Chereads / THE LAST ELEMENT (M2M-TAGALOG) / Chapter 36 - EPISODE 37

Chapter 36 - EPISODE 37

"THE NEW OWNER"

ANG NAKARAAN...

Matagumpay na nakuha nina Xavier at Sam ang Adjil. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman nakikita sila nina Aira sa labas ng hardin.

"Naloko na!" Sambit ni Aira sa kanyang isipan.

SA PAGPAPATULOY....

Agad sinalubong nina Aira sina Xavier at Sam.

"Ito na ba?" Sabi ni Liam sabay turo sa libro.

"Oo ito na nga? Yata? Di ko alam?" Sagot ni Sam.

"Tama ang inyong nakuha. Ito na nga ang libro ni Tiya Selena." Sabi ni Aira nang akmang hahawakan nya ito bigla syang nakuryente.

"Aray ko! Ano yun?" Gulat na sabi ni Aira.

Samantala ngumiti naman si Joshua at niyakap si Sam sabay sabing.

"Ang galing mo Mahal!"

Agad namang yumakap pabalik si Sam sakanya.

"So magyayakapan nalang ba Tayo dito? Tara na! May pagbabayarin pa Tayo!" Sabi ni Xavier.

"Kung ganun Tayo na!" Sabi ni Aira at sabay kumpas ng kanyang mga kamay.

Habang sina Jenna naman ay nakaramdam ng pag-asa.

"Nakuha na nila ang Adjil mo Insan. Akala ko ba hindi mo na gagamitin ang librong iyon?" Sabi ni Katalina.

"Hindi na nga dahil kay Samantha ko yun ipinangalan. Hindi kay Samuel!" Sabi ni Jenna.

"Anlabo mo Ate Jenna. Bakit kay Samantha. Nasa side na sya ni Hex diba?" Dagdag na Sabi ni Tyler.

"Magtiwala ka lang sa plano ko Tai!" Nakangiting Sabi ni Jenna.

Agad sumalakay sina Aira sa palasyo.

"Kakayanin ba natin yang mga kawal ni Hex?" Sabi ni Liam.

"Di mo ba naalala Sabi ni Tiya Selena? Kapag kompleto Tayong lima. Di Tayo basta basta matatalo!" Sabi ni Aira.

"Sam? Narito na Tayo? Anong gagawin natin?" Taming ni Xavier.

"Kelangan nating maghiwalay. Sa kanluran ka Xavier, silangan ka Aira, hilagang bahagi ka naman Liam dahil may batis doon. Ako Naman dito sa harapan ng Kastilyo. Oras na para mag harap kami ng ama kung hilaw." Sabi ni Samuel.

"Ako? Magkalimutan mo yata ako Mahal?" Tanong ni Joshua.

"Samahan mo ako Mahal." Sabi ni Sam.

"Yun!" Ngiting sabi ni Joshua.

Agad naghiwa-hiwalay ang lima.

"Akala ko ba hindi mag hiwalay!" Sabi ni Liam.

Agad pinaapoy ni Xavier ang kanyang mga kamay. At isang mala-lava ang kanyang itinapon sa mga kawal na umaatake sa kanya.

"Tikman nyo ang apoy ng mga bulkan!"

Si Liam, ay gumawa ng isang daluyong. Kasabay nito ang kanyang pagkanta. Dahil sa kanyang tinig ay nabibingi ang mga kawal at napahinto ito sa kanilang pag atake.

Si Aira ay lumipad sa ire upang salubungin ang kanyang half sister na si via.

"Kamusta ka aking alibughang kapatid?" Sabi ni Aira at biglang kumidlat ng napakalakas.

Habang sina Samuel at Joshua naman ay papunta na sa harap ng Kastilyo.

Isa isang kinuluputan ng mga ugat ang mga kawal.

"Matagal na rin akong di nakikipag Laban!" Sabi ni Joshua.

Samantala si Samuel naman ay kaharap si Samantha.

"Hello Samuel? Ang lakas naman ng loob mong sumugod. Hindi kaba natatakot?" Sabi ni samantha.

"Hindi ikaw ba natatakot kana ba?" Sabi ni Samuel at isang malakas na kidlat ang kanyang pinatama sa kinalalagyan ni Hex. Na agad namang sinangga ni Samantha.

"Yun lang? Ang lambot Naman!" Sabi ni samantha.

"Magaling anak. Ikaw ng bahala dyan! Dahil ilang oras nalang magbubukas na ang pintuan. Isang dugo nalang ang kulang ni Alpeydous. "Sabi ni Hex sabay bigkas ng mga ibat-ibang salita.

"Hindi Kita papayagan dyan.!" Sigaw ni Joshua. At daan-daang dahon ang kanyang pinalipad papunta kay hex ngunit. Sa isang kumpas lang ni hex ay biglang bumagsak ang mga dahon at bumalik ito sakanya.

Nang papalapit na sakanya ang mga dahon. Bigla nalang natupok ang mga dahon.

Nilingon Nya ang kanyang likuran nakita nyang nag aapoy ang kamay ni Samuel.

"Ayus ka lang Mahal?" Sabi ni Samuel.

"Salamat!" Ngiting sagot ni Joshua.

Nagtalikuran silang dalawa at isa-isa nilang hinarap ang mga kalaban.

"Alam mo Samuel!" Sabi ni Joshua habang nakikipag Laban.

"Joshua? Nakakatakas na si Samantha!" Sambit ni Sam.

"Mahal na Mahal Kita." Sabi ni Joshua.

"Joshua? Wag ngayon please.. Mahal din kita!" Sagot Naman ni Samuel.

Hinawakan ni Samuel ang lupa at mula dito ay lumabas ang butil-butil na tubig.

Si Samantha naman ay ginaya ang kanyang ginawa. Ngunit kabaliktaran. Dahil biglang nag biyak ang lupa at isang malakas na hangin ang umiihip papunta kay Sam.

"Super predictive moves my twin!" Ngiting sabi ni Samantha. 

"Ito!" Ikinumpas ni Samuel ang kanyang kamay sabay labas ng apoy at mabilis itong sinalubong tubig na ibinalik ni Samantha sakanya.

Dahil sa ganoong pangyayari, nakagawa ito ng isang usok na kumalat sa paligid.

Hindi Alam ni Sam na isang matulis na Sanga ang paparating sakanyang likuran ngunit bigla syang niyakap ni Joshua.

At tumusok ito sa likuran ni Joshua. Isang masaganang dugo ang lumabas sa kanyang bibig.

"Samuel nakakalimutan mong mag ingat!" Sabi ni Joshua.

"Hindi! Hindi! Joshua? Sandali kumapit ka lang!" Sabi ni Samuel habang tumutulo ang kanyang luha.

Dahil sa nangyari kay Joshua. Sa puno ng huhay sa Kaharian ng Lakur. Dahan dahang natutuyo ang maliit na puno at Isa isang naglalagas ang dahon nito.

Isang lambana ang lumapit at nag-aalala sa kanyang nakita.

"Mahal na Prinsepe.!" Sabi ng lambana.

Nakaramdam ng kaba sina Aira, Liam at Xavier.

"Napahinto ka Aira? Pagud kana ba?" Sabi ni Via.

"Hindi pa tayo tapos!" Sabi ni Aira sabay kumpas ng kanyang mga kamay at naglaho.

Sa loob ng kulungan...

"Nangyari na ang aking pangitain! Nag buwis na ng buhay" Sabi ni Katalina.

"Sino? Si Samuel ba?" Tanong ni Reyna Anya.

Balik kina Samuel...

"Liam panangga!" Sigaw ni Samuel.

Agad namang ikinumpas ni Liam ang kanyang kamay at gumawa ng harang para sakanila.

"Bro? Lumaban ka!" Sabi ni Xavier.

"Joshua? Mahal? Please sandali lang lumaban ka!" Sabi ni Sam na tila nababaliw.

Si Samantha naman ay biglang tumulo ang kanyang mga luha.

"Anak? Magaling! Naipasa ko na kay Alpeydous ang patak ng dugo ni Jenna. Ilang oras nalang makaalis nako sa mundong ito at makakalabas na si ama!" Sabi ni hex.

Sinubukang pagalingin nina Aira at Sam si Joshua ngunit.....

"Jossshhuuuaaaaa!!!!" Sigaw ni Samuel.

Sumigaw si Liam ng pakalakas at Isa isang nagtalsikan ang mga kawal sa ibat ibang bahagi.

"Hindiiiiii!! "

Si Aira naman ay nagbikas ng isang kakaibang salita at di ito maintindihan.

Itutuloy....