Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Rebellious Wife

🇵🇭Jilled26
10
Completed
--
NOT RATINGS
208
Views
Synopsis
Ginamit ni Sin ang kasal para parusahan si Seth-para ipadama dito ang sakit na pinagdaanan niya. At nang magawa ito ni Sin, inakala niyang iyon ang hinahangad niya. Pero bakit parang siya ang natatakot ngayon? Bakit habang tinatanggap ni Seth ang lahat, lalo lamang siyang nauubusan ng rason para kamuhian ito? Sa kabila ng lahat ng ginawa niya dito, siya pa rin ang iniintindi at pinoprotektahan nito. Nakakagalit. Nakakagulo. Dahil hindi ito ang inaasahan laro ni Sin... at mukhang siya ang talo.
VIEW MORE

Chapter 1 - CHAPTER 1 : Chaotic Comfort

Maririnig ang mga yabag ng mataas na takong sa sahig ng isang gusali. Isang matangkad na dalaga, na iisiping isang ekspertong modelo, ang makikitang naglalakad. Ang tempo ng kanyang kilos ay agad nakakahatak ng atensyon ng sinumang madaraanan niya. Isang malusog na lalaki ang napahinto at hindi napigilang sundan siya ng tingin. Pinigilan nitong lunukin ang laway nang mapadako ang tingin sa kanyang makinis na hita.

Inayos ni Sin ang pagkakatali ng kanyang buhok kahit wala siyang salamin. Ginagawa niya ito habang naglalakad sa hallway ng condominium ng kanyang kaibigan. Wala siyang pakialam dahil alam niyang maganda siya kahit saang anggulo. Hindi sa pagyayabang, pero hindi lingid sa kanyang kaalaman na kaya niyang mang-akit ng lalaki sa loob lamang ng isang segundo. Napangisi siya sa naisip.

Huminto si Sin sa harap ng isang pinto. Kinuha niya ang wallet at inilabas mula roon ang isang manipis na ID. Isiniksik niya ito sa gilid ng pintuan at dahan-dahang isinlide pababa sa doorknob na ngayo'y hawak na niya habang sinusubukang buksan ito.

Bigla siyang natigilan nang may tumikhim sa likuran niya. Mabilis siyang lumingon at tumambad sa kanya si Axel, nakataas ang kilay.

"Seriously?" Napapailing na tanong nito.

"Shut up." Tinapunan niya ito ng matalim na tingin bago ipinagpatuloy ang ginagawa. "Sino ba kasing nagsabi sa kanya na kumuha ng condo sa lumang building na 'to? Kahit ang lock, old-school pa rin."

"Kahit sinong makakita sa'yo, iisiping magnanakaw ka. Papasukin mo ang condo ng kapatid ko gamit ang ID mo? Come on, Sin, is that even working?"

"Watch me." Mahinang bulong ni Sin sa sarili, lalo na nang marinig ang malutong na tawa ni Axel sa likod niya. Hindi niya ito pinansin.

Natutunan niyang magbukas ng mga pinto dahil palagi siyang kinukulong ng kanyang ina sa kwarto para hindi makasama sa gimikan ng barkada. Pero hindi ito naging hadlang sa kanya—palagi siyang nakakatakas.

Napangiti si Sin nang marinig ang click ng lock. Tumayo siya nang tuwid at muling hinarap si Axel. Binuksan niya nang maluwag ang pinto, gustong makita ang reaksyon nito. Hindi siya nabigo—hindi man lang ito nakapagsara ng bibig sa gulat.

"Your—"

"Amazing, I know." Putol niya sa sasabihin nito bago pumasok sa loob. Sumunod naman si Axel.

"Unbelievable! Pwede ka namang kumatok tulad ng ginagawa ng mga normal na tao. Bakit kailangan mo pang gawing komplikado ang lahat?" Naguguluhang tanong nito.

Nabitawan ni Kace ang hawak na mansanas nang makita niyang pumasok ang dalawa sa kwarto niya. "Paano kayo nakapasok?" naguguluhang tanong nito.

Natatawang napailing si Axel nang makita ang reaksyon ng kapatid.

Komportableng umupo si Sin sa mahaba at malambot na sofa habang kinakagat ang nasalo niyang mansanas. Kinuha niya ang remote sa center table at agad na nagpalit ng channel. Umupo naman sa tabi niya si Axel at nakikagat din sa mansanas na hawak niya.

"Dapat tinawagan niyo muna ako bago kayo pumunta rito," reklamo ni Kace, na napilitan ding makitabi sa kanila. "Paano na lang kung may—"

"You just broke up with Tracy, kaya alam kong mag-isa ka ngayon at nagkukulong dito. We're here to comfort you."

"Comfort me?" Natawa si Kace, tila nakarinig ng isang malaking kalokohan. "Marunong ka ba nun, Sin? Gusto mo lang makita ang miserable kong sitwasyon kaya ka nandito ngayon."

Hindi mapigilan ni Axel ang matawa sa sinabi ng kapatid. Hindi niya ito masisisi dahil may katotohanan ang sinabi nito.

"Kace, how could you?" Drama ni Sin habang hawak ang dibdib, kunwa'y nasaktan. "Alam mo namang mahal na mahal kita, 'di ba? Gusto ko lang malaman mo na tama ang hinala ko noon nang sabihin kong maluwag ang panty ni Tracy. Kahit sino, basta gwapo, papatulan niya."

"Sinasabi mo bang pinatulan niya lang ako dahil sa mukha ko?"

Painosenteng tumango si Sin.

"Oh, fuck you, Sin. Hindi ka nakakatulong! Lalo mo lang binubudburan ng asin ang sugat ko."

"Wow! Mukhang malalim nga ang pasa mong iniwan ni Tracy. Wake up, Kace! She's not that great. Wala nga siya sa kalingkingan ng heels ko."

Hindi maipinta ang mukha ni Kace sa narinig, maging si Axel ay parang gusto nang masuka.

"Oh, the great mighty Sin," sarkastikong tugon ni Kace. "Walang sinuman ang pwedeng ikumpara sa'yo. Dahil ikaw lang naman ang babaeng matapos akong halikan, gigising ka lang kinabukasan na parang walang nangyari!"

"Woah, woah," si Axel, halatang natutuwa sa direksyon ng usapan nila.

Nakagat naman ni Sin ang ibabang labi niya. "Alam mo namang mahina ako sa mga lalaking umiiyak," balewalang sagot niya, lalo pang ikinapikon ni Kace.

"Pare-pareho lang kayong mga babae."

"At kasasabi mo lang kanina na hindi mo ako maikukumpara sa kanila?" nakangising balik ni Sin.

"Oh, I hate you, Sin," si Kace, na biglang tumayo at padabog na isinara ang pintuan ng kwarto niya.

"But I love you, Kace!" natatawang wika ni Sin, hindi rin nakatiis at sinundan ito upang lambingin.

Napapailing na lang si Axel na naiwan sa sofa.

She's insane, bold, and playful. Hindi niya maintindihan kung bakit natitiis pa rin nila ito.