Bumaba si Sin mula sa kanyang sasakyan at tumambad sa kanya ang nagliliwanag na lawa. Ang repleksyon ng mga bituin at buwan ay mistulang nakalutang sa ibabaw ng tubig, parang nakulong ang kalangitan sa lawa.
Stuck.
Iyon ang tamang tawag sa kanya ngayon. Umupo siya sa damuhan at isinandal ang likod sa gilid ng kanyang sasakyan. Hanggang ngayon, nakakulong pa rin siya sa mga alaala ni Bryan.
"Did you know that I'm starting to get tired of you?"
Bumangon siya mula sa pagkakaupo at hinubad ang kanyang sandals. Isinunod niyang alisin ang kanyang damit nang makaramdam ng matinding init sa katawan.
Tuluyan siyang walang saplot nang lumapit sa lawa. Marahan niyang nilubog ang sarili sa tubig. Malamig iyon—kabaliktaran ng naglalagablab niyang damdamin.
Wala siyang pakialam sa lamig at lumangoy pa siya hanggang sa kalagitnaan ng lawa. Nagbabakasakaling makalimutan niya ang iba't ibang emosyong bumabagabag sa kanya ngayon.
Nang mapagod, nagpalutang na lamang siya sa ibabaw ng tubig.
She doesn't know what she wants anymore. It's torturing her. Pumikit siya nang masinagan ng liwanag ng buwan.
Ito rin ang parehong buwan na naging saksi sa kanila noong gabing iyon...
"Tinatakot mo si Kean. Hindi siya sanay na tahimik ka," sita ni Cashierrie sa kapatid.
Nakatitig lang kay Sin ang batang buhat nito, para bang inoobserbahan siya. Dinampian niya ng halik ang noo ng bata, dahilan para matawa ito nang mahina.
"Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin sa'yo. Hindi ko rin inaasahang mangyayari ito. I'm sorry for leaving you all alone and for not being there to defend you." Nalulungkot na wika ni Cash sa kapatid.
"Don't say that. You and Kean are enough."
Inilapit ni Sin si Kean sa dibdib niya at niyakap ito.
"Halos isang linggo ka nang hindi umuuwi kay Seth. Paano kung makarating ito kay Uncle? I don't want you to be in trouble again."
Pagkatapos sabihin iyon ng ate niya, nag-ring ang cellphone ni Sin. Napatingin siya rito at nakita ang pangalan ni Uncle Sutto.
"It's too late," bulong niya bago ibinigay si Kean kay Cashierrie.
Sinagot niya ang tawag. "Yes, Uncle?"
"Sin, what do you think you're doing? Come home. Right. Now!" galit na utos nito bago siya biglang pinatayan ng linya.
Nakita ni Sin ang pag-aalala sa mukha ng ate niya.
"Don't worry, Sis. Makikinig lang ako sa sermon niya."
Tumayo siya at inihatid siya ng ate niya sa pinto.
"I love you," sabi ni Cash bago siya hinalikan sa noo.
"I love you more."
Kinuha niya ang kamay nito at hinalikan ang likod ng palad nito. Saka siya nagpaalam at sumakay ng sasakyan niya pabalik sa main mansion.
Pagdating niya, naghihintay sa kanya ang dalawa sa living room.
Walang emosyon ang mga mata ni Seth nang makita siya nito. Samantalang si Uncle Sutto, agad na tumayo nang makapasok siya.
"Kailan ka ba magiging responsable sa mga aksyon mo? I'm really disappointed, Sin."
Iyon ang unang bungad nito sa kanya.
Hindi niya magawang salubungin ang galit na tingin ni Uncle Sutto.
Dahil parang ama na rin ang turing niya rito, hindi niya kayang mangatwiran kahit marami siyang gustong isumbat dito.
She knows when to be a bitch and when to behave.
At sa ngayon, hindi niya gustong bigyan ng dahilan para lalo pang magalit ang tiyuhin niya.
"Kung di ko pa kayo bibisitahin, hindi ko malalaman ang sitwasyon niyo!"
Mula kay Seth, bumalik ang atensyon nito sa kanya.
"This is your house, this is your home, and that man is your husband! It's your duty to stay with him! Do I have to do this to make you understand?!"
Para siyang batang pinagsasabihan nito.
"Ito ang isang rason kung bakit ko kayo pinagkasundo ni Seth! Kung si Cashierrie may maayos at tahimik na buhay, ikaw naman ay walang direksyon! Akala mo ba hindi ko alam ang mga nangyayari sa'yo?
Pagkatapos mamatay ng mga magulang mo, pinabayaan mo na ang sarili mo, Sin! Hindi ito ang gustong mangyari ng mga magulang mo para sa'yo."
"Then why did it have to be him?!" hindi niya na napigilan ang pagsambit ng tanong na matagal nang bumabagabag sa kanya.
"Dahil kung sino man ang lalaking ibigay ko sa'yo, sigurado akong mas malala pa ang gagawin mo.
And Seth?!"
Si Seth naman ang binalingan ni Uncle Sutto.
"If you cannot even handle your wife, paano mo hahawakan ang isang malaking kumpanya at ang libo-libo mong empleyado?"
"Dad," napatayo si Seth, "I don't have the right to control her."
"She's your wife! You have every right!"
Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Seth.
"Fix this! Kayong dalawa ang pundasyon ng Valcarcel. Hindi ko hahayaang masira ang ipinundar na dugo't pawis ng mga naunang Valcarcel dahil lang sa inyong dalawa.
Naiintindihan niyo ba?"
Hindi sumagot si Sin, subalit wala rin siyang lakas ng loob mangatwiran.
"I need proof."
Sinalubong ni Sin ang seryosong mukha ng tiyuhin niya—o mas tamang sabihing ama na niya ngayon.
Hindi maganda ang pakiramdam niya sa susunod na sasabihin nito.
"I am expecting my grandchild."
Bumuka ang kanyang bibig, ngunit walang salitang lumabas.
Matapos bitawan ni Uncle Sutto ang mga salitang iyon, iniwan na sila nito.
Lumipas ang mahabang sandali na nanatili silang tahimik ni Seth.
"If you didn't leave me, this would never have happened," basag nito sa katahimikan.
"Kung nagsalita ka lang sana, baka nagbago pa ang isip niya. Hindi nila dapat tayo pinakikialaman dahil problema natin ito."
"Gano'n din sa'yo. Bakit pagdating sa akin, ang dami mong naisusumbat? Pero pag nasa harap ka na ni Dad, wala akong marinig galing sa'yo.
Dahil alam mong tama siya.
Wag na tayong maging makasarili, Sin. Hindi na natin ito matatakasan."
"So ano'ng gusto mong sabihin? Sundin natin ang hinihiling niya? Just. Kill. Me."
Nagmadaling umakyat si Sin sa kanyang kwarto matapos itong iwan.
Hindi pa niya naaayos ang sarili niya.
Kaya paano niya paninindigan ang pagkakaroon ng anak?
Kung iniisip ng Uncle Sutto niya na mapipilitan siyang maging responsable kapag naging ina na siya—nagkakamali ito.
Sinundan ni Seth ng tingin ang likod ni Sin hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at huminga nang malalim.
Bumalik siya sa kanyang kwarto at ipinagpatuloy ang pagbabasa ng report.
Ngunit kahit anong gawin niyang pag-okupa sa sarili, ni isang salita sa report ay walang pumapasok sa isip niya.
Napapikit siya ng mariin. Dumako ang tingin niya sa pader na namagitan sa kwarto nila.
Kasing kapal at kasing tigas ng dingding na iyon ang distansiyang naghihiwalay sa kanila.