Feeling ko ang dami kong ginawa kahapon dahil bagsak agad ako sa kama pag-uwi. Well, nakakapagod naman talaga. Nakita ko lang naman ulit siya at parang nakipaghabulan ako sa mga kabayo dahil sa tibok ng puso ko.I quickly fell asleep and woke up around dawn. Nagising akong suot pa rin ang damit na pinang-alis ko. Tapos 'di na ulit ako makatulog.I reached for the brown box under the bed and opened it again to grab the journal. Hindi ko alam kung bakit ko tinuloy 'yun. Tapos bigla pa kaming magkikita roon. Dapat tumakbo na ko paalis eh!"Bakit mo ba ino-overthink?" bulong ko, tila kausap ang sarili. Binuklat ko ulit ang journal at tinitigan muli ang pinakauna. 'Di naman siguro masama kung linyahan ko na ito.Nagtataka talaga ako! Out of all the places na mas malaki ang chance naming magkita ay roon pa. Or maybe—naka-move on na siya. Posible! Why would he go back there and order the flavor he doesn't like?Everything changes, anyway. Nothing's permanent.Naghanap ako ng ballpen, at saka nilagyan ng linya ang number one. I smiled, feeling satisfied as I crossed it out. Siguro naman ay magagawa ko ito nang ako lang. Pwede naman 'yon! I looked at the second item on the list:2. switch personalities for a day <3Agad akong nanlumo pagkabasa ko nito. Bakit by partner agad?!"Care, ang korny mo pala talaga pag inlove." Tinawanan ko nalang ang sarili. Paano ko ba tatapusin 'to? Tawagan ko nalang kaya si Kristine tapos kami nalang 'yung mag-switch?Wala namang rule na dapat sundin 'yung number, 'di ba? My eyes scanned until I found another item in the list:25. build a fort!Kaya ko 'to! Mas malaking ngiti naman ang lumitaw sa labi ko at agad na tumayo para mag-umpisa. Dinala ko ang mga unan at kumot ko sa sala para doon gawin ang fort. Medyo magulo pa kasi sa kwarto.Hindi pa ako nakakapag-umpisa ay may kumatok sa pinto ng unit. Kristine knows my passcode, and wala naman akong parcel.As soon as I opened the door, I was stunned. "Na-miss mo 'ko, ano?"Tinaas ni Hiro ang hawak niyang paper bag na may logo ng Jollibee at ngumiti sa'kin. Hindi agad ako nakasagot sa kanya kaya bigla niya akong kinurot sa ilong. I lightly tapped his hand away."Sungit naman," dagdag niya at ngumuso. Anong ginagawa nito sa harap ng unit ko?"Ba't ka nandito?""Kasi nandito ka." Tinasaan ko siya ng kilay dahil sa sagot niya. Eh malamang, dito ako nakatira kaya ako nandito!He tilted his head at me dahil 'di ko pa rin siya pinapapasok sa loob. "Ayaw mo? Edi 'wag," sambit niya at tinalikuran ako. Hindi pa niya pinalagpas ang pagkakataon at nagparinig pa habang paalis. "Parang 'di nakipaglaplapan sa'kin sa unit niya."I grabbed one of my slippers and threw it at him. Tumama 'yon sa binti niya kaya humarap ulit siya sa'kin at nagtataka ang mga mata niya."Ang bastos talaga niyang bunganga mo 'no?" inis na tanong ko sa kanya at sinamaan pa siya ng tingin."Joke lang! Bibisita lang eh, bawal ba?" he asked back then scratched the back of his head. Tumabi na ako at papapasukin na sana siya ng maalala kong gagawa ako ng fort ngayon. So I stood in front of him again, causing him to stop his motion.Tinuro ko bigla 'yung tsinelas ko kaya naman natawa siya bigla. He followed and picked up my slipper."Ba't ang aga mo?""Puro ka tanong, ba't hindi mo muna ako papasukin?" he sassed at me. Bumuntong hininga nalang ako bago siya tuluyang padaanin. Tama, hinga lang Caroline. Wala ka dapat pake kung magre-react siya."Sakto lang pala dating ko eh! Gumagawa ka ng fort?"Putek! Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko!