Chereads / Kasangga: Ang Pagtuklas / Chapter 48 - Chapter 48

Chapter 48 - Chapter 48

Napapakunot-noo naman si Milo habang nakatingin kay Maya, pakiramdam niya ay may iniinda itong karamadaman na pilit nitong ikinukubli sa kanila. Hindi niya matukoy ngunit malakas ang loob niyang may dinaramdam ito. Gayunpaman ay mas minabuti na lamang niyang itikom ang kaniyang bibig. Matapos magpaalam ay mabilis na nilang tinungo ang dagat upang lumusong na.

Bahagya pa nilang nakitang kumaway si Liway at Maya sa kanila. Nang tuluyan na silang pumailalim sa tubig alat ay doon na nila itinuon ang kanilang buong atensyon. Agad din ang pagramdam nila ng bisa ng mutya at namangha pa sila pareho nang maramdaman nilang hindi sila nahihirapan huminga sa ilalim ng dagat.

Magaan ang pakiramdam nila sa ilalim ng tubig na animo'y kaisa nila ito. Mabilis silang lumalangoy paibaba at may panaka-nakang mga isda ang sumasabay sa kanila na animo'y nakikipaghabulan pa.

Ilang minutong pagsisid pa ang lumipas bago nila marating ang mabatong parte ng dagat. Doon ay nakita nila ang isang kristal na nasa gitna ng isang bato na napapalibutan ng mga korales na may iba't-ibang kulay. Napakaganda rin ng lugar na iyon dahil sa binibigay nitong mahiwagang pakiramdam.

Akmang lalapit na sila sa kristal nang bigla silang harangin ng tatlong nilalang na animo'y mga isda ngunit sa tao naman ang pang-itaas nitong katawan hanggang sa ulo nito.

Parehong nagkatinginan si Milo at Simon dahil sa nakita, pareho lang ang pumapasok sa kanilang isipan nang mga oras na iyon.

Sirena.

Agad na sumenyas si Simon sa mga ito at pilit na pinapaintindi sa mga nilalang ang kanilang pakay. Ilang minuto din ang lumipas nang tuluyang maintindihan ng mga sirena ang ibig nilang sabihin.

Marahang umalis ang mga nilalang sa pagkakaharang sa kristal at hinayaang maalapit ang dalawa. Sa kanilang paglapit ay ramdam nila ang kakaibang pag-iiba ng temperatura ng tubig na nakapalibot doon. Tila ba may puwersang umiikot sa palibot ng kristal. Mabilis na inihanda nila Milo at Simon ang kanilang mga kailangan.

Matapos ay inilagak nila ito paikot sa kristal bago sinimulan ang kanilang pag-uusal, habang ang tatlong sirena naman ay tahimik langna nakamasid sa kanilang ginagawa. Hindi naglaon ay natapos din nila ang ritwal. Ibinaling ni Milo ang pansin sa mga sirena at agarang nangusap sa kaniyang isipan.

"Maraming salamat sa inyong pahintulot na gawin namin ang aming kailangang gawin." wika ni Milo sa kaniyang isipan, alam niyang naririnig ito nang kanyang kausap.

"Walang anuman tao, kami ang mga nilalang na siyang nangangalaga sa mga kristal na inilagak upang maprotektahan ang kabuuan ng Ilawud at Bur'ungan." tugon ng isang sirena sa malayos nitong boses, naririnig niya itong nagsasalita ngunit hindi gumagalaw ang mga labi nito bukod sa mga ngiti nitong ubod ng tamis.

"Paumanhin sa aming inasal kanina, hindi namin alam na kayo ang ipinadala upang mailagay sa ayos ang kalagayan ng mga kristal." Wika naman ng isa pang Sirena.

"Walang anuman 'yon, sa katunayan ay alam na namin na kayo ang tagapagbantay ng kristal dahil naabisuhan na rin kami ng mga Mayarinan sa isla Mayari." saad ni Milo at napangiti naman ang mga nilalang.

Matapos ang maikling tagpong iyon ay malugod silang inihatid ng tatlong sirena sa susunod na kinalalagyan ng Kristal. Isang kuweba naman ang kinaroroonan ng pangalawang kristal at tulad nang nauna ay naging madali na sa kanila ang paglilinis nito.

Pakiramdam ni Milo ay napakabilis na umiikot ang kanilang oras sa ilalim ng karagatan. Ni hindi na nila masundan kung ilang araw na ba ang nakalipas simula nang una silang sumisid sa dagat.

Nang marating nila ang pangatlong kristal ay agad na napansin nila ang tila malabong tubig na nakapalibot dito.

"Anong nangyari rito, bakit ganito ang tubig sa parteng ito?" Hindi mapigilang maitanong ni Milo nang makita ang lugar.

Malungkot na napangiti ang mga nilalang at may itinuro itong lugar kung saan nakita nila ang mga korales na noo'y nangingitim na at mga isdang lumulutang-lutang na sa dagat. Wala nang buhay ang mga ito ay tila ba unti-unti na ring nabubulok.

"Dahil ito sa lasong ikinakalat ng mga marindaga sa karagatan. Noon ay payapa kaming naninirahan sa karagatan kasama sila. Walang gulo, walang away ngunit isang araw sa hindi malamang dahilan, ay bigla silang naging agresibo at inataki ang aming angkan. Marami ang nasawi sa amin, wala kaming nagawa kun'di ang protektahan ang aming mga sariling buhay laban sa kanila." Pagkukuwento pa ng isang Sirena habang lumalangoy sila papalapit aa kinalalagakan ng kristal.

Nang tuluyan nilnag martaing ang lugar at nakita nila ang nangingitim nang kulay ng kristal. Ibig sabihin ay masyado na itomg marumi at paniguradong matatagalan sila sa paglilinis nito.

Walang pahi-pahinga ay sinimulan na nila ang kanilang ritwal. Taimtim na nag-uusal sina Milo at Simon sa kanilang isipan habang marahang iniikutan ang kristal. Dumaan pa ang mahabang oras hanggang sa tuluyan nilang makita ang tunay na kulay mg kristal. Matingkad na kulay asul ang kanilang nasilayan at kumikinang na ito hindi tulad nang una nila itong makita.

"Sa wakas ay nalinis din ang kristal na iyan, ang buong akala ko ay hindi ko na kailanman masisilayan ang tunay nitong kagandahan." Wika ng sirena na sinang-ayunan naman ng kaniyang mga kasama.

Sa pagkakataong iyon maging ang dalawang binata ay lihim na napahanga sa kariktan ng kristal, bukod sa napakaganda nitong kulay ay naglalabas din ito ng isang magaang awra na siya namang naglilinis sa tubig na siyang nakapalibot rito. Saglit pang hinintay nila ang paglinaw ng tubig bago nila tuluyang lisanin ang lugar at tunguin naman ang kinaroroonan ng panghuling kristal na nasa ilalim ng tubig.

Hindi pa man din sila nakakapapit sa lugar ay namataan na nila amg dalawang magindara na animo'y nagbabantay sa bukana.

"Mag-iingat kayo, malapit na ito sa kuta ng mgaagindara. Kaya hindi na nakapagtatakang narito sila." Paalala pa sa kanila ng sirena.

"Higit silang mas malakas sa ilalim ng dagar kaya mag-iingat kayo." Dagdag naman ng isa pang nilalang.

Nagtanguan naman ang dalawang binata ay mabilis nilang inilabas amg kanilamg mga sibat sa kanilang likuran. Mabilis silang nag-usal ng pamproteksyon, bakod at poder sa kanilang mga katawan. Ramdam naman nila ang biglang paggaan ng kanilang mga katawan matapos iyon.

Walang pag-aatubiling inabangan nila ang isnag magindarang umiikot sa lugar habamg lumilinga-linga sa paligid nito. Nang lumagpas iyon sa pinagtataguan nilang bato ay agad nila itong sinunggaban at mabilis an kinitilan ng buhay, hindi na sila nagdalawang isip pa, lalo pa nang makita nila ang nginangatngat nitong buto ng isang tao na sa pakiwari nila ay galing pa sa mga mangingisdang biktima nito mula sa mundong ibabaw.

"Milo, maging alerto ka, dahan-dahang tayong lalapit sa kristal at palihim na gagawin ang ritwal sa mabilis na paraan. Sa nakikita ko ay hindi pa ito gaanong nalalason kumpara doon sa huli nating nalinis. Subalit higit naman itong mas mahirap dahil sa mga magindarang naglilibot sa lugar. " Wika ni Simon sa kaniyang isipan na agad din namang naintindihan ni Milo.

"Naiintindihan ko." Sang-ayon naman ni Milo. Maigi silang nagmasid sa kanilang paligid at may minabuti naman ng mga sirena na lumayo sa lugar upang hindi sipa matunugan ng mga magindara.

"Sumugod na tayo Milo !" Sigaw ni Simon sa isipan niya, tumango naman si Milo at inihanda ang sibat. Mabilis silang sumugod nang makita nilang dadalawa na lamang ang natitirang magindarang nagbabantay sa lugar. Subalit isang malaking pagkakamali ang ginawa nilang iyon. Ang buong akala nilang dalawa lang ay nadagdagan pa ng tatlo nang paisa-isa itong lumabas sa pinagkukublian nitong mga bato.

"Naloko na," inis na wika ni Simon at mahigpit na napakapit sa hawakan ng kaniyang sibat.