"MALAPIT ka rito?"I swear, the look on my face was pure shock. All this time, magkalapit lang kami ng condo. Walking distance lang ang pagitan ng buildings namin.Nakatambay kami ngayon sa isang kalapit na park, nakaupo sa swing habang karga ang aso at pusa. Sa'kin si Yang at si Yin naman ang hawak ni Hiro."Dapat nga sa building mo, kaso walang available nung nagtanong ako," sagot niya habang sinusubukan na laruin ang pusa. The cat just looked at him with a poker face. Cute.'Etong si Yang naman ay walang tigil sa pagdila sa braso ko. Tumatalon pa ito at inaabot ang mukha ko kaya hindi ko mahawakan ng maayos. Sinuway ni Hiro ang alaga pero makulit pa rin talaga. Okay lang naman, ang cute kaya."Hiro," tawag ko sa kanya. Agad naman siyang lumingon sa'kin"Anong nangyari sa'yo pagkatapos ng..." Hindi ko alam kung paano ko sasabihin o baka ayaw ko lang talagang sabihin.Natawa naman siya sa narinig at napailing pa ang ulo. "Nahihiya ka pa rin magsalita ng diretso," komento niya bigla. Pinansin na naman niya 'yon! Palagi niya akong pinipitik sa noo dati kasi napaka-mahiyain ko raw. He said I should just be straightforward, lalo na't kapag siya ang kausap ko."Uminom. Natuto akong magpakalasing." He chuckled. "Wasted palagi tuwing uuwi samin. Hoping na mawala 'yung feeling, 'di ba? My GWAs were going down. Sila pa nga ang nag-panic kesa sa'kin."Tahimik lang ako na nakikinig sa kanya. 'Di kami nagkaroon ng chance na pag-usapan 'yung nangyari noon. When he walked out of my unit that day, parang wala na kaming communication after. He didn't send messages, and I didn't contact him. Ang stubborn din pala naming dalawa dati."Pero siyempre, ikaw ang hinihintay ko. Sabi ko, ayokong ganon ako kung sakaling magharap ulit tayo. Pagagalitan mo 'ko eh!" pagbiro niya pa sa huling sinabi.After all of that, he's not mad at me?Hiro, 'di ka ba magagalit sa'kin? Sigawan mo 'ko. Sinaktan kita."Hindi ko alam kung paano magalit sa'yo, Care," he added, as if answering my thoughts. "Baka hindi ko kaya, o ayaw ko lang talaga. Ay, ewan ko. Wala sa plano ko 'yon. You're just as hurt as I was."So that's why.Sinubukan ko siyang alisin sa isip ko pagkatapos non. Pakiramdam ko, ang sama kong tao sa lagay na 'yon. I thought it was better to just let him go than dragging him with me in the dark. Ayoko na siya 'yung kainisan ko kasi ayaw sa'kin ng magulang niya.He's a victim as I was then.Biglang tumahol si Yang kaya bumalik ako sa wisyo. Tapos ay patuloy itong dumidila. "Itong si gutom naman," pabirong reklamo ni Hiro sa alaga at saka tumawa. "Mas matakaw pa 'yan kesa kay Yin."I smiled at the puppy, making it wag its tail excitedly. "Mana sa amo," asar ko bago tumingin kay Hiro. Sumimangot naman siya sa'kin kaya tinawanan ko."I'm sorry," sambit ko habang nakatingin kay Yang na naka-tilt ang ulo."Ba't ka naman nagso-sorry sa aso?"Kunot-noo akong tumingin kay Hiro dahil sa biro niya. Ganon pa rin mag-joke ang loko! Dogshow siya! No pun intended.He stood up and walked to me. Tapos ay pinikit niya ako sa noo kaya napahawak ako doon."Baliw, bakit ka nagso-sorry? 'Di ko naman pinapagawa sa'yo," sagot niya sa'kin. Believe me, gusto kong lumuha right now.Ayaw niyang umaako ako ng kasalanan dati dahil hindi niya naman daw ako sinisisi. Hangga't wala siyang sinasabi, I'm not obliged to apologize."Bata pa tayo non, kagat lang ng langgam 'yon, Care. Malaki na 'ko."