"APOCALYPSE PART 2"
ANG NAKARAAN..
Matagumpay na nagkita ang dalawang anak ni Sitan sa mundo ng mga tao. Ngunit agad naman silang sinundan nina Tyler. Habang sina Aira naman ay naghahanda nang magtungo sa mundo ng mga tao.
SA PAGPAPATULOY...
"Si Samantha?" Sabi Samuel.
"Samuel wala nang oras tayo na. Kung nasaan man si Samantha. Magpasalamat nalang tayo dahil binuhay nya muli si Joshua. Tandaan mo ang utos ni Tiya Selena. Kelangan tayong lima!" Sabi ni Aira.
"Tama si Aira, Sammy! Tutulungan kita para makausap muli si Samantha. Sa ngayon may mundo pa tayong ililigtas. At yun ang mundong naging tahanan mo sa mahabang panahon." Sabi ni Xavier.
Tinitigan niya ang mga mukha ng kanyang kasama. Ngumiti lang ito sa kanya at ang mga mata ay nangungusap na kaya nya kahit wala si Samantha.
Agad niyang pinulot ang bracelet at Pana ni Samantha .
"Tayo na!" Sabi ni Samuel.
"Yey! Ako nang bahala sa teleport na yan!" Sabi ni Liam.
Ikinumpas ni Liam ang kanyang kamay at agad silang naglahong lima sa Jamais.
Hindi naman naabutan ni Reyna Anya ang kanyang anak.
"Anak sandali!" Sabi ni Reyna Anya.
"Mahal na reyna. May tiwala ako sa inyong anak. Ililigtas ng Prinsepe ang mundong kinalakhan nya. Katulad ng pagligtas nya sa mundo natin." Sabi ng matandang babae na kasama nya.
Samantala sa mundo ng mga tao.
"Jake! " Sigaw ni Tyler ng nasugatan si Jake dahil sa mga atake ni Alpeydous.
"Ate Catalina, atras! " Sigaw ng limang kabataan na sinanay nina Mia, Alpia at Raven.
"Pasensya na nahuli kami cat.!" Sabi ni Alpia.
"Walang anuman Mahal na reyna." Sabi ni Catalina.
Tinulungan naman ni Raven si Jake upang makatayo.
Si Mia naman ay agad pinaliwanag ang kanyang mga kamay at naglabas ito ng malakas na kuryente.
"Team, kayo ang bahala kay Alpeydous." Sabi ni Selena.
"Jenna ? Bakit ka nasa anyo ni Selena?" Sabi ni Alpia.
"Mahabang storya Mahal na reyna. Pero nanghihina na ang kaibigan ninyo sa katawan ko. Susubukan ko pa ding tumulong kahit di masyadong malakas ang kapangyarihan ko. " Sagot ni Selena.
"Prinsesa Selena, paumanhin!" Sabi ni Alpia.
"Mamaya na ang usapan! Malapit nang makalabas si Sitan sa portal!" Sigaw ni Theo. Habang nakikipag laban ito sa mga kawal nina Alpeydous at Hex.
"Kuya Nasaan na ba sila?" Sabi ni Tyler.
Biglang umihip ang napakalakas na hangin at nag bukas ang isang portal sa kanilang likuran. Lumabas doon ang mga reyna ng Ayden at Oceana na si Sierra at Rica.
"Kahit kelan Tyler napaka maiinipin mo." Sabi ni Jessel.
"Oo nga!" Dagdag nina Sierra at Rica.
Habang abala ang mga dating tagalipon sa pakikipag laban sa mga kawal nina Alpeydous at Hex.
Ang dalawa naman ay Matagumpay nilang naipalabas sa Kulungan ang ama nilang si Sitan.
At naramdaman din ito ng Kanlaon..
"Naloko na! Nakalabas na si Sitan!" Sabi ni Magayon.
"Nararamdaman ko din Yan Magayon. Tandaan mo Magayon ang utos ni Bathala. Hindi na tayo mangingialam sa Labanan nila. May panlaban na din sila sa ating mga diwata. Ang tanging maitutulong natin ay ipanalangin sila Kay Bathala para walang malagas sa kanilang grupo." Sabi ni Maria Makiling.
"Nasaan si Gassia?" Tanong ni Magayon.
Tumingin sila kay Dalikamata at nagulat si Dalikamata sa kanilang titig.
"Bat kayo saakin nakatingin?"
Ngunit di pa din tumigil ang dalawa sa kakatitig sa kanya.
"Oo na! Nasa mundo sya ng mga tao." Sabi ni Dalikmata.
"Kay tigas ng Ulo ng bruhang yan!" Sabi ni Maria Makiling at agad itong naglaho.
"Susundan ko sila!" Sabi ni Dalikamata at sabay kumpas ng kanyang kamay.
Balik sa Labanan...
Yumanig nang napalakas at nagsitumbahan ang nasa panig ng kabutihan.
"Nakalabas na si Sitan!" Sigaw ni Catalina.
"Naloko na!" Sabi ni Selena.
"Nanghihina na ang aking mga studyante." Sabi ni Raven.
"Anong plano ninyo.?" Taong ni Ian.
"Ilag!" Sigaw ni Charlie nang muntik ng matamaan si Selena ng pana. Mabuti nalang ay na freeze nya gamit ang kanyang kapangyarihan.
"Salamat Charlie " Sabi ni Selena.
"Malakas silang dalawa, kapag nagsama sama sila. Lalo na ngayon na nakalabas na si Sitan. " Sabi ni Alpia.
Mula sa nag aalab na portal lumabas ang isang nilalang na may kahindik hindik na mukha. May sungay ito sa kanyang Ulo at may pakpak ito ng parang sa paniki.
"Sa wakas! Nakalabas nako!" Sigaw ni Sitan.
Pinagsama nina Theo at Tyler ang kanilang kapangyarihan upang patamaan si Sitan ngunit wala itong nangyari.
"Oh kayo pala yan? Tyler, Theo, Jake, Catalina, At ?? Hindi ako nagkakamali nasa loob ng katawan mo ang kaluluwa ni Jenna. Mga hunghang akala nyo ba matatalo ninyo ako ulit?" Sabi ni Sitan.
"Minsan ka nang natalo at kaya ka naming ibalik ulit sa mansion mo!" Sigaw ni Selena.
"Matapang? Pero di na uubra ang mga kapangyarihan ninyo. Kahit pa mga diwata!" Sabi ni Sitan at isang malakas na kidlat ang tumama sa likuran nila at lumantad sina Dalikamata, Makiling at Gassia.
"Sumpain ka ni Bathala!" Sigaw ni Dalikamata.
"Sa totoo nyan magkasing taas kami ng Bathala ninyo!" Sabi ni Sitan sabay tawa ng malakas.
"Umalis na kayo mga Mahal na diwata."sabi Catalina.
"Bago kami aalis, kelangan ninyong upag hiwalay ang dalawang anak ni Sitan." Sabi ni Maria Makiling.
"Ano pong ibig sabhin ninyo?" Tanong ni Tyler at bigla nalang nag laho ang tatlong diwata.
Ilang sandali pa ay dumating na sina Samuel kasama sina Cloud at Kathleya.
"Kelangang ipaghiwalay sina Hex at Alpeydous. Upang di lalakas ang kanilang kapangyarihan. Kahit nakalabas na si Sitan. Kaya yan!" Sabi ni Kathleya.
"Anak?" Sabi ni Theo.
"Sorry mom and dad!" Sabi ni Cloud.
Agad niyakap ni Catalina silang dalawa.
"Ang lami na ninyo. Patawad din sa aming pagkukulang sainyo." Sabi Catalina.
"Mom and dad it's okay we understand, right Kathy?" Sabi ni Cloud .
"Opo. Basta pagtulungan nalang natin to! Mga demonyo lang sila. Mga adonis tayo!" Sabi ni Kathleya.
"Mana nga si Kathleya kay Catalina." Sabi ni Raven.
"Tama si Cloud naman ay kay Theo." Dagdag ni Mia.
"Guys, nanghihina na ang mga Ayden soldiers ko." Sabi ni Jessel.
"Kami din pati sa tubig nilalason nanaman ni Sitan. Kainis!" Sigaw ni Sierra.
"Ako na ang bahala sa mga anak ni Sitan. Kaya ko silang paghiwalayin. Team Alpia kay Alpeydous kayo. At sakin namin ay Amin yang masakit sa bangs na si Hex!" Sabi Selena.
Lumuhod sa lupa si Selena at gumuhit ng isang kakaibang mga hugis at letra.
"Pigilan ninyo ang babaeng yan!" Sigaw ni Sitan sa kanyang mga anak.
"Ituloy mo lang yan Tiya kami nang bahala." Sabi ni Aira.
"Ngayon na!" Sigaw ni Samuel. Nangmakita at marinig ng kabilang grupo ang Sigaw ni Samuel ay sumunod ito sa ginawang pagtaas ng mga kamay nila.
Mga kakaibang enerhiya Ang lumabas sa mga kamay ng sampung kabataan. Nakagawa sila ng malaking harang at kasing laki itong ng syudad.
"Magaling!" Sabi ni Cloud.
"Anong gagawin namin?" Sabi Jessel.
"Tita naalala ninyo ang salitang binigkas ninyo noon upang ikulong si Sitan?" Tanong ni Kathleya.
"Oo!" Sambit ni Sierra.
"Pabaliktad po ang pagbigkas! Para mahiwalay at mapunta sa ibang mundo. Yan ang ginawa ni Xavier sa pangalawang katauhan ni Samuel na si Samantha. " Sabi ni Cloud.
"Sige nakuha ko na!" Sabi ni Jessel at Sierra.
Naghawak hawak ng kamay sina Jessel, Sierra, Rica, Catalina at Alpia. Habang sina Theo, Jake at Tyler naman at naka masid lang sa paligid.
"Mag-iingat kayo dahil baka di na kaya ng mga bata at mawala ang harang. Dapat handa tayo!" Sabi ni Theo.
"Pero nasaan si Raven?" Tanong ni Jake.
"Pinabalik ko sandali ng Dalaket." Sabi ni Mia.
"Bakit?" Tanong ni Tyler.
"Para sa Kalasag ni Princess Samantha." Sabi ni Mia.
Nilapitan naman ni Kathleya si Samuel.
"Samuel? Kelangan namin si Samantha." Sabi ni Kathleya at sabay tapik sa noo.
Nagulat si Samuel at biglang humaba ang kanyang buhok at naging kulay gintong buhok ito. Ilang sandali pa ay lumabas na ang Prinsesa Samantha.
"Sabi ko sayo Samuel diba? Ako ay ikaw Hindi ako mawawala. Tinulungan ko lang ang Dunggan ni Joshua kanina na makabalik." Sabi ni Samantha.
Nagulat naman si Sitan at Hex sakanilang nasaksihan na pagbabago ni Samuel.
"Samantha?" Sabi ni Hex.
"Kontrolin mong muli si Samantha Hex. Dahil malaki ang pakinabang nya sa ating grupo. Walang kwenta ang mga tauhan mo!" Sabi ni Sitan.
"Masusunod ama!" Sabi ni Hex at lumapit sya sa harang na ginawa ng sampung kabataan.
"Mag iingat kayo! Susugod na sya!" Sabi ni Zandro sa team nina Marife.
"Naalala mo na ba sila zee?" Sabi ni Denise.
"Oo matagal ko nang alam. Na ipinadala ako ni Tiya Selena. Pero para di masira ang misyon kelangan kung magpanggap na walang Alam o naalala tungkol sa mundong pinagmulan ko." Sabi ni Zandro.
"Mahal mo pa din ba si Samantha?" Tanong ni Denise.
"Di naman yun mawawala. Pero mas mahal Kita." Sabi ni Zandro.
"Tama na yan lovers!" Sabi ni Marife.
"Naglaho na si Alpeydous. Oras na!" Sabi ni Alpia..
"Handa na kami guro!" Sabi ni Dennis.
"Magaling tayo na!" Sabi ni Alpia sabay kumpas ng kanyang kamay.
Bago paman makaalis ang grupo ni Zandro. Ay tumingin muna ito sa grupo nina Samuel. At nakatitig nga sakanya sina Samantha at Xavier.
Ngumiti lang ito sakanilang dalawa at naglaho na ito.
Itutuloy.....