Chereads / Bucket List #43 / Chapter 5 - what lovers do

Chapter 5 - what lovers do

"HOY gago!" Nabigla ako nung bumagsak samin 'yung mga unan at kumot.Habang sinusubukan kong alisin 'yong mga nakapatong sa'kin ay narinig ko namang tumatawa itong si Hiro. Aba, tuwang-tuwa pa siya!Buti nalang talaga at tinulungan niya ako, kundi masasapak ko siya.I grunted when I saw his face, and fixed my unhooked bra. Tinarayan ko siya bago nalipat ang tingin ko sa pagkain namin na medyo nakakalat na sa sahig. May lilinisin pa tuloy kami."Aba-" Naputol ang pagsasalita ko dahil yumakap siya sa'kin. Makalat pa ang paligid namin pero parang walang pakialam si Hiro.He sniffed my neck and planted a small kiss on my skin."Linisin na natin 'yung kalat," sabi ko at sinusubukan siyang paalisin. "Hiro."Hindi niya pinansin ang sinabi ko at nanatili lang sa pwesto niya. Maybe people do change.Sa pagkakatanda ko, mas mauuna pa siyang kumilos sa'kin para lang ayusin ang mga kalat sa kwarto ko noon. Ayaw niya kasi ng ganon."Pa-hug lang," sagot niya naman at hinigpitan pa ang yakap sa'kin.Ilang minuto na siyang nakayakap sa'kin, walang imik at walang salita. My hand trailed through his messy hair. Reflex na rin siguro, gaya ng dati.I closed my eyes, trying not to move. Eh baka nakatulog na siya at bigla kong magising. Ba't ko ba ginagawa 'to?! Kami na ba ulit?!Hiro cut my thoughts when he put his hand on my inner thigh, caressing it. Kung hindi rin makulit itong isa! Uulit pa ha!"Aray!" Kinurot ko siya sa braso niya kaya kusa na rin siyang umalis sa pwesto niya. Deserve!"Magbibihis na 'ko!" Agad akong tumayo at tumakbo papunta sa kwarto para kumuha ng damit. Mamaya ko na hahanapin 'yung damit ko don! Baka hindi pa ako pakawalan eh.Talaga ba, Caroline? Hindi ka pinakawalan?I shook my head to get away from those thoughts and quickly dressed up. Lumabas na rin agad ako para sana paalisin si Hiro pero naabutan ko siyang nag-titiklop ng kumot. Titig na titig pa akong nanonood sa kanya nang biglang nalaglag ang underwear ko sa harap niya. Ay, tangina!Before he could pick it up, I grabbed and hid it behind my back. Nang-aasar ang tawa ni Hiro at ipinagpatuloy nalang ang pag-aayos. "Para namang hindi ko pa nakikita 'yan."Inilagay ko na sa labahan ang hawak ko saka tumulong sa kanya. I picked up our food wrappers and was on my way to throw these when Hiro stopped me."Huwag mo itapon yung mga baso." At dahil ayaw niya nga ay nilagay ko nalang 'yon sa table. After cleaning, he went to the kitchen and started looking for something. "May kape ka ba?" tanong niya habang binubuksan ang mga cabinet.Sinabi ko naman sa kanya kung nasaan ang hinahanap niya bago pumwesto sa dining table. Nagpa-init siya ng tubig at hinugasan yung mga baso habang hinihintay 'yon kumulo.Long story short, he made coffee and poured it into the disposable cups he washed. He's doing another one from the list.19. bumili ng coke sa jalibi tas lagyan ng kape pagkaubos huehue~"Hindi ba matutunaw 'to?" tanong ko pagkaabot niya sa'kin ng isang baso. Hiro sat next to me and just chuckled."Yung sa'yo siguro. Mabagal ka eh." Tinarayan ko nalang siya sa pang-asar niya. Ang sabihin niya, mabilis lang siya. Sa tuwing kumakain kami, paglapag palang ng pinggan sa harapan niya ay wala na agad 'yong laman.The silence, as usual, is comforting us. O baka sa side ko lang. I never liked being quiet, unless it's him that I'm left alone with. Siya yung nakakapagpatahimik ng mga iniisip ko, I'm honest with that."Mako-" Nagkatinginan kami bigla nang masabi niya 'yon out of the blue. He just called me by our endearment. The one I chose.Nanginig ang kamay ko kaya ibinaba ko muna ang baso sa lamesa at napakagat sa ibabang labi.We've been doing what lovers do ever since we started the day but what the fuck are we, Hiro?