"Hex VS The Last Element (Part1)"
Sa Kanlaon...
"Kinakabahan talaga ako Makiling! Papano kung Hindi magtagumpay ang mga batang itinakda?" Sabi ni Magayon.
"Magayon? May pag alinlangan ka sa mga bagong itinakda? Kahit kelan hindi tayo nakarinig kay Libulan ng mga ganyang sapantahan noong sina Tyler pa ang ating mga ginagabayan." Sabi ni Maria Makiling.
"Tama si Ina, magtiwala tayo sa kanila at Isa pa. Ang Sinaunang Babaylan na si Jenna ang pumili sa mga batang yun. At nakikita ko sa kanila ang pagkakatulad nila kina Tyler, Theo, Katalina, Ian, Jenna, at Charlie. Maging sa mga pinili ng reyna Alpia. Wala akong nakikitang hindi maganda." Sabi ni Gassia.
Dumating naman si Dalikmata na may dalang libro.
"Dalikmata bat dala mo ang libro ng Kanlaon." Tanong ni Magayon.
"Tingnan nyo..." Sagot ni Dalikmata sabay turo sa mga larawan. At sa isang iglap ay may mga letra na nagsilabasan at kanilang agad na binasa.
"Vio ari he adio jeco!" Basa ni Gassia.
"Anong ibig sabihin ng mga salitang yan ina?" Tanong nya kay Makiling.
"May mga masasawi!" Sabi ni Magayon.
Samantala pagkatapos na inihiwalay ni Selena sa magkaibang mundo sina Alpeydous at Hex..
"Handa naba kayong harapin muli ang ating kaibigan?" Sabi ni Katalina.
"Handa na kami. " Sigaw ni Alpia kasama sina Mia at Raven.
"Papano ang mga bata?" Tanong ni Theo.
"Theo sila nang bahala at Alam kung kaya nilang talunin si Alpeydous. So ano na? Nakakamiss makipag laban." Sabi ni Alpia at agad syang nagpalit ng kasuotang pandigma na sinuot nya noong huling laban nila kay Sitan. Maging sina Mia, Raven ay sumunod na din sa pagpapalit ng kasuotan.
"Sandali iiwan nyo naman kami? Sasama ang reyna ng Ayden. At Reyna ng Oceana! Diba Sierra?" Tanong ni Jessel.
"Tama.!" Suot din nila ang mga kasuotang pandigma.
Nagpalit na din ng kasuotan sina Katalina, Ian, Charlie, Theo, Jake at Tyler ngunit si Selena ay nakangiti lang sakanila..
"Oh Selena bakit hindi ka mag palit anyo bilang si Jenna?" Tanong ni Theo.
"Patawad pero mukhang wala na ang Dunggan ni Jenna sa aking katawan. Hindi ko na sya maramdaman. " Sabi ni Selena.
Ngumiti lang si Tyler sabay sabing..
"Lumaban ka bilang ikaw. Bilang Selena ang tagapagmana ng Kaharian ng Aera. Kung nasaan man ngayon si Ate Jenna. Alam kung sasabihin din nya ito sainyo." Sabi ni Tyler.
Niyakap sya ni Katalina at sabay sabing..
"Selena salamat saiyong pagligtas sa Dunggan ni Jenna. Pero kelangan ka namin bilang Selena."
"Oh ano pa ba ang hinihintay natin? Ako nang bahala sa travel natin. " Sabi ni Selena sabay hawak sa kanyang mahabang tungkod at itinarak nya ito sa lupa. Agad naman silang nag laho. Naiwan nalang ang grupo ni Sam.
Iniilagan parin nila ang mga Bolang apoy ni Hex. Habang si Aira at si Via naman ang naglalaban.
"Hinding hindi ka mapapatawad ng ating mga ninuno Via. Bumalik kana sa amin!" Sabi ni Aira habang umiilag sa suntok ni Via.
"No thanks! Ang gusto ko lang ay mawala ka sa Landas ko. " Sabay suntok sa mukha ni Aira at natamaan naman nya ito. Galing sa ire bumagsak si Aira sa lupa.
"Aira! " Sigaw ni Liam. Agad nagpalit anyo si Liam bilang isang malaking dragon na yari ang katawan sa tubig agad niyang sinalubong si Via. Ngunit Hindi man lang nakaramdam ng takot si Via.
"Hmmnn? Ang dragon ng Andromeda. Nakakatawa!" Sabi ni Via sabay kumpas ay agad nag balik sa dati nyang anyo si Liam.
Habang sina Joshua, Xavier at Samuel naman ay umaatake pa din kay Hex pero Hindi nila ito mapatamaan.
"Kay ganda naman ng anak ko? Maganda ba o Makisig?" Sabi ni Hex habang palipat Lipat sya ng lugar upang iwasan ang mga atake nina Xavier at Joshua.
"Wag kang makikinig sa kanya Samuel.. mag Focus ka!" Sigaw ni Xavier.
"Tama si Xavier. Alam kung mahahanap mo ang tunay na direksyon ni Hex. Kapag nahanap muna. Mag palit ka nang anyo bilang Samantha. Gamit ang Pana ng pagkadalisay. " Sabi ni Joshua.
"Pikit ang mata Samuel!" Sigaw ni Xavier habang pinuprotektahan sya nina Joshua at Xavier.
"Mapa babae man o lalaki, dalawang lalaki pa din ang naghahabol sayo anak. Katulad ka ng iyong ina. Kaakit-akit!" Sabi ni Hex sabay tawa dahil hindi natamaan ni Joshua ang kanyang totoong katawan.
"Para lang kayong nakikipaglaban sa Hangin!" Sabi ni Hex
"Tama ang hangin!" Sabi Samuel.
"Hangin o hangin, ikaw na pinanggalingan ng buhay at hininga ng bawat nilalang ipakita saakin ang kasagutan." Bulong ni Samuel.
Sa kanyang isipan nasa isang madilim na lugar sya at tanging boses lang ang kanyang naririnig. Pero di nagtagal ay may nakita syang kumikislap na dyamante.
"Yun na nga. Umilag kayo!" Sabi ni Samuel at agad niyang hinagod ang kanyang buhok at unti-unting humaba ito hanggang sa naging si Samantha na ito at nakapikit pa din ito. Mabilis ang mga kamay ni Samantha . Agad niyang kinuha ang pana at palaso at itinuro ito sa likuran ng isang puno.
Bago paman nya binitawan ang palaso ngumiti ito sabay sabing.
"End game daddy!" Mabilis ang mga pangyayari. Tumagos ang palaso sa puno at natamaan si Hex sa braso nito.
"Ama gamit ang palasong yan. Gagawin kang dalisay. At tatangalin ang iyong dugo bilang isang demonyo. " Sabi ni Samantha.
"Hindiiii!! Sigaw ni Via at agad niyang sumalakay kay Samantha.
"Lapit birdy ! " Sabi ni Samantha at agad niyang ginamit muli ang palaso at pana.
"Waaag! Wag mong sasaktan ang kapatid ko Samantha.. hindi sya masama." Sabi ni Aira.
Agad naman niyang ibinaba Ang palaso at pana.
Nagpalit ng anyo si Aira bilang isang malaking ibon at inatake si Via.
Habang sugatan si Hex dinasalan ni Xavier si Hex upang tuluyan ng mawala ang sumpa ni Sitan sa kanyang mga anak.
Throwback....
"Xavier ikaw na ang amo ng libro ni Jenna. Gamitin mo ang libro nya upang makalaya si Hex sa sumpa ni Sitan. Anak siya ni Alice, hindi masamang tao si Alice. Kapag napatamaan ni Princess Samantha ng holy arrow nya si Hex. Agad kang mag dasal gamit ang libro ni Jenna para maging dalisay ang vessels ni Hex. " Sabi ni Alpia sakanya.
Back to present.....
Agad syang nagbuklat ng pahina at dahan dahang sinabi ang mga nakasulat. Ngunit natigil ito ng biglang may malalaking ugat ang kumulupot sa kanilang katawan.
"Hindi ako papayag na mangyari yan!" Sigaw ni hex.
Ngayon ay nakakulong na sina Liam, Aira, Joshua, Samuel at Maging siya.
"Pakawalan mo kami dto!" Sigaw ni Xavier.
"Malas!" Sabi ni Aira.
"Anong gagawin natin?" Sabi ni Liam.
Dahan dahang may mga maiitim na usok ang nag silabasan galing sa malalaking ugat at kapag nalanghap nila ito ay nanghihina sila.
Naunang nawalan ng malay si Samuel. Sumunod si Aira hanggang sa sila nang lima.
"Magaling panginoon! Papatayin ko na ba?" Sabi ni Via.
"Wag may plano ako para sa kanila..." Sagot ni Hex.
Samantala pagkatapos mawalan ng malay silang lima.
Nagising si Samuel na nasa isang pamilyar na lugar sya.
Iginala nya ang kanyang paningin at inamoy ang paligid.
"Poster ni Bebe boy Julio? Nasa Apartment ako.?" Sabi nya hanggang sa tumunog Ang kanyang alarm.
"Alas Siete na pala..?" Sabi ni Samuel.
Bumangon sya sa kama upang mag handa. Dahil papasok ito sa kanyang trabaho. Nakatanggap sya ng text galing sa kanyang matalik na kaibigan na may pasok sya sa isang convenience store.
Hanggang sa nag ring na yung phone nya. Na agad naman niyang sinagot.
"Sammy Saan kana ba?" Tanong ng babae.
"Sammy ba tinawag mo sakin?" Sabi ni Samuel.
"Oo, Bakit? Bilisan muna may Chismis ako sayo. Nandito kanina si Zandro. Hinahanap ka nya saakin." Sabi ng babae.
"Sige papunta nko dyan." Sabi ni Samuel at agad binaba ang telepono.
"Nakakapagtaka ang huling alala ko. Nakulong kami nina Aira sa mga ugat at si Hex ang tatay ko. Pero lahat ng yun ay panaginip lang ba?" Sabi nya sa sarili sa harap ng Salamin.
"Naguguluhan ako. Tama? Nag training ako kung pano pagalawin ang tubig. Turo ito ni Bff Liam." Sabi niya. Agad syang kumuha ng isang baso ng tubig at ikinumpas nya ang kanyang mga kamay pero walang nangyari.
"Bakit wala? So imagination ko lang yun lahat o panaginip? Walang mga diwata? Walang powers? Walang Xavier? Teka bakit ko hinahanap si Xavier! Tama kapatid ni Zandro si Xavier baka may alam si Zee. " Sabi nya at nagmamadali itong lumabas ng building.
Nakasalubong pa nya ang tagalinis na matanda na si Aling Juliet.
"Good morning aling Juliet. Late na po ako sa work ko. Babye." Sabi nya.
Ngumiti lang ang matanda.
Habang nag lalakad si Samuel sa kalsada na noong muntik na syang mabangga mabuti nalang ay hinila sya ni Zandro sa may iskineta.
Isang malakas na busina ang kanyang narinig galing sa kotse. Mumuntikan na syang mabangga.
"Hey! Gusto mo bang magpakamatay?minsan gamitin mo yung stop look ang listen!" Sigaw ng lalaki.
"Sorry po." Sabi nya. At pina andar na ng driver ang kotse.
Naguguluhan pa din si Samuel dahil dapat nandito na si Zandro.
"Bat nag bago? Pero okay nalang din kasi baka mamatay Pako." sabi nya sa sarili hanggang sa madaanan na nya ang iskenita at ang auditorium. Kung saan unang nagka kilala sina Aira.
Hinanap nya sa paskil sa labas ng auditorium ang pinaskil nina Aira noon pero wala..
Pumasok sya sa auditorium pero walang katao tao.
"Joshua? Xavier? Bes Liam, Aira? Hindi ba kayo totoo?" Sabi nya sa kanyang sarili hanggang sa tumulo na ang kanyang mga luha.
Pero natawa nalang sya noong una nilang pagkikita ni Xavier nahuli pa niya itong nagpapaligaya sa sarili sa Banyo.
Agad syang lumabas at nakabungo naman niya si Zandro..
"Samuel? " Sabi ni Zandro
"Zee?" Sambit naman ni Samuel.
Itutuloy.....