"MAKO!" Tinawanan ko si Hiro na tumatakbo papunta sa'kin. Parang bata pa't nakataas ang mga kamay niya."Kulit mo," bungad ko sa kanya pero yumakap din agad. Pabiro naman siyang nagtaray sa'kin kaya lalo pa akong tumawa.Okay naman kami. We were so happy with each other. Kabisado ko na siya, at alam kong kilala niya na rin ako. Kahit siguro maiwan kaming stranded sa isang isla, okay lang. Marunong naman siya ng survival skills niya.I just thought...nothing would get between us. Of course, mali ako ron.Hiro's parents never liked me for their son. Mabait siya bago niya ako nakilala, as his father told me. I was a bad influence to him. When in fact, hindi ko naman alam kung anong nagawa ko at ayaw nila sa'kin.Sabi nila, hindi na raw makausap ng maayos si Hiro pag-uwi niya. Na may inuutos ako sa kanya na masama at ikasisira ng pamilya nila. God, they said so many things I can't remember now.What do I know anyway? Matagal nang mabigat ang loob ni Hiro sa kanila."Bango mo," bulong niya habang nakasuksok ang mukha sa leeg ko. Nako, tambay na naman siya rito sa'kin. Naka-unit kasi ako kaya feeling free naman siyang matulog at tumambay.Paano ko ba sasabihin sa kanya na minemessage na naman ako ng pamilya niya?"Huy, 'wag ka na humiga!" Hiro laid down on the bed, dragging me with him. Nakayakap kasi siya sa'kin kaya natangay niya ako. "Aantukin ka na niyan."Hinintay ko siyang umimik pero wala akong natanggap. Wala na, tulog na 'to.Dahil hindi rin naman ako makagalaw, pumikit nalang din ako. Hmm, suddenly I'm also sleepy.But when I woke up, I saw him with my phone on his hand. Agad kong sinubukan na ilayo 'yun sa kanya pero nakaiwas siya. Tapos ay tumitig siya sa'kin.Alam ko na ang sasabihin niya. Pero ayokong marinig 'yon.Lumabas ako ng kwarto at 'di inasahan na susunod siya sa'kin. Sobrang diin na ng pagkakagat ko sa labi ko at pakiramdam ko dudugo na 'to."Mako." I looked at him, and it broke me when I saw his face. Nasasaktan siya. "Bakit?"Ilang beses bumukas at sumara ang bibig ko dahil 'di ako makapagsalita. Gusto kong magsumbong. Gusto kong sumigaw, pero parang hindi ko magawa."Umuwi ka na," ang tanging nasabi ko bago kumuha ng tubig sa kusina.Patuloy lang siya sa pagtawag at paglapit sa'kin, and before I even knew it, I was already ending things with him. Nalunod ako sa mga iniisip ko at 'di ko na namalayan ang mga salitang binitawan ko."Hiro, tama na. Itigil na natin 'to."We were both stunned, because of what we heard. He was on the verge of crying, before he went to the sofa. Tinalikuran ko siya para itago ang mukha ko na paiyak na rin."Mako." Kasalanan ko 'to. Nagpapalamon ako sa mga nababasa ko galing sa kanila. Ngayon, para tuloy akong tinamaan ng kidlat.I hid everything from him. And it all hit me today. Damn, ganito na pala 'yung pagod ko. Nakakaya ko nang sabihin sa kanya 'yon."Kausapin mo naman ako."Hindi ko siya pinakinggan hanggang sa narinig ko nalang ang pinto ng unit ko. I was actually hoping that he'll come back but no. He didn't, Hiro's gone.