Chereads / Rebellious Wife / Chapter 8 - CHAPTER 8: Vows of Deception

Chapter 8 - CHAPTER 8: Vows of Deception

The Valcarcel Dirty Secret

Taboo.

Incest.

Iyon lamang ang mga naisulat na headline ng mga pahayagan na hindi lumabas dahil sa malakas na impluwensiya ng Valcarcel. Nagawa nilang patahimikin ang media na dapat sana'y magiging malaking pasabog na balita sa lahat. Alam ng lahat na illegitimate child si Seth. Pinalabas ng Uncle Sutto niya na anak niya ito sa ibang babae. Hindi maintindihan ni Sin kung bakit hinayaan iyong mangyari ng ina ni Bryan. Sila lang ang nakakaalam sa loob ng kanilang angkan sa tunay na katauhan ni Seth. Kaya naman ang alam ng publiko ay totoong magkadugo sila ng binata.

Gusto niyang matawa sa mga nangyayari. Marahil kung si Bryan ang gusto niyang pakasalan, buong pamilya niya mismo ang tututol. Ngunit sa kalagayan niya ngayon, sila pa mismo ang nagtutulak sa kanilang dalawa ni Seth. Puwede siyang umalis, iwan ang lahat, at kalimutan ang mga ito, subalit hindi niya iyon kayang gawin. Mahalaga sa kanya ang pamilya. Iyon ang itinuro sa kanya ng kanyang ama—na ang pamilya ang lagi niyang uunahin. Gusto niyang magalit sa Daddy niya dahil hanggang ngayon ay nabubuhay pa rin sa kanya ang mga turo nito.

Idinapa ni Sin ang hubad na katawan sa kama at tiningnan ang wedding dress na nakalatag sa tabi niya. Tahimik niyang pinagpahinga ang kanyang paningin sa liwanag ng silid at ninamnam ang lambot ng kama. Gumapang ang daliri niya sa gown... If she couldn't run away from this, then she would use this marriage to ruin him. That should satisfy her.

Naramdaman ni Sin ang pagdating ng bagong presensya sa likod niya. Hindi na niya kailangang lumingon para makita kung sino ito. Tinakpan ni Leo ng roba ang hubad niyang katawan. Bumangon siya at hinayaan muling malaglag ang roba sa katawan niya. Nakita niyang umiwas ng tingin sa kanya ang binata.

"Still not used to it? You've seen me naked countless times," hinila niya ang kwelyo nito palapit sa kanya. "But you have never experienced how amazing this body—"

"Alam kong galit ka pero kailangan mong ayusin ang sarili mo." Muling kinuha ni Leo ang roba at tinakpan ang katawan ni Sin. "I'll be back in ten minutes." Anito at mabilis na nilisan ang silid. Sa kabila ng malamig nitong anyo, hindi nakaligtas kay Sin ang pag-iwas nito. Hindi na niya mabilang kung ilang beses niya itong sinubukang akitin, ngunit ni minsan ay hindi ito natinag sa kanya. Dahilan kung bakit isa ito sa mga taong pinagkakatiwalaan niya.

Nawala ang ngiti sa labi ni Sin nang muling mabaling ang tingin niya sa wedding dress na sadyang hinanda para sa kanya. Hindi nababagay sa kanya ang kulay ng damit. She was not pure and innocent. She preferred black—it mirrored her soul.

Lahat ng miyembro ng angkan ng Valcarcel ay naroon. Maging ang mga kamag-anak nila sa ibang bansa ay umuwi upang masaksihan lamang ang kanilang kasal. Ito ang unang pagkakataon sa kanilang angkan na ipag-iisang dibdib sa loob ng kanilang pamilya. Dahil sa gagawing ito, mananatili sa pamilya nila ang kanilang kayamanan. Sa madaling salita, sila lamang ang makikinabang nito.

"So, this is my punishment?" bulong ni Sin sa sarili. Pinaparusahan ba siya ng Diyos dahil maling tao ang minahal niya? Huminto siya sa harap ni Seth at sinimulan na ng judge ang seremonya. Natapos ang vows, ceremony of the rings, hanggang sa pronouncement ay nililipad ang isip niya. Nakita niya na lang ang daliri niyang may suot ng singsing.

"I now pronounce you married. You may kiss the bride."

Ngayon niya lang napansin ang mga mata ni Seth. Sa kabila ng blangkong ekspresyon nito, hindi nito naitago sa kanya ang totoong nararamdaman nito sa mga sandaling iyon. Kahit saglit niya lang iyong nakita. Hindi siya pwedeng magkamali. Dahil kapareho iyon ng mga tingin ng mga lalaking dumaraan sa kamay niya.

"Why do you make it so easy for me to hurt you?" But that wasn't going to stop her from doing what she had planned. Mas natutuwa siya kung totoong iyon ang nararamdaman nito dahil mas mapapadali sa kanyang saktan ito. Dahan-dahang lumapit ang labi ni Seth sa kanya... Lumitaw ang mga imahe sa isipan ni Sin ng unang beses na lumapat ang labi nito sa labi niya. Mabilis niyang iniwasan ito. Nakita iyon ng lahat ngunit walang naglakas ng loob na magsalita.

Nilapit niya ang mukha sa gilid ng tenga nito at bumulong, "Did you forget when I told you that you can't touch me? I meant it." Hindi na siya nag-abalang tingnan ang reaksiyon nito dahil lumipat ang atensyon niya sa mga taong nagpapalakpakan sa kanila. Ang akala ng mga ito ay hinalikan niya sa pisngi si Seth. Ang judge lang ang nakarinig at nakakita ng lahat ngunit nanatili itong tahimik sa tabi.

Sa wakas, natapos din ang araw na iyon. Sumapit ang gabi, at natulog sila sa magkaibang kwarto ni Seth. Hindi na sila nag-abalang puntahan ang inihandang gabi para sa kanila sa isang hotel. Alam nilang pareho na walang mangyayaring honeymoon sa pagitan nila kaya dumiretso na sila sa main mansion.

Sinagot niya ang tawag ni Axel pagkalabas niya sa bathroom. Pinapatuyo niya ang buhok gamit ang puting towel.

"Ikinasal ka? Totoo ba 'to?"

She rolled her eyes. "Isang linggo nang lumabas ang balita. Ngayon ka lang magtatanong?"

"So, it's true! Alam mo kung paano hinarang ng pamilya mo ang mga balita tungkol sa inyo. I thought it was just a rumor. I can't believe it!"

"You can't believe what? That I'm married? Or that I married my own cousin?"

"Um... both."

Napangiti siya sa sagot nito. "Well, guess what? It's our honeymoon tonight."

"......"

"Does that amuse you?"

"Sin, you're scaring me. Are you really okay with this?"

"Ikinasal lang ako. Hindi ibig sabihin nito ay magbabago na ako. Ako pa rin si Sindra Valcarcel. Maging pangalan ko ay hindi nagbago, kaya wala kang dapat ipag-alala."

"Pero bakit parang mas nag-aalala ako sa'yo ngayon dahil sa sinabi mo? Anyway, nandito lang kami kapag kailangan mo. Matagal na rin tayong hindi nakukumpleto. Sana naman ay hindi maging mahigpit ang asawa mo sa mga lakad natin."

Narinig ni Sin ang pigil na tawa ni Axel. "Masisisi mo ba ako? You've never had a serious relationship. You played with men like they were experiments. But now, you're married. I'm honestly curious—what will happen when your past lovers find out? And what will your husband do when they start showing up one by one? Sindra, looks like it's game over for you."

"Kung game over ako, anong tawag ko sa'yo kapag nalaman ni Gia na nag-uwi ka ng Haponesa sa condo mo?" Matagal na natahimik si Axel sa kabilang linya.

"What? Am I not funny anymore?"

"Sin, napag-uusapan naman ang lahat ng bagay."

Isang malutong na tawa ang pinakawalan ni Sin nang marinig ang panginginig sa boses ng kaibigan, bago niya ito pinatayan.

Nawala ang ngiti niya kasabay ng pagkawala ni Axel sa linya. Nakatulog si Sin nang mahimbing matapos niyang inumin ang gamot na pampatulog. Ayaw na niyang mag-isip—mas gusto niyang lamunin na lang ng antok.

Samantala, sa kabilang silid, may isang taong hindi makatulog at nanatiling nakadilat sa gitna ng dilim.