"KAMUSTA pagtatanga-tangahan?" Pagtatanong sa akin ni Evie nang makausap ko siya sa telepono.
"Tsk, fun?" Napalabi ako at iniba agad ang usapan. "Where are you right now?"
Inipit ko ang telepono sa pagitan ng aking tainga at balikat saka sinuot ang itim kong pantalon.
"Here in America, in the famous hospital, where I can get the fastest result of DNA test." Bakas ang pagiging sarkastiko sa boses niya.
Tumaas ang sulok ng labi ko at sandaling nilipat ang telepono sa kabila kong tainga para masuot naman ang itim na jacket. Itinali ko na rin ang buhok ko saka nilagay ang hoodie.
"Let me guess what you are doing," muli niyang pagsasalita.
Napangisi ako. "Yeah?"
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Aalis ka? Pupuntahan mo na naman ang old house niyo?"
"Correct."
"But Naziena!" Tutol agad siya. "Hindi ka na pwedeng pumunta ro'n! Hindi ba't may pasok ka pa bukas sa school bilang Nana? Focus ka muna ro'n!"
Bahagya akong natawa at napailing. "Don't take it too serious. Papasok ako kung kailan ko gusto. I'm 23, Evie, I know what I am doing."
Pinakatitigan ko ang sarili ko sa salamin nang mahanda ko na ang aking sarili. Nakasuot ako ng paburito kong puro itimĀ na kasuotan tuwing lalabas upang hindi makilala. Alam kong may mga taong naghahanap pa rin akin at iyon ang mga tauhan ng Campbell. Kung hindi sila, pumapangalawa naman ang mga kamag-anak ko na may masamang balak sa akin.
Kahit kailan ay hindi ako naging ligtas. Ganitong buhay ang namulatan ko simula pagkabata. Ang tumakbo, magtago, at magpanggap na ibang tao. Tanging si Evie at ang pamilya lang niya ang mapagkakatiwalaan ko. Sila lang ang nakakaalam ng sekreto ko at sila pa mismo ang nagbibigay sa akin ng malaking tulong.
"Bibisitahin ko lang ang kaluluwa ni mama." Pagdadahilan ko pa kay Evie sa kabilang linya.
Mas lumakas ang buntong-hininga niya. "Ang soul ng mama mo ay wala na ro'n. Nasa heaven na 'yon!"
Tumaas ang isa kong kilay. "Heaven? You know my mama, Ev. Paano siya mapupunta sa heaven, e halos lahat ng kasalanan ay nagawa na niya."
"Well, what do you expect me to say? Na nasa inferno na si tita kaya hindi mo na kailangang balikan ang old house niyo?"
Napangiwi ako. "Better." Sinuksok ko sa sabitan ng sinturon ang aking baril. "Bye, Ev. Hang up na ako ah?"
"But Naziena! Ang tigas talaga ng ulo mo! Paano kung mapahawak ka ulit sa pagpunta roon!? Remember last time--"
"Bye!" Binabaan ko na agad siya ng telepono.
Bumaba ako ng apartment at nagtungo sa maduming garahe kung saan ko tinago ang motor ko. Napaubo ako sa nagkalat na mga alikabok sa silid. Mabuti't pinatungan ko ng tela ang aking motor nang sa ganoon ay hindi madumihan at para na rin walang iba ang makakakita. Baka mapag-interesan pa at nakawain.
"Hi, baby!" Lumukso ako upang sakyan 'yon at agad na binuhay ang makina. "I miss riding you."
Sinuot ko ang helmet at walang anu-ano'y pinaharurot ang motor. Ramdam ko ang malakas na hangin na sumasalubong sa akin kahit pa gaano kakapal ang suot kong jacket. Bawat sasakyan na humaharang sa akin ay nilalagpasan ko na para bang nakikipagkarerahan. Ngayon ko na lang ulit nasakyan ang motor kong 'to!
Malakas akong nagpakawala ng sigaw na tinangay lang ng hangin. Ibang iba sa pakiramdam tuwing ginagawa ko ito. Para bang malaya ako sa lahat!
"Whooooooooo!!" Gano'n na lang ang tawa ko pagkatapos na sumigaw. Mas pinaharurot ko pa ang aking motor!
Halos limang oras akong bumyahe at binalot na ng dilim ang kalangitan, batid kong gano'n kalayo ang dati naming bahay mula sa apartment na nirerentahan ko. Sanay na akong bumyahe nang gano'n kalayo magmula pa man noon. Kaya nang marating ko ang lumang bahay ay hindi ko alintana ang pagod. Pinarada ko ang motor sa bakuran saka pinatay ang makita.
Hinubad ko ang aking helmet at napangiti nang tanawin ko ang aming bahay. Sobrang dilim, binabalot na ng itim ang pinturang puti at gano'n na lang kadungis ang bahay. Pinalilibutan ng mga halaman ang aming bakuran at talagang nakakadiri ang mga lupa. May naririnig din akong ingay ng mga palaka at mga kuliglig. Hindi na ako magtataka kung bakit tinatawag na haunted house ito.
Hinakbangan ko lang ang police tape na nakaharang sa pintuan at tuluyan na akong pumasok sa loob. Hanggang ngayon ay hindi pa ito ginigiba ngunit parang isang maling galaw ko lamang ay maaari na itong gumuho. Walang sinuman ang maaaring pumakialam dito sapagkat nakapangalan ito at iniingatan ng pamilya ni Evie hanggang sa ngayon.
Nagsimula akong lumakad sa sahig na puno na pa rin ng mga bubog. Sa loob ng ilang taon ay hindi ito nagalaw, kung ano ang pinangyarihan noon ay gano'n pa rin ang itsura ngayon. Pinasok ko ang kwarto namin kung saan ko huling nakita si mama at si Duziell.
Matagal akong napatitig sa aparador at nagsimula kong maramdaman ang panginginig ng aking katawan. Namuo ang malamig na pawis sa noo ko at dumagundong ang kaba sa dibdib ko. Ngunit bago pa ako tuluyang mawala sa sarili ay iniwas ko na ang paningin ko roon at mariing napapikit.
Humigop ako ng hangin at pinakawalan iyon. Ginawa ko 'yon ng ilang beses hanggang sa makalma ang sarili. Hindi na ako muling tumingin sa aparador at tiningnan na lamang ang sahig kung saan ko huling nakita si mama na nakahiga. Lumapit ako roon at bahagyang lumuhod.
"M-Mama," napalunok ako. Unang salita pa lang ay nanginig na ang aking boses. "Ma.. k-kamusta?"
Pinilit kong ngumiti subalit nabigo akong gawin 'yon. "Hinahanap ko pa rin si Duziell, ma.. alam kong nasa paligid lang siya at sa tingin ko nga nahanap ko na siya.. P-Pero.."
Hindi ko na nagawang ituloy ang sasabihin ko nang may marinig akong yapak ng paa!
Kaagad akong naalerto at mabilis na napatayo sa aking pwesto. Nahugot ko agad ang aking baril at maingat iyong kinasa.
Tinutok ko ang aking baril sa pintuan. Nang ilang sandali pang walang pumasok doon ay walang tunog akong humakbang upang lumabas ng kwarto. Subalit bago pa ako tuluyang lumabas ay bigla na lamang tumalsik ang baril ko!
Gulat akong napatingin sa taong sumipa no'n ngunit sumalubong na sa akin ang malakas niyang kamao!
Gano'n na lang ang pagatras ko at kamuntikan pang matumba! Kaagad akong tumayo at nanlaban nang akto niya akong hahampasin ng baril!
"Aah!!" Malakas ko siyang sinipa sa ibaba at malakas siyang napadaing!
Mabilis akong nakakilos upang kunin ang baril niya at damputin din sa sahig ang baril ko. Parehas ko iyong itinutok sa kanya. Gaya ko ay nalasuot siya ng purong itim subalit pormal ang sa kanya! Isa iyong malaking lalaki at nakatakip ang kalahating mukha ng telang itim.
"Say the name of your org or die!!" Handa ko na sanang kalabitin ang gatilyo ng isang baril subalit nabitawan ko iyon nang may humatak sa akin mula sa likuran!
Buong pwersa nito akong hinagis dahilan upang tumama ang aking ulo sa kalapit na pader! Bahagyang nandilim ang paningin ko at nahilo..
"S-Shit.." hinawakan ko ang ulo at pilit na binangon ang aking sarili.
Nang balingan ko na sila ay nakita kong nakatayo na sila sa harapan ko habang ang mga baril ay nakatutok sa akin! Natigilan ako at naghanap ng anumang bagay na makakapitan.
"You are Naziena De Ayala, aren't you?" Rinig kong tanong ng isa.
Nang makapa ko ang isang bote ay walang pagdadalawang-isip na ibinato ko iyon sa isa sa kanila! Sapul sa ulo!
Nakahanap agad ako ng tiyempo upang makatakbo. Narinig ko pa ang malakas na daing ng isa habang umalingawngaw ang pagpapaputok nila ng baril!
"Aah!" Natapilok pa ako sa pagtakbo!
Iika-ika man ay mabilis akong nakasakay sa aking motor. Nagkandaugaga ako sa pagbuhay ng makina at kamuntikan pa nila akong maabutan!
Nang sa wakas ay maiharurot ko ang motor palayo sa lugar! Hindi ko na nasuot pa ang aking helmet at naiwan pa ang aking baril! Pagkamalas, talagang inaabangan nila ako sa lugar na 'yon!
Nakita nila ang mukha ko.. shit naman!
Mas pinalipad ko pa ang aking motor sa madilim na kalsada. Nilamon na nang dilim ang kalangitan at wala pang mga ilaw sa kalsada. Gayunpaman ay walang tigil ako sa paghataw sa motor.
Ngunit sunod-sunod akong napabusina nang may biglang tumawid sa daanan! Bago ko pa man mapreno ang motor ay malakas na itong bumangga sa kanya!
"F-Fuck!" Ang layo ng ginulong niya sa semento!
Nagdalawang-isip agad ako kung lalapitan ko ba o humarurot na lang ulit. Subalit hindi pa ako nakakapagdesisyon nang nagulat ako dahil bumangon iyon at naupo sa semento habang sapo-sapo ang balikat niya.
"D-Dude.. why you hit me?" Bakas ang pagiging lasing sa boses niya! At tumatawa pa!
"R-Ryker?" Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko.
"T-Take me.." tinaas niya ang isa niyang kamay. "Hospital.."
Akto akong bababa ng motor nang domoble ang gulat ko nang makitang paparating si Colby!
Dali-dali at natataranta kong kinuha ang helmet sa likuran ng motor at isinuot iyon sa aking ulo!
"What the?!" Malakas na sigaw ni Colby at umalalay kay Ryker sa semento.
"L-Leave me alone, loser!" Talagang barag ang boses ni Ryker at pinagtatabuyan siya!
"You're drunk, dude! And you've been hit by a motorcycle!" Malakas na asik ni Colby at bumaling sa akin na kinatigil ko.
Naglakad papalapit sa akin si Colby, magkasalubong ang mga kilay at gano'n na lang ang galit. Inayos ko pa ang aking helmet nang sa gano'n ay hindi niya ako makilala.
"Tumitingin ka ba sa kalsada, pre?" Maangas na dating niyang tanong sa akin. Hindi ako tumugon. "Kung tumitingin ka, bakit hindi mo pa tinuluyan ang isang 'to? Sana sinagasaan mo na."
Nabilaukan ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi niya. Muli akong napabaling kay Ryker na nakahiga na sa semento at nagpagulong-gulong.
Subalit mabilis na naagaw ang atensyon ko sa ingay ng sasakyan na nagmumula sa likuran ko. Napalingon ako roon at naging triple na ang aking gulat!
S-Shit! Sinusundan nila ako!
Muli kong binuhay ang makina at walang salitang nilagpasan sina Ryker at Colby. Muli kong pinalipad ang motor at nagmamadaling tumakas!
Umiba ako ng direksyon at kung saan-saang eskinita ang nilusutan ko upang maligaw ang sasakyang sumusunod sa akin. Nang mapagtagumpayan ay tuluyan ko nang nilisan ang lugar.
Pero.. anong ginagawa ng dalwang 'yon sa lugar na 'to?