Chereads / Kasangga: Ang Pagtuklas / Chapter 49 - Chapter 49

Chapter 49 - Chapter 49

Ilang sandali pa ay napalibutan na sila ng limang magindara, animo'y mababangis na hayop ang mga itong galit na galit na umaangil sa kanila. Kitang-kita nila ang mapupulang gilagid at ang matutulis nitong ngipin na maihahalintulad mo sa mga pating. Kulay lumot ang mga balat nito na aakalain mong isang syokoy sa una kung hindi lamang sa makulay nitong buntot na siya namang maihahalintulad mo sa mga sirena.

"Mga pangahas, hindi na kayo makakaalis ng buhay rito!" angil ng isang magindara. KAsabay ng pagmutawi ng tinuran nito sa kanilang isipan ay ang mabilis nitong paglangoy upang atakihin sila. Gamit ang mutya ng pating ay mabilis silang nakailag sa pag-atake nito.

"Kayo ag pangahas, sino at ano ang dahilan niyo kung bakit niyo nilalason ang mga kristal na siyang nangangalaga sa buong Ilawud, hindi ba ninyo alam na kapag nawala ang mga kristal ay mawawala na din ang kapayapaan dito sa Ilawud? Mapapasok na kayo ng mga tao, at hindi na kayo kailanman matatahimik." Giit na wika ni Simon ngunit patuloy pa rin silang inatake ng mga magindara. Kung hindi dahil a kakayahan ng mutya nilang tangan ay paniguradong sa unang atake pa lamang at napatumba na sila ng mga nilalang.

"Kalayaan? Walang kalayaan sa lugar na ito, kung hindi namin sisirain ang kristal, hindi mawawala ang harang at hindi kami makakatakas sa malaimpyernong lugar na ito," laban naman ng isang magindara. Malakas na inihambalos nito ang kaniyang buntot kay Simon na siya namang hindi nailagan ng binata. Mabilis na lumangoy si MiIo upang sagipin ang kaibigan bago pa man ito tumama sa napakalaking batong nasa likuran nito.

"Ayos ka lang ba Simon?" Tanong ni Milo nang maiayos niya ito sa pagkakalangoy.

"Ayos lang ako," sagot ni Simon bago ito sumenyas sa kaniya na maghanda.

Umayos namansi Milo at mabilis na inihanda ang kaniyang sibat. Nakita nilang muling umatake ang mga magindara patungo sa kanila. Sa pagkkataong iyon ay mas handa na ang dalawang binata.

Nagbuno ang dalawang panig at wala ni isang nais na magpalamang. Ilang sandali pa ay matagumpay na nasugatan ni Milo ang isa sa magindarang sumalakay sa kanila.

Walang sabi-sabi ay itinarak ni Milo ang hawak niyang sibat sa Marindagang una niyang nasugatan. Tumagas ang malaberdeng dugo nito na siyang humalo naman sa tubig ng dagat. Bago ito tuluyang pumailalim sa kailaliman ng dagat.

Rinig na rinig nila ang nakakangilong pagtatangis ng mga kasamahan nitong Magindara dahil sa pagkamat*y ng kanilang kasamahan. Bigla-bigla ay nag-angil ang mga ito at sabay-sabay na umatake sa kanila. Mabilis naman iyong sinangga ng dalawa at dali-daling lumangoy papalayo upang hindii sila madehado ng mga ito.

Dahil sa kanilang ginawa ay nagawa nilang lansihin ang mga kalaban at muli silang nakakita ng pagkakataon upang mabawasan ang kanilang mga kalaban. Ilang sandali pa ya tuluyan na rin nilang napatumba ang kanilang mga kalaban nila.

Sa wakas ay nalapitan na rin nila ang kristal na siyang tunay nilang pakay. Hindi na sila nag-aksaya pa ng panahon at mabilis na isinagawa ang ritwal ng paglilinis. Inabot din sila ng ilang oras bago nila tuluyang naisaayos ang kristal.

Sa unti-unting panunumbalik ng tunay na kulay ng kristal ay dahan-dahan na ding nagbago ang atmospera ng lugar. Lumilinis na din ang tubig at muli nang nagkabuhay ang korales at panaka-naka na rin silang nakakakita ng mga isdang lumalangoy sa kanilang kinaroroonan.

Nang makita na nilang naging maayos na ang huling kristal ay doon na sila lumangoy pabalik sa una nilang pinanggalingan. Sa kanilang paglangoy ay muli nilangnadaaan ang mag sirenang matiyagang naghihintay sa kanila sa mabatong lugar.

"Pagbati sa inyo mga tao, sa wakas ay muli nang naibalik sa ayos ang mag kristal na nadito sa karagatan." wika ng isang sirena.

Nang makabalik na sila ay mabilis din silang lumangoy paibabaw. Ilang minuto pang paglangoy ay narating na din nila ang dalampasigan. Dapit-hapon na ng makarating sila roon, hingal na hingal sila pareho at mabilis na napahilata sa buhanginan.

Walang anu-ano'y bigla silang nakaramdam ng isang kakaibang awra na hindi pamilyar sa kanila. Sabay pa silang napabangon, ngunit nang ilibot nil ang kanilang paningin sa paligid ay wala naman silang nakitang kakaiba. Hanggang sa marinig nila ang mga yabag na nanggagaling sa kasukalan ng gubat. Bumungad sa kanila si Liway kasama ang iba pang mga katribo nito. Nakangiti itong sumalubong sa kanila at ramdam nila ang kasiyahan ng mga ito.

"Si Maya?" Agaran tanong ni Simon nang hindi makita ang kapatid. Nasa dagat pa lamang ay nag-aalala na siya na baka hindi kayanin ng dalaga ang ritwal lalo pa't alam niyang natagalan sila masyado sa ilalim ng dagat.

"Kasama siya ni Inang Sela, nang mapagtanto naming nakaahon na kayo ay bigla rin siyang bumagsak dahil sa pagod. Halos isang linggo siyang nag-uusal nang walang patid, walang tulog at walang kain kaya normal lamang na mapagod siya at makatulog agad." Tugon ni Liway.

Napatango naman si Simon. Pagdating nila sa tribo ay dali-dali din silang natulog upang makabawi ng lakas. Maging sila ay wala pa ring tulog at kailangan na din nilang bumawi. Kinabukasan ay nagising si Simon nang marinig na nagsasalita sa labas si Milo.

Bumangon siya at agad na dumungaw sa bintana, doon ay nakita niya si Milo na may buhat-buhat na malaking baboy ramo. Kausap nito si Liway na halatang kagigising lang din.

"Milo, ang aga mo namang nagising, nangaso ka?" Tanong ni Simon at napatingin naman sa kaniya si Milo.

"Oo Simon, kailangang makabawi ng lakas ni Maya kaya kailangan niya ng sariwang karne." Nakangiting tugon ni Milo. Napangiti na lang din si Simon, natutuwa siya sa ipinapakitang pag-aalala ni Milo sa kaniyang kapatid. Iniisip pa lamang niya ay nagawa na nito. Kagabi bago siya matulog ay naiisip na niyang mangaso upang may maibigay siyang sariwang karne sa kapatid. Ayon kasi sa kanilang ama, mas mabilis na makakabawi si Maya kapag nakakakain ito ng karneng sariwa pa.

Sa nakikita ni Simon at buhay pa ang baboy na iyon at nawalan lamang ito ng malay. Mabilis na itinali ni Milo ang baboy na iyon sa isang puno na nasa likod ng kubo ni Apo Sela, bago siya pumasok sa kubo.

"May nararamdaman akong kakaibang awra sa kagubatan, ngunit hindi ko matukoy ang pinanggagalingan nito. Sa pakiwari ko ay isa itong aswang at nanghihina ito. Ang ikinababahala ko ay baka umatake iyon sa tribo." Bungad ni Milo. Naalarma naman si Simon at biglang naalala ang presensyang minsan din nilang naramdaman kahapon.

"Ibig sabihin may aswang sa isla?" Nag-aalalang tanong ni Liway nang marinig ang sinabi ni Milo.

"Imposible, paanong mapapasok ang isla ng isang aswang gayong kung tutuusin ay ibang dimensyon na ang lugar na ito at hindi basta-basta mapapasok ng mga nilalamg sa kaliwa ang Ilawud lalo pa ng isang aswang." Nagtatakang wika ni Liway at malalim na napaisip.

Biglang pumasok sa isip niya ang isang posibilidad na nangyari kung bakit ito nakapasok. Bigla niyang nasapo ang kaniyang noo at bumakas ang pagkadismaya sa mukha nito.

"Bakit Liway, may problema ba?" Tanong ni Simon.

"Hindi ako sigurado sa bagay na ito subalit may posibilidad na nagamit ng aswang na ito ang isa sa mga lagusan na nagawa ko habang naglalakbay ako pabalik sa Ilawud. Ang huling lagusan na ginawa ko ay walang orasyon na laban sa mga nilalang ng kaliwa kaya maaaring doon siya dumaan.

"Ibig sabihin mayro'ng nakakita sa 'yo habang naglalakbay ka sa mga lagusan at nasundan ka ng mga aswang?" Gimbal na wika ni Apo Sela na noo'y kakapasok lamang ng kubo.

Napapakamot naman ng ulo si Liway dahil sa pagkakamali niya.

"Patawad Inang, hindi ko naman akalaing may makakasunod sa akin sa lagusan. Huwag po kayong mag-alala, hahanapin ko ang nilalang na iyon at ibabalik ko siya sa mundong dapat niyang kalagyan." Wika ni Liway.

Napailing naman si Apo Sela dahil isa na namang kahibangan ang naiisip ng kaniyang apo.

"Mapanganib kung ikaw ang tutugis sa aswang na iyon Liway, hayaan mong kami ni Milo na ang humanap sa kaniya. Higit na mas may karanasan kami sa panunugis ngmga aswang," sabad naman ni Simon.

"Oo nga naman, kahit papaano ay may pagkakaabalahan kami habang hinihintay namin magising si Maya. Pakiwari ko'y matatagalan pa bago magkamalay si Maya," sang-ayon naman ni Milo.

"Pero ako ang dahilan ng problemang ito. Hindi ikatatahimik ng aking konsensya kung pati kayo ay madamay sa aking problema." Nag-aalangang wika ni Liway.

"Hindi naman kawalan sa amin ang makisali, ang problema ng tribo ay pronblema na rin namin, hangga't naririto pa kami at kinukupkop niyo sa islang ito. Responsibilidad namin ang pangalagaan ang kaligtasan ng nakararami." ttugon ni Simon at matamis na napngiti si Liway.

"Hayaan mo na sila Liway, ang mas maigi mong gawin ay pagbutihin mo ang paglalagay ng mga orasyon sa mga lagusan mo upang hindi na maulit ang mga kaganapang ito." Suhestyon naman ni Apo Sela, wala nang nagawa si Liway kun 'di ang ipaubaya sa dalawang binata ang pagtugis sa aswang na nakapuslit sa kanilang Isla.

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag