"ANG HULING ELEMENTO!"
ANG NAKARAAN...
Hindi namalayan ni Hex na nasa likuran na pala niya si Aira. Ginamit ni Aira ang sungay na pumatay sa kanyang nakakatandang kapatid. Ubod nyang lakas na ibinaon sa likud ni Hex ang sungay na pumatay kay Via.
Dahil din dun, nakuha nina Samantha at Samuel ang librong itim ni Hex.
"Ito ba ang hinahanap mo ama?" Tanong ni Samuel habang hawak ang librong itim ni Hex.
Habang si Samantha naman ay ginawa na nila ang plano na pinag-usapan nila ni Joshua.
SA PAGPAPATULOY...
"Aaarrrghhhhhhh!!! Ibigay mo saakin yan!" Sigaw ni Hex habang namimilipit sa sakit at pilit nyang hinuhuli si Samuel.
Samantala matagumpay na nakapasok sina Selena sa Jamais. Kasama sina ang mga tagalipon na sina, katalina, Theo, Tyler, Ian, Charlie, Jake at nanghihinang si Jenna.
"Magaling Selena.. kelangan na nating mahanap ang dalawang itinakda. " Sambit ni Jenna.
Tumango si Selena at ikinumpas nya ang kanyang kamay sa ire. Agad silang naglaho.
Balik kina Samantha at Samuel.
"Insan ilag!" Sigaw ni Samuel ng magtapon ng maitim na bolang apoy si Hex.
Samantala Hindi pa din tapos sa pag papalit anyo si Samantha.
Nang mapansin ito ni Hex, agad nyang pinigilan si Samantha. Gamit ang kanyang mga atake.
Isang malakas na Suntok ang pinakawalan ni Hex Kay Samantha. Dahil sa sobrang lakas. Tumilapon si Samantha papuntang karagatan ng Andromeda.
"Saaammm!!" Sigaw ni Samuel.
"Mag fucos ka Samuel.. sunugin mo na ang libro." Sambit ni Xavier.
Ibinuka ni Samuel ang kanyang kabilang kamay. At dahan dahan itong umapoy. Hanggang sa mas lumakas pa Ang apoy sa kanyang palad.
Itinapat na ni Samuel ang libro sa kanyang umaapoy na kamay. Nang bigla syang pinigilan ni Jenna.
"Wag! " Sigaw ni Jenna. Habang akay sya nina Selena at Katalina.
"Wag mong susunugin yan.!" Saway ni Jenna sakanya.
Kinuha naman ni Tyler si Aira upang di ito masaktan ni Hex.
"Nanghihina ka pa Aira. Wag mong dadaanin sa init ng Ulo. Isipin mo ang mangyayari. Magiging abo lang ang pinaghirapan ninyong apat. Kayo ang dahilan upang makabalik ang mga anak ni Anya dito sa Jamais." Sermon ni Tyler kay Aira. Nakayuko lang si Aira at nakatingin pa din sa walang buhay na si Via.
"Patawad!" Tanging naisambit ni Aira.
"Tai?" Saway ni Jake Kay Tyler.
Muling umahon si Samantha muli sa tubig pero Wala na sa katawan nya si Joshua.
"Samantha ayus ka lang ba?" Tanong ni Joshua habang akay nya si Samantha.
"Tubig? Tama!" Sambit ni Samantha at niyakap Niya si Joshua. Dahil sa ginawa ng dalaga. Nakaramdam ng pagbilis ng kabog sa dibdib nya.
Nagsimulang mag humming sound si Samantha.
Umalingaw-ngaw ang tinig ni Samantha sa buong Jamais. Napalingon naman si Hex at Samuel sa gawi kung saan nanggagaling ang tinig ni Samantha.
"Ang kanta ng mga Sirena?" Sabi ni Jenna nang mapakinggan nya ang tinig ni Samantha.
"Ang kanta ng liwanag. Mahigit ilang siglo na itong di naririnig ang kantang yan." Sabi ni Liam.
Dahil sa kanta ni Samantha, biglang naghiwalay sina Samuel at Xavier.
"Sandali bat ako?" Pagtatakang Sabi ni Xavier.
Nagulat din si Samuel sa nangyari. Nagkaroon ng pagkakataon si Hex upang salakayin si Samuel. Ngunit biglang sabay sila Nina Xavier at Samuel na bumagsak sa Lupa.
Dumating naman si Alpia kasama sina Mia at Raven.
"Alam ko ang kantang yan. Naririnig ko na yan sa Bansang Hapon. " Sabi ni Alpia at nagsimulang bigkasin ni Alpia ang salitang hapon.
"Anong klaseng lenguahe yan?" Tanong ni Aira.
"Matagal nanirahan sa ibang bansa si Reyna Alpia." Sagot ni Raven.
Habang kumakanta si Samantha sa lenguahe ng Jamaisan. Lumalakas ang hampas ng alon sa mga baybayin.
Lumapit naman si Liam kay Samuel habang kumakanta.
"Kelan pa naging theatre show ito?" Sambit ni Samuel.
Kinurot naman sya ni Xavier. Si Hex naman ay biglang nanigas ang kanyang kamay.
"Hindiiiii!!!" Sigaw nya.
Ikinumpas naman ni Joshua ang kanyang kamay para maka balik kung saan sina Aira.
Dumating naman sina Jessel at Sierra ang bagong Reyna ng Oceana.
"Rinig ko dito ang kanta ng sinaunang Reyna ng Oceana. " Sabi ni Sierra.
"Ang kantang yan. Kinanta ni Inang Olivia." Sabi ni Jessel.
"Tama ka!" Sabi ni Reyna Anya. At isinuot nya ang kwentas ng Kanilang kaharian.
"Anya? " Gulat na Sabi ni Hex. Babawiin na sana ni Hex ang libro kay Samuel. Ngunit mas lalong Hindi sya makagalaw. Mas lalong nanigas ang kanyang mga kamay. At ngayon ay Ang kanyang mga binti.
"Arrggghhh! Itigil nyo yan." Sigaw ni Hex.
Sumabay din si Reyna Anya sa pagkanta kay Alpia.
"Nakakapag salitang hapon si Reyna Anya?" Sambit ni Xavier.
Ilang sandali pa ay dumating sina Joshua at Samantha.
Lumapit si Reyna Anya sa dalawa nyang anak at Mula sa kanyang mga palad isang maliwanag na bagay Ang lumabas. At dahan dahan itong naging isang Mikropono.
"Music story na Yata to!" Sabi ni Samuel.
Ngumiti naman si Joshua at Xavier sa kakulitan ni Samuel.
Sinabayan Nina Samuel at Samantha sina Anya, Liam, Sierra at Alpia sa pagkanta.
Umalingaw-ngaw ang boses ng dalawang anak ni Anya sa buong Jamais. At sa bawat nilalang at halaman na madadaanan ng kanilang kapangyarihan. Nagkakaroon Ito ng reaksyon.
Ang patay na puno sa kaharian ng Lakur ay bigla itong nabuhay at nagkaroon ng malago at berdeng dahon. Ang mga tuyong ilog muling nagkaroon ng tubig.
"Kapangyarihan ng anak ni Sitan ang sirain ang kalikasan. At kontrolin Ito upang maging masama. Kabaliktaran naman ng kanyang mga anak. Kaya nilang ibalik sa dating Ganda Ang lahat. Kapag nagsama Ang kanilang mga boses." Sabi ni Jenna.
"Lapitan na ninyo sila" Sabi ni Selena.
"Anong gagawin namin?" Tanong ni Aira.
"Hawak nyo lang sila. Gamit ang likas ninyong kapangyarihan maibabalik sa dating Ganda ang mga kaharian natin." Ngiting Sabi ni Selena.
Lumapit naman sina Xavier, Aira at Joshua.
Humawak sila sa balikat nina Samantha at Samuel.
Kinuha ni Liam kamay nina Samantha at Samuel napapagitnaan Kasi sya ng dalawa nyang matalik na kaibigan.
Patuloy pa din sila sa pagkanta. Si Hex naman ay tuluyan nang naging bato.
Ang boses ng dalawa ay umabot sa Mundo ng mga tao, Dalaket at Oceana.
Naibalik ang lahat sa dati, mga patay na puno ay muling nabuhay. Nakakalbong puno, ay may mga puno at halaman na simibol. Tuyong lawa at Sapa ay muling nagkaroon ng tubig at mga isda.
Maruming dagat ay naging malinis, polusyon sa hangin ay nawala na.
Samantala si Via naman ay naging abo at inilipad ng hangin ang kanyang abo sa Aera.
"Mga Mahal kung Aeran, patawad sa aking mga nagawa. Wag kayong mag alaala mapupunta kayo sa mabuting Reyna." Sabi ni Via.
Nakayuko naman ang mga natitirang Aeran sakanya.
Harte naman ay unti-unti nang nagkakaroon ng buhay Ang mga halaman sa kastilyo at pati na rin sa labas ng kaharian.
"Nuno nabuhay na Ang mga halaman sa kastilyo." Sabi ng isang lambana.
"Nagtagumpay na sila prinsepe Husua." Sambit ni Nuno.
Balik kina Samantha at Samuel..
Ibinigay ni Samuel Ang libro ni Hex Kay Jenna. At si Jenna naman ay kinuha ang libro na hawak ni Xavier.
"Ma anong gagawin mo sa dalawang Libro?" Tanong ni Xavier.
"Eh si Hex? Magiging bato nalang ba sya forever?" Tanong ni Samantha.
"Naubos na ang kanyang kapangyarihan noong makuha ni Samuel Ang libro. Kaya sya nanghihina noong nag simula kayong kumanta. " Sambit ng boses sa likuran nila.
Nanglingunin ng mga taga lipon ay agad silang yumuko.
"Diyan Magayon?" Sabi ni Jenna.
"Kamusta ka Jenna? " Tanong ni Magayon sakanya.
"Marami akong naririnig tungkol sa kanya. She's the goddess of mt Mayon. " Sabi ni Samantha.
"Tama ka Samantha. " Ngiting Sabi ni Magayon.
"Pero naparito ako upang Kunin Ang libro ng liwanag at Kadiliman. Pati na rin ang estatwa ni Hex. dadalhin ko sila sa Kanlaon upang mabantayan naming mga diwata. At kung sa gayun paman ay Wala nang mangyayaring ganitong delubyo." Sabi ni Magayon.
Dumating naman sina Gassia, Maria Makiling at Dalikamata.
"Kung yun ang inyong nais." Sabi ni Jenna. At iniabot niya Kay Magayon Ang mga librong hawak nya.
Sina Maria Makiling naman at Gassia ay binigyan ng basbas ang kambal.
"Sa oras na ito, Hindi na kayo Isa. Isinilang kayong dalawa. At mabubuhay kayong dalawa." Sambit ni Maria Makiling sabay patong ng kanyang kamay sa Ulo ng dalawa. Si Gassia naman ay nilagyan ng marka Ang dalawa bilang tanda na sila ay kabilang na sa mga tagapag ligtas katulad ng mga nauna. Sa grupo nina Marife at Dennis.
"Mabuhay kayo!" Sigaw ni Dalikamata.
At lahat sila nag sigawan dahil sa labis na katuwaan.
Itutuloy....