shet! Napangiwi ako. Parang gusto ko maglaho bigla.
Nakatingin sya sakin. Walang emosyon akong nakikita.
Napansin kong binaba nito ang tingin sa aking mga paa paakyat sa aking mukha. Napailing.
'Oh my! Anu gagawin ko?Tatakbo nalang kaya ako palabas at wag na bumalik?' Sinasabi ng isipan ko. Bahala na. Kung anu man kakahantungan nito. Kakapalan ko mukha ko.
"You know him?" Tanong ni ate mong supladitang Katarina sakin.
"Ay hindi po. Sori po. May kamukha lang po si sir.... uhm si Sir Luke." Napatungo ako. Feeling ko basang basa na ang kili kili ko sa sobrang kahihiyan. Gosh! Sa dami dami ng pwede kong boss ay ang lalaki pang ito.
" Allright. So iiwan na kita here." Sabi nito sakin at tumingin kay Sir Luke. " Aalis na ako sir. Just call me if you need something from my office."
At lumabas na ng kwarto si babae. Kami nalang ang natitira. Diko alam ang gagawin. Nakatungo ako kaya hindi ko alam if nakatingin pa rin sya sakin.
"So you are Adelaida Kapinpin? What a cute name." Sabi nito. Nakaupo na pala ito sa office chair nito.
"Opo sir. But i prefer Adela sir for short." Sagot ko. Nilakasan ko ang loob. Kelangan kong gawin para di manginig ang aking boses.
Nakatingin padin sya sakin. Waring sinusuri ang aking itsura. Feeling ko ilang pulgada na ang kapal ng aking mukha. Nangangamatis na sa pula.
"By the way Adela. Starting tomorrow, u will be my assistant. So technically this is your orientation day. But i have a meeting to attend to ....in a bit ....so.... i will let you go home earlier." Sabi nito. Tumayo ito ulit at pumunta sa harap ng table nito. Sinandal nito ang pwetan sa table.
Parang matutunaw na ako sa mga titig nya. Nangangatog na ang mga tuhod ko. Hindi man lang ba ako nito papaupuin? Shocks Adelaida!
"And... your table will be there outside. Near the door.Ate Rosa,my former assistant will assist you about everything you need to know. So be here tomorrow..., at 8am." Mahaba nitong litanya. Gusto ko sana itanong kung bakit aalis ang dati nitong assistant. Pero nangibabaw ang hiya ko. Hinayaan ko nalang.
"Okay sir. Noted!" Ang nasagot ko nalang.
"By the way. We dont have uniforms here but please. I want my assistant look presentable. Hindi mukhang waitress sa isang restaurant. Okay? So i have to go. Wait ate Rosa here." Sabi nito. Sabay tingin sa kasuotan ko. At maya maya pa ay lumabas na ito ng pinto.
Hiyang hiya ako. Shocks! Parang di ko kaya ang kahihiyan.
Umupo ako sa sofa. Tiningnan ko ang aking suot. Nakablack skirt at white blouse ako. Nyay! Mukha nga akong waitress sa isang resto. Kaloka Adelaida!
Grrr. Masama ang ugali ng lalaking iyon. Kelangan ba talagang ipahiya ako? Hays!
'Kung di lang kita boss! Pinatulan na kita! '
'Tiis tiis lang muna Adela. Kaya mo to!Fighting!'
Napailing nalang ako. Pinilit kong irelax ang aking sarili. Napatingin ako sa center table ng mga sofa. May mga magazines doon. Kumuha ako ng isa. Isang business magazine ang aking napili.At nabigla ako sa aking nakita. Cover nito ang lalaking demonyong yon. Infairness ha, kahit kumukulo ang dugo ko...bigla akong napakalma ng kanyang kapogian. Nakasmile ito. Na hindi ko man lang nasulyapan kanina.
Suplado! Hmmp.
Anak pala ito ng CEO ng company namin. Binasa ko ang infos about sa kanya.
31 years old na sya. One of the hottest bachelors sa Pilipinas. Well. Sa looks nya na mala Chris Evans. Given na. Luke Mendez full name nya.
Marami pang mga pictures nya sa bawat pages ng magazine. Infairness..ampogi pala talaga nya kapag nakangiti at nakaporma. Well sa business look at casual attire nya... walang tulak kabigin! Papasang model si boss!
"Pogi noh?" Tinig galing sa likuran ko.
"Ayyy b*lat!" Bigla kong sabi. Shet! Ang matabil kong bibig kung anu ano ang nasasabi kapag nabibigla. "Sori po."
"Ahahahah sus iha, okay lang." Sabi nito. Nakangiti sakin. Nangungusap ang maganda nitong mga mata. Sa tingin ko, nasa 50's na ito.
"Ako pala si Rosa. Ako magtuturo sa yo ng mga iiwan kong trabaho." Sabay abot nya sakin ng kamay. Inabot ko at nakipagshake hands. Ngumiti ako. Mukha syang mabait.
"Salamat po. Pasensya napo. Kung anu ano po nalabas sakin kapag nabibigla" sabi ko. Umupo nadin sya sa sofang nasa harapan ko. Tinitigan nya ako at ngiting ngiti.
"Ang ganda mo pala iha!"
Namula ako. Alam kong maganda ako. Charot! Sanay na akong masabihan pero syempre..., dalagang Pilipina parin ako. May pagkamahiyain na mahinhin!Chos!
Lumipas ang ilang minuto ay nagkapalagayan na kami ng loob. Super bait nya pala. Kelangan nya umalis sa work kasi mag aabroad na pala ito. 20 years na ito sa company. Pero since nasa abroad na lahat ng mga anak nya, ay napagdesisyunan na nitong doon manirahan lalo na at mag isa narin pala sya dito. Namatay sa accident ang asawa nya.
Maaga nya ako pinauwi. Masaya ako na kahit papano ay magiging madali ang turnover sakin ng trabaho.
3pm palang ng hapon. Kaya minabuti kong maghanap ng flowershop para dalawin ang puntod ni tatay.