NAHUGOT ko ang aking baril nang makitang bukas ang pintuan ng madilim kong mansyon. Dahan-dahan akong naglakad nang walang ingay saka walang tunog na kinasa ang aking baril. Itinutok ko iyon sa kusina at mabagal na naglakad patungo roon. Bigla na lamang akong naalerto nang mula roon ay may imahe ang lumabas!
"Move and you'll die!" Malakas at buong boses kong sigaw.
Subalit natauhan ako ng bumukas ang ilaw dahilan upang lumiwanag ang aking mansyon at gulat akong napatitig sa taong iyon.
"Ma-aksyon ka, Naziena. Ako lang 'to." Ngumisi siya sa akin saka sinubo ang hawak na tsokolate.
Umawang ang labi ko at nakaramdam ng inis. "Really? Evie? Anong ginagawa mo rito sa mansyon ko?"
Malakas siyang tumawa at lumapit sa akin. "I was hungry! Naisip kong kumain dito kaysa sa restaurant. Halos puno ng pagkain ang kitchen mo."
Ibinaba ko ang aking baril at nagpakawala ng hininga. Evie is my cousin, my best friend too. Napakamot ako sa aking sintido at pabagsak na naupo sa sofa.
"Tapos na ang klase mo? Kamusta naman ang first day mo bilang Nana? Hahahaha!"
Binato ko siya ng unan. Mabuti nga at natapos na ang klase kanina pa. Nang makapagpahinga na rin ako sa wakas. Isang nakakagulong pangyayari ang unang araw ko sa akademya na 'yon.
"Akala ko ba hindi ka muna uuwi rito? Hindi ba't nag renta ka ng mumurahing apartment para diyan sa kagagahan mo?" Muling pagsasalita ni Evie.
Tinaliman ko siya ng tingin. "I'm frustrated, Ev!"
Tinawanan niya ako. "Why? Dahil ba d'yan sa buhok mong nagmistulang bulbol? Hahaha! I don't get it, Naziena! Why do you have to ruin your hair?"
Napahilamos ako ng mukha. "Para saan pa ang pag disguise ko kung wala rin akong babaguhin sa itsura ko? Anong malay ko kung makilala ako ng Campell na 'yon? Tsk!"
Naupo siya sa tabi ko, kumakain pa rin ng tsokolate. "So what happened to your first day? Kwentuhan mo 'ko."
Napatingin ako sa kawalan at inalala ang nangyari kanina. Buong araw akong hindi natahimik sa klase kanina dahil ang Ryker na 'yon ay nakaupo sa likuran ko. Pinagsisipa niya ang upuan ko at hindi tumitigil sa pang iinis! Wala akong nagawa kundi sabayan siya at tawanan ng husto na siya namang kinaiirita niya sa akin. Naririndi siya sa tawa ko kaya naman pakiramdam ko ay ako ang umuwing panalo sa pang aasar.
Pero.. "Damon Ryker Campbell.. anak siya ni Flencher Campbell."
Narinig ko nang mabilaukan si Evie. "M-May anak 'yung gurang na 'yon?!"
Napalingon ako sa kanya. "Yes! Pero bakit hindi natin alam? We took all the information we get from him but we didn't know that he had a child."
Matagal siyang natigilan at maya-maya'y unti-unting nanlaki ang mga mata. "Oh my gooooosh! Si Duziell---"
"Wala siyang birthmark sa dibdib!"
Natikom niya ang bibig niya at nagsalubong ang mga kilay. "What do you mean?"
"Argh! I ripped the boy's shirt para malaman ko. Pero wala siyang itim na balat gaya ng kay Duziell."
Mas nagsalubong ang mga kilay niya. "Dahil lang do'n? Malay mo wala naman talagang birthmark ang kapatid mo at sira lang talaga 'yang alaala mo?"
"No! Alam kong mayroon si Duziell no'n. He's 1-year-old that time at natatandaan ko 'yon hanggang ngayon."
Umayos siya ng upo at napatingala sa mataas na kisame. "What if? Nabura na 'yung birthmark niyang 'yon since tumatanda na? You can't be sure, Naziena! You have to do the DNA testing!"
Nangunot ang ang noo ko. Matagal natahimik bago makatugon. "How?"
Umayos siya ng upo at gano'n din ako. Deretso kaming nagtitigan. "Do you know the sibling DNA testing?"
Napataas ang dalawa kong kilay at umiling. "Hindi. May gano'n ba?"
Ngumisi siya at tumango-tango. "It exists, Naziena. You wanna try it to be sure kung kapatid mo ba talaga siya?"
-
PABAGSAK akong nahiga sa malambot kong kama. Ang bigat ng pakiramdam ko. Pagod na pagod ang katawan ko samantalang hindi naman gano'n kabigat ang ginawa ko ngayong araw.
Matagal akong natulala sa kisame ng aking kwarto. Hindi ko akalain na ganito ang salubong ng pagpasok ko sa akademya. Una palang ay hindi na sumang ayon ang plano ko sa akin. Paano na lang kaya sa susunod? Shoot!
Pabuntong-hininga kong pinatay ang ilaw. Kaaalis lang ni Evie at ako na lang ngayon dito sa mansyon. Simula nang mamatay ang mga magulang ko ay napunta na sa akin ang ari-arian nila. Ang iba'y nabenta na, ang iba naman ay pinagkukuha ng mga kamag-anakan namin. Tanging si Evie at ang pamilya lang niya ang tumulong sa akin noong musmos pa lamang ako. Ang mansyong ito ay isang lihim at patagong nakapangalan sa mga magulang ko. Ginawa nila ito dahil sa tingin ko'y alam na nila ang kahahantungan ng pamilya namin bilang isang mafia.
Inilagay ko ang aking baril sa ilalim ng unan na hinihigaan ko. Iyon lang ang tingin paraan para tahimik ang pagtulog ko. Pakiramdam ko mas ligtas ako kung naroon 'yon.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Hinanda ko ang aking sarili tulad nang kahapon. Hindi plantsadong huniporme, naglagay din ako ng kaunting pekeng pekas sa aking mukha at ginulo ang aking buhok.
Malayong-malayo ang eskwelahan sa mansyon kaya kinailangan kong sumakay ng MRT. Sobrang sikip, init, at ang babaho pa ng mga taong nakapalibot sa akin. Tagaktak ang pawis ko nang makarating na ako sa akademya at late na ako ng trenta minutos.
"Hep! Hep!" Hinarang ako ng gwardya nang magtatangka akong pumasok sa gate.
Nahinto ako sa paglalakad at malaking ngumiti. "Good morning guard!"
Mukhang hindi umubra ang ngiti ko, masama ang mukha niya. "Late ka."
"Ahahahaha! Opo! Kasi 'yung nanay ko hindi ako ginising ng maaga. Tsaka kinailangan ko pang hintayin si tatay para bigyan ako ng pamase papunta rito!" Malaking ngiti kong kwento.
Tumaas ang dalawa niyang kilay at pinasadahan ako ng tingin. "Luoya nimo oy!"
"Ho?"
Naawa yata siya sa itsura ko. "Mahirap lang kayo, 'no?"
Mas lumaki ang ngiti ko. "Proud po akong mahirap lang kami! Hahahaha!"
Umiling-iling siya. "O siya, walang kang magagawa. Late ka pa rin at kailangan mong ilista ang pangalan mo rito."
Inilista ko ang pangalan ko sa kwadernong ibinigay niya. Tumuloy ako sa pagpasok sa loob subalit natigil ako sa paglalakad nang sumalubong sa akin ang hilera ng mga lalaking nakaluhod sa initan. Nakataas ang mga kamay nila na para bang pinaparusahan. Sa kanilang harapan nakatayo ang lalaking guro na may hawak na pamalo.
Akma na sana akong tutuloy sa paglalakad nang makita pa ako ng guro na 'yon.
"Aha! Isa ka pang late!" Asik niya na tinutok sa akin ang pamalo.
Napaatras ako at napakamot sa aking buhok. "Ahehe! Sorry po kasi 'yung nanay ko hindi ako ginising ng maaga. Tsaka kinailangan ko pang hintayin si tatay para---"
"No excuses! Get in the line!" Malakas niyang sigaw at tinuro ang mga lalaking nakaluhod sa initan habang nakataas ang mga kamay.
Gusto kong magreklamo subalit naagaw ang atensyon ko sa isang lalaking nakahiga sa likuran. Ang isa niyang braso ay nakatakip sa mga mata niya at ang isa naman ay ginawa niyang unan. Para bang naka-relax lang siya do'n habang ang iba'y ngawit na ngawit na sa kanilang pwesto.
Ryker!
Bumalik sa alaala ko ang naging usapan namin ni Evie kagabi. DNA sibling test para malaman ko kung siya ba talaga ang kapatid ko! Hindi ako makakakuha ng sampol ng dugo niya, at mahihirapan ako sa pagkuha ng laway at kuko niya! Kaya naman.. kailangan ko ng buhok! Buhok niya lang ang madaling kunin mula sa kanya..
"Ano pang hinihintay mo? Pwesto na!" Bumalik ako sa ulirat nang sigawan ako ng guro.
"Opo! Salamat!" Ngumiti muna ako bago sumunod na kinataka naman niya.
Lumuhod ako sa likuran katabi kung saan nakahiga si Ryker. Hindi niya ako napansin, batid kong natutulog na siya! Pagkakataon ko na 'to!
Binaba ko ang sukbit kong bag saka tinaas ang aking mga kamay sa ere. Habang hindi nakatingin ang guro ay palihim kong binaba ang kaliwa kong kamay para abutin ang tsokolateng buhok ni Ryker.
Napapigil ako ng hininga, maingat na maingat na humawak sa dulong buhok niya. Napalunok ako at binigla ang paghugot ng hibla subalit nanlaki ang mga mata ko nang malakas siyang mapadaing!
"Ah!"
Gulantang kong tinaas ang kamay ko sa ere at nagkunwaring sumisipol.
Shoot! Gising pala!
Mariin akong napapikit at nang nagmulat ako ng mata ay palihim ko siyang sinulyapan. Hindi siya gumalaw!
Sinubukan ko ulit na humugot ng hibla. Kinakailangang masama ang ugat sa hibla ng buhok niya para makuha ang DNA niya.
Madiin kong nakagat ang ibaba kong labi at sobrang ingat na pinulupot ang isa kong daliri sa dulo ng kanyang buhok nang sa gano'n ay makakuha ako ng hibla. Mabilis akong humugot pero gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang saluhin niya ang kamay ko!
Gamit ang kamay niyang nakatakip sa kanyang mukha ay mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. Sinubukan niya pang imulat ang mga mata ngunit nasilaw siya ng araw, na naging tiyansa ko para magpumiglas pero hindi niya pa rin talaga pinakawalan ang kamay ko!
Bigla siyang bumangon, naniningkit pa ang mga mata saka ako marahas na hinatak papalapit sa kanya. Gano'n na lang ang bigla ko nang halos madikit ang mukha ko sa mukha niya!
"Who are---you witch!" Gulat din siya nang makitang malapit ang mukha ko!
Akma niya akong itutulak nang mag matigas ako na lalo naman niyang kinagulat. Mabilis akong humawak sa buhok niya at desperadang bumunot ng mga hibla!
"A-Ah!! What are you--stoppp!" Nalukot ang mukha niya, batid kong nasaktan.
"Pengeng buhok, Ryker!!"
"Aahh! Let go of me!! Fuck!"
"Sandali! Ano ba--?!"
Nanlaki ang mga mata ko nang sabunutan niya ang buhok ko!
"S-Shoot--Araaay!!" Gano'n na lang ang hiyaw ko nang alugin niya ang ulo ko!
"Y-You witch!"
Mas napadaing ako nang pareho kaming bumagsak sa sahig! Ako ang nasa ibaba habang siya'y nasa ibabaw ko at patuloy na nakasabunot sa buhok ko!
"P-Punyemas kang bata ka--Ahhh!!!" Inuntog niya ang ulo ko sa semento!!
Humigpit ang pagkakakapit ko sa buhok niya at kung kanina ay balak kong kumuha ng hibla, ngayon naman ay parang gusto ko na lang na makabawi sa sabunot niya!
"Sir! Nag aaway ang dalawa sa likod!!"
"Anak ng!! Magtigil kayo!!"
Halos hindi namin pakinggan ang saway nila! Bumakas ang gulat ni Ryker nang magawa ko siyang itumba sa sahig mula sa aking ibabaw. Ako naman ang pumaibabaw sa kanya at inuntog ang ulo niya gaya ng ginawa niya sa'kin!
"F-Fuck! Get off meee!"
"Kupal ka! Kailangan ko ng buhok----Kyaaah!"
Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko sa hindi inaasahan..
Hinatak niya ang buhok ko pababa sa kanya! Dahilan upang 'yung mukha ko ay mapalapit ng husto sa mukha niya! Gano'n na lang din ang gulat niya nang mapagtanto ang ginawa! Natigilan kami pareho.. rinig na rinig ko ang paglunok niya!
Sa sobrang lapit ay nagkadikit ang mga ilong namin, doon ko lang nakita ng maiigi ang mga mata niyang kulay tsokolate gaya ng kanyang buhok!
Muli kong narinig ang paglunok niya.. nang gumalaw ang mga labi niya ay ganoon na lang ang gulat ko nang maramdaman ko iyon sa labi ko!!
T-Tang--Shooooooot!!
Sa sobrang bilis kong nakakilos ay para bang hangin ako na nakatayo sa pwesto. Habang siya ay naroon pa rin at natigilan sa semento! Dumagundong ang kaba ko at ilang beses na napailing..
No! No! No! No! Nooooo! T-That can't be--
Ngunit ang lahat ng gulat kong 'yon ay nabura nang makita ko ang mga palad kong mayroong mga hibla ng buhok! Napasinghap ako ng hangin at napasulyap kay Ryker na nakaupo na at nakatingala sa akin. Muli akong napatingin sa mga hibla ng buhok niya sa palad ko..
"Y-Yes.. Tagumpay!"