Chereads / Kasangga: Ang Pagtuklas / Chapter 50 - Chapter 50

Chapter 50 - Chapter 50

Nang muli nang sumapit ang takip-silim ay napagpasyahan na ng dalawang binata ang maglibot sa paanan ng bundok. Batid nilang magtatangkang bumaba ang aswang na iyon patungo sa tribo para mambiktima, lalo pa nga at may mga buntis roon.

Inabot na sila ng dilim ngunit walang silang nakikitang bakas ng aswang.

"Sa tingin mo, hindi kaya bababa ang aswang na iyon?" tanong ni Milo habang maiging pinagmamasdan ang buong paligid.

"Malabo nga yata, hindi ba't sabi mo mahina ang nararamdaman mong presensya? Marahil ay nanghihina ang aswang na iyon at hindi makagalaw. Subukan nating libutin ang buong kagubatan ngayon gabi," suhestiyon ni Simon na agad din namang sinang-ayunan ni Milo.

Saglit pa silang nagmasid bago sila tuluyang pumanhik sa kabundukan. Tahimik at dahan-dahan lang silang naglalakad papaakyat ng bundok habang ang mga mata nila ay palinga-linga sa bawat kaluskos at tunog na kanilang naririnig.

Sa kalagitnaan ng kanilang paglilibot sa kabundukan ay isang kuweba ang kanilang nakita. Malakas ang pakiramdam nila na doon nagtatago ang aswang na hinahanap nila. Sa pagkakataong iyon ay nagkatanguan ang dalawa, pareho ang iniisip nila nang mga sandaling iyon. Maingat silang lumapit sa kuweba at maigi nilang ikinubli ang kanilang mga presensya upang hindi maalerto ang kalaban.

Nang makalapit na sila sa bukana ng kuweba ay doon nila naramdaman ang presensya ng aswang.

"Nandito nga siya." pabulong na wika ni Simon. Tumango si Milo at mabilis na inihanda ang hawak niyang tabak.

Akmang hahakbang na sila papasok sa kuweba ay isang nilalang naman ang biglang sumunggab sa kanila. Natamaan nito si Milo at halos nagpagulong-gulong sila ng ilang beses sa lupa bago sila puwersahan napahinto nang tumama sila sa katawan ng isang puno.

Umaangil ang aswang habang nakapaibabaw ito kay Milo, pigil-pigil ng binata ang mukha nitong akmang sasakmal sa kaniyang leeg. Buong lakas na itinulak ni Milo ang nilalang dahilan para makawala siya sa pagkakadagan nito.

Nanlilisik ang mga matang nakatitig lang ang aswang sa kanila. Napansin agad ni Milo at Simon anag malaking kadenang nakakabit sa magkabilang braso at binti nito. Paika-ika na din ito ngunit hindi iyon nakabawas sa lakas nito.

"Hindi ito ang lugar na nararapat sa 'yo. Ang lupang inaapakan mo ay banal at walang puwang sa lugar na ito ang mga tulad mong kampon ng dem*nyo!" Asik ni Milo.

Muling nag-angil ang aswang, kasabay nito ang pagtulo ng malapot nitong laway sa lupa. Dahan-dahan na din nilang nasisilayan ang tunay nitong anyo. Naging isang mabalasik na halimaw ang nilalang, kumapal ang mga balahibo nito sa buong katawan, maging ang ulo nito ay maihahalitulad na sa isang baboy ramo na may nanlilisik at namumulang mata. Matutulis din ang pangil nitong nakausli sa magkabila nitong bunganga.

"Isa kang motog?" Gulat na tanong ni Simon.

"Motog, hindi ba't lahi din iyan na napapabilang sa angkan ng mga bangkilan?" Biglang naitanong ni Milo.

"Hindi ako maaaring mamatay rito, hindi kayo ang papatay sa akin." Mariin ngunit nanghihinang wika ng aswang. Agad na napansin iyon ng dalawang binata.

"Sino ka, at paano ka napunta rito?" Tanong ni Milo na sa una ay ipinagtaka pa ni Simon. Nang makita nilang napatingin sa kanila ang aswang ay napagtanto ni Simon na hindi basta-bastang aswang ang kanilang kaharap. Marahil ay nabibilang ito sa mga matataas na uri ng bangkilan na nahahanay naman sa mga kasaping may mataas na panunungkulan sa kinabibilangan nitong angkan.

"Hindi ako nandito para manggulo, hinahanap ko ang labasan ngunit wala akong makita kun 'di puro dagat, hindi ako makaalis. Wala akong balak na manggulo sa mga taong naninirahan dito, nais ko lang ay makabalik sa pamilya ko." Saad ng nilalang. Napahinto naman si Milo sa pag-atake nang mapansin niyang tila hinang-hina na ang kanilang kaharap. Hindi niya maipaliwanag pero nakaramdam siya ng awa sa nilalang.

"Nais ko lang na makita ko kahit sa huling sandali ang aking pamilya. Mas nanaisin ko pang kayo ang kumitil sa buhay ko kaysa sa makuha ito ng mga nilalang na kinamumuhian ko. Pakiusap, buhayin niyo pa ako kahit hanggang sa makausap ko lang ang aking pamilya. Pangako, hindi ako gagawa ng mga bagay na ikagagalit niyo." Saad ng nilalang, lumuhod ito at humalaik sa lupa bilang tanda ng pagsusumamo nito.

Nagkatinginan naman ang dalawa at malalim na nag-isip. Namayani ang katahimikan sa kanila.

"Ano sa tingin mo Milo?" Tanong ni Simon. Napangti naman si Milo at nilapitan ang nilalang na noo'y nanumbalik na sa anyo nitong tao. Matikas ang pangangatawan nito at bakat sa katawan nito ang pagiging isang mandirigma.

"Bibigyan ka namin ng pagkakataon, kapag gumawa ka ng ikapapahamak ng mga tao rito, hindi kami mag-aatubiling pat*yin ka." Banta ni Milo at mabilis na tumango ang nilalang.

Ilang sandali pa silang nagpahinga at nagdesisyon na rin si Milo na gamotin ang mga natamong sugat ng nilalang.

"Maiba ako, maaari ba naming malaman ang pangalan mo?" Tanong ni Milo habang bini-bendahan ang braso ng lalaki.

"Gustavo, 'yon ang pangalan ko. Nagmula ako sa angkan ng mga Bangkilan sa Norte, Sinubukan kung kumalas sa kanila nang makilala ko ang isang babae sa isang baryo malapit sa aming pugad, ngunit tumutol sila dahil ako raw ang susunod na magiging pinuno at hindi maaring umibig ang isang pinuno sa isang ordinaryong tao." Malungkot na kuwent nito.

Muling nagkatinginan si Simon at Milo nang marinig ang kuwento nito. Isang tao lang ang agad na pumasok sa kanilang isipan at yun ay si Agnes na anak ni Aling Rita.

"Sabihin mo Manong Gustavo, ang pamilyang nais mong balikan, ang pangalan ba niya ay Agnes?" Maingat na tanong ni Milo.

Nanlaki naman ang mata ni Gustavo nang marinig ang pangalan ng taong kinasasabikan niyang makita. Napaayos siya ng upo at mariing napatingin sa dalawang binata na nasa harapan niya.

"Kilala niyo si Agnes?" Maluha-luhang tanong ni Gustavo.

"Si Agnes na anak ni Aling Rita, oo kilala namin siya, sa katanuyan ay isa si Agnes sa ginamot namin bago pa man kami nagtungo sa lugar na ito." Tugon ni Milo. Bigla namang napaluha si Gustavo dahil sa narinig.

"Ligtas si Agnes? Ligtas ang mag-ina ko." Mangiyak-ngiyak na wika ni Gustavo. Walang paglagyan ang kaligayan nit sa mukha at doon napatunayan ni Milo na totoo nga ang nararamdaman niyang kabutihan sa loob ng nilalang.

Hatinggabi na nang bumaba sila sa kabundukan, kasama na nila noon si Gustavo na ika-ika pa din sa paglalakad. Pagdating sa tribo ay agad na din nilang pinagpahinga si Gustavo sa isang papag na nasa loob ng kubo ni Apo Sela.

Panatag na ang loob ng dalawa kay Gustavo kaya malayan na nil itong iniwan sa loob ng kubo. Nagsipasok na rin sila sa kanilang mga silid upang makapagpahinga nang maayos.

Kinabukasan ay nagising si Milo sa isang malakas na kalampagan na nanggagaling sa labas ng kaniyang silid. Biglang pumasok sa isip niya si Gustavo at ang mag-anak ni Apo Sela. Dali-dali siyang lumabasat naabutan niya ang butihing mtanda na kampanteng humihigop ng kapeng sara-sara sa tasa nito habang matalim na nagtitinginan si Maya at Gustavo sa isa't-isa.

Napakamot naman ng ulo si Milo at maingat na tinungo ang kinauupuan ni Apo Sela.

"Magandang umaga ho Apo Sela," pagbati ni MIlo bago ito naupo sa tabi ng matanda.

"Magandang umaga rin sayo Milo, magkape ka na, naghanda na ako," wika ng matanda na tila ba hindi ito apektado sa namumuong tensyon sa pagitan ni Maya at Gustavo.

"Apo Sela, hindi niyo ba ako tatanungin kung bakit ko dito pinatuloy ang isang aswang?" Tanong ni Milo, hanggang ngayon kasi ay nagtataka pa rin siya kung bakit napakakampante ng matanda gayong isang aswang ang nasa harapan nila.

"Hindi na kailangan, lahat ng nilalang hangga't kayang pumasok sa bulwagan ng aking kubo ay malugod kung tatanggapin. Isang katunayan iyon na may mabuting puso ang nilalang na iyan sa kabila ng pagiging aswang niya," makahulugang tugon ni Apo Sela na ikinamangha ni Milo.

Noon niya lang napagtanto na balot na balot ng pangontra ang buong kubo ni Apo Sela at bukod pa roon, napapalibutan rin ito ng mga malalakas na orasyong pantaboy sa masasamang elemento. Lahat nang magtatangkang pumasok sa kubo kapag may masamang hangarin ay tutupukin maging ang kaluluwa nito.

"May tanong ka pa ba?" Tanong ng matanda at napakamot naman si Milo at napatawa ng mahina.

"Wala na po Apo Sela." tugon pa niya at muli nang ibinaling ang tingin sa dalwang aswang na animo'y nagsusukatan.

"Maya, huminahon ka muna, si Manong Gustavo ang asawa ni Ate Agnes. Mamaya niyan masaktan mo siya, malulungkot si Ate at magagalit sayo." Saad ni Milo at natigilan naman si Maya. Tumayo ito ng tuwid at mabilis na tinungo ang kinaroroonan ni Milo sabay batok sa kawawang binata.

Napahiyaw naman si Milo sa sakit ng pagkakabatok ng dalaga na animo'y hindi nanggaling sa panghihina. Kamuntikan pang mapasubsob ang ulo nito sa mesa kung hindi lamang niya nakontrol ang sarili.

"Hala, bakit mo naman ako binatukan." reklamo ni Milo at napaismid naman si Maya.

"Kanina ka pa diyan, bakit hindi mo naman agad sinabi sa akin." Balik na reklamo naman ng dalaga.

"Paano ko naman sasabihin, para kang pusang aagawan ng pagkain diyan." tugon naman ni Milo na lalong ikinainis ni Maya.

"Paaumanhin sa aking inasal, manong Gustavo. Ako nga pala si Maya, tulad mo isa rin akong aswang. Gabunan ang angkang pinanggalingan ko." pakilala ni Maya at napaayos na din naman si Gustavo sa pagkakatayo.

"Ako si Gustavo, alang anuman iyon, kahit sino naman siguro ay ganoon ang magiging reaksiyon." nakangiting wika naman ng lalaki.

Mayamaya pa ay lumabas na rin si Simon sa kaniyang silid at dire-diretso itong umupo sa mesa at iniangat ang tasa ni Milo bago uminom doon.

"O' mabuti naman gising ka na. May inihandang pagkain si Milo sa 'yo. Pagsaluhan niyo na iyon ni Manong Gustavo para manumbalik na ang lakas niyo. Manong, hindi pa tayo makakaalis sa lugar na ito, may tinatapos pa kaming misyon kaya medyo matatagalan pa bago tayo makalabas sa Ilawud." Wika ni Simon.

"Walang problema ang maghintay, ang mahalaga sa akin ay nalaman kong nasa mabuting kalagayan na si Agnes at ang magiging anak namin," saad naman ni Gustavo na ikinangiti nilang lahat.