Chereads / THE LAST ELEMENT (M2M-TAGALOG) / Chapter 34 - EPISODE 35

Chapter 34 - EPISODE 35

"ANG ADJIL AT ANG AERA"

ANG NAKARAAN...

Pinatakas ng mga dating tagalipon ang mga batang tagapagbantay. inutusan ni Jenna ang mga bata na mag tungo sa Aera upang kunin ang nakatagong libro ni Jenna. Samantala papanong nagkahiwalay sina Samuel at Samantha?

At anong gagawin ng mga Diwata sa Jamais maililigtas paba kaya nila ang mga kaibigang tagalipon?

SA PAGPAPATULOY...

Nakabawi na sa kanyang lakas ang mga batang tagapagbantay.

"Papano nahiwalay ang dalawang katauhan ni Sam?" Tanong ni Joshua.

"Samuel?? Anong nangyari? Nasaan sina Kathleya at Cloud?" Tanong ni Aira.

"Hindi ko alam? Pero sobrang bilis nang pangyayari! Hinawakan lang ako ni papa tapos boom nawalan ako ng malay. Tapos ayun nagising nako na nakagapos." Sagot ni Sam.

"Aira, inutusan ako ni Binibining Selena na hanapin ang Libro nya." Sabi ni Liam.

"Kung ganoon, magtutungo Tayo sa nasirang kaharian ng Aera. Kumapit kayo saakin!" Sabi ni Aira.

Samantala sa Kaharian ni Hex kung saan hawak parin nya sina Jenna, Tyler, at Katalina.

Biglang nagkagulo sa labas ng Kaharian at may isang kawal ang nagmamadaling pumasok upang ibalita kay Hex ang nangyayaring kaguluhan.

"Akala ko ba napaalis na ang mga polpol na Tagapag bantay? Mukhang hinahanap nila ang kanilang kamatayan." Sabi ni Samantha.

"Ako nang bahala Mahal na Prinsesa. " Sabi ni Via sabay yuko dito.

"Ngunit Hindi ang mga kasamahan ni Prinsesa Aira ang dumating. Isang mga ~" hindi natapos ang sasabihin ng kawal ng biglang natupok ito ng apoy at tila isang papel na agad naging abo.

Agad napatayo si Hex pati narin si Samantha.

Sa kanilang harapan biglang dumating ang apat na babaeng mahiwaga.

Tinitigan ng apat na babae sina Hex, Via at Samantha.

"Mukhang ikaw na yata ang pinatapon na anak ni Sitan dito sa Jamais. " Sabi ng babaeng nakakulay asul na may kakaibang kasuotan.

"Sino kayong mga pangahas na tumungtung dito sa Kaharian ko!" Sabi ni Hex.

"Oo nga sino kayo? Mga alagad ba kayo ni Samuel. " Sabi ni Samantha.

Nagkatinginan lang ang apat na babae at nag salita.

"Narito kami dahil sa mga kaibigan namin! Ako si Maria Makiling!" Pakilala ng babae. At biglang yumanig ang buong palasyo kasabay ng pagihip ng malakas na hangin.

Ngumiti si Hex at humakbang papalapit sa apat na babae.

"Sinasabi ko na nga ba! Maria Makiling ang diwata ng mga hayop at nangangalaga sa elemento ng tubig.

Ikaw naman siguro si Lalahon? Tama ba? Ang diwata ng kabundukan at nangangalaga sa elemento ng apoy. Ikaw naman si Dalikmata at Gassia mga walang silbing diwata na nangialam sa Labanan noon ng aking ama sa mga tagalipon!" Sabi ni Hex.

"Panginoon mga diwata? Sila ba ang mga ikinuwento mo?" Tanong ni Via.

"Walang ng iba!" Sagot ni Gassia.

Ikinumpas ni Lalahon ang kanyang mga kamay ngunit walang mahikang lumabas sa kanyang mga kamay.

"Nakapagtataka? Bakit di gumagana aking kapangyarihan? Anong nangyayari?" Sambit ni Lalahon.

"Ako Naman!" Sabi ni Dalikmata. Sabay kumpas ng kanyang kamay ngunit Wala ding nangyari.

Tumawa si Hex ng malakas at sabay sabing..

"Wag nyong sabihin na hindi nyo Alam ang tungkol sa isang sumpa? " Sabi ni Hex.

"Sumpa ng alin?" Pagtataka ni Lalahon.

"Hindi gagana ang kapangyarihan natin kapag may nag bigay ng isang malakas na sumpa upang pigilan ang mga kapangyarihan nating mga diwata. Kung may basbas sya ng isang diwata." Sabi ni Makiling.

"Tama at isang malaking pagkakamali ang inyung ginagawang pag salakay dito." Sabi ni Hex.

"Sinong nagbigay ng sumpa saiyo?" Tanong ni Gassia.

"Kilala ko na kung sino! Ang mortal na kaaway ni Magayon si Margarita. " Sabi ni Dalikmata.

"Tama Dalikmata! Kami ni Alpeydous ay may basbas ng diwatang si Margarita. " Sabay tawa ng napakalakas ni Hex.

"Mukhang matutuwa si Ama sa handog ko kapag napatay ko kayo." Sabi ni Hex at inilabas ni Hex ang libro ng kadiliman.

"Ang libro ng kadiliman. Umalis na tayo dito Lalahon." Sabi ni Gassia.

Nang ibinuklat ni Hex ang isang pahina ay agad silang nang hina.

"Minamalas nga Naman!" Sabi ni Gassia.

Sinubukan ni Makiling na gamitin ang kanyang kapangyarihan, ngunit walang mahikang lumalabas sa kanyang mga kamay.

"Bat ang bilis? " Sabi ni Makiling.

Biglang nag yelo ang librong hawak ni Hex at umiihip Naman ang malamig na hangin.

Agad namang tumayo si Samantha at gumawa ng Bolang apoy sa kanyang mga kamay.

"May mga asungot sa paligid mag handa ka Via!" Sigaw ni Samantha.

Na syang naging dahilan upang maging alerto si Via.

Nang magbalik na ang mga lakas ng apat na diwata ay sinubukan ni Dalikmata na kunin ang libro gamit ang kanyang kapangyarihan ngunit. Bigo ito dahil, Wala pa din mahika ang lumalabas sa kanila.

"Malas nga! Umalis na Tayo dito!" Sigaw ni Dalikmata

At sa ilang saglit lang ay lumabas sina Ian at Chad. Ang tagapagbantay ng lagusan sa Jamais.

"Tumakas na Tayo mga Mahal na diwata." Sabay nilang dalawang hinawakan ang apat na diwata sa balikat at agad naglaho.

"Bwesit nakatakas nanaman!" Sabi ni Via.

"Hayaan mo na Via, Wala nang makakatalo saatin. Di mag tatagal makakalabas nako sa Jamais at magkikita na kami ng kambal ko. At kapag nagkita na kami mapapalaya na namin si Ama." Sabi ni Hex.

"Kelan mo isasagawa ama ang pag kitil sa buhay ni Jenna?" Sabi ni Samantha.

"Kapag namatay na ang buwan sa Harte, Wala nang pipigil saatin. Hindi na makakagamit ng kapangyarihan ng kalikasan ang mga tagalipon." Sabi ni Hex.

Samantala sa Aera..

Nakakapanlumo ang mga nangyari sa magandang kaharian ng Aera.

Ang mga matataas na gusali ay nawala ang dating magandang Kastilyo nina Aira ay tuluyan ng nasira.

"Pumasok kayo dito Dali!" Sabi ni Aira.

"Parang haunted house? O dapat sabihin haunted castle." Sabi ni Samuel.

Inakbayan naman sya ni Xavier at sabay sabing.

"Nandito lang ako para saiyo, este nandito lang kami Sammy. " Sabi ni Xavier habang si Joshua naman ay nakatingin ng masama kay Xavier. Na agad namang kinuha nya ang kanyang kamay na nakaakbay kay Sam sabay peace sign kay Joshua.

"Nandito na tayo sa lihim na Aklatan ni Tiya Selena." Sabi ni Aira.

"Aklatan? Eh ang tataas ng damo oh? Parang maze nga yan. Saan mga aklat nyan?" Sabi ni Liam.

"Ganyan talaga yan. Pero wag kayong mag aalala nasa gitna ng maze na yan ang libro na hinahanap natin." Sabi ni Aira.

Habang papalapit sila sa gate ng malaking hardin.

Biglang humarang ang mga baging sa gate at tinakpan ng mga puno ang gate papasok sa lihim na Aklatan ni Selena.

"Mukhang hindi Tayo welcome!" Sabi ni Samuel

.

Ngumiti si Aira at sabay sabing..

"Mga puno ako si Aira ang Taga sunod ng makapangyarihang salamangkera ng Jamais na si Selena. Narito ako upang sa isang misyon na ibinigay ng aking Guro. " Sabi ni Aira.

Gumalaw ang puno at nagsalita.

"Paumanhin Aira, Hindi ka namin maaring papasukin sa hardin ni Selena. Kelangan mo syang isama upang makapasok ka." Sabi ng puno.

Lumapit si Joshua at hinawakan ang puno ng biglang may malakas na kuryente ang biglang tumama sa kanya.

"Lapastangang Taga Lakur. Hindi kami katulad ng mga puno nyo sa Kaharian. Kami ang mga ninuno ng inyong mga lahi" Sabi ng mga puno.

Lumapit sina Aira, liam at Sam kay Joshua upang saklolohan ang binata.

"Ayus ka lang ba Mahal?" Tanong ni Samuel.

"Maayus lang ako Mahal. Akala ko Kasi." Sabi ni Joshua.

"Sge na wag nang magsalita gagamutin Kita sandali." Sabi ni Samuel sabay hawak sa kamay ni Joshua.

Nang makita ito ni Xavier lumapit si Xavier at hinawakan ang puno.

Binataan sya ng kanyang mga kasama ngunit tinuloy nya parin.

Akala nilang mahahalintulad din si Xavier kay Joshua. Ng biglang nagsalita ang puno.

"Naamoy ko sayo ang dugo ng aking amo. " Sabi ng puno.

"Ako ang kaisa-isang anak ni Jenna o Selena pahintulutan mo kaming makapasok at makatawid!" Sabi ni Xavier.

"Tanging dalawang lamang ang maari kung papasukin. " Sabi ng puno.

"Kayo nalang nina Aira." Sabi ni Liam.

"Hindi pwde kung papasok ako dapat kayo din." Sabi ni Aira.

"Ikaw nalang Mahal. Alam kung mahahanap mo yun" ngiting sabi ni Joshua.

"Nko bakit ako? Tska di pa tapos ang ginagawa kung pag gamot sayo. " Sabi ni Sam.

"Ikaw na Samuel, ituturo ko sayo ang daan at sundan mo lang ang mga halaman ng araw. O sa inyo sa mundo ng mga tao. Sunflower. Sundan mo lang." Sabi ni Aira at nag bigay pa ng ibang detalye sa gagawin ni Sam.

"Ako ng bahala sa nobyo mo. Mas mapapagaling ko sya dahil may sapat pa akong kapangyarihan ikaw Samuel, Alam kung nanghihina ka dahil Wala sayo ang ikalawang katauhan mo. Pero magtiwala ka Sam di ka pababayaan ni Xavier. " Sabi ni Aira.

"Oo nga Bes, ikaw pa Lablab ka ni Papa Xavier." Pag bibiro ni Liam.

"Tama, Mahal may tiwala Naman akong di kapababayaan ni Xavier. Diba Prinsepe Xavier?" Sabi ni Joshua.

"Ah eh oo!" Nauutal na sagot ni Xavier.

Itutuloy...