Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Taming The Killer's Son (Tagalog)

Fritz_6169
--
chs / week
--
NOT RATINGS
8.4k
Views
Synopsis
Naziena De Ayala's parents were murdered by the Campbell family, who took her little brother. She then, after many years of hiding, finally decided to take her revenge on them. She disguised herself as a silly, clumsy girl and met the only son of the Cambells'. Damon Ryker Campbell, who was known to be a bully and who she mistakenly thought to be her long-lost little brother at first, It turns out it wasn't him; it was the boy who he used to bully. She immediately made a plan and decided to hit on Damon Ryker, making him fall in love. She only had a plan. Break Damon Ryker, kill his father, and protect her little brother. But things got really complicated as her plan didn't go the way she wanted.
VIEW MORE

Chapter 1 - INTRO

I was 6 years old back when I clearly remember what happened..

17 years ago..

Galing akong eskwela at gabi na nang makauwi mag isa dahil sa pag aakalang may susundo sa akin. Isang musmos at wala akong kamalay-malay nang madatnan ko ang magulo naming bahay.

Nagkalat sa sahig ang aming mga gamit. May mga bubog akong natatapakan kasama ng mga patak ng dugo sa sahig. Hindi ko pa man nahuhubad aking huniporme at bag na nakasukbit sa aking balikat ay iyon na ang bubungad sa akin.

"Mama?"

"Mama? Mama!"

Paulit-ulit ko iyong sinisigaw habang nililibot ang aming bahay. Subalit wala akong narinig na pagtugon mula sa kaniya. Mula sa isang kwarto ay narinig ko ang malakas na pag ngawa ng isang sanggol na aking kapatid na lalaki. Mabilis ko siyang pinuntahan at nadatnan siyang nakakulong sa loob ng aparador.

"Duziell!" Gulat man ay agaran ko siyang kinarga.

"Na.. Na!" Iyon ang naging bungad niya sa akin. Bagama't hindi pa kayang banggitin nang maayos ang aking buong pangalan.

Isang taon pa lamang ang kaniyang edad sa pangyayaring iyon. Nang makarga ko siyang tuluyan ay saka lamang siya tumahan at humahikgik na para bang natutuwa sa pagdating ko. Pawis na pawis ang kaniyang buong katawan. Hindi ko alam kung gaano siya katagal na naroon nakakulong sa loob ng aparador!

"D-Duziell, ayos ka lang ba?"

Subalit natigilan ako at napaintag sa gulat nang malakas na kumalabog ang pintuan ng silid na aming kinaroroonan. Iniluwa niyon si mama na sobrang bigat ang pag hinga! Ang kaniyang kamay ay nakahawak sa kaniyang tiyan na noo'y nilalabasan ng pulang-pulang likido. Habang ang isang kamay ay may hawak na baril.

"M-Mama.." nagsimula akong umiyak sa takot sa kaniya.

Ngunit mas malakas pa ang naging pag iyak niya sa akin. Ika-ika at nang hihina siyang lumapit sa amin ni Duziell upang lumuhod at hinaplos nang marahan ang aking buhok.

"N-Naziena, kailangan mo nang tumakbo! A-Anak.. umalis ka na!" Nahihirapan man ay pilit niya akong pinapatakas.

"M-Mamaa!!" Bumuhos ang aking luha, hindi ko nagawang gumalaw man lang.

"S-Shh! Naziena! Makinig ka kay mama, k-kailangan mong makaligtas, anak---"

Hindi man lang niya natapos ang kaniyang sasabihin! Dahil nakarinig kami nang mga mabibigat na yapak ng mga paa patungo sa silid namin! Hindi rin nakatakas sa pandinig ko ang malalim na boses nang mga lalaki at mga tumutunog na mga armas!

Ganoon ang panginginig ni mama at walang anu-ano'y tinulak ako kasama si Duziell sa loob ng aparador upang doon kami itago. Pinigil ko ang aking pag daing at pag hagulgol. Mula sa maliit na butas sa loob ng aparador ay sinilip ko roon kung ano ang nangyayari.

It was a man. A good-looking man.

Hindi ko malilimutan ang mukha ng lalaking iyon na siyang tumapos sa buhay ng mama ko. Walang awa niyang pinabugbog si mama sa mga lalaking kanyang kasama at bigla na lamang tinutukan ng baril sa ulo.

"This is for my wife, Natasha De Ayala." Walang bahid na emosyon sa kaniyang itsura! "You murdered my wife, now this is what you get."

"Y-You killed my husband first, Flencher Campbell!" Matalim at matapang siyang hinarap ni mama!

Ngumisi ang lalaki at mas itinutok sa kaniya ang baril. Nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luhang biglaang nagsibuhos at napatakim ako ng sariling bibig.

"Well, I won at lasts." Kasunod niyon ay ang sunod-sunod na pagputok ng baril ang aking narinig!

Hindi ko nakayanan at lumabas ako nang aparador upang puntahan si mama. "Mamaaa!!!"

Walang tigil ang pag agas ng aking mga luha. Ngunit hindi pa man ako nakakalapit ay marami nang mga baril ang itinutok sa akin. Napahikbi ako nang lumapit sa akin ang lalaki. Yumuko at deretsong tumitig sa mga mata ko.

"I will give you 30 seconds to run and I'll chase after you." Malamig niyang saad. "If I caught you, I will kill you like what I did to your mother. But if you escape from me, I'll let you live."

Sa katunayan ay hindi ko naintindihan ang kaniyang sinabi. Ngunit sa tono nang pagsasalita ay alam kong magagawa niya akong patayin. Bigla na lamang niyang inagaw sa akin si Duziell at naglakad papalayo pagkatapos sabihin iyon!

"D-Duziell!!!" Hinabol ko siya ngunit nagsimula siyang magbilang.

"One." Ngumisi siya nang nakakatakot sa akin. "Run, little girl. I'm counting."

"D-Duziell!! Ang kapatid ko!!"

"Two." Mas lumaki ang pagkakangisi niya. "He's mine now."

"P-Pero--"

"Three! Tiktok, the clock is running. And you must be running. Or else you will die."

Sa sobrang takot mula sa kaniya ay hindi ko nagawang magdalawang isip. Iniwan ko si mama nang walang buhay at si Duziell mula sa kamay ng lalaking iyon. At dahil nasa akin ang swerte ay nakatakas ako mula sa kaniya. Hindi niya ako nagawang mahuli at mapatay.

At ito ang bagay na pagsisisihan niya magmula sa araw na ito. Ang binuhay niya pa ako noong anim na taong gulang pa lamang ako.