Chereads / THE LAST ELEMENT (M2M-TAGALOG) / Chapter 33 - EPISODE 34

Chapter 33 - EPISODE 34

"ANG MGA DIWATA AT ANG SANDATANG ADJIL"

ANG NAKARAAN..

Dinala nina Theo ang mga tagapagbantay pabalik sa Jamais upang tulungang iligtas sina Jenna sa kamay ni Hex. Dahil sa pangyayaring iyon, sinundan sila nina Alpia ngunit bigo ang mga Dalaket na makapasok sa Jamais dahil na rin sa salamangkang inilagay ni Jenna at pinaliwanag naman ito nina Charlie at Ian.

"Dahil kayong tatlo ang nag sealed sa pintuan ng impyerno." Paliwanag ni Ian.

SA PAGPAPATULOY...

Sa Kanlaon,

"Dalikmata parang may kakaiba akong nararamdaman. Kinakabahan ako!" Sambit ni Magayon.

Dalikmata, isang diwatang may kakayahang makita ang nakaraan at hinaharap. Sinasabing may kakayahan din itong magpagaling ng mga sakit sa mata.

Magayon, isang diwata na nanggaling sa Albay. For more info about Magayon. Check my first book.

continuation...

"Bakit Magayon anong nangyayari?" Tanong ni Dalikmata.

"Pakiramdam ko may nangyayaring masama kina~" Sabi ni Magayon ng sumapaw sa usapan nila si Maria Makiling.

"Tyler at Theo. Nararamdaman din namin yan Magayon. Isa pang masamang balita. Nawawala ang Adjil!" Sabi ni Maria Makiling kasama si Lalahon.

(Maria Makiling is one of the famous diwata in our childhood days. We heard a lot of stories about her so no need to explain though, let's give a quick recap for Lalahon, the goddess of fire and volcanoes. )

"Ang Adjil? Papano nawala ang Adjil sa Silid?" Gulat na tanong ni Magayon.

"Natalo ang mga taong reinkarnasyon ng mga dating sugo natin. Naiwan ang sulat na ito!" Sabi ni Lalahon sabay abot kay Magayon.

Nang mabasa niya ito ay agad niyang pinunit ang sulat.

"Nasa panganib ang Oceana. Papunta na si Alpeydous doon. Hindi ito maari. " Sabi ni Magayon.

"Wag kang mag aalala Magayon, magtutungo kami ni Lindagat sa Oceana. " Sabi ni Dalikmata.

Tumayo si Dalikmata at agad ikinumpas ang kanyang mga kamay, sya namang agad nag laho ang diwata.

"Kelangan nyo akong samahan sa Jamais. Nasa panganib si Jenna." Sabi ni Magayon.

"Magayon, nasayo ang trono ng Kanlaon ikaw ang pinuno ng mga diwata. Hindi ka pwdeng mangialam sa mga digmaan. Hayaan mo mag tutungo kami ni Lalahon doon. Lalo na ang Adjil ay nawawala. Tanging ang Adjil lang ang makaka bukas sa pintuan sa impyerno. " Sabi ni Maria Makiling.

"Sa ngayon wala pa itong kwenta pero Tayo na Maria Makiling!" Sabi ni Lalahon. Hinawakan Naman sya ni Maria Makiling at agad nag laho.

Samantala sa Jamais.

Muling nagkaharap si Via at Aira.

"Sa kasamaang palad siya ang kapatid ko sa ama!" Sagot ni Aira sa tanong ni Jake.

Ngumiti lang si Via at sabay sabing.

"Hanggang ngayon Aira, mahina ka padin! Nakikita ko sa mga aura mo. At ang bulong ng hangin mula sa kanluran nagsasabing mahina ka parin!" Sabi ni Via sakanya na mas lalong nagpasiklab sa galit nya.

Habang sina Cloud, Kathleya at Sam naman ay sinundan nila si Herald na hawak ng kawal.

Nakarating sila sa isang madilim na kweba at doon sa isang kulungan ay pinasok ng mga kawal si Herald. Nang makaalis ang mga kawal ay agad namang lumapit si Sam sabay sabing.

"Ama?" Lumingon si Herald at nagkunwari itong hindi Alam ang nangyayari.

Habang sinusubukan ni Sam na pakawalan si Herald, pinuntahan naman nina Cloud at Kathleya ang kanilang mga magulang. Gamit ang kapangyarihan ni Cloud ay agad nilang nahanap si Jenna, Katalina at Tyler.

"Mama ?" Sambit ni Kathleya.

"Jusmiyo mga batang to! Anong ginagawa nyo dito! Patibong ito!" Sabi ni Jenna.

"Tita ililigtas namin po kayo!" Sabi ni cloud.

"Cloud at Kathleya among ginagawa nyo dito? Hindi kayo dapat sumunod!" Sabi ni Katalina.

"Oo nga, nasaan si Sam? Kasama nyo ba?" Taking ni Tyler.

Matagumpay namang napalaya nilang dalawa ang kanilang ina at kasama sina Jenna, Anya at Tyler.

"Kasama iniligtas nya ang kanyang ama. Nakita naming dinala sa kanilang silid ang Hari." Sagot ni Cloud

"Hindi maari, nasa panganib si Samantha.!" Sigaw ni Anya nag aalala para sa kanyang anak.

"Anong ibig mong sabihin? Hindi ko kayo naiintindihan." Sabi ni Kathleya.

"Si Hex at herald ay iisa. Nako gagamitin nila ang Anak ko para sa masama. " Sabi ni Anya.

"Bumalik na kayo!" Sabi ni Jenna at agad ikinumpas ang kanyang mga kamay sa isang iglap ay naglaho sina Cloud at Kathleya.

"Halika hanapin natin anak mo. "Sabi ni Katalina.

Ilang sandali pa ay dumating din sina Liam, Joshua at Xavier.

"Nasaan ang mga kawal?" Sabi ni Joshua. Nang biglang may palaso ang muntik ng tumama sa kanya. Ng lingunin nya ito ay nakita nya ang isang pamilyar na mukha.

"Samantha?" Sabi ni Liam.

"Bes bat nag Samantha ka? Nasaan sina Binibining Selena? Nailigtas mo ba?" Tanong ni Liam.

"Isang pagkakamali ang inyung pagtungtung sa Kaharian ng aking ama!" Sabi ni Samantha habang naka tutok sa kanila ang tatlong Palaso.

"Mahal? Anong nangyayari sayo?" Sabi ni Joshua.

Lalapitan na Sana Niya si Samantha ng biglang pinakawalan ni Samantha ang mga palaso.

Nag bigkas ng spell si Xavier upang masunog ang mga palaso.

"Sino ka?" Tanong ni Xavier.

"Xavier si Sam yan!" Sabi ni Joshua.

"Hindi sya si Samantha o Samuel may itim na kapangyarihan ang lumulukob sa kanya." Sabi ni Xavier.

Mula sa kanilang likuran ay nagsalita si Hex.

"Magaling ! totoo ngang kadugo ka ni Jenna." Ngiting sabi ni hex na sa mga oras na iyon ay hawak sina Anya, Jenna, Katalina, Tyler at Samuel.

"Walang hiya ka pakawalan mo si ina!" Sigaw ni Xavier.

Hinawakan Naman sya nina Liam at Joshua.

"Tama na antayin natin si Aira!" Sabi ni Liam.

Ilang sandali pa ay dumating si Via dala-dala si Aira na nanghihina.

"Sya ba ang hinahanap nyo? Walang kwenta nyong kaibigan!" Sabi ni Via.

"Magaling Via. Nasaan si Jake at Theo?" Tanong ni Hex.

"Nakatakas sila! " Sabi ni Via at dahil abala sila sa nangyari di nila namalayan na tumama na ang mga palaso sa kanilang likuran dahil pinatamaan ulit sila ni Samantha.

Sinubukan ni Liam na gumawa ng mahika at pinatamaan nya si Samantha ngunit tila di ito nasasaktan.

"Liam tandaan mo nasakanya ang sandata ng mga Tribo sa Ayden. " Sabi ni Xavier.

"Oo nga! Kelangan nating makuha sina Aira at Samuel. Lilituhin ko sila!" Sabi ni Joshua habang nararamdaman na ang unti-unting pag kalat ng lason sa kanilang katawan.

Sumigaw Naman si Samuel.

"Tumakas na kayo! Hindi nyo kakayanin si Samantha."

Ngumiti lang si Joshua at nilabanan si Samantha.

Habang sina Liam at Xavier ay agad naglaho at nagtungo sa likuran ni Samuel.

Dahan dahan nilang tinanggal ang mga lubid na nakagapos sa mga kamay nito. Nakita Naman iyon nina Jenna at Katalina.

Nag-uusap sina Jenna at Katalina sakanilang isipan upang tulungan sina Liam.

"Kat, gumawa ka ng sunog sa Kaharian pang destruct lang. Upang makatakas si Samuel. " Sabi ni Jenna.

"Ako bahala Insan." Sagot ni Katalina at gamit ang kanyang isipan ay biglang nag apoy ang upuan ni Hex susubukan ni Via na patayin ang apoy gamit ang kanyang kapangyarihan.

Ngunit pinigilan sya ni Hex.

"Wag kang tanga! Mas lalo mung papakalasin ang apoy!" Sigaw ni Hex at dahil doon matagumpay nilang napakawalan si Samuel.

"Babye!" Sabi ni Liam at agad naglaho kasama si Samuel.

Si Xavier Naman ay pinigilan ni Jenna nang tangkang papakawalan nya ito.

"Xavier wag, kelangan mong iligtas si Samuel. Hanapin mo ang libro ko sa Aera nasa sekretong Aklatan ito. Alam ni Aira yun!" Sabi ni Jenna.

"Masusunod ina!" Sabi ni Xavier at nagtungo sa harapan.

Ngayon ay hawak nila sina Aira at Samuel.

Kahit nanghihina silang tatlo ay pinilit pa din nilang labanan ang mga kawal na nakapalibot sakanila. Nang biglang dumating sina Jake at Theo.

Yumanig ang buong Kastilyo at nagsilabasan ang malalaking ugat at humampas sa mga kawal. Samantala si Theo Naman ay gumawa ng isang malaking ipo-ipon upang makatakas sila!

"Tumakas na kayo! Kelangan nyong sundin ang utos ni Jenna. Wala tayong Laban sa alter ego ni Samuel nasi Samantha. ~

Kelangan nyo nang umalis!" Sabi ni Theo.

Ikinumpas Naman ni Liam ang kanyang kamay kahit kalahati ng kanyang katawan ay paralisado na dahil sa lason.

Balik sa mga diwata, huli na ng dumating sila sa Jamais.

"Mukhang huli na Tayo?" Sabi ni Lalahon kay Maria Makiling.

"Para kayong pulis sa Pelikula late nang dumating kaloka." Sabi ng diwata.

"Gassia anong ginagawa mo dito?" Sigaw ni Maria Makiling at Lalahon.

"Chill tinawag ako nina Jake at Theo kaya ayun nag go ako dito para mag rescue so I forgot na mild lang ang gagawin nating tulong so.. kaya yun, nakatakas na sila. Sina Jake naman ay nakatakas. Unfortunately sina Jenna ay bihag pa din ni Hex." Paliwanag ni Gassia.

Napakamot lang sa Ulo sina Lalahon at Maria Makiling.

Itutuloy.....