WEEKS passed and I can't believe na magkausap na ulit kami ni Hiro.I've been visiting him in his unit para makipaglaro kuno kay Yin at Yang pero gusto ko lang din siyang makita. But I never invited him in my place again.Makikita niya ang mga bagahe ko doon."Dala mo na?" tanong niya sa'kin bago pa ako makapasok. I showed him our journal that had our bucket list back then. Huling punta ko kasi, sabi niya kunin ko raw. Sa loob ng forty-two na sinulat namin, madami na kaming nagawa.Gaya nung nakaraan, nag-bar hopping kami pero kailangan isang shot lang iinumin kada bar. Mukha kaming tanga, real talk. Ako ang nagsulat non at hindi ko maalala kung ba't ko nilagay.I almost ran to Hiro's couch at pagkaupo ko ay sumunod si Yang. Kinarga ko naman ito habang tumatalon para dumila sa mukha ko. "Sinong na-miss ng baby na 'yan?" "Ay, hindi ako ang tinanong." nakangusong parinig ni Hiro na umupo sa tabi ko. Nag-krus pa ng braso kaya tumawa ako."Baby ka ba?" asar ko pa sa kanya kaya tinarayan na ako. I actually don't know what we are now, pero I'm contented.Kasi... bukas na ang alis ko.I don't know if I could cancel my plan now. Medyo matagal ko na ring gustong gawin ko. Ang to be honest, the least I expected is to see Hiro again after what happened to us."Ay, eto! Number 41!" Napalingon ako sa katabi kong biglang sumigaw. Ang lalim na naman ng iniisip ko. Bahala na siguro kung anong mangyari.41. sunrise and sunset! hihihi"Kaso hapon na pala. Bukas nalang, ano?" Hindi ko alam kung anong isasagot ko at medyo mabilis na rin ang tibok ng puso ko—sa kaba. I can't even look at him."Wait, ngayon ko lang napansin 'to ah?" pag-iiba ko ng usapan. Tinuro ko ang bandang dulo ng page at seryoso, ngayon ko lang talaga nakita na may punit na part doon.Mabuti nalang at hindi siya nagtaka sa pagpapalit ng topic. He looked at the part I'm pointing at while his forehead is slightly creased."Baka kinagat ng daga, or what." Hiro shrugged his shoulders before closing the journal.It's impossible, though. 'Yung punit niya kasi, as in dulo ng buong page. Medyo nakadikit pa sa panghuling numero tapos parang hinati talaga. Wala naman akong maalala na pinunit o napunit ko dahil hindi ko naman gaanong tinitignan 'yan simula nung ilabas ko sa box.He cooked dinner for us and we just played with the fur babies until I wanted. Pinipilit kong huwag makaramdam ng regret dahil baka kung anong desisyon ang magawa ko bigla. I went home and straight to my bedroom where that shoe box was waiting for me on my bed.Hindi ko alam kung saan ko ilalagay 'to—kung ibabalik ko pa ba sa kanya. I kept a few of our pictures last night but I can't have the rest of the things.I missed him and I'll miss him, so much.Nakayakap ako sa box hanggang sa makatulog na ako kakaiyak. Yes, I cried so hard. I was sobbing. Paggising ko ay ramdam na ramdam ko ang pamamaga ng mga mata ko. My reflection on the mirror looked so horrible.Nagmadali na akong nag-almusal at nag-ayos ng sarili para makaalis na. Hapon pa ang flight ko pero mas okay nang doon ako maghintay sa airport kesa rito. Malapit sa kanya.'Cause the last thing I wanted was someone outside my door.And no shit, alam kong siya 'yung nag-doorbell.Fuck, ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang may humahabol sa'kin at hindi na ako makahinga ng maayos. He did say na papanoorin namin ang sunrise ngayon tapos 'yong sunset naman mamaya."Caro..." The excitement on his face when I opened the door dropped as soon as he saw my baggages. "...line."God, feeling ko iiyak ako kahit wala na 'kong luhang mailabas.Pabalik-balik ang tingin niya sa'kin at sa loob ng unit ko. Wala ring nagsasalita saming dalawa."Hiro—""Tangina." Napahawak siya sa ulo at bago ko pa siya mahawakan ay tumakbo na siya paalis.