Chereads / Rebellious Wife / Chapter 6 - CHAPTER 6: A Deal Sealed in Betrayal

Chapter 6 - CHAPTER 6: A Deal Sealed in Betrayal

"Yes?"

Hindi nakaligtas kay Sin ang mabilis na sulyap ng receptionist sa kabuuan niya at ang bahagyang pagtaas ng isang kilay nito. Ramdam niya rin ang mainit na tingin nito sa bag niya, na ilan lamang sa industriya ang nagmamay-ari. Marahil iniisip nito kung ano ang ginagawa ng isang hot model na tulad niya sa lugar na ito.

"Do you have an appointment, Ma'am?" muling tanong nito, hindi pa rin nawawala ang pagsusuri sa kanyang tingin. Well, hindi niya ito masisisi—tatlong taon na siyang hindi tumatapak sa kumpanya. Ang secretary niyang si Leo ang laging naghahandle ng lahat ng appointment niya.

Si Leo ang pinakamatalik niyang kaibigan mula pa noong high school. Scholar ito at dating student council president. Dito niya pinagagawa ang mga assignment at project niya, kaya't mula noon pa'y naging assistant na niya ito. Napansin niya ang talino at awtoridad ng lalaki noong unang beses niya itong nakita sa library. Nagkaroon sila ng mainit na argumento nang sitahin siya nito dahil hindi niya ibinalik nang maayos ang mga libro sa shelf. Si Leo lamang, bilang SSC President, ang naglakas-loob na itama siya.

Pag-aari ng pamilya niya ang Valcarcel Academy, kaya naman parang laro lamang sa kanya ang pag-aaral. Walang sino man ang nagkakamaling bumangga sa isang Valcarcel na tulad niya—pero si Leo, kahit pa isa itong scholar, hindi nag-atubiling itama ang mali niya. Simula noon, alam niyang kailangan niya ito sa tabi niya.

Nang magkasakit ang ina nito ng cancer, ibinigay niya ang lahat ng tulong upang mapahaba ang buhay nito. Gusto niyang magkaroon si Leo ng utang na loob sa kanya—isang bagay na hindi mababayaran ng panahon. Ang katapatan nito ang kapalit ng lahat ng ibinigay niya. Pinag-aral niya si Leo sa isang eksklusibong kolehiyo na hindi tumatanggap ng mga estudyanteng walang matibay na koneksyon. Dinamitan niya ito ng pinakamagagandang kasuotan at pinatira sa kanyang mansyon. Tanging ang ina lamang ni Leo ang natitirang pamilya nito, kaya upang tuluyang mapanatili ito sa kanyang panig, itinuring niya itong pamilya. Iyon lang siguro ang tanging tamang ginawa niya para dito.

"There's a shareholder meeting, and I'm one of the stockholders."

Biglang tumuwid ang postura ng receptionist sa narinig.

"I'm sorry—"

"Miss Sindra," putol ng isang sopistikadong tinig. Lumapit sa kanya ang secretary ni Uncle Stern. "Magsisimula na po ang meeting. Kailangan na po kayo sa loob."

"Okay." Napansin niyang namutla ang receptionist nang iwan nila ito.

"I didn't mean to scare her," komento niya pagpasok nila sa elevator. Sinilip siya ni Tanya sa gilid ng mata at pasimpleng napailing.

"You're wearing jeans and sunglasses. Walang mag-iisip na shareholder meeting ang pupuntahan mo."

"So, I can't blame her, huh?"

"Yes."

"You know, kung wala ka lang crush sa Uncle ko, I might really like you, Tanya."

Natigilan ang secretary sa tabi niya. "Walang pinagkaiba si Uncle Stern sa ibang mga lalaki. Paano niya tatanggihan ang isang napakagandang babae tulad mo kung ikaw mismo ang lumalapit sa kanya?" dagdag niya, hindi alintana ang biglang panlalamig ni Tanya.

Nahuli niya ang dalawa isang beses—nagkakatalik sa mismong bahay ni Uncle Stern, habang nagbabakasyon si Auntie Sofia sa Brazil. Iyon ang nangyayari kapag bigla siyang sumusulpot nang walang paalam. Hindi niya sinasadyang makita ang dalawa sa library ni Uncle Stern. Ngunit pagkatapos noon, umakto siyang tila walang nangyari dahil alam niyang lilipas din ang pagnanasa ng tiyuhin niya rito.

"M-Miss Sin—"

"I really scare people whether I like it or not." Bumukas ang elevator. "Stay away from him, while I'm asking you nicely." May bahagyang ngiti sa labi niya, ngunit ang tono niya ay matigas. Iniwan niya si Tanya na may takot sa mga mata.

Dumiretso siya sa conference room, kung saan siya na lamang ang hinihintay. Ramdam niya ang tensiyon sa paligid. Tumahimik ang lahat nang pumasok siya. Naroon ang magkakapatid, ang ilan sa kanilang mga asawa, at iba pang board members.

"Sindra," pag-acknowledge ni Uncle Sutto sa presensiya niya. Bawat salita nito ay may awtoridad. Ito ang paborito niyang tiyuhin—too bad, magkalaban sila ngayon.

Hindi niya akalaing darating ang araw na ito. Parang kailan lang, karga-karga pa siya ni Uncle Sutto sa balikat nito.

"Hi, Uncle," simpleng bati niya, tila hindi apektado ng tensiyon sa paligid.

Hindi rin nakaligtas sa kanya ang presensiya ng lalaking nasa tabi ni Uncle Sutto. Seth.

Noong unang ipakilala ito ni Uncle Sutto bilang anak nito, tinanggap niya ito bilang pamilya—bilang kapatid. Pero hindi niya mapapatawad ang ginawa nito sa kanya. Lalo na't ito rin ang pinili ni Uncle Sutto sa halip na siya.

Ngayon, mas nauunawaan na niya ang naramdaman ni Bryan noon para kay Seth.

Umupo siya sa tabi ni Uncle Stern, at nagsimula muli ang matinding tensiyon.

Bago magsimula ang shareholder voting rights, kinumpirma ni Uncle Sutto ang isang kasunduang sinang-ayunan na ng lahat.

"What agreement?" bulong niya kay Uncle Stern.

Kunot-noong hinarap siya nito. "Hindi ba't nabanggit ko na sa iyo? Kung makukuha mo ang mas malaking voting right, ibibigay nila ang share nila sa'yo. At ikaw na ang mamamahala sa kumpanya."

Alam niyang siya ang malaking parte ng kasunduang ito, ngunit nais niya lang itong linawin.

"Kung ganoon, ibibigay ko naman ang share ko kung ako ang matatalo."

Tumango si Uncle Stern, ngunit may makikitang pag-aalinlangan sa mata nito —isang bagay na hindi na niya napansin.

"I will not let that happen," mahinang tugon nito.

Nahuli niya ang tingin sa kanya ni Seth. Tahimik ito sa isang tabi, tila hindi gustong makialam.

Naiinip siyang hinihintay ang pagbibilang ng boto. Plano niyang puntahan si Cade pagkatapos nito.

Makalipas ang ilang sandali, natapos na ang bilangan, at ihahayag na ang resulta.

Hindi siya sigurado kung may pakialam siya kung manalo man siya o hindi—ang mahalaga, nagawa niya ang parte niya.

Napatayo si Uncle Stern matapos marinig ang resulta. "Are you really going to give it to that child?!"

"He's my son! At nasa kanya ang lahat ng karapatan upang manahin ang posisyon ko."

Tulad ng inaasahan niya, hindi natinag si Uncle Sutto kahit magsanib-puwersa pa ang mga kapatid nito laban sa kanya.

"Let's just accept it, Uncle." Hinawakan niya ang kamay ni Uncle Stern, pilit siyang pinapakalma.

Nakita niya ang guilt sa mata nito. Sinugal nito ang buong share niya sa laban—hindi niya ito masisisi.

"I'm sorry," bulong nito.

"Don't be," she reassured him.

"Hindi pa tayo tapos," sabi ni Uncle Sutto.

Ngunit hindi niya inaasahan ang sumunod na sinabi nito.

"Ikakasal si Sindra kay Seth. At nais kong maganap ito bago lumipas ang buwan na ito."

Saglit na natigilan si Sin at muling inulit sa isip kung tama ba ang narinig niya. This is absurd.

"Uncle! This is the craziest thing I have ever heard!" Napabalikwas siya ng tayo.

"Pinili mo ito, Sindra. Simula pa lang nang tanggapin mo ang kasunduan at pirmahan ang kontrata, dapat naging handa ka sa ano mang maaaring mangyari. Ito ang napagkasunduan namin ng mga tiyuhin mo."

"This is insane! Walang nagsabi sa akin na pakakasalan ko ang anak mo, Uncle!"

"You think this is a game, Sindra? Nakita kitang lumaki, at kailanman, hindi mo sineseryoso ang kahit ano. Ito na ang tamang panahon para ayusin mo ang buhay mo."

"By marrying your son? Magpinsan kami, for God's sake!"

"And no one acknowledges that! Lahat ng tao sa kwartong ito ay sumang-ayon sa kasunduang ito. Binigay nila ang parte nila sa'yo—kasama doon ang tiwala nila. Panahon na para harapin mo ang mga desisyon mo nang may pananagutan."

Nanlamig ang buong katawan ni Sin. Pagkalipas ng anim na taon, ngayon lang muli siya nakaramdam ng matinding takot. Hangal siya para isiping matatakasan niya si Uncle Sutto pagkatapos ng ginawa niya.

Tiningnan niya ang mga tiyuhin at tiyahin niyang tahimik lang sa tabi, ngunit kita sa kanilang mga mata ang pagsang-ayon sa plano ni Uncle Sutto. Doon na siya nanghina, bumigay ang tuhod niya nang mapagtanto niyang wala siyang kakampi.

Hanggang sa magtama ang mga mata nila ni Seth. You're going to regret this.

Iyon ang maliwanag na mensahe sa kanyang titig.