Chereads / Rebellious Wife / Chapter 9 - CHAPTER 9: His Claim, Her Rebellion

Chapter 9 - CHAPTER 9: His Claim, Her Rebellion

"Nasaan siya?" tanong ni Seth sa isang katulong pagdating niya. Mabilis niyang tinapos ang board meeting para maaga siyang makauwi.

"Umalis po si Ma'am pagkaalis niyo kaninang umaga, Sir. Halos magkasunod lang po kayo."

"At hanggang ngayon ay hindi pa siya dumarating?"

"O-Opo." Kinabahan ang katulong nang makita ang galit sa mga mata ng amo niya.

"Sinabi niya ba sa inyo kung saan siya pupunta?"

"Hindi po, pero narinig ko pong kausap niya si Sir Leo sa telepono."

Agad na nilabas ni Seth ang phone at tinawagan ang secretary ni Sin. Hindi sumasagot si Sin sa mga tawag niya, kaya wala siyang ideya kung nasaan ito.

"Nasaan siya?" agad na tanong ni Seth kay Leo pagkasagot nito sa tawag niya.

"Nagkita kami kaninang umaga para papirmahan sa kanya ang ilang dokumento, pero pagkatapos ng meeting namin, hindi ko na alam kung saan siya pumunta."

"Paanong hindi mo alam kung nasaan siya? Trabaho mong alamin ang mga schedule niya."

"Ginagawa ko lang po kung ano'ng inuutos niya."

"Sinasabi mo bang wala akong karapatan na malaman kung nasaan siya? She's my wife! Hindi ito ang unang beses na nangyari ito, kaya huwag mo akong bibigyan ng parehong rason."

Biglang natigilan ang secretary sa kabilang linya. Alam ni Seth na alam nito kung nasaan si Sin. Tatlong linggo pa lang silang kasal ni Sin, pero palagi itong nawawala at umuuwi kung kailan nito gusto. Kaya naman maaga siyang umuwi ngayon upang maabutan niya ito. Hindi nito pwedeng gawin sa kanya ang ginagawa nito noong dalaga pa ito.

Ang hindi ito mahawakan at ikulong sa kanyang mga yakap—kaya niyang tiisin. Ngunit ang mawala ito sa paningin niya nang wala siyang pahintulot? Hindi niya papayagan. Isa nang malaking bagay sa kanya ang maging asawa niya ito, ni sa panaginip ay hindi niya inakalang mangyayari ito.

Nabigla man siya sa naging desisyon ng ama niya, may malaking parte sa kanya ang natuwa. Ito na ang pinakamalaking regalong natanggap niya mula rito. Alam ba ng ama niya ang nararamdaman niya para kay Sin? Ilang beses na sumagi ang tanong na iyon sa isip niya.

Binigyan siya nito ng malaking dahilan upang pagbutihin ang trabaho niya sa Valcarcel Group. Ngunit ngayong may karapatan na siyang angkinin si Sin—na dating isang napakalabong pangarap lamang—hindi niya ito pakakawalan. Kaya niyang maghintay na humilom ang galit nito sa kanya at mawala sa puso nito ang kapatid niya.

"Please, just tell me where she is." Kaya niyang magpakumbaba para dito.

"Sir, I really should not tell you this." Huminga nang malalim ang secretary ni Sin.

"S-She's with a friend," narinig niya ang pagdadalawang-isip sa boses nito. Ngunit sa huli, binigay nito sa kanya ang address.

Mabilis na pinahanda ni Seth ang kanyang sasakyan at pinuntahan ang lugar.

Napailing si Leo nang ibaba nito ang phone matapos ang tawag niya kay Seth. Napako ang tingin niya kay Sin, na tahimik na umiinom sa gilid ng bar.

"Do you have to make me do this?"

"Do what?"

"This. Why do you have to make him believe that you're having an affair?"

"Lying for me has always been part of your job. This is nothing compared to the past things you've done for me."

"But this time, you're married. Hindi mo na pwedeng gawin ang ginagawa mo noon."

"Why? Are you scared of him?"

"Hindi siya pinili ng Uncle mo dahil lang anak siya nito. Nakita niyang kaya niyang higitan ang mga nagawa niyang accomplishments sa kumpanya. He is capable of anything he sets his mind to. Nasaksihan ko iyon nang bumagsak ang isa sa pinakamalaking proyekto ng kumpanya—halos kalahating bilyon ang maaaring mawala—pero nagawan niya iyon ng paraan.

"Ibinigay ito sa kanya ng Uncle Steve mo dahil alam niyang wala na iyong pag-asa—at para na rin magkaroon siya ng pagkakataong sirain si Seth at ibuhos sa kanya ang sisi. Ngunit hindi niya inakalang sa ginawa niya, mas makikilala pa ang kakayahan ni Seth sa pamamahala."

"Wow, I didn't know you respect someone like this. I'm jealous."

Napabuntong-hininga si Leo at napilitang lagukin ang alak—isang bagay na hindi niya ginagawa kapag nasa trabaho.

"Such a man should never bow his head to anyone. He's the chairman, yet he begged me just to know where you are. Can you believe that?"

"If you like him that much, why didn't you tell him the truth?"

"You know why."

Natawa si Sin sa frustrated na sagot ni Leo.

"Well, I probably should go now." Hinawakan niya ang balikat ni Leo. "Relax, I won't do anything to your great chairman."

Nabulabog si Sin sa biglang pagbukas ng pinto ng kwarto niya. Walang pasabing pumasok si Seth.

"Where have you been?"

"Do I have to report everything to you?"

"Gawain ba ng matinong babae ang umuwi ng ganitong oras ng gabi?"

"Well, I'm sorry, pero hindi ako matino."

"Sin, stop acting like this."

"Then you must stop acting like a nagging wife. May kalayaan ako bago tayo nagpakasal. Do you really expect me to change that for you?"

"Yes. Dahil mag-asawa na tayo. You can't just date random guys. You're not a whore."

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Seth. Nakita ni Sin kung paano namula ang mukha nito. Napaatras siya ng isang hakbang, ngunit huli na dahil agad siyang hinawakan ni Seth sa batok at siniil ng halik bilang parusa.

Agad na nag-alarma ang katawan niya. Inipon ni Sin ang buong lakas niya para itulak ito. Kusa naman siyang binitiwan ni Seth nang maramdaman ang pagpupumiglas niya.

"If it's sex you want, you can do it with anyone. I don't give a damn! But don't you dare lay your hands on me!"

Namumula sa galit, lumabas si Sin ng kwarto.

"Where are you going?" tanong ni Seth habang sinusundan siya nito.

"I'm leaving because I'm fucking sick of you!"

Hindi na siya napigilan ni Seth nang sumakay siya sa kanyang sasakyan at mabilis iyong pinaandar. Nakita niya ang emosyon sa mga mata ni Seth nang bitawan niya ang masasakit na salitang iyon.

She was disgusted by the kiss. Pero bakit may kakaibang epekto iyon sa kanya—isang bagay na hindi niya inaasahang mararamdaman niya para dito?