"AALIS ako, Hiro," putol ko nang mapansing magsasalita ulit siya. I think I'm scared of what I'm about to hear from him if he's starts talking again.And knowing him, hindi niya agad magegets ang sinabi ko. Blessing in disguise, I guess."Ah...ngayon ba?" tanong niya matapos matahimik sandali. "Sige, wait. Ligpitin ko lang 'yon," sabay turo sa mga ginamit niyang pangtimpla ng kape.Hindi na ulit ako nakaimik dahil tumayo agad siya at tumalikod sa'kin. The only noise in this unit is the sound of the water from the sink.I can't believe I'm scared of telling him the truth."Caroline. Huy." Ilang beses akong napakurap nang mag-snap si Hiro sa harap ng mukha ko. Napansin ko agad na tapos na siya sa ginagawa niya. Gaano katagal ba akong tulala?I licked my lips before speaking, "Ah, thanks."Kinurot niya ang pisngi ko bago nagpunta sa sala. I looked back and saw him picking up his socks. Umupo siya sa sofa para suotin 'yon.Humarap ulit ako sa kusina at bumuntong hininga. This was the exact fucking moment when we ended 'us.' When I ended this."Care?" "Mako.""Okay ka lang?" "Kausapin mo naman ako."Ayoko. Hindi kita lilingunin. Alis na, Hiro."Caroline?" I flinched out of shock when a hand held my shoulder. Napapikit ako nang malamang katabi ko na ulit si Hiro na nag-aalalang nakatingin sa'kin."Sorry, hindi ko narinig. Ano 'yung sinasabi mo?"He didn't answer, he just looked at me instead. Lahat ng iniisip ko ay nawala na naman. Para bang nilipad palayo ng hangin. Tahimik na ulit ang utak ko.Dahan-dahang bumaba ang kamay niya mula sa balikat ko tungo sa braso ko. He gave me a gentle squeeze before he held my hand. Pinapadaan pa niya ang hinlalaki sa ibabaw ng palad ko."Andito ako," sambit niya. I close my eyes and breathed deeply. Tumayo ako kaya naman napabitaw siya sa'kin. I coughed, while tucking my hair behind my ears."Wala ka na bang nakalimutan?" tanong ko sa kanya at nilingon saglit ang sala. Maayos na lahat. Nakatiklop na 'yung kumot at nakapatong na sa sofa kasama nung mga unan.What's making this scene worse is him not talking or answering me. Tahimik lang siyang nakamasid sa'kin at sinusubukang hulihin ang mga mata ko, na halata namang umiiwas sa kanya.This is not the right time to break down. Lalo na't nasa harap ko siy—"Huwag mo 'kong iwan sa dilim, Care. Anong iniisip mo?" Dun niya nahuli ang mga mata ko. I hate it, he knows me so well.Pero hindi ko mabuksan ang bibig ko, at napakagat nalang ako sa labi.After a while, Hiro sighed. Umalis siya sa harap ko at naglakad papunta sa pinto. He opened it before turning to me again."Thanks, Caroline," paalam niya at saka lumabas.Pagkasara ng pinto ay kasabay ng pagtulo ng mga luha na kanina ko pa pinipigilan. He doesn't deserve me, really. It's better this way.