FINALLY! I'm flying to Paris!After years of studying and months of part-time jobs, nakapag-ipon na ako para makapunta sa pangarap ko. Paris is not only the city of love, but also fashion and design. Kaya simula noon, paulit-ulit kong sinasabi sa sarili na makakatapak din ako roon."Really, girl? Nag-iimpake ka na agad?" Kristine stood in front of my opened bedroom door. Muntik ko nang makalimutan, inaya nga pala niya ako na mag-shopping ngayon. She went in and sat on my bed. "Gusto mo na talaga akong iwanan."Natawa ako dahil nagkukunwari pa itong nagpupunas ng imaginary tears niya.I glanced at the first luggage by my cabinet that I finished packing last night. Kaya naman ganon ang reaksyon ni Kris ay dahil isang buwan pa talaga ang stay ko rito sa bansa. Oo, one month! Hindi halatang excited 'yong tao."Heh! Mabilis lang ang isang buwan. 'Tsaka, para malinis na rin 'tong unit bago ako umalis," sambit ko habang hinihila ang mga box na nasa ilalim ng kama ko. Ewan ko ba, ang hilig kong magtago ng kung ano-ano rito. Marami na ngang alikabok eh."Tama! Mabilis lang ang isang buwan kaya alis na tayo. Hello? Shopping?" pagtataray naman niya. Kung hindi ko lang kaibigan 'to, baka hinagis ko na 'tong kahon na hawak ko."Sige na. Wait for me nalang, mag-aayos lang ako." Tinaasan ako ng kilay ni Kris nung lumingon ako sa kanya. Anong akala nito? Na kasing-bagal niya akong kumilos? "Saglit lang, promise."Kristine left my bedroom before I opened this brown shoe box in front of me. Oh.'Eto nga pala 'yung pinaglagyan ko ng mga gamit namin ni Hiro. Unang bumungad sa'kin ang mga polaroid naming dalawa, pati 'yong mga pictures namin sa photobooth ng Timezone. A small smile appeared on my lips as I looked at the photos.We had the Timezone booth pictures tuwing monthsary or anniversary namin, tapos 'yong mga polaroid naman ay tuwing may date kami. And I'm not gonna lie, we're together for 5 years so..."Care! Pahingi ng cheesecake ha?!" malakas na tanong ni Kris. I yelled back and answered 'yes' habang nakatingin pa rin sa mga hawak ko.I'm gonna miss him... so much.Ipinatong ko sa takip ng shoe box ang mga picture at sinilip uli ang laman ng kahon. A journal?Pagbuklat ko nito, may nakadikit na imahe namin ni Hiro tapos sa ilalim naman ay may nakasulat:' bucket list ni care at hiro <3 '"Nakalimutan ko na 'to," I mumbled to myself. Siguro, three years na 'tong list na 'to. Around fourth year high school namin nung bumili ako ng notebook tapos naisipan kong gawin 'to. I told him the idea and then we decided, na kapag may gusto kaming gawin ay isusulat agad namin dito.Mag-iipon kami ng gagawin para sa future ay marami pa kaming memories. That was the plan.' (this is effective: after college grad!) 'But then, we never accomplished our bucket list. Kahit siguro isa sa mga nakalagay rito, wala kaming natapos. The list was already voided before we graduated, and after we drifted apart.Nilipat ko ang pahina at 'yung number one palang ang nababasa ko nang bigla akong tawagin ni Kris. Binalik ko ang mga laman ng kahon bago 'yon ibinalik sa ilalim ng kama ko.1. eat our least favorite ice cream flavors hihi