" ADJIL "
ANG NAKARAAN,
Nagtungo sila sa Aera upang hanapin ang Libro ni Jenna o Selena. At tanging sina Samuel at Xavier ang nagdisesyun na pumasok sa loob ng hardin ni Jenna.
Samantala, nagtangkang sumalakay ang mga diwata sa Harte ngunit bigo sila dahil sa isang sumpa na iniwan ni Sitan para sakanyang anak. At mabuti nalang ay iniligtas sila ng magkasintahang Ian at Chad.
SA PAGPAPATULOY....
"Ligtas na po kayo dito!" Sabi ni Chad.
"Natutuwa akong makita ko kayong muli mga Mahal na diwata. " Dagdag ni Ian.
"Kami din ay natutuwa dahil ligtas kayo. Pero papanong hindi gumana ang ating mga kapangyarihan?" Tanong Maria Makiling.
Huminga ng malalim si Chad at nagsalita..
"Nalaman ni Jenna na may back up plan si Sitan, Hindi lang sa binigyan nya ng supling si Alice noon. Pati na din ang huling hininga ng diwatang si Margarita. Bago pa man namatay si Margarita sa huling labanan namin noon. Binigyan nya ng basbas ang mga anak ni Sitan." Sabi ni ni Chad.
Lumapit si Ian at nag salita.
"Isang sumpa, na walang diwata ang makakagamit ng kapangyarihan Laban sa kanyang mga anak. " Sabi ni Ian.
"Minamalas nga naman! Bihag pa din nila si Jenna." Sabi ni Lalahon.
"True. I can't use din my power to those bad guys. Kainis!" Sabi ni Gassia.
Samantala sa Hardin ni Selena..
Tuluyan ng pumasok sina Samuel at Xavier sa Hardin.
"Alalahanin mo Samuel, may dalawang pagsubok ang maze na yan bago kayo makarating sa hinahanap natin.
Una, kelangan ninyong hanapin ang isang panulat. Isa lamang itong ordinaryong panulat ngunit magagamit natin ito sa libro ni Selena. At kapag nakita na ninyo ang isang kulay gintong paru-paru sundan ninyo. Dahil siya ang magtuturo sa panulat. " Sabi ni Aira.
Naisaulo pa ito ni Samuel lahat ng ibinilin ni Aira sakanya.
"Sam? Ayun ang paru-paru" Sabi ni Xavier sabay turo sakanyang likuran.
Nagbalik sa kasalukuyan si Sam ng ituro ni Xavier ang paru-paru ngunit may napansin din syang gintong paru-paru sa likuran ni Xavier.
"Sandali sa likud mo meron din!" Sabi ni Sam.
"May hindi Tama dito! Bat andaming gintong paru-paru sino ba sakanila. " Sabi ni Xavier.
"Isang ilusyon Xavier, kelangan nating mahanap ang totoong gintong paru-paru." Sabi ni Sam.
"Papano ?" Taong ni Xavier.
"Akong bahala, kakausapin ko ang mga paru-paru." Sabi ni Sam.
Balik sa Kaharian ng Harte..
"Nakita mo ang itsura ng mga mortal na kaaway ni Ama? Wala silang magawa kanina. Para silang isang langaw na hinampas ng tsinelas ng walang kalaban-laban. " Natatawang Sabi ni Hex.
"Tama Mahal na Hari, nawala ang tapang nila" sambit ni Via.
Tinitigan ni Hex si Samantha habang nakatulala lang ito.
"Ayus ka lang Mahal kung anak?" Tanong ni hex.
"Oo ayus lang ako Mahal, kelan ba natin makikita ang iyong kambal na si Alpeydous?" Sabi ni Samantha.
Nang biglang sumuka ng dugo si Hex.
"Mahal na Hari? Anong nangyayari?" Sabi ni Via.
Mabilis namang nagtungo si Samantha sa kanyang ama.
"May nangyayaring di maganda sa kapatid ko!" Sabi ni Hex.
"Anong ibig mong sabihin ama?" Tanong ni Samantha.
Ikinumpas ni Hex ang kanyang kamay at lumabas ang isang malaking Salamin sa kanilang harapan at sa Salamin kitang Kita nila na nanghihina si Alpeydous.
"Bwesit! Mukhang natatalo na si Alpeydous!" Sabi ni Hex.
"Kung gusto mo Mahal na Hari magtutungo ako sa mundo ng mga tao para tulungan sila!" Sabi ni Via.
"Hindi Via kelangan ka dito sa Kaharian." Sagot ni Hex.
"Ako na ama. Mas kabisado ko ang mundo ng mga tao. " Sabi ni Samantha.
"Hindi rin pwde Samantha. Baka pagkakataon ito ng mga kalaban na kunin ka saakin. Magpapadala ako ng mga kawal doon." Sabi ni Hex
Balik sa Hardin...
Kinausap ni Samuel ang mga paru-paru at ito ang sinasabi ng paru-paru.
"Hindi mo kami mahahanap kung Hindi ka magiging totoo saamin." Sabi ng mga paru-paru.
Sabay sabay itong nag sasalita kapag kinakausap ni Samuel.
"Anong ibig nyang sabihin Samuel? " Sabi ni Xavier.
"Tahimik Xavier" Saway ni Samuel. At kinausap muli ang mga paru-paru.
"Ano ang kelangan ko para mahanap ang totoong gintong paru-paru?" Taming ni Sam.
"Simple Lang, may itatanong kami. " Sabay sabay na Sabi ng mga paru-paru.
"Ano yun?" Sagot nya.
"Nararamdaman namin na may pagtatangi ka sa kasamahan mong Hestian. Totoo bang gusto mo ang lalaking yan?" Tanong ng mga paru-paru.
"Samuel? Totoo ba yan?" Tanong ni Xavier.
"Kung Hindi mo kayang sagutin ang simpleng tanong ko ay maari na kayong lumabas ng hardin." Sabi ng mga paru-paru.
"Oo may nararamdaman akong espesyal. Kahit Alam kung Hindi Tama!" Matapang na sagot ni Sam.
Ilang sandali pa ay nagsama sama ang mga paru-paru at naging isang malaking paru-paru ito.
"Ang matapang na puso ay may gantimpalang kaakibat" Sabi ng paru-paru.
Nilapitan ni Xavier si Sam at inakbayan ito..
"Alam ko namang may Joshua kana. Hindi ka pa din nawala dito!" Sabi ni Xavier at kinuha ang kamay ni Sam at inilapit sa kanyang dibdib.
Samantala hindi nila Alam na napapanood silang dalawa nina Aira.
"Nako po!" Sabi ni Liam.
Habang sina Joshua at Aira Naman ay tahimik lang.
Sa pagpapatuloy ng misyon nila...
Nakuha na nina Samuel at Xavier at panulat at nag tungo na sila sa ikalawang pagsubok ang huling pagsubok.
"Para magamit ninyo ang panulat na yan. Kelangan ninyong makuha ang Adjil! Pagkalagpas ninyo sa aking lugar. Kelangan ninyong mahanap ang halamang gamot na magagamit ninyo para sa inyung huling misyon. " Sabi ng paru-paru at naghiwa-hiwalay ito.
Walang sinayang na oras sina Sam at agad nag tungo sa huling misyon.
"Sa huling pagsubok, kelangan ninyong hanapin ang halamang makakatulong sainyong huminga. " Paalala ni Aira sakanila.
"Sandali anong halaman daw yun?" Tanong ni Xavier.
Hindi sumagot si Samuel at kumuha ng mga dahon sa bawat halamang makikita at inamoy amoy ang bawat dahon at bulaklak.
Hanggang sa dahan-dahang nawalan ng hininga si Samuel.
Umiikot-ikot ang kanyang paningin pinilit niyang magsalita ngunit bigo sya dahil Wala ding boses ang lumabas.
"Samuel? Anong nangyayari?" Tanong ni Xavier habang hawak Niya ang isang bulaklak na kulay puti.
Hanggang sa nawalan ng malay si Samuel at agad namang sinalo ni Xavier si Sam.
"Ito na yung gamot!" Sabi ni Xavier nang naramdaman din niyang sumisikip ang kanyang dibdib at hinahabol na din nya ang kanyang hininga.
At naalala niyang ang sinabi ni Aira.
"Tanging isa lang ang makakagamit ng halaman na yan. At Isa sainyo ang magbibigay ng hininga sa Isa." Sabi ni Aira.
Agad pinitas ni Xavier ang mga dahon ng hawak nyang bulaklak at isinubo ang mga dahon.
Unang subo palang ay nakaramdam ng kakaibang lamig si Xavier na para bang kumakain sya ng isang candy na may menthol flavor.
Nang mawala na ang nararamdamang di makahinga. Kinausap ni Xavier si Sam ngunit Hindi na ito nag sasalita. Pinulsuhan nya ito...
"May pulso pa.. sandali lang Samuel. Kapit ka lang!" Sabi ni Xavier.
Tinitigan ni Xavier ang maamong mukha ni Sam at huminga sya ng malalim at hinalikan nya ito sa labi.
Ilang sandali pa ay biglang bumangon si Samuel at naghabol ng hininga.
"Anong nangyayari? " Sabi ni Sam.
"Hinalikan Kita hindi ko Kasi Alam kung papano? Pero dibale na!" Sabi ni Xavier.
"Anong dibale na? Bakit moko hinalikan?" Sabi ni Sam habang namumula.
"Tumayo kana dyan! Wala nang oras!" Sabi ni Xavier na biglang nagbago ang mood.
"Moody ka talaga! Ito na tatayo na po!" Sabi ni Sam.
"Andoon na ang libro tingnan mo! Napaka pabaya mo!" Sabi ni Xavier at naglakad ito patungo sa libro.
Lingid sa kanilang kaalaman, nakikita nina Aira ang lahat ng mga nangyayari sa loob ng maze.
"Prinsepe Joshua? Ayus ka lang ba?" Tanong ni Liam.
Ngumiti lang si Joshua. Ngunit ramdam ni Aira na nalulungkot si Joshua dahil sa kanyang nakita.
"Pahamak, nagkaaminan na nagkahalikan pa! Naloko na!" Sabi ni Aira sakanyang isipan.
Itutuloy....