Chereads / Rebellious Wife / Chapter 3 - CHAPTER 3: Unyielding Heiress

Chapter 3 - CHAPTER 3: Unyielding Heiress

"Tama ba ang narinig ko? Gusto niyang bilhin ang share ko sa kumpanya?" Napangiti si Sin nang matamis habang umiinom ng orange juice. Nilalaro niya ang labi ng baso habang hinihintay ang sagot ng secretary ng bagong chairman ng Valcarcel Group.

Hindi niya tinanggap ang mga respetadong panauhin sa pormal na paraan—sa halip, sa tabi lamang ng kanyang swimming pool niya sila kinausap. Dagdag pa, suot niya ang isang two-piece black bathing suit, na lalong nagpatingkad sa perpektong korte ng kanyang katawan. Isang tahasang pagpapakita na wala siyang pakialam sa posisyon ng mga ito. Hindi niya sinipot ang kanilang appointment, kaya napilitan silang lumapit sa kanya. Isa siya sa pinakamalaking shareholder ng kumpanya, kaya naman maingat siyang nililigawan ng mga ito.

Ibinigay sa kanya ni Cash ang parte nitong namana mula sa kanilang mga magulang, dahilan kung bakit napunta sa kanya ang kabuuang share ng kanilang pamilya. Nais ng kapatid niyang mamuhay nang simple kasama ang asawa at anak nito. Alam niyang masaya na ito sa tahimik na buhay. Noon pa man, mas pinipili nitong makihalubilo sa mas simpleng mga tao, kahit pa nakakaangat sila sa buhay—isang bagay na kahit anong gawin niya, ay hindi niya lubusang maintindihan. Siguro ay talagang malambot ang puso ng kapatid niya. Ngunit kahit pa magkaiba sila, magkasundong-magkasundo sila sa maraming bagay. Lalo silang naging malapit sa isa't isa nang pumanaw ang kanilang mga magulang.

"Ang 38 percent na share ninyo sa kumpanya ay babayaran namin sa halagang 48 percent. Sigurado akong pabor ito sa inyo, Miss Sindra," paliwanag ni Mr. Galleto, dating secretary ng bumabang chairman at nanatili pa ring secretary ng bagong chairman ng Valcarcel Group. Ang mga tulad nitong talentadong tao ay mahirap palitan, kaya napanatili nito ang posisyon sa kumpanya ng kanyang angkan.

"Hmm... Kung ganoon kahalaga ang share ko sa kumpanya para ipagpalit ninyo sa napakalaking halaga, anong dahilan para isuko ko ito nang ganoon-ganoon na lang?"

"Pag-isipan niyo itong mabuti," seryosong payo ni Mr. Galleto.

Sunod-sunod ang pag-iling ni Sin. Wala siyang pakialam kung nagmukha siyang bata sa paningin ng mga ito. "Hindi ko uulitin ang sinabi ko. Isa pa, I feel really insulted." Napahawak siya sa kanyang dibdib. "Bakit hindi mismo ang chairman ninyo ang magmakaawa at lumapit sa akin? Halos pag-aari ko na ang kalahati ng kumpanya, pero kayo pa rin ang pinapunta niya?" Napapailing siyang tumayo at sinuot ang manipis na roba. "Is he looking down on me?" Tinatamad niyang tinali ang laso ng roba habang pinagmamasdan ang lalim ng pool. "Dahil ba may magulang siya at ako wala?" Binalik niya ang tingin kay Mr. Galleto. "Huh? Does he really think he can bully me? How disdainful. Conceited brat."

Hindi nakaligtas kay Sin ang lihim na pagtaas ng kilay ng secretary, na parang sinasabing: Miss, are you referring to yourself? Gusto niyang matawa. He has guts. Kung sampung taon lang itong mas bata... she sighed.

Sinalubong ni Sin ang tingin ni Mr. Galleto. "You can't blame me. Malaki ang ipinundar ng magulang ko sa kumpanyang ito. Ano na lang ang sasabihin nila kung basta ko na lamang itong pakakawalan? Isa pa, wala akong tiwala sa bago ninyong chairman. Kauupo pa lang niya, gusto na niyang bilhin ang share ko?" Hindi na napigilan ni Sin ang tumawa. "Sabihin mo sa kanya na kahit lumuhod siya sa harapan ko, wala siyang makukuhang ni katiting na porsyento."

Lihim na napamaang si Mr. Galleto. Kung hindi siya nagkakamali, nakita niya ang pagkaaliw sa mga mata nito.

Sa wakas, nakumbinsi ni Sin ang mga ito na wala silang makukuha sa kanya. Tumayo siya at lumapit sa gilid ng swimming pool. Kinalas niyang muli ang roba at hinayaang bumagsak sa sahig. Kasabay nito, tumalon siya sa tubig at sumisid sa pinakailalim, hanggang sa dalhin siya ng kanyang isipan sa isang alaala na matagal na niyang nililimot.

Six years ago...

"Sin!" Hinabol siya ni Seth, pero mabilis at malalaki ang kanyang hakbang palayo rito. Hindi alintana ni Sin ang lakas ng ulan na bumubuhos mula sa madilim na kalangitan. Tumatakbo siya nang nakapaa, habang nagpapalabo ng kanyang paningin ang buhos ng ulan at ang mga luhang nag-uunahang bumagsak mula sa kanyang mga mata. Hindi na niya napansin ang kahoy na pumatid sa kanyang paa.

"Sin!" muling tawag ni Seth. Naabutan siya nito at tinulungan siyang bumangon mula sa pagkakabagsak.

"Huwag mo akong hawakan!" Nandidiring binawi ni Sin ang kanyang kamay, dahilan ng muli niyang pagbagsak sa basang buhangin. "Don't you dare touch me again!"

"Sin... I... I—"

"Paano mo ito nagawa sa akin?!"

"I'm in love with you! All this time—"

"Damn you!"

"Please, listen to me!"

"Don't you dare come near me. I swear I'll kill myself!" Banta ni Sin nang muling magtangkang lumapit si Seth.

"Sin?!"

"Don't fucking call my name!" Puno ng galit ang bawat salitang binitiwan ni Sin. Nakita niya ang sakit sa mga mata ni Seth—parang patalim ang bawat salitang pinakawalan niya.

"Kung ang kapatid ko ang nandito, hindi mo sasabihin 'yan! Pero wala na siya. Ako—ako ang nasa tabi mo ngayon!"

"How dare you!" Pinuno niya ng buhangin ang kanyang kamay at itinapon sa mukha ni Seth. Napahawak ito sa kanyang mukha nang tamaan ang mga mata nito. Sinamantala niya ang pagkakataong iyon upang makalayo. Sinalubong niya ang dagundong ng alon, hinayaang lamunin siya nito.

"Sin!!!" Iyon ang huling narinig niya bago siya kainin ng malalaking alon.

Lumabas ang mukha ni Sin mula sa tubig, hingal na humugot ng hangin. Nang napuno ng hangin ang kanyang dibdib, lumangoy siya papunta sa gilid ng pool at umahon. Sinalubong siya ng isa niyang katulong at inabot ang towel.

"Thanks." Kinuha niya ito at pinunasan ang kanyang mukha. Dumating ang isa pang katulong, dala ang kanyang telepono. May importanteng tawag daw siya.

Kunot-noo niyang sinagot ang tawag. "Yes? It's me."

"Sin..."

Bigla siyang natigilan. Kahit anim na taon na ang lumipas mula nang huli silang magkita, hindi niya kailanman malilimutan ang tinig na iyon.

"Seth."

Humigpit ang pagkakahawak ni Sin sa telepono. Nagsisimulang mamuo ang galit sa kanyang dibdib.