Chereads / Rebellious Wife / Chapter 7 - CHAPTER 7: Shattered Truths and Unforgiven Night

Chapter 7 - CHAPTER 7: Shattered Truths and Unforgiven Night

Naiwan silang dalawa ni Seth sa loob ng conference room.

"Just take my share. I don't give a damn anymore," malamig na wika ni Sin sa binata.

"Naisip mo sana 'yan noong unang inalok ka ng secretary ko."

"You knew this would happen?" Hindi siya makapaniwala. "You should have told me!"

"Sin, maniwala ka man o hindi, pero hindi ko alam ang planong ito ni Dad."

"Right. Binigay na niya sa'yo ang Valcarcel Group, at ako naman ang gusto niyang isunod. I don't know how you do it, pero hindi ko papayagang makuha mo ang lahat ng gusto mo." Iyon lang at tumayo na siya.

"Sin, hindi mo pwedeng isisi sa akin ang lahat."

"At bakit hindi? Simula nang dumating ka sa buhay namin, nagkagulo na ang lahat! Inagaw mo ang lahat ng para kay Bryan at sinira mo ako noong gabing 'yon!"

"Kung maibabalik ko man ang gabing iyon, wala akong babaguhin."

Nanginginig ang kamay nang sinampal ni Sin si Seth. "Do you know what I felt all these years? I slept with so many men just to forget about that nightmare!" Binawi niya ang kanyang kamay at idinampi iyon sa kanyang naninikip na dibdib.

"You kissed me." halos pabulong na wika sambit nito.

"Then the moment I recognized it was you, you should have stopped! I was drunk, but you weren't!"

"You know what I felt about you, just like how crazy you are for Bryan—"

"Enough!" she snapped. Nagmamadaling lumabas si Sin ng conference room at padabog na isinara ang pinto. Nanghihina ang kanyang mga tuhod, pinilit niyang maglakad, ngunit parang bumigat ang kanyang pakiramdam. Bago pa siya bumagsak, may mga bisig nang sumalo sa kanya.

"Leo," tawag niya sa lalaking sumalo sa kanya. "Get me out of here." Walang tanong na maingat siyang inalalayan nito.

Tahimik siyang nakapikit sa backseat ng sasakyan habang si Leo ay walang imik na nagmamaneho. Alam nito kung kailan siya gustong magsalita o manahimik. Kaya naman mula pa kanina nang kunin siya nito sa kumpanya, walang salitang lumabas mula rito. Kahit nakapikit, gising na gising ang diwa niya, at kahit ayaw niyang balikan ang nakaraan, pilit na bumabalik ito sa kanya. Dahil sa muling pagkikita nila ni Seth, naging sariwa sa kanya ang lahat. Tila nang-aasar ang kanyang isipan at ipinapaalala ang kagagahang ginawa niya noon...

Itinakas ni Sin ang dalawang bote ng alak mula sa cellar at nagmamadaling nagtago sa abandonadong cabin malapit sa dagat. Mula nang mapunta siya sa lugar na ito, natuto siyang uminom. Dahil iyon lang ang nakikita niyang paraan para makalimot sa pagkawala ng mga taong mahalaga sa kanya.

Naubos na niya ang isang bote ng alak nang marinig niyang may pumasok sa loob ng cabin. Sumiksik siya sa ilalim ng lamesa upang hindi siya makita ng kung sinumang nakapasok. Alam niyang pinaghahanap na siya ng kanyang mga kasambahay at iba pang tauhan ng vacation house nila. Dahil madilim at tanging liwanag ng buwan lamang ang nagbibigay-ilaw mula sa malalaking butas sa bubong, hindi niya makita kung sino ang pumasok. Medyo nahihilo na rin siya sa dami ng kanyang nainom. Wala sa sariling muling tumungga sa bote, ngunit nakagawa siya ng ingay, kaya nakuha niya ang atensiyon ng taong papalapit sa kanya. Maya-maya, wala na siyang naririnig na hakbang. Biglang tumahimik ang paligid, ngunit natigil ang muling paglagok niya ng alak nang makita niya ang dalawang pares ng sapatos sa kanyang harapan. Lumuhod ang may-ari niyon upang silipin siya sa ilalim ng lamesa. Nabitiwan ni Sin ang bote nang makilala niya kung sino ito. Nagsimulang manikip ang kanyang dibdib.

"Bryan?" Agad siyang lumabas mula sa ilalim ng lamesa at sinalubong ito ng yakap. Bumagsak sila sa sahig nang subukan siyang saluhin ng binata. Maingat siyang niyakap ni Bryan habang nakadagan siya rito.

"I miss you so much. I thought I lost you," umiiyak si Sin sa balikat ni Bryan.

Naramdaman niya ang kamay nitong dumaan sa kanyang buhok, dahilan upang mag-init ang kanyang pakiramdam. Dala ng kanyang kalasingan, lumakas ang loob niyang gawin ang isang bagay na ipinagbabawal sa pagitan nila. Hinanap niya ang labi nito at siniil niya ng halik. Kung muli man itong kukunin sa kanya, wala siyang pagsisisihan dahil naiparamdam niya rito ang pagmamahal niya.

Hindi siya makapaniwalang tinutugon nito ang kanyang mga halik, kaya lalo pang lumalim ang kanilang pagsasanib. Hanggang sa namalayan niyang bumaligtad ang kanilang posisyon at siya na ang napailalim. Tinulungan niya itong tanggalin ang pang-itaas nitong damit upang maramdaman niya ang init ng balat nito. Libo-libong kuryente ang dumaloy sa kanyang katawan nang maramdaman niyang gumapang ang kamay ni Bryan sa kanyang balat.

Huli na nang mapagtanto niyang pareho na silang hubad. Nagsimulang maglakbay ang labi nito sa kanyang hubad na katawan, mariing tinatakam ang maseselang bahagi niya. Habang lumalalim ang kanilang halikan, lalong nagiging mapangahas ang kanyang mga labi at kamay.

Nang tumama ang liwanag sa mukha ng binata, bumalot ang kirot sa buo niyang katawan.

Seth?!

Hindi si Bryan ang umaangkin sa kanya ngayon kundi si Seth. Nawala siya sa kanyang kalasingan, at naging malinaw sa kanya ang lahat. Tinakpan ng bibig ni Seth ang labi niya upang lunurin siyang muli sa isang halik. Nais niyang sumigaw, ngunit nanaig ang matinding pagkabigla na nagpatigil sa kanyang mundo. Muli lamang siyang nagising nang maramdaman ang kanilang ganap na pag-iisa. At tila may sariling isip ang kanyang katawan—umiinit sa kabila ng pagtutol ng kanyang isipan.

Isang luha ang pumatak sa gilid ng kanyang mga mata. Alam niyang nakita iyon ni Seth, at alam niyang alam nito na nakilala na niya ito. Ngunit patuloy pa rin ito sa kanyang ginagawa...

Nagising si Sin mula sa isang magandang panaginip—para salubungin ng isang bangungot.

Kagat niya ang kanyang labi, hindi namalayang dumudugo na ito. Biglang huminto ang sasakyan. Bumaba si Leo at binuksan ang pinto ng backseat. Hinila siya nito palabas.

Ngayon niya lang napansin na huminto sila sa tabi ng lawa.

"Leo? Really?" nakapamaywang niyang tanong dito.

"Babalikan kita after two hours. Baka kung ano na namang magawa mo dahil frustrated ka." Bumalik ito sa sasakyan at iniwan siya sa isang liblib na lugar na tanging mga puno't halaman lang ang kasama niya—idagdag pa ang malawak na lawa.

Sumusukong ibinagsak niya ang kanyang katawan sa damuhan at hinayaang himasin siya ng preskong hangin. "Stupid Leo," bulong niya. Totoong ito ang lagi niyang pinupuntahan kapag gusto niyang mapag-isa, ngunit lingid sa kaalaman nito, ito rin ang paborito nilang lugar ni Bryan. Dito sila nagtatapat ng kanilang mga sikreto—ngunit isang lihim ang hindi niya kailanman nagawang ipagtapat.