Chereads / Kasangga: Ang Pagtuklas / Chapter 45 - Chapter 45

Chapter 45 - Chapter 45

Pagsapit ng bukang-liwayway ay agad na tinungo ng tatlo ang kinaroroonan ng kristal, dalawang kristal ang nakalagak sa sentro ng gubat na nasa 'di-kalayuan lamang. Tatlongpung minuto lang din ang nilakad nila nang marating ito. Maayos ang daan paakyat at halatang palagi iyong nilalakaran ng tao. Maayos din ang pagkakalatag ng mga halaman sa daan na animo'y sindaya iyong itanim roon bilang palamuti.

"Nandito na tayo."

Namangha sila pagkasilay sa kabuuan ng lugar, malawak na kaparangan at mayroong isang lawa sa sentro nito kung saan sa gitna ng lawa ay nandoon ang dalawang kristal na tila nakalutang sa ibabaw ng dalawang malaking bato. Kulay asul at pula ang mga kristal na iyon at sa bawat kristal at may mga salitang nakaukit na kakaiba sa lahat ng kristal na kanilang nakita na.

"Ang kristal na nandito sa Isla Mayari ay personal na nahawakan na ng diwata ng buwan, ito rin ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagagalaw ng mga marindaga. Hanggang pang-aakit lang din sila upang mabiktima ang mga ka-angkan ko. Ang buong isla ng Mayari ay protektado ng Diwata ng buwan, pahingahan nila ang lugar na ito at kung makikita niyo ang tila toreng gawa sa bato na iyan, diyan mo madalas makikita ang diwata kapag pumapasyal siya dito sa lupa." Saad ni Apo Sela habang itinuturo ang napakataas na toreng gawa sa bato, walang daan paakyat kaya palaisipan sa tatlo kung paano iyon maaakyat ng mga tao.

"Apo Sela, nakaakyat na ba kayo riyan?" Tanong ni Milo na ikintawa naman ng matanda.

"Naku sa tagal kung nabubuhay, hindi pa, sagrado para sa amin ang lugar na iyan kaya hindi kami lumalapit hanggat hindi ang mismong diwata ang tatawag sa amin. Maaari kayong manatili rito para magmasid, malawak at masagana ang gubat na ito kaya hindi kayo magugutom. Malakas din ang makukuha mararamdaman niyon enerhiya rito dahil sa mga naiiwang esensiya ng mahal na diwata." sagot ni Apo Sela at napatango naman sila.

Ramdam nga nila ang kaibahan ng awra ng lugar sa mg gubat na kanilang napuntahan sa bawat islag nadaanan nila. Tunay ngang may dalisay silang presensiyang nararamdaman na nanunuot sa kanilang mga sistema na kahit ang dugong aswang na nananalaytay sa ugat ni Maya ay nagiging mapayapa.

"Hindi ba't naging gabay ng inyong ina ang mahal na diwata ng Buwan? Malay niyo, makadaupang palad niyo ang diwata sa pananatili niyo rito." makahulugang wika pa ni Apo Sela at napangiti naman ang magkapatid. Tahimik nilang pinagmasdan ang napakagandang tanawi sa lugar, malamig ang umiihip na hangin at napakasariwa ng simoy na iyon na naghahalo ang simoy na galing sa dagat at hanging nasa gubat.

"Gabay ng nanay niyo ang diwata ng buwan?" gulat na tanong ni Milo at napatango naman si Simon bago ito nagsimulang magkuwento.

"Ang sabi sa amin ni ina, bago pa man siya ipanganak, gabay na ng lola namin ang diwata ng buwan, bukod sa diwata ng buwan, gabay niya rin si Mapulon, ang diwata ng panahon." salaysay ni Simon. Manghang-mangha naman si MIlo habang nakikinig sa kuwento ng kaibigan. Napakatapang ng ina nila Maya at Simon at hangang-hanga siya sa mga paglalakbay na ginawa nito. Naikuwento din ni Simon ang tungkol sa kanilang ama na isang gabunan at kung paano ito naging isang puting gabunan matapos ang kanilang huling misyon. Hindi maipaliwanag ni Milo ang sabik na nararamdaman habang iniisip na kailan kaya niya makikilala ang mga magulang ni Maya at Simon. Kahit ang isipin lamg na iyon ay nakakapagpakulo ng kaniyang dugo sa sobrang kasabikan.

Nanatili pa sila roon ng ilang minuto bago sila tuluyang naghanda para sa gagawin nilang ritwal ng paglilinis. Tila mabilis na lumipas ang oras at sumapit na ang hapon.

Kitang-kita nila ang napakagandang paglubog ng araw sa kabihasnan, ngunit sa kabila ng kagandahan nito ay may nagkukubling puwersa na siyang nagbibigay takot sa mga taga-Ilawud.

"Napakagandang lugar subalit sinisira lamang ito ng mga kampon ng dilim. Kailan kaya sila titigil sa pagsira ng balanse ng buhay?" Tanong ni Milo at napailing naman si Simon.

"Hangga't may mga taong sakim sa kapangyarihan hindi mawawala ang mga kampon ng kadiliman. Tingin ko nga habang lumilipas ang panahon ay padami rin sila ng padami. Nawawala na ang dating pagmamahal ng mga tao sa kalikasan maging ang respeto nila rito." Wika ni Simon.

Bumuga naman ng malalim na hininga si Milo at muling pinagmasdan ang paglubog ng araw. Sa pagkakataong iyon ay naramdaman niya ang unti-unting pag-ihip ng malamig na hangin na hatid ng paparating na gabi. Nagsihuni na rin ang mga kulisap sa kagubatan na siyang nagdagdag sa napakakalmadong atmospera ng buong lugar.

Kasabay nito ang lagaslas ng alon sa karagatan na halos dinig na dinig mula sa kanilang kinaroroonan. Nang mapabaling namang ang tingin nila sa mga kristal ay nakita nila ang pagliwanag nito.

"Napakaswerte ng gabing ito, sadyang pinagpala ang inyong mga presensya dahil paparating na ang diwata ng buwan. Ang pagliwanag ng kristal ay hudyat ng kaniyang nalalapit na pagdating."

Nagulat pa sila nang biglang magsalita si Apo Sela na ang buong akala nila ay nasa baryo na. Bumalik pala ito at sakto namang lumulubog na ang sikat ng araw.

Nangislap naman ang mata ni Milo nang marinig ang tinuran ng matanda.

"Ibig sabihin makikita natin ang diwata ng buwan?" Sabik na wika niya. Natawa naman si Simon at bahagyang tumango. Maging siya ay nasasabik rin dahil ito ang kauna-unahang pagkakataong makakadaupang palad nila ang isang diwata. At ang diwatang iyon ay minsang naging gabay at kasangga ng kanilang mga magulang.

Matiyaga silang naghintay doon, nakaupo sila sa malawak na damuhan malapit sa lawa, tanaw nila ang mataas na tore hanggang sa tuluyang tumapat na ang tatlong buwan dito.

Mas lalo pang tumingkad ang kulay nang dalawang kristal nang umihip ang malakas na hangin na siyang tumangay sa mga dahon nga mga punong naroroon. Naririnig din nila ang napakaraming yabag na papalapit sa kanila. Ilang sandali pa ang kumpol-kumpol ng mga hay*p ang patakbong lumalapit sa lugar.

"Bakit nagpupuntahan ang mga hay*op dito?" Gulat na tanong ni Simon.

"Upang salubungin ang pagbaba ng diwata." Simpleng tugon ni Apo Sela.

Patuloy silang nagmamasid at ilang sandali pa ay nasipat na nga nila amg isang maliwanag na nilalang na lumulutang sa ere habang tila maglalakad iyon pababa mula sa kalangitan. Nagsiluhod ang mga hayop na tila nagbibigay galang sa diwatang paparating.

Napatulala sila pareho sa kanilamg nakikita. Mahaba ang buhok nito na kulay pilak, maamo at napakakinis ng balat nito ng mga markang nakaukit sa magkabilang braso.

"Iyan si Bulan amg diwata ng buwan, kilala ddin sa tawag na Mayari, minsan ay nasa anyong bata siya at minsan naman ay sa matanda. Ngayon ay nasa anyo siya mg isang napakagandang dalaga." Saad ni Apo Sela. Ramdam nila ang pagkalugod ng matanda habang tinititigan ang pagbaba ng naturamg diwata sa lupa.

Nang tuluyan na itong makalapag sa damuhan ay doon naman lumitaw sa tabi nito ang isang asong lobo na may puting balahibo. Kawangis iyon ng isa pang anyo ni Maya. At nang tingnan niya ang dalaga ay nakatuon din ang pansin nito sa asong lobo na kasama nang diwata.

Muling ibinalik si Milo ang pagkakatitig niya kay Bulan, napakaamo ang nakangiti nitong mukha, ang isang mata nito ay kulay asul habang amg isa ay tila kasingkulay din ng kaniyang buhok. Nakasuot ito ng kulay ulap na mahabang kasuotan na halos sumayad na sa lupa at napapalamutian ng ginto ang mga manggas ng kasuotan nito.

Nang magtama ang kanilang mga mata ay tila nakaramdam ng hiya si Milo kaya mabilis niyang niyuko ang ulo uapang makaiwas rito.

"Maligayang pagdating sa isla Mayari mga babaylan, lalo na sa iyo babae. Nagkita tayong muli." Sambit nito sa napakalamig at malamyos nitong boses.

"Nagkitang muli? Ang alam ko ito ang. Unang beses na nakita kita mahal na diwata." Turan naman ni Maya , bakas sa boses at mukha nito ang pagtataka. Napangiti ang diwata at mabilis na lumapit sa kaniya. Kisap-mata lamang ang pagitan nang mapagtanto ni Maya na nasa harap na niya ang diwata.

"Nagkita na tayo noong una kong iginawad sa'yo ang aking basbas." Makahulugan wika ni Bulan. Nangunot naman ang noo ni Maya dahil wala siyang natatandaan. Kahit anong pilit niyang halukayin ang alaala ay walang pumapasok sa kaniyang memorya.

"Kapapanganak mo pa lamang noon, unang kita ko sa iyo ay kinalugdan na kita. Ikaw na siyang pangalawang isinilang ni Mina at tagapagmana ng bertud ng iyong ama. Lubos kitang kinalulugdan dahil sa angkin mong kaluwalhatian." Saad pa ng diwata, habang tila hinahalukay nito ang kaniyang kalooban sa pamamagitan ng pagtitig sa kaniyang mga mata.

Nang makita na ni Bulan ang nais niyang makita ay ibinaling naman niya ang kaniyang atensyon kay Milo. Malapad na ngumiti si Bulan at bigla itong nag-anyong isang bata.